8 | Team Fight

1258 Words
Lyra's POV "Sa likod mo!" malakas na sigaw ko at napatigil pa sa pagkain habang nakaturo ang point finger ko sa lalaking sumulpot sa likod ni Lorenzo. Mas nagulat pa ako nang biglang hampasin nung BABAENG SUNOD NG SUNOD SA AKIN iyong leeg nang lalaking dapat ay aatakihin si Lorenzo mula sa likod gamit ang PALA! Hindi ko manlang napansin na wala na siya sa tabi ko! Ang bilis niyang kumilos! "Woaah!" manghang sigaw ko nang maknock-out niya agad ito! "Pero 'di naman kaya siya mae-expelled pag 'di na gumising 'yan? I mean, 'pala' kasi 'yon." Bulong ko tsaka kumagat ulit sa tinapay. "Get lost Yurie!" sigaw ni Lorenzo nang makita iyong babae. "So Yurie pala ang pangalan niya." tatango-tangong bulong ko. "H-hindi! 'Di ko hahayaang saktan ka n-nila!" sigaw ni Yurie sa kabila nang takot na nararamdaman. Mahigpit ang hawak nito sa pala at tinututok iyon sa mga nagtatangkang lumapit. Halatang-halata pa ang panginginig ng kamay niya sa tuwing inaangat niya iyon. Sumulyap saglit si Lorenzo kay Yurie bago patalong sinipa sa tiyan 'yung isang lalaking sasapakin na sana siya. Napaupo sa lapag 'yung lalaki sa lakas ng sipang 'yon. Namangha ako nang walang tinginan niyang sinipa 'yung isa pang lalaking nasa likod niya. Hindi man gano'n kalakas ang sipang 'yon kumpara do'n sa nauna pero sapat na 'yon para mapaatras 'yung lalaki at makabuwelo si Lorenzo para humarap doon bago ito sapakin. 'Yari ka ngayon sa'king babae ka!' Napalingon ako sa direksyong pinanggagalingan ng isip na iyon. "Lorenzo! Si Yurie!" sigaw ko nang may lalaking patakbong lumapit kay Yurie. Agad namang hinila ni Lorenzo si Yurie sa pulsuhan bago sinapak pataas sa baba nung lalaki! "WOOOH!!! GOO LoRie!!!" natutuwang sigaw ko dahil hindi man lamang sila masugatan ng mga kalaban! Mahihina! Team LoRie for the win! 'Tatadyakan kita sa likod!' "Sa likod mo Loren----- ah!" napatigil ako sa pagsasalita ng biglang may humampas sa kamay ko kung saan hawak ko 'yung PAGKAIN ko na ngayon ay NASA LAPAG na! Napatulala ako do'n sa tinapay na tinapakan pa nung humampas sa akin bago akmang hahampasin muli ako! Nanlilisik ang mga matang buong lakas na hinugot ko mula sa kaniya iyong pahabang bakal na hindi ko alam kung saan niya nakuha bago iyon ihinampas sa braso niya. Ngunit napaatras ako nang hindi sa braso tinamaan si Arianne kundi sa gilid ng noo niya! Hindi ko nakita at nahulaan kung gaano kahaba 'yung bakal na inagaw ko lang kay Arianne kaya nang subukan ko itong ihampas sa braso niya ay tumama ang dulo noon sa lapag at tumama ang gilid no'n sa gilid ng noo ni Arianne. "Aaah!" sigaw ni Arianne kasabay nang pag-upo sa lapag. Hindi gano'n kalakas ang hampas ko ngunit vital part ang tinamaan kaya gano'n na lamang ang impact sa kaniya. Bahagyang kinabahan ako dahil do'n. Hindi ko nakontrol ang tatamaan dahil hindi ko na anticipate ang haba nito. Saan ba kasi niya nakuha 'tong bakal na 'to?! Saglit na nawala kay Arianne ang atensyon ko nang marinig ko ang sigaw ng isang lalaki sa isipan niya. 'Sasabunutan kitang babae ka!' Agad akong napalingon doon at nakita kong papalapit na ito kay Yurie na ngayon ay takot na takot habang nakahawak ang isang kamay sa laylayan ng damit ni Lorenzo. Ang isang kamay niya ay mahigpit na nakahawak sa pala na ngayon ay hindi na niya maitaas dahil sa bigat nito. Inangat ko ang hawak-hawak kong bakal tsaka buong lakas na hinagis ito sa direksyon nung lalaking pasugod kay Yurie. Tumama ito sa braso niya at gumawa nang malakas na ingay noong malaglag. Mukhang hindi na apektuhan iyong lalaki sa paghagis ko ngunit nakuha no'n ang atensyon nila LoRie. Short for Lorenzo and Yurie! Fan na 'ko ng love team nila! Bagay sila! Agad na sinapak ni Lorenzo 'yung lalaki na ngayon ay napahiga sa lapag habang nakahawak sa parte kung saan siya sinapak ni Lorenzo. Ngayon ko lang rin napansing lahat ng kalaban nila ay nakahiga na sa lapag. Gano'n na rin pati 'yung paborito kong tinapay! Muling bumalik ang magkahalong gutom at inis sa sistema ko. Dahil do'n ay inis na ibinaling ko doon sa Arianne ang paningin ko. Nakahawak pa rin ito sa noo niya habang nakaupo sa lapag na animoy hilong-hilo. Lumapit ako sa kaniya. "Bilhan mo 'ko no'n." utos ko na itinuro pa 'yung tinapay. Tinaasan ako nito ng kilay habang naluluha ang mga mata. 'Si-sinaktan niyo si kuya! Mga halimaw!' pigil ang luhang sabi niya sa isip habang iniinda pa rin ang sakit ng ulo niya. "W-why would I?!" pagmamatapang niya. "Kase sinayang mo 'yon! Alam mo bang nakaka dalawang kagat pa lang ako do'n ha?!" galit na sigaw ko at patulak na tinuktok pa ang noo niya. "S-stop! Wala akong pak-----" "WHAT IS HAPPENING HERE?!!!" Napalingon ang lahat sa lalaking biglang sumigaw maliban sa akin. Mas lamang ang galit na nararamdaman ko ngayon kaysa sa takot na maparusahan kaya ipinagpasawalang-bahala ko ang sigaw na 'yon. Paborito ko 'yon! Sinayang niya! 'S-si sir T-torres!!!' sabay-sabay na sabi nilang lahat sa isip. Siya ang kinakatakutang guro dito sa school dahil sa sobrang strict. Pero dahil sa inis ko ay hindi ko siya pinansin. "Anong wala kang pakialam?! Bilhan mo ko! Sayang 'yon! Dalawang kag---- bitawan mo ko! Sisipain ko yang ba-----" pagpupumiglas ko pa nang bigla akong hilahin ni Yurie noong akmang tutuktukin ko muli ang noo nung Arianne. "GO TO THE GUIDANCE OFFICE NOW!" nakakapanindig balahibo pang sigaw nito na dali-dali naman nilang sinunod. Binuhat nung dalawa 'yung isang lalakeng nawalan ng malay at dadalhin yata sa clinic. Tinulungan naman nung boss si Arianne sa paglalakad. "Bitawan mo ko sabi Yurie!" inis na sigaw ko nang halos kaladkarin na ako ni Yurie dahil sa pagmamadaling maglakad. "W-wag kang maingay Lyra! B-bibilhan na lang kita no'n mamaya. Si sir Torres 'yon oh!" pabulong na sigaw niya sa akin habang hinuhugot ako papuntang guidance office. 'Grabe. Hindi ko alam kung mamamangha ba 'ko sa katapangan ni Lyra o matatakot na! Hindi ba siya takot kay Sir Torres?!' dinig kong sabi ni Yurie sa isipan niya. 'Tss. Tao rin lang naman 'yang si Sir Torres kagaya natin, ba't kailangan siyang katakutan?' Nang makarating ay inis na umupo kaagad ako. Wala pa si ma'am Lacosta pero halatang kinakabahan na sila. 'Hindi pa tapos 'yung punishment ko, madadagdagan na naman?! Hindi pa ba sapat 'yung punishment na hindi ko nakain 'yung paboritong tinapay ko?!' inis na sabi ko sa isipan. Nang dumating si Sir ay tumayo kaming lahat. "ANO BANG GINAGAWA NIYO SA MGA BUHAY NIYO HA?!" malakas at malalim ang boses na sigaw niya tsaka tinignan kami isa-isa. "Ga-graduate na kayo ng high school pero kung umasta kayo ay para kayong hindi nag elementarya! Kagagaling niyo lang dito kahapon, nandito na naman kayo?! Aba! Ginawa niyo nang tambayan ang Guidance office!" Nakayuko lang ang lahat sa panenermon niya. Na nanakit na ang tenga ko sa sobrang lakas ng sigaw niya. Idagdag mo pa na malalim iyon kaya parang nag v-vibrate iyong tainga ko habang pinakikinggan siya. Pasimpleng inayos ko ang headphones ko nang mapapikit si sir sa inis. "Kapag bumalik pa kayo dito, wala na kaming choice kundi i-kick out kayo! 'Yang mga alitan niyong 'yan, 'wag niyong dalhin sa loob ng paaralan! Gawin niyo sa labas kung hindi niyo mapigilan!" 'Sa loob ng school lang po kami nagkikita sir. At sa loob din nag umpisa. Ba't pa namin gagawin sa labas?' pamimilosopo ko sa kaniya sa isipan na nagpawala sa inis ko. Dahil doon ay pigil na pigil ko ang pagtawa. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD