EAT 09

2022 Words
        GANOON na lang ang tuwa ni Miss Melendez nang siya ang manalo sa bidding para sa espesyal na putahe ni Antonia para sa Big Event. Isang taon na siyang customer ng restaurant ni Antonia at nang malaman niya ang tungkol sa Big Event ay sinabi niya sa sarili na siya ang mananalo. At nangyari naman ang sinabi niya. Anak siya ng isa sa pinaka mayaman na negosyante kaya alam niya na makakaya niyang gawin iyon. Matapos niyang mabayaran si Antonia ng twenty million pesos gamit ang isang cheke ay dinala na siya nito sa basement sa restaurant nito. May isang pinto sa basement at doon siya nito ipinasok. Meron doong isang maliit na lamesa na may kulay pulang table cloth at isang upuan. Kahit hindi pa sinasabi ni Antonia ay umupo na siya doon. “Binabati kita, Miss Melendez. Unang beses ninyong um-attend ng Big Event pero nanalo na agad kayo,” masayang turan ni Antonia sa kaniya. Inalis niya ang kaniyang mask at nahandtad ang maganda niyang mukha. Matangkad siya at payat at kabilang sa diet niya ang pagkain sa restaurant ni Antonia. “Masanay ka na dahil every year ay sisiguraduhin kong ako na ang mananalo simula ngayon!” Mataray niyang turan. “Nasaan na ba iyong espesyal na putahe? Dalhin mo na dito dahil nagugutom na ako!” “Maupo ka lamang diyan, Miss Melendez at aking dadalhin na.” “Alangan naman na humiga ako dito, `di ba? Bilisan mo na. Ang dami mo pang sinasabi diyan!” Maarte niyang itinirik ang mata. Hindi na nagsalita pa si Antonia at umalis na ito ng silid na iyon. Naiinis na siya dahil hindi pa pala dala nito ang espesyal na putahe kaya hindi niya napigilan ang sarili na tarayan ito. Mukhang naramdaman yata ni Antonia na naiinis na siya kaya bumalik agad ito na dala ang isang tray na may pang-cover pa sa pagkain. Maingat nito iyong ipinatong sa gitna ng lamesa. Umalis ulit ito at pagbalik ay may dala itong isang bote ng wine, wine glass, mga kubyertos at isang kulay gintong pinggan na maayos nitong inilagay sa kaniyang harapan. “Handa ka na ba para sa espesyal na putahe, Miss Melendez?” tanong pa ni Antonia. “Really, Antonia? Tatanungin mo pa talaga ako ng ganiyan? Of course! Kaya nga ako nandito dahil ready na ako. Buksan mo na iyan because I already paid for that! My God!” Huling-huli niya ang pag-irap ni Antonia sa kaniya pero pinalampas na lang niya iyon. Marahang inalis ni Antonia ang cover at agad niyang naamoy ang nakakabaliw na aroma ng pagkain na nandoon. Halos mabaliw siya sa amoy pa lang kaya nasisiguro niyang masarap talaga ang espesyal na putahe. At nang tuluyan nang lumantad sa kaniya ang espesyal na putahe ay natulala siya doon at tila hindi makapaniwala sa kaniyang nakikita. Muling nagsalita si Antonia para ipaliwanag sa kaniya ang pagkain na nabili niya sa halagang twenty million pesos. “Ang espesyal na putahe para sa taon na ito ay gawa sa sariwang katawan ng sampung buwang gulang na sanggol. Ngunit tanging ang ulo lang niya ang nariyan at wala ang katawan!” Tama ito. Isang pugot na ulo ng sanggol ang naroon. Sa paligid nito ay may kulay pula na may kasamang dilaw na sauce. “Pinakuluan ng maraming oras ang ulo ng sanggol kasama ang iba’t ibang kakaibang pampalasa na tanging piling tao lang ang nakakaalam. Pinakuluan ko ito hanggang sa lumambot pati ang bungo kaya maaari mo rin iyong kainin. At iyang red and yellow sauce sa paligid ng pinakuluang ulo ay gawa sa dugo at tae ng naturang sanggol!” “Tae?” “Oo. Biniyak ko ang tiyan niya at doon ako kumuha. Pinaghalo ko ang dugo at tae pero hindi ko masyadong niluto upang manatili ang natural na lasa. Pero ang pinaka highlight niyan ay ang utak sa loob ng ulo. Nilagyan ko ng biyak ang noo hanggang likod upang mabuksan mo agad ang ulo. Nang sa gayon ay hindi ka mahihirapan na kainin ang utak niya na kapag nasa loob ng iyong bibig ay kusang matutunaw!” Panay na ang lunok ng laway ni Miss Melendez. Hindi na siya makapaghintay na matikman ang espesyal na putahe ni Antonia. “Mukhang masarap…” Nakatulala pa rin siya. Pakiramdam niya kasi ay nakatingin siya ngayon sa isang perpektong art work. “Maaari na kayong mag-umpisa sa pagkain, Miss Melendez!” “May request sana ako. Gusto ko ng classical music habang kumakain ako. Can you do that, Antonia?” Mas gaganahan kasi siya kapag ganoong uri ng musika ang naririnig niya kapag kumakain ng exotic food. “Sandali lamang at kukunin ko lang ang speaker at cellphone ko sa itaas. Hintayin mo lang ako dito, Miss Melendez.” Agad na umalis ito pagkatapos. Nang siya na lang ang mag-isa doon ay muli niyang pinagmasdan ang kakainin niya. Sa amoy at hitsura pa lang niyon ay mukha nang masarap. Ano pa kaya kapag sumayad na iyon sa kaniyang dila? Baka mamatay na siya sa sarap niyon. Hindi siya nagsisisi na gumastos siya ng twenty million pesos para sa pagkain na iyon. Isa pa, barya nga lang sa kaniya ang halaga na iyon, e. Tinatawanan na nga lang niya ang mga naroon kanina sa bidding dahil nang sabihin niyang five million pesos ang una niyang bid ay tatlo na lang silang naglaban. Iyong isang lalaki ay sumuko na agad at hindi rin naman umubra iyong isa pa. Ilang segundo pa lang ang nakakalipas simula nang umalis si Antonia ay may narinig na agad siyang yabag ng sapatos sa kaniyang likuran. “Ang bilis mo naman yata, Antonia…” aniya nang hindi ito nililingon. Papalapit na sa kinauupuan niya ang may-ari ng mga yabag hanggang sa huminto iyon sa mismong likuran niya. Hindi pa rin ito nagsasalita. “Magpatugtog ka na ng classical music para makakain na ako—” Nagulat siya nang paglingon niya ay hindi si Antonia ang nasa likod niya kundi ibang babae. “Who the hell are you?!” Napatayo siya tuloy at hinarap ang babaeng iyon.   MAINGAT na pumasok ulit si Clara sa loob ng restaurant ni Antonia. Mabuti na lang at hindi iyon naka-lock. Nakalimutan yata ni Antonia na i-lock ang pinto. Sabagay, baka makakalimutin na ito dahil sa edad nito. Nakatingin ang lahat kay Antonia kaya walang nakapansin sa pagpasok niya doon. Nakatulong din na medyo malamlam na ang ilaw sa loob ng restaurant. Agad siyang nagtago sa likuran ng isang malaking paso doon at palihim na nanood sa nangyayari. Nagpapataasan na ng presyo ang mga naroon para sa isang putahe na hindi pa alam ng lahat kung ano. Ganoon nga yata talaga katiwala ang mga ito sa luto ni Antonia at kahit hindi pa alam ng mga ito kung anong klaseng pagkain ba ang pinaglalabanan ay handa ang mga ito na maglabas ng limpak-limpak na salapi para doon. Hinintay lang niya na matapos ang bidding. Isang matangkad na babae ang nanalo sa halagang twenty million pesos. Tinapos na ni Antonia ang Big Event at isa-isa nang umalis ang mga customer kabilang na ang asawa niya. Nakita niya na mula sa counter ng restaurant ay may dinaanan sina Antonia at ang babae na nalaman niyang Miss Melendez ang pangalan. Tumiim ang bagang niya. Tinanggalan na siya ni Antonia ng karapatan na makabalik dito kaya niya ito gagawin. Tutal ay hindi na niya matitikman kailan man ang mga luto nito ay lulubusin na niya ngayong gabi! Tahimik siyang nagpunta sa kusina at kumuha ng kutsilyo. Pagkatapos ay bumalik siya sa may counter. Doon niya nakita ang isang pinto sa sahig. Bababa na sana siya doon nang may marinig siyang yabag na parang papalabas ng basement kaya isiniksik niya ang sarili sa may ilalim ng counter at iniharang ang upuan sa kaniya. Lumabas na ng basement si Antonia at nakita niyang nagpunta ito sa kusina. Siya naman ay bumaba na sa basement at doon ay nakita niya ang napakaraming pera ni Antonia. May isang pinto at nang sumilip siya ay nakita niya si Miss Melendez na nakaupo. Wala pang nakalagay sa lamesa nito kaya nahinuha niyang kinukuha pa ni Antonia sa kusina ang espesyal na putahe. Kailangan muna niyang magtago at saka siya aatake kapag nakakita siya ng tamang pagkakataon. Pinili niyang magtago sa may ilalim ng hagdan dahil madilim sa bahaging iyon. Nang bumalik si Antonia na dala ang espesyal na putahe ay hindi man lang ito nakaramdam na naroon lang siya sa ilalim ng hagdan. Sinundan niya ito nang pumasok na ito sa pinto. Nakasilip lang siya dahil ayaw pa niyang magpakita sa mga ito. Pinakinggan niya ang paliwanag ni Antonia kung anong klase ng pagkain ang niluto nito para kay Miss Melendez. At halos sumabog ang utak niya nang malaman na ulo ng isang sanggol ang espesyal na putahe! Ngunit imbes na masuka o mandiri ay parang mas tumindi ang kagustuhan niyang makain ang espesyal na putahe. Ngayon ay alam na niya ang lihim ni Antonia kung bakit masasarap ang niluluto nitong pagkain. Iyon ay dahil karne ng tao ang ginagamit nito! Namangha tuloy siya dahil sa kaniyang natuklasan. Pero kahit alam na niya ang sikreto ni Antonia ay hindi pa rin siya papayag na hindi siya makakain ng espesyal na putahe na inihain nito kay Miss Melendez. Sa mga narinig niya ay talagang naglaway siya. Tapos hanggang ngayon ay natatandaan niya pa rin ang amoy niyon. Bahala na kung ano ang mangyari ngayong gabi. Basta, hindi siya uuwi nang bigo! Ilang minuto rin na naghintay si Clara hanggang sa kinailangang umalis ulit ni Antonia dahil nag-request si Miss Melendez ng classical music habang kumakain ito. Iyon na ang tamang pagkakataon na hinihintay niya. Mag-isa na lang si Miss Melendez at naroon na rin ang espesyal na putahe. Kaya nang wala na si Antonia ay kumilos na siya. Pumasok na siya sa silid na iyon at naglakad palapit kay Miss Melendez. “Ang bilis mo naman yata, Antonia…” anito. Wala itong kamalay-malay na hindi siya si Antonia. Tumigil si Clara sa likuran ng babae. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kutsilyo. Kung sakaling magkaroon ng hindi inaasahan na pangyayari ay mas mabuti na handa siya kaya niya iyon dinala. “Magpatugtog ka na ng classical music para makakain na ako—” Laking gulat ni Miss Melendez nang humarap ito sa kaniya. Bahagya pa siyang napaatras. “Who the hell are you?!” Tumayo ito. Napamaang lang siya at hindi na alam kung ano ang gagawin o sasabihin. Kung kanina ay buo na sa utak niya ang lahat ng plano ay nawala ang lahat ng iyon nang makaharap na niya si Miss Melendez na akala mo ay isang matapang na ahas na handang manuklaw anumang sandali. “Magsalita ka! Sino ka?!” Itinulak pa siya nito. “OMG! May kutsilyo ka!” sigaw pa nito nang makita ang hawak niya. “Wait… Don’t tell me, ikaw iyong pinalabas kanina ni Antonia? Magkaparehas kayo ng buhok! Anong ginagawa mo dito?! Umalis ka! Kundi sisigaw ako! Umalis ka na!” Itinakip ni Clara ang mga kamay sa kaniyang magkabilang tenga. Sumasakit ang tenga niya sa sunud-sunod at malakas na pagsasalita ni Miss Melendez. “Get lost!” At paulit-ulit siya nitong itinulak. Hindi na nakapagpigil pa si Clara at sinaksak niya sa leeg ang babae gamit ang hawak na kutsilyo. Doon lang ito huminto sa pagsasalita. Paghugot niya ng kutsilyo ay pumulandit doon ang masaganang dugo ni Miss Melendez. “Ang ingay mo…” Mariin niyang turan habang nakangiting nakatingin dito. “H-hayop ka—” Sa pangalawang pagkakataon ay itinarak niya ang kutsilyo sa leeg nito. Mas nilaliman niya, mas madiin. Wala talaga sa plano niya ang patayin si Miss Melendez pero napilitan lang siya dahil sa sobrang ingay nito. Masakit sa tenga ang bunganga nito kaya niya ito sinaksak. Hindi pa nakuntento si Clara at pinangatluhan pa niya ang pagsaksak sa leeg ni Miss Melendez. Doon na ito tuluyang napaluhod at napasubsob sa malamig na semento. Umaagos ang dugo sa sahig at naabot niyon ang dulo ng kaniyang sapatos. Inilayo niya iyon. Naglakad na siya papalapit sa lamesa. Umupo siya at hindi makapaniwala na nasa harapan na niya ang espesyal na putahe ni Antonia. Manghang-mangha siya sa ulo ng sanggol. Nakapikit iyon kaya hindi niya nakikita ang mga mata. Pero mamaya ay dudukutin niya iyon at kakainin. Gusto niyang maramdaman ang pagputok niyon sa loob ng bibig niya kapag inumpisahan na niya iyong kagatin. Narinig niya na pwede niyang buksan ang ibabaw ng ulo niyon upang makita niya ang utak. Ginawa iyon ni Clara. Marahan niyang inalis ang ibabaw na parte ng ulo at tumambad na sa kaniya ang utak ng sanggol. Bahagyang nadurog na iyon pero para sa kaniya ay mukha pa rin iyong masarap!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD