EAT 03

2199 Words
       “SAMPUNG taon ang agwat ng edad nila! Nakakadiri, `di ba?” “Sinabi mo pa. Obvious naman na pera lang ni boss ang habol ng babaeng iyon, e. Saan ba siya nakuha? Sa lansangang, `di ba? Oportunista!” “Kung ako kay boss, kukuha ako ng babae na kasing-yaman niya. Oo, maganda nga si Clara pero mukhang pera. Iba na talaga kapag maganda! Gagamitin ang ganda at sikip ng puki makuha lang ang gusto!” “Ewan ko ba kay boss at kung bakit sa Clara pa na iyon nagkagusto!” Napahinto si Clara sa likuran ng dalawang babaeng trabahador sa patahian nang marinig niya ang pinag-uusapan ng mga ito. Tungkol lang naman sa kaniya at sa relasyon nila ni Ethan dela Merced. Patuloy lang ang dalawa sa pagtsi-tsismis habang abala sa pagbuburda. Kaya marahil ay hindi nararamdaman ng mga ito na naroon lang siya sa likuran at nadidinig ang lumalabas sa bibig ng mga ito. Apat na taon na ang nakakalipas simula nang mawala siya sa lansangan at mapunta sa patahian na ito. Dito niya nakilala si Ethan dela Merced. Labing limang taon siya noon habang ang lalaki ay dalawampu’t lima. Sa unang pagkikita pa lang nila ni Ethan ay may kakaiba na siyang naramdaman dito. Hindi niya alam kung bakit bumibilis ang t***k ng puso niya sa tuwing nakikita o malapit ito sa kaniya. Hanggang sa malaman niya sa isa niyang kasamahan na pag-ibig ang tawag sa ganoong pakiramdam. Makalipas ang isang taon ay niligawan siya ni Ethan. Ang akala niya noon ay nananaginip lang siya. Ngunit dahil sa may gusto din siya dito ay sinagot niya ito agad. Marami siyang naririnig na kung anu-anong masasamang salita patungkol sa kaniya at isa na ang pera lang ang habol niya kay Ethan. Noong una ay iniiyakan niya ang ganoong bagay pero tinuruan siya ni Ethan na maging matigas at matutong lumaban kung kinakailangan kaya ngayon ay nasanay na siya. Kapag nakakarinig siya ng mga ganoong salita ay pinapasok niya sa kaliwang tenga tapos labas sa kanang tenga. Kaya nga mas marami ang tumaas ang kilay nang noong nakaraang taon ay pinakasalan na siya ni Ethan. Simpleng kasalan lang pero masayang-masaya si Clara. Sa bahay na rin nitong malaki siya nakatira dahil sa mag-asawa na sila. Magkatulong na nilang pinapatakbo ang patahian nito. Patuloy lang ang dalawa sa pagkukwentuhan tungkol sa kaniya. Kung anu-ano ang sinasabi na para bang alam ng dalawa ang tunay na kwento ng kaniyang buhay. Ilang beses na siyang nakakaranas ng ganoon at palagi niyang pinapalampas ngunit iba sa pagkakataon na ito. Parang gusto niyang sabunutan ang dalawang babae at pag-untugin nang paulit-ulit hanggang sa magdugo ang mga ulo nito! Naiinis siya. Mainit ang ulo niya ngayong araw. Hindi niya alam kung bakit. Maayos siyang nakatulog kagabi. Walang traffic sa pagbyahe niya papunta sa patahian. Kaya nakakapagtaka kung bakit parang hindi maganda ang mood niya. Suot pa naman niya ngayong araw ang dress na ibinili ni Ethan sa kaniya noong isang araw. Kulay yellow iyon na may lace na kulay puti sa mga laylayan. Hindi na nakatiis pa si Clara at tumikhim siya. Napalingon ang dalawang tsismosa sa kaniya at kitang-kita niya ang gulat sa mukha ng mga ito! “M-ma’am Clara! Kanina ka pa ba diyan?” Namumutlang tanong ng isang babae. Tumaas ang kilay ni Clara at matalim na tiningnan ang dalawa. “Kasali ba sa trabaho ninyo ang pakialaman ang buhay ng ibang tao lalo na ang buhay namin ng asawa ko?” Seryoso niyang tanong. “H-hindi po—” “At hindi ba kayo kinikilabutan? Ang mga taong nagpapasahod sa inyo ang pinag-tsi-tsismisan ninyo?!” Napapahiyang napayuko ang dalawa. Kung hindi nga lang kasalanan ay kanina pa siya kumuha ng karayom at sinulid. Tatahiin niya talaga ang mga bunganga ng mga ito upang hindi na makapag-tsismis. “Isang beses ko pang marinig na pinag-uusapan ninyo ang buhay namin ni Ethan, ako mismo ang sisipa sa inyo palabas! Kahit sino sa inyo. Nagkakatintindihan ba tayo?!” “Opo, Ma’am Clara!” sabay-sabay na sagot ng lahat. Nakataas-noo na nilisan niya ang patahian at nagpunta sa maliit na opisina nila ni Ethan doon. Wala pa ang kaniyang asawa. Natutulog pa ito nang umalis siya. Pagkaupo ni Clara ay pumasok si Chanda. Wala pa ring ipinagbago ang hitsura nito. “Good morning, Clara. Ang aga, ang init ng ulo mo, ha. O, kape mo…” Ipinatong nito ang isang tasa ng mainit na kape sa kaniyang lamesa. “Paano ba naman ay narinig ko na pinag-uusapan ng dalawang `yon ang buhay namin ni Ethan. Hindi ba pwedeng maging masaya na lang sila para sa aming dalawa?” Kinuha niya ang kape. Hinipan ng sandali at humigop. Masarap magtimpla ng kape si Chanda. Kuha nito ang timplang gusto niya. “Iba yata ngayon. Dati ay pinapalampas mo kapag ganoon, a.” Tila pagod na pagod na isinandal niya ang likod sa upuan. “Ewan ko ba. Ang init ng ulo ko ngayong araw kahit walang dahilan. I-masahe mo naman ang ulo ko. Medyo masakit,” request niya. “Sige. Kukuha lang ako ng Vicks.” Umalis saglit si Chanda at pagbalik nito ay may dala na itong pangmasahe. Naglagay ito ng Vicks sa palad at nang ididikit na nito iyon sa kaniyang ulo ay naamoy niya iyon. Napasimangot siya at biglang umasim ang kaniyang sikmura. Hanggang sa naramdaman niyang nasusuka siya. Agad siyang tumakbo sa banyo na nasa office lang at itinapat ang mukha sa bowl. Doon ay sumuka siya. Inilabas niya ang lahat ng kinain niya kaninang almusal. Pagkatapos niyang sumuka ay nagmumog siya sa lababo. Namumula at naluluha pa ang mga mata nang lumabas siya ng banyo at bumalik sa pagkakaupo. “Anong nangyari sa iyo?” tanong ni Chanda. “Iyang Vicks mo! Ang baho! Hindi ko gusto ang amoy. Nakakasuka!” reklamo ni Clara. “Ha? Bakit ito, e, dati ko pa ginagamit ito kapag sa iyo kapag nagpapamasahe sa ng ulo—” Biglang natigilan si Chanda at nanlaki ang mata nito na para bang may naisip itong kahindik-hindik na bagay. “Hindi kaya… buntis ka?!” Napamaang siya. “A-ako? Buntis?! Bakit?” Hindi makapaniwalang tanong niya. “Oo! Ganiyan kasi ang alam ko kapag buntis. Madaling mairita sa mga amoy kahit gusto nila iyon dati. Saka anong bakit? Malamang mabubuntis ka kasi may nangyayari sa inyo ni boss! Huwag mong sabihin na wala?” “Siyempre, meron!” “Masarap ba?” Kinikilig na tanong ni Chanda. Wala kasi itong nobyo o asawa. Ipinagkakalat pa nito sa patahian na hanggang ngayon ay virgin pa rin ito. “Chanda!” saway niya dito. “Ay, sorry! Kung anu-ano na nasabi ko!” Pumalakpak ito ng isa at pinigilan ang pagtawa. “Iyon na nga, hula ko ay buntis ka. Pero para makasiguro tayo ay bibili ako ng pregnancy test.” “Ano `yon?” “Basta. Mamaya ko na ipapaliwanag sa iyo. Okay? Pahingi na lang ng pambili.” Nakasahod ang isang kamay nito habang ang isa ay ikinukusot sa isang mata dahil makati daw. Binigyan niya si Chanda ng buong isang libong papel. Napansin niya na lumuluha na ito at panay ang singhot. Kumikislap pa ang nakasilip na uhog sa ilong nito. “Bakit umiiyak ka diyan? Hindi pa nga natin sigurado kung buntis ba talaga ako!” “Hindi dahil do’n! E, naikuskos ko kasi iyong kamay ko sa mata ko. Nakalimutan ko na naglagay nga pala ako ng Vicks sa kamay kanina!” “Katangahan mo iyan. Bilisan mo at bumili ka na ng sinasabi mo!” Medyo kinakabahan siya dahil hindi niya alam kung matutuwa ba o hindi si Ethan kung sakaling buntis siya.   NAPATULALA at tila umurong ang dila ni Clara nang sabihin sa kaniya ni Chanda na ang ibig sabihin ng dalawang kulay pulang guhit sa pregnancy test ay buntis siya. Nasa office pa rin silang dalawa ng oras na iyon. “Buntis ako…” Awtomatikong napahawak ang isang kamay niya sa tiyan. “Oo nga. Buntis ka! Naku, ang bilis niyong nakabuo ni boss, ha. Matutuwa iyon kapag sinabi mo.” “Si Ethan? Matutuwa?” Wala pa rin siya sa sarili. Nakatulala pa rin si Clara sa kawalan. “Siyempre naman! Mahilig kaya `yon sa bata. Kaya nga ikaw inasawa, e!” Hindi na pinansin ni Clara ang birong iyon ni Chanda. Mas lamang ang kaba at takot niya kesa sa kung ano pang bagay. At dahil alam niyang hindi na siya makakapag-concentrate sa pagtatrabaho ay umuwi na siya ng maaga sa bahay. Gusto na rin niyang sabihin kay Ethan na buntis siya. Hindi kasi nila napag-uusapan ang tungkol sa pagkakaroon ng anak kaya hindi niya alam ang magiging reaksyon nito. Pagdating sa bahay nila ay hinanap niya agad sa isa nilang kasambahay ang kaniyang asawa. Nasa kwarto daw ito at hindi pa rin bumababa simula ng umalis siya. Malaki ang bahay nila ni Ethan. Dalawang palapag iyon at malaki ang floor area. Anim ang kwarto sa itaas na may kaniya-kaniyang CR. Apat doon ang silid-tulugan habang ang isa ay entertainment room at ang natitirang isa ay library. Mahilig kasi mangolekta ng aklat si Ethan. Nasa ibaba naman ang malaking salas, kitchen, dining area at iba pang bahagi ng bahay. Kinakabahan man ay pinuntahan pa rin ni Clara si Ethan sa kanilang silid. Pagpasok niya ay naabutan niya itong nasa may bintana at nakatanaw sa labas. Wala itong pang-itaas. Tanging kulay puting brief lang ang suot nito. “Ang aga mo yatang umuwi. May problema ba?” Alam nito na siya ang pumasok kahit hindi ito lumingon. Sa tatlo nilang kasambahay ay walang nangangahas na pumasok sa kanilang kwarto ng hindi nagpapaalam dahil alam ng mga ito na magagalit si Ethan. Nag-ipon siya ng lakas ng loob bago naglakad palapit dito. “Wala. May kailangan lang akong sabihin sa iyo.” Huminto si Clara sa gilid ng kaniyang asawa. Marahang humarap si Ethan sa kaniya. Seryoso palagi ang mukha nito at minsan lang ngumiti. “Ano iyon? Tungkol ba sa patahian? Umiling siya. “Kung ganoon ay tungkol saan?” “Buntis ako.” Mabilis at diretsong sagot ni Clara. Mas lalo siyang kinabahan dahil hindi nakapagsalita si Ethan. “G-galit ka ba? Ayaw mo ba ng anak? P-pasensiya ka na kasi hindi ako nag-ingat.” “Pupunta tayo ngayon sa doktor. Alam mo na ba kung ilang buwan?” Umiling siya. Sa hula niya ay hindi naman galit si Ethan. “Bakit sa doktor?” “Para malaman natin kung okay ba ang anak natin.” “Talaga? Hindi ka galit sa akin kasi buntis ako?” “At bakit naman ako magagalit? Mabuti nga iyan dahil magiging magulang na tayong dalawa.” Hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi ni Ethan. Sa sobrang tuwa niya ay niyakap niya ito nang mahigpit. Kahit siya ay nasasabik na rin na maging ina. Nakakamangha lang na merong buhay na unti-unting nabubuo sa loob ng kaniyang katawan.   MASAYANG-MASAYA si Clara nang malaman niyang tatlong buwan na siyang buntis. Dahil sa sigurado na siyang buntis siya ay nag-iingat na siya nang husto lalo na sa pagkilos. Ang sabi kasi ni Chanda ang maaaring mawala ang baby ng isang babaeng buntis kapag naaksidente ito. Kaya mag-iingat daw siya lalo na sa banyo at baka madulas daw siya. Isa pa sa nagpapasaya sa kaniya ngayon ay si Ethan. Hindi kasi ito nagalit nang makumpirmang buntis nga siya. Dinala pa talaga siya nito sa doktor at malaking bagay iyon para sa kaniya. Habang sakay si Clara ng kotse pauwi sa bahay nila ay may nadaanan siyang maliit na kainan na walang pangalan sa harapan. Galing siya sa patahian. “Kuya, pakihinto sa tabi!” utos niya sa kanilang driver. Inihinto nito sa gilid ang sasakyan at mag-isa siyang bumaba. Naglakad siya papunta sa kainan. Tahimik doon at walang katao-tao kahit na merong limang lamesa sa loob niyon. Kakaiba ang amoy sa loob ng kainan. Parang amoy ng isang silid na matagal na hindi nabubuksan. Medyo madilim ang loob ng kainan. Yari iyon sa makakapal na kahoy at semento ang sahig. Lumapit siya sa counter kahit walang tao doon. Nang may nakita siyang maliit na bell ay pinatunog niya iyon nang ilang beses. Pero walang taong nagpapakita sa kaniya upang siya ay asikasuhin. Bigla kasi siyang nakaramdam ng gutom kaya nang makita niya ang kainan ay naisip niyang doon na lang kumain. May pakiramdam kasi siya na maibibigay ng kainan na ito ang pagkain na gusto niyang kainin. Parang wala namang tao. Pero bakit bukas? Nagtatakang tanong ni Clara sa sarili. Sa huling pagkakataon ay pinatunog niya ang bell. Nang wala pa ring nagpakitang tao para asikasuhin siya ay nagdesisyon na siyang umalis. Pero eksaktong pagtalikod niya ay may narinig siyang yabag ng paa. “Ano ang kailangan mo?” Isang garalgal na boses ng babae ang narinig. Muli siyang humarap sa counter. “Gusto ko sanang kumain. Nagugutom ako,” aniya sa babae. Sa hula niya ay nasa singkweta na ang edad ng babae. Medyo matangkad, mapusyaw ang balat at payat. Ang buhok nito ay kulay itim at kulot na maiksi. Hindi lalagpas sa batok nito ang haba ng buhok. Malamlam ang mata nito na singkit. Para bang may lahi itong Chinese. Pulang-pula ang lipstick nito. “Sarado ang kainan ko. Umalis ka na at sa iba ka na kumain.” “Pero bakit nakabukas ang pinto?” “Dahil bukas lang ang kainan na ito sa mga piling tao. `Wag ka nang mapilit. Umalis ka na. Hindi bukas ang lugar na ito sa katulad mo.” “Buntis ako. Gusto kong kumain dito. Sige na. May pambayad naman ako. Naglilihi lang ako.” Natahimik nang ilang segundo ang babae. Tiningnan siya nito ng diretso sa kaniyang mata. Para bang pinag-aaralan nito ang kaniyang buong pagkatao. Maya maya ay ngumisi ito. “Naglilihi ka? Bakit? Ano ba ang pinaglilihian mo?” tanong ng babae. “Ang totoo niya… hindi ko pa alam. Baka kasi may magustuhan ako sa mga pagkain na sini-serve ninyo dito. Sige na, gusto ko talagang kumain dito. Nagugutom na talaga ako, e.” Patuloy na pakiusap niya sa babae. Sana naman ay pumayag na ito dahil hindi na niya kaya pang maghanap ng ibang lugar para doon kumain. Ang gusto niya talaga ay dito at hindi niya alam kung bakit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD