Lyra's POV
Napalingon ako sa mga kasama ko upang tignan kung may kaparehas ba ako ng iniisip. Ngunit napatigil ako nang makitang kunot-noong nakatingin sa akin si Lorenzo at maluha-luhang nakatingin naman sa'kin si Yurie habang bahagyang nakangiti.
Kinunutan ko sila ng noo.
'Why is she smiling?' napakagat ako sa ibabang labi nang mapagtantong hindi ko pala napigilan ang ngiti ko dahil sa kalokohang naisip ko kanina.
'Shemz. Buti hindi napansin ni sir. Kundi lagot ako.' inilipat ko naman ang paningin kay Yurie dahil sa paninitig nito sa'kin.
'Sabi na eh! Kaibigan talaga ang turing mo sa'kin Lyra! Huhu! Niligtas mo 'ko! Ay lab yu na!' mas kumunot ang noo ko sa sinabi ni Yurie sa isipan niya. Ang tinutukoy niya siguro ay iyong paghagis ko ng bakal do'n sa lalaking dapat ay susugod sa kaniya.
'What?! Na misinterpret niya 'yung action ko?! Tss.' napailing ako tsaka muling nakinig kay sir. Hindi ko naman 'yon ginawa dahil kaibigan ang turing ko sa kaniya. Ginawa ko 'yon dahil ayaw kong nakakakita ng lalaking nananakit ng babae. Kumukulo dugo ko kahit isipin pa lang 'yon. Bukod do'n, naiinis ako sa napaka unreasonable na side nila Arianne kaya kumampi ako kila Lorenzo. Ito si Yurie napaka delulu eh.
"Pasalamat kayo at kailangan ko ng umalis kaya si Mrs. Lacosta ang magbibigay ng parusa sa inyo!" inis na sigaw ni sir bago umastang lalabas ng guidance office. Tinignan ko pa muna siya upang alamin kung anong dahilan kung bakit kailangan na niyang umalis.
'Put*ng-in*ng babae 'yon! Ano bang pumasok sa kukote mo Kim?! Ba't siya pumunta sa bahay?! Baka maabutan siya ng misis ko! Hindi marunong lumugar! Alam niya namang kabet siya!' hindi ko na narinig ang kasunod no'n dahil tuluyan na siyang nakalabas.
'Another dark secret unlocked!' napangisi ako tsaka patagong kinuha ang cellphone sa bulsa. 'Kim pala ha.' nakangising binuksan ko ang phone ko tsaka pumunta sa notes app.
Isa ito sa sikretong ginagawa ko. Isinusulat ko lahat ng mga dark secrets ng mga tao sa paligid ko para once na hindi ko magustuhan ang ginagawa nila at ubusin nila ang pasensiya ko, may pang blackmail ako.
Hindi lingid sa kaalaman ko na hindi tama ang ginagawa kong ito. Sadyang gusto ko lang mapakinabangan ang kakayahan ko. Hindi patas ang mundo, gano'n na rin ang mga tao. Kaya't tama lamang para sa akin na hindi rin ako maging patas lalo na't ganito ang kakayahang mayroon ako.
Nang matapos kong isulat sa notes ng cellphone ko ang pangalan ni sir at ang sikreto niya ay ibinalik ko ang paningin sa kanila.
Naka upo na si ma'am Lacosta sa pwesto niya na animoy nag-iisip. "Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa'yo Elowen." sabi nito nang hindi tumitingin sa'kin. Namomroblema ang tono ng boses niya."Akala ko ba ay magtitino ka na? Bakit pabalik-balik ka na naman dito?" matapos niyang itanong iyon ay saka niya ibinaling ang seryosong tingin sa'kin.
Sasagot na sana ako nang magsalita si Yurie. "M-ma'am. Wala po s-siyang kasalanan... N-niligtas niya lang po kami." sabat niya na ikinalingon ko naman. Nakatingin siya kay ma'am ngayon habang pasulyap-sulyap sa'kin na parang hindi alam kung pa'no magpapaliwanag.
'Seriously? Talagang paniniwalaan niya 'yan?' napailing ako sa isipan bago ibinaling ulit kay ma'am Lacosta ang paningin at hindi na lang nagsalita.
"Kahit pa. Kung gusto niya talagang makatulong nang maayos ay dapat, tumawag na lang siya ng guro! Ang lapit-lapit ng office ni Sir Torres at ni Ma'am Barja sa garden! Bakit kailangan niya pang idawit ang sarili niya sa gulo ng iba?!" malakas ang boses na tanong ni ma'am bago inirapan si Yurie na ngayon ay napayuko na lamang at hindi na nakasagot.
"Sinong nagsimula nang gulo at bakit humantong sa ganitong may nawalan na ng malay?" biglang tanong ni ma'am nang wala nang magsalita.
Napayuko sila Arianne at 'yung mga lalaki dahil do'n.
"Miss Arianne right here starts it ma'am." seryosong sabi ni Lorenzo.
"Aba'y gag----"
"WATCH YOUR WORDS MR. CASTRO!" biglang putol ni ma'am sa biglaang pagmumura nung lalaking malaki ang katawan. Kuya yata nung Arianne base sa nabasa ko sa isip ni Arianne kanina kung saan sinasabi niyang halimaw daw sila dahil sinaktan nila 'yung kuya niya.
"Eh ma'am, ga** 'tong mokong na 'to eh! Niloko niya ang prinsesa namin!" napakagat ako sa pang-ibaba kong labi dahil sa pagpipigil nang tawa.
'Prinsesa? Pfft---!' pasimpleng pinatong ko ang siko ko sa aking tuhod tsaka pinatong ang baba ko sa kamay ko upang takpan ang bibig ko.
"Tapos siya pa itong aakto na parang wala siyang ginawang mal-----!" pagpapatuloy niya.
"I'm not her boyfriend for f**k sake!" biglang sigaw rin ni Lorenzo na ikinagulat ko.
'Mukhang nauubos na ang pasensiya niya sa Arianne na 'to!' komento ko tsaka sinulyapan ng tingin si Arianne na nakayuko lang habang sumisinghot-singhot na parang tanga. Ibinalik ko ang tingin kay Lorenzo tsaka binasa ang isipan niya.
'They're pissing me off! Ano bang mahirap intindihin sa HINDI KO SIYA GIRLFRIEND?! Ano ba kasing kinakalat nitong babaeng 'to to the point that everyone thinks she's my girlfriend?!' inis na inis pang saad nito sa isipan.
Umayos ako nang upo at nag cross arm. 'I knew it. Nauubusan na siya ng pasensiya. Ikaw ba naman magkaro'n ng girlfriend nang hindi mo nalalaman eh. Tapos ito pang baliw na Arianne na 'to? Tignan na lang natin kung hindi ka mapikon.' naiiling na komento ko na naman.
Humagulgol ng malakas si Arianne matapos sabihin ni Lorenzo iyon. Nabalisa naman agad ang kuya nito tsaka ito niyakap. "Shhh... Shhh... Nandito ang kuya... 'Wag ka nang umiyak hmm? Babasagin ko mukha nang ga**** 'yan. Shh..."
Napangiwi ako tsaka sila tinapunan ng mapanghusgang tingin. 'Seriously?! Ano 'yan? 5 years old?'
"That's it! Hindi niyo na ginalang ang office na 'to! Lahat kayo ay mapaparusahan!" biglang sigaw ni ma'am.
"But ma'am. Yurie and Ms. Elowen didn't do anything to be punished. Nadamay lang po sila." biglang saad ni Lorenzo. Na ta-touch na napangiti ako dito kahit na alam kong may ginawa din talaga 'ko kaya ako mapaparusahan.
Inilahad ni Lorenzo nang detalyado ang lahat ng nangyari. Minsan ay sumasabat ang grupo nila Arianne at kaming dalawa ni Yurie para mas mailahad ng maayos ang pangyayari o di kaya'y pagtanggol ang sarili.
Ngunit sa kalagitnaan ng paglalahad ay napatalon ako sa gulat nang biglang may marahas na bumukas ng pinto dahilan upang gumawa ito nang malakas na ingay.
"Yurie!" nagmamadaling lumapit ang isang matangkad na lalaki kay Yurie. Kulay asul ang pamilyar na mata nito. Hinawakan niya ang braso ni Yurie na parang tinitignan kung may galos ba siya.
'Parang nakita ko na siya dati...' naitagilid ko pa ang aking mukha na parang pinag-aaralan ang hitsura niya. 'Pamilyar talaga eh.'
"A-ayos ka lang Yurie?! Enzo!" biglang baling niya kay Lorenzo. "Bakit hinayaan mong madamay si Yurie?! Ano ba naman bro!" inis na sabi nito.
Sinulyapan ko si ma'am nang bahagyang tumaas ang boses nung blue eyed guy para tignan ang reaksyon nito. Nakataas ang kilay nito habang nagpapalipat-lipat ng tingin kila Yurie.
"A-ayos na ako Damian. H-huminahon ka. Walang kasalanan si L-lorenzo..." saad ni Yurie.
'Badtrip! Naka-dalawang balik na si Yurie dito kasama si Enzo! Parang ang dating eh dinadamay niya si Yurie sa mga kalokohan niya!' sabi nung Damian daw sa isip.
Napangiwi ako sa paninisi niya kay Lorenzo. 'Magkaibigan sila pero ganiyan ang iniisip niya? Tsk tsk tsk tsk.' napapailing na sabi ko. Na banggit kasi ni Yurie na baka daw mag-away pa silang magkaibigan dahil sa kaniya. Kaya nalaman kong magkaibigan sila Lorenzo at iyang Damian.
"Ano na naman ba 'to Enzo?! Kahapon, kasama ka rin niya dito ah? Bakit ba dinadamay mo si Yurie sa mga kalokohan mo?!" nanlaki ang mga mata ko nang sabihin niya kay Lorenzo kung anong na sa isip niya!
"Omygee..." naibulong ko.
---