bc

SENSUAL REVENGE (WILD FANTASY SEQUEL: FILIPINO)

book_age18+
172
FOLLOW
1K
READ
HE
fated
powerful
boss
drama
bxg
city
friends with benefits
polygamy
like
intro-logo
Blurb

WARNING: (R18) STORY WITH MATURE/EXPLICIT CONTENT (WILD FANTASY SEQUEL)

Mula pagkabata ay si Lana lang ang babaeng pinangarap ni Marius. Iyon ang dahilan kaya hindi niya ito iniwan at nagawa niyang mahalin ang anak nito na si Andrea.

Pero gumuho ang lahat sa kaniya nang piliin ni Lana si Andrew, ang ama ni Andrea.

Nilamon ng galit ang dibdib ni Marius para kay Andrew at pinagplanuhan niya ang paghihiganti rito sa pamamagitan ni Samantha, ang napakagandang bunsong kapatid ng lalaki.

Ang paibigin, iwan at saktan si Samantha, iyon ang totoong plano niya at hindi kasama roon ang ma-in love sa dalaga.

chap-preview
Free preview
"PROLOGUE"
"NINONG MARIUS!" iyon ang pamilyar subalit maliit na tinig na narinig ni Marius habang naglalakad siya sa isang mall. Pagkagaling kasi niya sa trabaho ay dito siya nagtungo para bumili ng mga kailangan sa isang bookstore. "Ninong! Ninong Marius!" noon na nga sinimulang hanapin ng binata ang tinig na talagang nagdala ng kakaibang haplos sa damdamin niya. "Andrea?" nang mamataan ang isang batang ngayon ay tumatakbo palapit sa kanya at nagmula sa loob ng isang toy shop ay maluwang na napangiti ang binata. "Andrea, baby!" aniyang tumalungko at mahigpit na ikinulong sa mga bisig niya ang batang babae na sa loob ng buwan ay pinananabikan niyang makita pero pinipigilan niya. "Sinong kasama mo?" ang agad niyang naitanong nang bumitiw mula sa pagkakayakap sa kaniya ang bata. "My Tita Sam!" ang masiglang sagot ng bata saka nilingon ang likuran napinanggalingan nito kanina. Noon mabilis na parang huminto ang mundo ni Marius nang mamataan ang aminin man niya o hindi ay siyang pinakamagandang mukha na nasilayan niya. Hindi niya alam kung bakit pero iyon ang totoo at ayaw niyang magsinungaling sa sarili niya, o mas tamang sabihing hindi niya kayang magsinungaling sa sarili niya. Napakaganda nito sa suot na simpleng tan na t-shirt at kulay lumot na walking shorts na ang haba ay parang binigyan lang siya ng pagkakataon mamalas ang pinakamagaganda at makikinis na hita at mahahabang binti na nakita niya sa buong buhay niya. Maganda, napakaganda. At lalong naging kaakit-akit ito sa paningin niya dahil sa brown at kulot nitong buhok. Matangos ang ilong, makipot na labi na pinahiran ng manipis na lipstick at makinis at maputing kutis. Napansin niyang malaki ang pagkakahawig nito kay Andrea kaya agad na nagkaroon ng paghihinala ang binata. "Hello" ang dalaga nang makalapit ito sa kanya. Sa simpleng outfit nito ay talagang parang nawawala na siya sa sarili niya. Napakaganda ng katawan nitong balingkinitan at bumagay sa taas nito na marahil ay nasa pagitan ng five-six to five-eight. Naka-doll shoes lang ito pero matangkad itong tingnan dahil sa mahahaba nitong binti na perpekto ang hugis. Mabilis na gumana ang isipan ni Marius. Ngumiti siya sa babae saka inilahad ang kamay rito. "Hi, Marius, Ninong ako sa binyag ni Andrea" pagbibigay alam niya saka hindi napigilang bigyan ng isang marahang pisil ang maliit at malambot na kamay ng babae. Tumawa ito ng mahina saka sa matalinong paraan ay binawi ang sariling palad mula sa kaniya. "Sam, Samantha Scott. Kapatid ako ni Andrew, nabanggit na nga ni Lana sa akin ang tungkol sa'yo at masaya akong makilala ka" naramdaman niya ang sinseridad sa tono ng magandang babae at lihim na ikinatuwa iyon ng binata. "Di ba Ninong Marius my Tita Sam is beautiful?" si Andrea na kinabakasan ng pagmamalaki sa tono. Narinig niya ang pino ang mahinang tawa na pinakawalan ni Sam at nagustuhan niya iyon. Pagkatapos ay nakangiti niyang hinarap muling si Andrea saka sinagot ang tanong nito. "Yes, very beautiful baby, magkamukha kayo kaya pareho kayong maganda" pagsasabi niya ng totoo. Sa sinabing iyon ay agad niyang binigyan ng isang malagkit na titig si Sam na nakita niyang naging dahilan ng mabilis na pag-ilap ng mga mata nito kasabay ng mabilis na pamumula ng mga pisngi. Noon agad na sinamantala ni Marius ang pagkakataon. "Pauwi na ba kayo?" aniyang nanatiling kay Sam nakatingin. Nakita niyang kumibot ang makikipot at mapupulang labi ni Sam. "A-Actually kakain kami ni Andrea, nagugutom na raw siya eh." Parang musika sa pandinig ni Marius ang narinig niyang panginginig sa boses ng magandang babae kaya muli sinamantala na naman niya iyon. "Good, nagugutom rin ako. Okay lang ba kung sasama ako sa inyo?" Si Andrea ang mabilis na sumagot sa tanong niyang iyon nang may excitement sa tinig. "Yes Ninong!" anito. Tumawa ng mahina si Marius saka tinitigan muli ng malagkit si Sam. "Well?" aniya sa tono na alam niyang mababalisa ng husto ang babaeng kaharap at hindi nga siya nagkamali. "O-Okay" anitong tipid siyang nginitian pagkatapos. Sa isip ni Marius habang sinisundan niya sa paglakad ang magtiyahin ay unti-unti naring nabubuo sa isipan niya ang isang plano na alam niyang magtatagumpay siya. "Gaganti ako Andrew. At titiyakin ko na masasaktan ka sa gagawin ko" ang likurang bahagi ng isipan niya. "MABUTI naman at pumayag ka nang makipagkita sa akin ngayon" si Lana na maganda ang pagkakangiting iniabot ang wedding invitation kay Marius. Ngumiti ang matalik na kaibigan niya saka iyon tinanggap. "Mahalaga sa akin ang pinagsamahan natin Lana. Mahal ko din si Andrea, enough na ang lahat ng iyon para isantabi ko ang kung anumang nararamdaman ko para sa iyo" sagot ni Marius. Nagkibit ng balikat niya si Lana saka tumawa ng mahina. "May makikita kang mas higit sa akin, alam ko iyon. Mabait ka at gwapo, matalino, ang lahat nalang nasa iyon, siguro hindi lang talaga natuturuan ang puso kaya hanggang doon lang ang kaya kong ibigay para sa'yo" sagot ng dalaga. "Partner ko pala ang kapatid ni Andrew?" amusement ang naramdaman ni Lana sa sinabing iyon ng matalik niyang kaibigan. "Oo," aniyang dinampot ang tasa niya ng kape saka humigop. "nasabi nga niya sa akin na aksidenteng nagkita pala kayo noong isang buwan?" Tumango-tango si Marius. "Oo, napakaganda niya. Kamukhang-kamukha ni Andrea" hindi nakaligtas sa pandinig ni Lana ang matinding paghanga sa tono ng pananalita ni Marius. "Crush mo?" tukso ni Lana nang hindi makatiis. Noon siya tinitigan ng tuwid sa mga mata ni Marius. "Okay lang ba kung pormahan ko siya kung sakali? What do you think? Bilang hipag niya, gusto mo ba ako para sa kanya?" Pumalatak si Lana. "Huwag kang sa akin magpaalam, kay Sam mo sabihin iyan," aniyang hindi napigilan ang mapahagikhik. Mahinang tawa ang naglandas sa lalamunan ni Marius saka inubos ang lamang kape ng tasa nito. "I have to go, may tinatapos pa kasi akong trabaho" anitong tumayo na pagkatapos. "Mag-iingat ka sa pagmamaneho," paalala pa niya na tumayo saka hinalikan sa pisngi ang binata. "Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ni Marius. Umiling siya. "Mamayang kaunti, susunduin ako ni Andrew" sagot niya. Tumango lang si Marius saka na siya iniwan.    

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
127.0K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
91.0K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.1K
bc

The Sex Web

read
132.1K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
37.2K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.5K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
34.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook