bc

Sexy Seven Series #3: Tame Me

book_age18+
1.0K
FOLLOW
3.5K
READ
one-night stand
second chance
friends to lovers
badgirl
sensitive
brave
confident
drama
bxg
heavy
like
intro-logo
Blurb

Naging palaban na sa buhay si Cammi Lace Protacio matapos niyang umalis sa puder ng kaniyang ina kasama ang kaniyang amain. Binuhay niya ang sarili niya nang siya lang at napatunayan niyang kaya niya sa loob ng mga taong mag-isa lang siya. Habang si Veron Fritz Lim naman na isang myembro ng sikat na boy group na Sexy Seven ay taliwas ang buhay sa pagiging malaya, nakakulong siya sa mga kamay ng kaniyang mga magulang. Inakala ng mga ito na hindi niya kayang mag-isa. Ang buong kapalaran niya ay nakasalalay sa kamay ng mga magulang niya.

Magtatagpo ang kanilang mga landas sa isang aksidente kung saan nasagasaan ni Cammi ng kaniyang motorsiklo ang lasing na si Veron. Handang panagutan ni Cammi ang kaniyang nagawa, ngunit nang malaman niyang sikat na myembro ng isang boy group si Veron, kaagad niya itong iniwan matapos bayaran ang bills.

Ngunit dahil sa kagustuhan ni Veron na makilala ang taong nakabangga sa kaniya, hinanap niya si Cammi sa pamamagitan ng koneksyon. At nang mahanap niya ito, humanga siya sa angking katapangan ni Cammi na wala siya.

Naging magkaibigan sila, naging sandalan ni Veron si Cammi sa mga araw na malungkot siya dahil sa higpit ng kaniyang mga magulang. Ngunit sa kabila no'n, hindi naging tapat si Cammi sa kaniyang nakaraan. Isang masalimuot na nakaraang pilit nitong tinakasan.

Will Veron be able to accept Cammi's dishonesty?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE:
PROLOGUE: "TOTOO BA? TOTOO BANG ANAK ka ng isang adik?" Ito na nga ba ang sinasabi ko. Sinubukan ko namang itago, sinubukan ko namang gawin ang lahat huwag niya lang malaman ang nakaraan ko pero. . . siguro nga at walang sikretong maitatago habambuhay. "V-veron, hindi ko naman sinasadyang itago sa 'yo. N-natatakot lang ako sa magiging reaksyon mo kung sakaling—"Hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita. "Ilang kasinungalingan pa ba ang itatago mo sa akin? Masaya ba na ikinukwento ko sa 'yo ang buhay ko habang ikaw, tinatago mo ang pagkatao mo?" Galit ang mga mata niyang nakapukol sa akin. Iyong mga mata niyang palaging masaya sa tuwing nakatingin sa akin, ngayon ay nababalutan na ng galit. "H-hindi naman sa gano'n, t-takot lang talaga ako." Yumuko ako habang unti-unting nararamdaman ang paghilam ng mga mata ko. Unti-unti nang binabalot ng kaba at takot ang dibdib ko. Kaba na baka ito na ang huling pagkakataong makasama ko siya at takot na baka hindi niya na ako mapatawad pa. "Takot ka saan? Kung kaibigan talaga ang turing mo sa akin, hindi ka dapat nagtago. Hindi mo sana itinago ang tungkol sa 'yo!" Sinubukan kong abutin ang kamay niya pero hindi niya ako hinayaan. Nanginig ang labi ko roon hanggang sa napahagulgol na ako. "T-takot akong mawalan ng kaibigan," sagot ko. "I-ikaw na lang ang kaibigang mayroon ako. . ." "Kaibigan mo ako pero hindi mo ako p-pinagkatiwalaan?" Halos pumiyok ang boses niya sa tanong na iyon. Natigilan ko. Unti-unti akong nag-angat ng tingin sa kaniya. Pulang-pula ang mukha niya nang dahil sa galit. Ang makakapal niyang kilay ay magkarugtong na. Namumula na rin ang mga mata niya, halatang ano mang oras ay iiyak na siya. Hindi ko siya kailanman nakita na ganito kagalit, ngayon lang. Ginulo niya ang buhok niya at saka nag-iwas ng tingin sa akin. "Hindi ko matanggap na tinuring kitang kaibigan. Na sinabi ko ang lahat ng tungkol sa akin at ang mga sikreto ko. Habang ikaw, hindi ka nagtiwala. . ." "V-veron, alam kong hindi naman talaga katanggap-tanggap na magkaroon ng kaibigang anak ng adik at pusher ng drugs pero sana isipin mo rin na hindi madali sa akin na aminin sa 'yo." Muli niyang ibinaling ang tingin sa akin. Igting ang mga pangang humakbang siya palapit. "Hindi ako nagagalit sa 'yo dahil anak ka ng isang drug pusher. Wala akong pakialam kahit na kaninong anak ka pa dahil hindi naman sila ang kaibigan ko, kundi ikaw!" Umawang ang labi ko sa sinabi niya. "Nagagalit ako dahil hindi ka nagtiwalang sabihin sa akin ang totoo. Hindi ka nagtiwalang tatanggapin kita kahit na ano pa ang nakaraan mo. Minaliit mo ako, Cammi! Minaliit mo ako bilang kaibigan." At tuluyan na niya akong tinalikuran. Pilit kong isiniksik sa makipot kong utak ang mga sinabi niya. At tama nga siya, hindi nga ako nagtiwala sa kaniya kahit pa ramdam kong ibinigay niya ang buong tiwala niya sa akin. Pero. . . sapat na rason ba 'yon para basta na lang akong bitiwan?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
455.9K
bc

Married to a Hot Magnate

read
357.0K
bc

One Last Cry for a Mafia Boss (Tagalog Story)

read
581.1K
bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

read
534.1K
bc

THE RING_MAFIA LORD_SERIES 7

read
273.1K
bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
562.9K
bc

Billionaire's Secret Affection (Tagalog)

read
259.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook