BLACK 09

2290 Words
        KINAKABAHAN na binuksan ni Angel ang kulay puting shoe box. Tumambad sa kaniya ang isang kulay puting sapatos na may mataas na takong. Sa tantiya niya ay limang pulgada ang takong niyon at parang lapis lang ang taba niyon. Hindi kaya maputol iyon kapag sinuot na niya? Pumwesto na siya sa gilid ng rooftop at isinuot na ang sapatos. Tumayo siya at nagbalanse. Sinubukan muna niyang maglakad at sa pangatlong hakbang ay muntik na siyang mabuwal kung hindi pa siya nakapagbalanse. “Wala namang time limit, `di ba?” tanong ni Angel sa pulubi. “Wala naman daw. Kahit abutin ka pa diyan ng kinabukasan ay ayos lang! Basta makumpleto mo ang isang ikot sa gilid ng building na ito. Doon ka mag-uumpisa, o!” Nagtatakbo ang pulubi at pumunta sa gilid. Itinuro nito ang isang kulay itim na ekis. Okay. Wala siyang dapat ikabahala sa oras dahil kahit gaano siya katagal doon ay ayos lang. Kesa magmadali siya at baka iyon pa ang maging dahilan ng pagkahulog niya. Aanhin niya ang malaking halaga ng pera kung patay na siya, `di ba? Matapos palakasin ang loob ay tumuntong na si Angel sa may gilid ng rooftop. Sa may itim na ekis siya magsisimula at doon din siya matatapos. Huminga muna nang malalim si Angel bago niya ginawa ang unang hakbang. Maliit na hakbang lang dahil natatakot siya na baka matumba siya o mawalan ng balanse kapag nilakihan niya. Kumbaga, slowly but surely ang strategy niya ngayon. Tirik na tirik ang araw at madaming tao sa ibaba na naglalakad. Pati ang mga sasakyan ay dagsa. Nakalagay sa gilid ang dalawa kamay niya para mas maging maganda ang balanse niya. Sa pangalawang hakbang niya ay medyo nilakihan niya at nanginig ang tuhod niya dahil parang matutumba siya. Hindi kasi talaga siya sanay na magsuot ng ganoong sapatos. Kung alam lang niya na darating siya sa ganitong sitwasyon ay nagpaturo na siya noon kay Cecilla na magsuot ng ganito. Puro ganito kasi ang sapatos niyon. Panay matataas ang takong. Small steps lang, Angel… Paalala niya sa sarili at muli siyang humakbang. Halos hindi na umaangat ang paa niya. Ayos lang iyon dahil hindi niya kailangang magmadali. Ganoon na ang ginawa ni Angel. Puro maliliit na hakbang ang ginawa niya. Ingat na ingat siya sa bawat pag-angat ng paa niya at pagbabalik niyon sa kaniyang tinatapakan. “Mag-iingat ka! Wasak utak mo kapag nahulog ka!” Nakakalokong tinawanan pa siya ng pulubi. “Tumakbo ka na lang kaya para mabilis!” “Tumahimik ka nga! Hindi ka nakakatulong sa akin!” Inis na bulyaw niya sa maingay na pulubi. Tuloy-tuloy lang siya sa paghakbang. Medyo malawak ang building kaya malayo-layo din ang kailangan niyang ikutin. Takbo naman nang takbo ang pulubi sa kabuuan ng rooftop na para bang inaasar siya dahil nagagaw nito ang tumakbo habang siya ay hindi. Dahil alam niyang walang maitutulong kung papansinin niya ang pagpapansin ng pulubi ay nag-concentrate na lang siya sa paglalakad. At makalipas nga ang mahabang minuto ay muli siyang nakabalik sa itim na ekis! Mabilis siyang bumaba sa gilid at nanghihinang napaupo. Hinubad niya ang sapatos at hinilot ang sariling mga paa. Medyo nanakit kasi iyon sa paglalakad niya. Ginawa niya ang paghilot para marelax ang paa niya at mawala ang p*******t. Dapat niya iyong ikondisyon dahil meron pa siyang dalawang sapatos na isusuot. Hindi pa tapos ang pangatlong pagsubok ni Black. “Galing naman! Ang galing!” Pinalakpakan siya ng pubuli. Lumapit ito sa kaniya na dala ang natitirang kahon ng sapatos. “Para kang ramp model! Ang galing mo naman pala, e. Parang walang challenge sa iyo itong—” “Iyang kulay itim ang isusunod ko. Huwag ka nang maraming sinasabi diyan!” “Ang sungit mo naman! Bakit itong black?” “Wala kang pakialam!” Pero ang dahilan niya talaga kaya pinili niya ang itim ay dahil alam niyang paboritong kulay iyon ni Black. May hinala siyang naroon ang pinaka mahirap na sapatos. Gusto na niyang gawin ang pinaka mahirap para sa huli ay madali na ang gagawin niya. Strategu niya rin iyon. “Ayaw mo ng red muna?” Naniningkit ang mata ni Angel sa pulubi. Dinampot niya ang isinuot niyang sapatos kanina. “Gusto mong ipukpok ko ito sa ulo mo?! Bakit ba nakikialam ka? Gusto mo ikaw na lang paglakarin ko sa gilid ng naka-head stand? Gagang `to! Akin na iyang black!” Mainit talaga ang dugo niya dito. “Ang sungit naman palagi. Parang always may regla!” Inilapag muna nito ang kulay pulang kahon at binitbit ang kulay itim at pumunta sa harapan niya. “`Eto na!” anito sabay bukas sa kahon. Napangiwi siya nang isang kakaibang sapatos ang nakita niya sa kulay itim na kahon. Isang kulay itim na sapatos na ang takong ay kasing-taas lang din no’ng sa una niyang isinuot. Ang kakaiba nga lang sa sapatos na iyon ay nasa unahan ang takong! Bagaman at medyo malapad naman ang takong sa unahan ay sigurado siyang mahihirapan siyang magbalanse doon. Kinabahan tuloy siya dahil pakiramdam niya ay hindi niya kaya kahit ang tumayo kapag suot na niya ang sapatos na iyon. Napanganga ang pulubi sa sapatos. “Wow! Sapatos ba iyan ni Lady Gaga?” Kinuha na lang ni Angel ang sapatos at umupo sa gilid. Isinuot na niya iyon at sinubukang tumayo. Unang hakbang pa lang niya ay nagpa-ekis-ekis na ang paa niya at natumba siya. Unang tumama sa semento ang puwitan niya. Tatawanan pa sana siya ng pulubi pero inunahan niya ito ng matalim na tingin. “Sige, tawa! Subukan mong tumawa at sa baba ka pupulutin!” May himig pananakot na sabi niya dito. Mabilis na itinakip nito ang isang kamay sa bibig sabay iling. Maingat na tumayo si Angel. Kinailangan pa niyang kumapit sa may gilid ng rooftop para matagumpay na makatayo. Hindi muna siya gumalaw. Binabalanse pa niya ang sarili sa sapatos na nasa unahan ang takong. Pero mas okay na rin siguro na nasa unahan ang takong ng sapatos na iyon. Dahil baka kapag nasa gitna ay mas mahirapan siya na magbalanse. Ang kailangan niyang gawin ay alisin sa likuran niya ang bigat at ilipat iyon sa unahan. Kapag kasi nasa likuran niya ang bigat ay matutumba siya. Pero dapat ay alalay pa rin. Balance lang talaga ang kailangan niya para magawa niyang matapos ito. Tandaan mo. Tatlong milyong piso ang makukuha mo kapag natapos mo ito, Angel! Tumataginting na three million pesos! Aniya sa sarili para ma-motivate siya. Sumampa na siya sa gilid at maingat na tumayo. Inilagay niya sa unahan ang karamihan ng bigat niya. Panay na ang dasal niya na sana ay mapagtagumpayan niya ito gaya ng nauna. May takot sa dibdib na inihakbang niya ang paa at wala namang naging problema sa unang hakbang niya hanggang sa panglima. Ngunit sa pang-anim ay gumewang ang paa niya na naging dahilan para matumba siya. Impit siyang napasigaw dahil muntik na siyang mahulog. Mabuti na lang at nagawa niyang maikapit nang mahigpit ang mga kamay sa gilid. Kinilabutan siya nang maisip na muntik na siyang mahulog. Ipinikit niya ang mga mata at kinalma ang sarili. Hindi dapat siya magpalamon sa kaba at takot niya. “Hala! Sayang naman! Muntik ka na!” tawa ng pulubi. Muling tumayo si Angel. Bago siya humakbang muli ay siniguro niyang maganda ang balanse niya. Sino ba naman kasi ang nakaimbento ng ganitong uri ng sapatos? Dahan-dahan lang. Hindi ko kailangang magmadali… Isa, dalawa, tatlong hakbang. Tumigil muna siya dahil parang mabubuwal ulit siya kapag itinuloy-tuloy niya ang paglalakad. Ganoon ulit ang ginawa niya. Tatlong maliliit na hakbang at pagkatapos ay titigil muna siya. Tuloy lang siya sa ganoong strategy at mukhang magagawa niyang makabalik sa starting point sa ganoong paraan. “Ano ba `yan? Ang bagaaal… Nakakaantok!” Talagang may gana pang magreklamo ang pulubi. Nakahiga ito sa gitna ng rooftop at akala mo ay nagsa-sunbathing. “Edi, matulog ka! `Yong habangbuhay na, ha!” tugon ni Angel. “Edi, deds na ako no’n!” “Kaya nga! Iyon nga ang gusto ko, e! `Yong mamatay ka na dahil lakas mong mang-asar!” “Ay! Naaasar ka pala sa akin!” Humagikhik ito nang malakas at nagpagulong-gulong pa. Teka, bakit ba niya pinapansin ang pulubing iyon? Hindi ba’t ang sabi niya ay hindi na niya ito papansinin? Okay. Kunwari ay hindi niya ito nakikita. Hangin lang ito. Hangin lang! Tinuloy-tuloy lang ni Angel ang kaniyang strategy at hindi na pinansin ang pulubi kahit ano pa ang gawin at sabihin nito. Wala itong maitutulong sa kaniya kaya wala ding dahilan para pag-ukulan niya ito ng pansin. At makalipas ang halos kalahating oras ay nasa kalahati na si Angel. Nanginginig na ang mga tuhod at binti niya. Masakit na rin ang mga paa niya ngunit kailangan niyang magtiis. Tatlong maliliit na hakbang. Tigil. Paulit-ulit. Hanggang sa marating na niya ang kulay itim na ekis! Napaupo siya sa gilid at agad na umalis doon. Malakas na sumigaw si Angel sa labis na kasiyahan. Ang akala niya kasi ay mahuhulog siya sa pangalawang sapatos. Isa na lang at matatapos na niya ang pangatlong pagsubok. Hindi siya nagsisisi na hindi muna niya pinili ang kulay pulang kahon. Sigurado siya na iyong sapatos sa itim na kahon ang pinaka mahirap. Kaya kung nagawa niya iyon ay makakaya niya rin ang sa kulay pula. Hinubad na ni Angel ang sapatos at nilapitan siya ng pulubi. “Galing mo naman. `Eto na ang huling susuotin mo!” At agad nitong binuksan ang kulay pulang kahon na hawak nito. Pagtingin niya sa laman niyon ay kumunot ang noo niya nang imbes na sapatos ay puro push pins ang naroon. Puro kulay pula ang ulo ng mga iyon. “Push pins? Anong gagawin ko diyan?” Nagtataka niyang tanong sa pulubi. “Ang sabi ni Black ay tig-sampu sa isang paa. Twenty daw lahat ito, e. Kaya lang `di ako sigurado kasi hindi ako marunong magbilang. Sa talampakan lang. Bawal sa daliri!” Sandaling kumunot ang noo ni Angel dahil hindi niya maintindihan ang sinabi ng pulubi. Ngunit makalipas ang ilang segundo ay nakuha na niya ang ibig nitong sabihin. “B-black…” tawag niya. “Tama ang sinabi ng pulubi, Angel. Sampung push pins sa isang talampakan.” “Huwag mong sabihin na… i-itutusok ko ang mga push pin sa talampakan ko at maglalakad ako sa gilid ng rooftop?” “Mabilis naman pala ang pick up mo. Ganoon nga. Tama ka.” Hindi agad nakapagsalita si Angel. Talagang hindi hahayaan ni Black na maging madali ang lahat para sa kaniya. “O, natahimik ka? Aatras ka na ba? Pwede naman pero wala kang makukuhang kahit piso sa akin—” “Hindi!” Mabilis niyang putol. “G-gagawin ko.” “Iyon naman pala, e. Gawin mo na. At kapag natapos mo, magiging tatlong milyong piso ang pera sa bank account mo. Goodluck!” Matapos iyon ay hindi na ulit niya narinig ang boses ni Black. Kinuha na ni Angel ang kulay pulang kahon sa pulubi. Nagkamali siya. Ang kulay pula pala ang pinaka mahirap. Umupo siya sa sahig at itinaktak sa isang palad ang mga push pin. Tinitingnan pa lang niya ang mga iyon ay kinikilabutan na siya. Iniisip pa lang niya na isa-isa niya iyong itutusok sa talampakan niya ay nararamdaman na niya ang sakit. Iyon ngang matusok ka sa daliri ng isang karayom nang hindi sinasadya ay napakasakit na. ito pa kayang dalawampung push pins? “Pwede ka na daw umatras—” “Pwede bang kahit ngayon lang ay tumahimik kang pulubi ka?!” bulyaw niya. “Okay po. Sungit naman…” Binalik niya ang atensiyon sa mga push pin. Kumuha siya ng isa at sinubukang itusok iyon sa talampakan niya. Napangiwi siya sa sakit nang maibaon niya iyon ng kaunti. Pilit niyang tiniis ang hapdi habang ibinabaon niya iyon pero hindi niya pala kaya. Mabilis niyang hinugot ang push pin at may kaunting dugo na lumabas sa sugat na nilikha ng pagkakatusok niya. “Puta! Ang sakit!” Parang gusto na niyang maiyak dahil pakiramdam niya ay hindi niya kayang gawin. Kalahati ng utak niya ay nagsasabing sumuko na lang siya. Pero paano ang mga pinaghirapan niya? Itatapon na lang ba niya ang lahat ng ganoon lang? Hindi na talaga siya pwedeng sumuko sa puntong ito. Kapag inisa-isa niya ang pagtusok ng mga push pin ay mas masasaktan siya. Dapat siyang mag-isip ng ibang paraan para hindi masaktan ng ganoon katagal. Baka mawalan pa siya ng malay dahil sa sobrang sakit. Mataman na nag-isip si Angel. Hanggang isang ideya ang pumasok sa utak niya. Masyadong masakit ang naiisip niya ngunit sa tingin niya ay mas okay iyon kesa isa-isa niyang itusok sa talampakan niya ang benteng push pin. Tumayo siya at isa-isang inilagay ang push pin sa may gilid ng rooftop kung saan niya kailangang maglakad. Nakaturo sa itaas ang matulis na bahagi ng push pin. Ang balak niya kasi ay tatapakan niya na lang niya ang mga push pin para sabay-sabay iyong tumusok sa kaniya. Masakit pero isang sakit lang. Igrinupo niya ang mga iyon sa dalawa. Tig-sampu bawat isang grupo. Matapos maiayos ang push pins ay umakyat na siya sa gilid. Muli siyang huminga nang malalim at itinapat na niya ang isang talampakan sa sampung push pins. Buong tapang niyang tinapakan iyon. “Putaaa!!!” Malakas na sigaw ni Angel. Pakiramdam niya ay pinapatay na niya ang kaniyang sarili sa kaniyang ginagawa. Puno na ng pawis ang buong mukhan niya. Humahapdi na rin ang sugat niya sa magkabilang kili-kili at tagiliran dahil sa pawis. Isinunod na agad niyang itapak ang isang talampakan sa sampung push pins. Pinigilan niya ang sumigaw. Patuloy sa panginginig ang buong katawan niya. Hindi niya kayang ipaliwanag ang sakit na lumulukob sa kaniya ngayon. Hindi na siya nag-aksaya ng oras at inumpisahan na niya ang paglalakad. Para sa kaniya ay mas madali ang magiging paglalakad niya ngayon dahil hindi na niya kailangang magbalanse sa matataas na takong. Ang sakit ng bawat paghakbang na lang ang kalaban niya ngayon dahil sa tuwing inihahakbang niya ang kaniyang mga paa ay parang mas bumabaon ang push pins sa balat niya. Patuloy lang sa paglalakad si Angel hanggang sa mapatingin siya sa ibaba. Parang nagkakagulo na ang mga tao na nandoon. Nakatingin sa kaniya at itinuturo pa siya. Biglang siyang kinabahan dahil may mga nakakita na sa ginagawa niyang paglalakad sa gilid ng building! Kailangan na niyang tapusin ang pagsubok na ito at umalis doon. Baka pakialaman pa siya ng mga tao at iyon pa ang magiging dahilan para matalo siya sa larong ito ni Black!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD