Mabusising nagmamasid si Consti sa labas ng isang malaking gate. Sigurado siyang nasa loob nito ang katotohanan at lahat ng kasagutan sa mga katanungan niya.
Desperada na siyang malaman ang katotohanan. Gusto niyang makaganti sa taong gumawa kay Christian noon. Hindi niya nais na magtago na lang sa isang tabi habang malaya ang taong gumawa noon sa fiance niya.
Pasimple siyang sumilip sa butas na naka-uwang sa gate. Nakita niyang nag-uusap ang dalawang armadong lalaki kaya naman nakakuha siya ng chance para makapasok.
Mukhang sa kaniya pumapanig ang pagkakataon dahil umalis rin ang kausap ng lalaki. Dala ang baril na hawak niya na ibinigay ni Edward sa kaniya ay agad niya iyong ipinukpok sa ulo ng lalaki dahilan para mawalan ito ng ulirat.
Nakahinga siya ng maluwag bago siya tahimik na pumasok sa loob. Pero nakita niya na mahihirapan siyang pasukin ito dahil sa dami ng tauhan na nakakalat.
Sa di kalayuan ay nakita niya ang lalaking papalapit kaya naman agad siyang pumasok sa isang pinto. Muli siyang nakahinga ng maluwag bago muling sumilip sa pinto.
Wala na ang armadong lalaki. Mabuti na lang at may dala siyang baril para may panlaban siya sa mga Colt M-16 assault-style riffles na baril ng mga kalaban niya.
Akmang lalabas na siya nang maramdaman niya ang isang matigas na bagay na nasa ulo niya. Natigilan siya at hindi gumalaw bago niya marinig ang isang boses ng lalaki.
“Who are you?” tanong nito habang nakatutok pa rin ang kung ano mang matigas na bagay naiyon sa ulo niya. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa narinig niya. Unit-unti ay lumakas ang kabog ng dibdib niya.
“Turn around,” utos nito sa kaniya. Isang malalim na paghinga ang ginawa niya bago niya sinunod ang utos ng lalaki.
Pero noong humarap siya ay mas lalo siyang kinabahan. Nanlaki ang mata niya at mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya nang makita ang lalaki.
“Ikaw?” gulat na tanong niya. Bigla niyang naalala ang nangyari sa fiance niya. Siya ang lalaking nakita niya noong gabing namatay si Christian. Seryoso lamang na nakataingin sa kaniya ang lalaki na animo’y walang ginawang masama.
Dahil sa galit na naramdaman niya ay agad niyang inagaw ang baril ng lalaki bagay na ikinagulat nito. Mabilis niyang pinapulupot ang kamay niya sa braso nito bago niya malakas na sinikuhan ang biceps ng lalaki.
Napa-aray siya sa sakit kaya matagumpay niyang naagaw ang baril nito at mabilis na itinutok ang dalawang baril na hawak niya sa lalaki.
“It’s my turn, who the f**k are you?” tanong ni Consti habang seryosong nakatingin sa lalaki. Galit ang nararamdaman niya para dito at handa siyang pumatay ano mang oras kung kikilos ito ng hindi maganda.
Hindi sumagot ang lalaki bago ito ngumisi sa kaniya. Tumayo ito na para bang hindi natatakot. Seryoso lamang ang bawat tingin ni Consti sa kaniya at hindi pa rin inaalis ang baril.
“Shoot me,” sabi nito habang nakatingin sa mga mata ni Consti.
“Don’t you dare to move or I will shoot you,” seryosong sambit ni Consti habang nakatingin sa mata niya.
Pero imbes na sumunod ay mas lalo itong lumapit kay Consti kaya naman mas lalong itinutok ni Consti ang baril sa kaniya.
“Shoot me then,” nakangisi pa ring sambit nito sa kaniya habang lumalapit kaya naman ay kinalabit niya ang trigger dahilan para pumutok ang baril papunta sa lalaki.
“f**k!” sigaw niya habang iniinda ang pananakit ng balikat niya dahil sa pagbaril ni Consti.
“I told you, I will shoot you,” sambit ni Consti habang seryoso pa ring nakatingin sa kaniya.
Masama lamang na tumingin sa kaniya ang lalaki kaya siya naman ang lumapit dito.
“Now answer me. Who the f**k are you? Why did you kill my fiance, huh?” seryosong sambit ni Consti habang nakatingin sa lalaki. Batid sa boses niya ang galit.
“Fiance?” nagtatakang tanong naman ng lalaki sa kaniya.
Bago pa man makapagsalita si Consti ay bigla na lamang may sumakal sa kaniya mula sa likod.
“f**k you, b***h!” sigaw ng isang babae habang pilit siyang sinasakal. Agad namang siniko ni Consti ang babae bago siya tumalikod para makaharap niya iyon. Mabilis na inagaw ng babae ang isang baril na hawak niya bago siya nito itinulak ng malakas dahilan para tumalsik siya sa mga drum.
“Babe, are you okay?” tanong ng babae sa lalaki. Mabilis na bumangon si Consti at agad na tinutok ang baril sa babae. Ngayon ay magkaharap silang dalawa habang nakatutok ang mga baril sa isa’t-isa.
“Who are you, b***h?” seryosong tanong ng babae sa kaniya. Pero agad na tinutok ni Consti ang baril sa lalaki. Pero bago niya muling iputok iyon ay agad na may pumukpok sa ulo niya dahilan para mawalan siya ng malay.
***
“La Costa Nostra,” basa niya sa isang sign na nasa pader. Akmang kikilos siya nang maramdaman niyang hindi siya makatayo. Agad siyang napatingin sa katawan niya na nakatali sa upuan.
“f**k!” sambit niya habang pilit na inaalis ang tali. Maya-maya lamang ay may dumating.
“Do you really believe that you can scape from us? You will die here,” nakangiting sambit ng babae kanina. Seryoso lamang ang tingin niya rito.
“Get her, gusto siyang makita ni Rigel,” sabi nito bago siya lumapit at bumulong dito.
“Simulan mo nang magdasal, b***h,” bulong niya bago ito tuluyang lumakad palayo.
Agad naman siyang pinakawalan ng mga lalaki bago siya hinila papalabas ng kwarto. Bumaba sila ng building at bago pumasok sa isang pinto.
Bumungad sa kaniya ang mga lalaki at tatlong babae sa loob. Napatingin naman sa kaniya ang lahat.
“Why are you taking so long?” maarteng tanong ng isang babae bago ito tumayo.
“Shut up, Vega,” sambit naman ng babae bago ito umupo sa couch. Masama namang tumingin si Consti sa kanila.
Maya-maya ay may pumasok na dalawang lalaki.
“Alpha,” sambit naman ng isang lalaki habang nakatingin sa bagong dating. Naka-suit ang dalawa at kita ang malaking pagkakahawig nito.
“Constantia Ricci,” sambit ng isang lalaki na medyo bata kaya naman napalaki ang mata niyang lumingon dito.
“How did you know my name?” tanong ni Consti habang gulat na gulat sa bagong dating na lalaki.
Seryoso lamang itong tumingin sa kaniya bago lumakad papalapit. Umupo ito sa harap niya bago seryosong tumingin sa kaniya.
“Hindi na mahalaga kung paano. But I will tell you one thing. We’re not your enemy,” seryosong sambit ng lalaki kaya naman mas lalong kumulo ang dugo niya.
“You are not my enemy? Nagpapatawa ka ba? Pinatay niyo ang fiance ko! Sa tingin niyo ba basta-basta lang akong papayag sa ganoon?” sambit pa ni Consti.
Napatingin yung tinawag nilang Alpha sa kasama nitong lalaki. Huminga ng malalim ito bago muling tumingin sa kaniya.
“Is that the reason why are you here?” tanong niya kay Consti. Hindi siya sumagot at nanatiling tahimik lamang.
“Constantia, hindi kami ang pumatay kay Christian,” sabi ni Alpha bagay na ikinagulat niya.
“At bakit ko kayo papaniwalaan? Kitang-kita ng mata ko ang lalaking yan! Noong gabing namatay ang fiance ko!” sigaw nito habang nakaturo sa isang lalaking may tama ng baril ang isang balikat.
“Nakita mo bang siya ang pumatay?” tanong niya muli bagay na ikinainis ni Consti.
“I saw him, so what did you expect?” mataray na tanong niya dito. Huminga muli ito ng malalim.
“Stupid, b***h!” sigaw ng babae kanina.
“Venus, stop,” saway naman ng isang lalaki na kasama ni Alpha.
“But, Rigel! Binaril niya si Altair!” singhal niya habang masamang nakatingin kay Consti.
“Just calm down,” sambit naman ni Alpha bago humarap kay Consti na kanina pa naiinis sa babaeng si Venus.
“Christian is one of my enemy. Pero hindi kami ang pumatay sa kaniya kundi ang sarili niyang kakampi,” sabi ni Alpha bagay na sobrang nagpagulo kay Consti.
“Ginagago mo ba ako?” seryosong tanong nito sa kaniya.
“Umalis si Christian sa Black Mamba kaya siya pinatay ni Venom,” sabi ng lalaking binaril niya kanina. Agad siyang napatingin rito.
“Noong gabing nakita mo ako, I want to help him. Sinubukan kong habulin si Venom pero hindi ko na siya naabutan,” sabi niya pa kaya mas lalo siyang naguluhann. Hindi niya kilala ang mga pangalan na binabanggit nito.
“Sino siya?” tanong ni Consti habang nalilito sa mga sinasabi nila.
“The Caporegime of Black Mamba,” seryoso namang sabat ni Venus na nakaupo lang.
“Bakit ko kaya papaniwalaan kung kayo ang kaaway ng fiance ko?” tanong muli ni Consti sa kanila.
“Dahil walang dahilan para magsinungaling kami sa iyo,” seryosong sagot ni Alpha na nasa harap niya.
Hindi niya alam pero masyadong magulo ang sitwasyon. Naguguluhan siya sa mga nalalaman niya.
“Kaya ka naming tulungan para makaganti ka kay Venom,” seryosong sambit ni Alpha habang nakatingin sa kaniya. Seryoso siyyang humarap dito habang gulong-gulo.
“How?” tanong niya muli.
“Be part of my organization.”