LCN 3

1299 Words
Agad na bumaba si Consti mula sa Van na pinagdalhan sa kaniya ng mga armadong lalaki. Hindi pa rin naalis sa isip niya ang mga sinabi at nalaman niya mula sa organisasyon na iyon. Hindi niya batid kung dapat niya bang pagkatiwalaan ang mga tao na nasa likod noon. Subalit hindi rin niya maitatanggi na posibleng nagsasabi ito ng totoo. Lalo na at alam lahat ni Alpha ang tungkol sa fiance niya. Mas lalong gumulo ang isip niyang bumalik sa kubo. Dito siya pansamantalang idinala ni Edward habang wala pa siyang binabalak na gawin. Pumasok siya sa loob at nakita ang isang sobre sa loob ng kubo. Nakapatong ito sa maliit na mesa. Agad niya itong binuksan at nanlaki ang mata niya nang makita kung ano ang laman noon. Puro isang daang libong piso na kasing kapal ng libro. Hindi niya batid kung ano o para saan iyon. Lalo na at wala namang kahit na ano ang sinasabi sa kaniya si Alpha. Muli niyang naalala ang sinabi nito sa kaniya kanina. Tama si Rigel, wala na siyang mapupuntahan pang iba at wala na siyang magagawa pa kundi ang pumayag. Pero hindi pa rin nagbabago ang misyon niya. Kailangan niyang malaman kung sino nga ba ang totoong pumatay sa fiance niya. Huminga siya ng malalim bago humiga sa kama. Ilang oras siyang nakatulala pero hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Hindi niya magawang makatulog. Naiisip niya pa rin ang mga sinabi ni Alpha kanina. Kahit na ganoon ay hindi niya pa rin pwedeng pagkatiwaalan ang mga iyon lalo na at hindi naman niya ito kilala ng lubusan. Maaring binibilog lamang ang kaniyang ulo. Muli niyang kinuha ang sobre at inilabas ang mga lilibuhing piso sa loob noon. Nagsimula siyang bilangin kung ilang piraso nga ba ang laman ng sobre. Ilang minuto ang lumipas nang matapos siya. Napagod rin siya sa kabibilang at umabot iyon ng mahigit isang daang libong piso. Sobra siyang nagulat sa laki noon. Hindi niya rin alam kung bakit talaga siya binigyan ni Alpha ng ganong kalaking pera. Pero isa lang ang sigurado siya. May dahilan kung bakit siya binigyan ng pera. Mas lalong nagkaroon siya ng interest na malaman ng mga bagay sa loob ng organisasyon nila. *** Maagang naghanda si Consti. Hindi pa sumisikat ang araw ay bumiyahe na siya pabalik sa La Cosa Nostra. Putok na ang araw nang makarating siya sa lugar. Pero nakasara ang malaking gate kaya kailangan niyang mag-doorbell para pagbuksan siya ng guard. “101221,” sambit ni Consti bago muling nagsalita ang guard. “Code Name,” sambit ulit nito. “ASTRA,” maiksing sagot niya at maya-maya ay bumukas ang malaking gate. Pumasok siya at ini-scan ang QR code na nasa loob ng sobre. Napakahigpit ang hideout nila kaya hindi agad-agad makakapasok ang kahit na sino ng basta-basta. Nagtaka siya dahil noong araw na iyon ay nakabukas ang gate na malaki ay nakapasok siya agad ng walang kahirap-hirap. Sa di kalayuan ay agad na may sumalubong sa kaniyang isang babae. “Hi!” masayang bati nito sa kaniya. Tiningnan lamang niya ang babae. Ibang-iba ito sa babae kahapon. Halatang mabait ito at palangiti. “Im Alhena, 061319,” nakangiting sambit nito sa kaniya. Hindi niya alam kung babatiin niya ba ito pabalik o hindi. “You are?” tanong niya pa kaya naman huminga ng malalim si Consti bago nagsalita. “Astra, 101221,” sambit niya habang nakatingin kay Alhena. Magsasalita pa sana ito nang biglang umilaw ang bagay sa tainga niya. “Rigel, she’s here,” sabi niya na ikinataka ni Consti. “Copy,” sabi nito bago muling tumingin kay Consti. “Let’s go? Kanina pa tayo hinihintay nila,” sabi ni Alhena bagay na sobrang ikinagulat niya. “Hinihintay? Paano?” nagtatakang tanong ni Consti habang hindi pa rin makapaniwala na nalaman ng mga ito na darating siya. Ngumiti lamang si Alhena bago nagsalita. “Malalaman mo rin yan. Pero ngayon kailangan na nating pumunta kay Rigel,” sabi niya bago siya nito hinila papasok. Wala siyang nagawa kundi ang sumama na lamang dito. Pagpasok nila sa loob ay naka-abang doon si Rigel kasama ang isang lalaki. Dumiretso sila sa sofa na malapit bago ito umupo. "Mabuti naman at nakarating ka," nakangiting sabi ni Rigel at tumayo ito habang nakatingin sa kaniya. "How did you know?" nagtataka pa ring sambit ni Consti. "Simple lang, hindi mo kayang tanggihan ang offer ni Alpha?" patanong pero siguradong sambit ni Rigel sa kaniya. Natahimik naman si Consti. Hindi niya alam na inaabangan na pala siya ng mga ito. Muli siyang umayos ng upo at tuingin ng diretso kay Rigel. “Alpha wants you to be one of us. So. I want to make things clear. Are you here because you accept what Alpha’s offer to you?” tanong nito sa kanya bagay na ikinatigil niya. Wala naman siyang mapupuntahan pang iba. Wala ring ibang tutulong pa sa kaniya para malinis ang pangalan niya. Tumungo siya bilang sagot dito. Walang ni isang lumabas sa bibig niya at hinitay nalamang ang sasabihin ni Rigel. Nagulat siya nang may iabot si Rigel sa kaniya na isang folder bagay na nagpakunot ng noo. “Ano to?” tanong niya habang binubuksan ang folder. Isa iyong kasunduan. Hindi ilang isang papel ang laman ng folder kundi halos nasa bente na pahina iyon. “That’s an agreement between you and Alpha and for La Cosa Nostra,” sabi ni Rigel. Mabusising binasa iyon ni Consti. Ilang minuto rin ang lumipas nang magsalita siyang muli. “Wait, seriously? Can you enlighten me about this?” naguguluhang sambit niya. Nagkatinginan silang lahat bagay na mas lalong ikinagulo ng utak ni Consti. “Once you betrayed us, you will pay,” sabi ni Rigel. Nagulat si Consti dahil hindi pa man niya naipapakita kay Rigel ang papel ay alam na nito ang itinatanong niya. “Pay? What if I don’t have money to pay you?” sabi ni Consti. “Why did you ask? Do you have a plan to betrayed the La Cosa Nostra?” tanong ni Venus na kapapasok pa lang. Napatingin naman si Consti sa kaniya. “I want to know everything inside this folder. Is there a problem with my question?” mataray namang tanong muli ni Consti sa kaniya. “Okay, Girls. Enough,” pag-awat naman ni Rigel sa kanila dahil nagkakainitan na sa pagitan ni Consti at ni Venus. “Once you betrayed La Cosa Nostra, you will pay. Not a monetary but your lives,” sabi ni Rigel habang seryosong nakatingin kay Consti. HIndi sumagot si Consti dahil naunahan na siya ng takot. “But as long as you are loyal you don’t need to have worried,” dagdag pa nito. Hindi na umimik pa si Consti. “She is Venus. The caporegime of this organization,” pakilala ni Rigel kay Venus. Bahagya lamang siyang tumingin dito. Muli siyang tumingin ng seryoso kay Rigel. “Since you will be one of us, just choose your codename,” sabi ni Venus at lumapit ito sa table kung asan si Rigel. “So kung wala kang maisip I will call you Gemini–” “Astra, call me, Astra,” sabi ni Consti habang seryosong nakatingin kay Venus. “Astra,” natango pang sabi ni Venus habang lumakad paikot kay Consti. “It sounds great!” nakangiting sambit ni Alhena. “Okay,” natanging sambit ni Rigel habang nakatingin kay Venus na nasa likod ni Consti. “Whatever,” walang emosyong sabi ni Venus bago lumabas. Natawa na lamang si Alhena at Rigel. “Pagpasensyahan mo na si Venus, ganon lang yon baka nag-away sila ni Altair pero mabait yon,” sambit naman ni Alhena kay Consti. Isang ngiti lang ang sinagot ni Consti bago muling lumingon sa papalayong si Venus.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD