bc

LA COSA NOSTRA

book_age18+
44
FOLLOW
1K
READ
revenge
dark
age gap
bitch
mafia
drama
bxg
betrayal
gorgeous
seductive
like
intro-logo
Blurb

Minsan man ay hindi sumagi sa isip ni Constantia ang mapasama sa mga miyembro ng masasama. Subalit nagbago lahat noong mapagbintangan siya sa pagkamatay ng fiance niya.

Hindi niya inaasahan na iyon ang magiging daan para mapabilang siya sa mga miyembro ng Mafia.

Kahit na gustuhin mna niyang umalis ya hindi niya na nagawa dahil napamahal na rin siya sa mga ito lalo na nang makilala niya si Apollo.

Pitong taon ang agwat ng mg aedad nila sa isa't-isa. Kahit na mas matanda si Contantia ay hindi iyon naging hadlnag para hindi niya maipakita kay Apollo kung gaano niya ito kamahal.

chap-preview
Free preview
LCN 1
“Hon?” pagtawag ni Consti sa fiance niya. Kararating pa lamang niya sa condo nilang dalawa. Agad siyang nagtaka nang makitang hindi ito naka-lock. Kaya nagmadali siyang pumasok dahil hindi na maganda ang kutob niya. Muli siyang humakbang papalapit sa kwarto nila. Pinihit niya ang doorkob upang hanapin ang fiance subalit hindi niya iyon nakita. Hindi pa man siya nakakalayo nang makita niya ang isang lalaki na humahangos palabas ng condo nila. Bagay na sobrang ikinatakot niya. Ngayon lamang niya nakita ang lalaking iyon kaya imposiblrng kaibigan ito ng fiance niya. Bumaba siya at pumuntang kusina. Naglalakad siya papalapit sa banyo nang may maapakan siya sa lapag. Napatingin naman siya dito at nanlaki ang mga mata niya nang makita ang faince na nakahiga habang duguan ito. May nakasaksak na kutsilyo dito sa bandang dibdib kaya agad siyang umupo at ibinuhat ang fiance mula sa mga hita niya. “Hon! Hon gising! No!” naiyak na sambit nito at patuloy pa rin sa pagyugyog sa fiance. Dumilat ito bago umubo. “Hon! Sino ang may gawa nito?” tanong niya habang naluha nang makita ang fiance na nahihirapan sa paghinga. “Ma...mahal. Ma...hal ko,” sabi nito at hinawakan pa ang mukha nito bago nawalan ng malay. “Christian! Please! Tulong!” sigaw ni Consti habang naiyak na hawak ang kamay ni Christian. Tinanggal pa niya ang kutsilyo na nakatarak sa dibdib nito. Natangis niyang hinila ang asawa palabas ng condo nila. Tumawag na rin siya ng guard upang tulungan siyang buhatin ito at dalhin sa hospital. Ilang saglit lang ay dumating ang mga pulis. Dinala nila si Christian sa hospital subalit idineklara na itong dead on arrival. Parang binawian ng hininga si Consti sa nangyari. Hindi siya makapaniwala sa nangyari sa kaniyang fiance. Maski siya ay walang alam kung ano ang nangyari noong gabi ring iyon. Hindi niya natagaap ang pagkamatay nito lalo na at naghahanap siya ng hustisya. Dahil sa hindi siya gusto ng mga magulang ni Christian ay agad na nagsampa ito ng demanda dahil ang lahat ng ebidensya ay siya ng tinuturo. Siya ay nahaharap sa malaking krimen na hindi niya ginawa. Dahil sa alam niyang malabo na siyang manalo sa kasong ito ay hindi siya pumayag na basta-basta siyang makukulong ng wala siyang kasalanan. Tumakas siya bago pa man dumating ang araw ng pag-uukol. Nagtago siya ng ilang araw sa isang isla na walang nakakaalam kung asan siya. Mabuti na lang at pinatuloy siya ng isang babae doon at pansamantala siyang nagtago habang nag-hahaap siya ng ebidensya. “Hija, hindi ka ba natatakot na baka mahuli ka ng mga pulis sa syudad?” tanong nito sa kaniya. Huminga siya ng malalim bago muling nagsalita. “Hindi po ako titigil hangga’t hindi ko nahahanap ang tunay na pumatay sa fiance ko. Hindi ako titigil hangga’t hindi ko nakakamit ang hustisya,” may galit na sambit ni Consti sa matanda. “Pero, Hija. Paano mo malalaman ang totoo kung hindi ka makikipagtulungan sa mga kinauukulan?” tanong muli ng matanda sa kaniya. “Kaya ko hong malaman iyon nang ako lang. Hindi ko sila kailangan. At papatunayan ko na inosente akong tao,” sagot naman ni Consti at dama sa boses niya na sigurado na siyang makakamit niya ang hustisya na hiahanap niya. Ilang araw ang nakalipas nang mapansin niya ang kapirasong papel na nakalagay sa jacket ni Christian. May dugo iyon na sobrang ikinagulat niya. Kahit na natatakot siya ay dahan-dahan niya iyong binuklat ay nakita niya doon ang nakasulat sa papel. “La Cosa No-” hindi na niya maaninag kung ano ang nakasulat sa dulo ng papel dahil punit na ito ng dugo. Nabitawan niya ang papel at huminga ng malalim. Hindi niya batid kung ano ang ibig sabihin ng bagay na iyon. Kaya mas lalo siyang nagkaroon ng interest na malaman ang katotohanan. Dahil malakas ang kaniyang kutob na may kinalaman iyon sa pagkamatay ng fiance niya. Lalo na ang lalaking nakita niya noong gabi ring iyon. Ginugol niya ang oras at lakas niya malaman lamang iyon. Buo ang loob niya na makakahanap siya ng detalye tungkol sa bagay na iyon. Iyon rin ang natira niyang pag-asa sa ngayon. Nalaman niya na hindi pala iyon ordinaryong salita lang na nakasulat sa papel. Nalaman niya na isa itong organization. *** "Consti, anong ginagawa mo dito?" sambit ni Edward habang pilit na itinatabi sa gilid si Constantia. "I need your help," sambit ni Constantia sa lalaking nasa harap niya habang seryoso ang mga tingin nito. "Ano iyon?" tanong muli ni Edward na hindi mapakali dahil hindi niya mabasa ang nasa isip ng babae. "Kailangan ko ng baril," maiksi subalit seryosong sambit nito sa lalaki. Natahimik at kita sa mukha nito ang pagtataka sa sinabi niya. "Nababaliw ka na ba? Ano bang gagawin mo sa baril? Bakit ba pilit mong tinatakasan ang problema? Mas lalong lalaki ang kaso mo. Please, sumuko ka na. Titulungan kitang makahanap ng magaling na abogado," sabi ni Edward habang seryosong nakatigin sa kaniya. Nag-aalala siya rito lalo na at hindi niya alam kilung ano ang pinaplano ng babae. "No way! Hahanapin ko ang lalaking iyon. Hindi ako papayag na mabuhay siya," sabi ni Constantia habang kita sa mga mata nito ang galiy. "Pero paano? Mapapahamak ka lang dahil hindi mo siya kilala–" "La Costra Nostra, pamilyar ka sa salitang iyon hindi ba?" Seryoso ang bawat tingin ni Constantia kay Edward na napatulala na lang sa sinabi nito. Batid niya na alam ni Edward ang tungkol sa bagay na iyon. "Kaya tulungan mo akong mahanap ang hustisya. Bigyan mo ako ng baril," sabi nito habang pilit na kinukumbinsi si Edward na mapagbigyan siya sa nais niya. Labag man sa kalooban ay walang nagawa si Edward kundi ang pumayag. Lalo na at kaibigan niya ang namatay. "Magkita tayo dito, alas otso ng gabi," sabi ni Contantia bago ito tuluyang umalis. Naiwan na lamang habang nagmamasid sa paligid si Edward. "General," pagbati naman ni Shawn Lucas na isang Police Captain. Agad siyang napatingin rito at nagmamadaling lumapit. Mabuti na lamang at nakaalis na si Contantia kundi ay nahuli na ito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Hiding The Mafia Boss Daughter [TAGLISH]

read
145.9K
bc

Dangerous Spy

read
322.4K
bc

Angel's Evil Husband

read
269.0K
bc

Agent Series 18: Black Lipstick ( R-18 SPG)

read
97.6K
bc

THE EVIL STRANGER: MAFIA LORD SERIES 12 (R-18 SPG)

read
104.7K
bc

MY MASTER: MAFIA LORD SERIES 11

read
57.9K
bc

Denver Mondragon

read
72.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook