LCN 4

1032 Words
Isang malalim na paghinga ang lumabas mula sa bibig ni Constantia. Sa gitna sila ng pagsasanay nang biglang ipinatawag si Alhena. Sandali siyang nagpahinga habang nakaupo sa isang monoblock na nasa di kalayuan. Prente siyang nakaupo habang gulong-gulo pa rin ang isip kung tama ba ang kaniyang desisyon na sumali sa organisasyon. Ilang araw niyang pinag-isipang mabuti ang bawat desisyon na ginagawa niya bago niya ito gawin. Subalit, hindi pa man nakababalik si Alhena nang marinig niya ang mga yapak na papalapit sa kinaroroonan niya. Mabilis naman siyang tumayo upang malaman kung sino iyon. Napatigil siya nang makita ang papalpit na si Venus habang nakangisi lamang itong nakatingin sa kaniya. Hindi siya sumagot dahil ayaw niya ng away. Kahit na kasapi na siya at miyembro na siya dito ay hindi pa rin maalis sa akniya na kaaway ang tingin niya sa caporegime ng La Cosa Nostra. Tiningnan lamang niya ito ng seryoso bago siya nakarating sa kinaroroonan ni Consti. Naka-ekis ang mga braso nitong nakatingin sa kaniya. “Why do you look so tired? We are not done yet. We just starting,” natatawa na sabi ni Venus habang nakatingin sa pagod na pagod na si Consti. Pero nawala ang pagtawa niya nang biglang ngumiti si Constantia. “Talaga? Well, it is normal because we did the first trial. I’m just sitting here to relieve my fatigue. Is it forbidden?” mataray na tanong ni Consti sa kaniya habangb nakangiti. Wala man sa isip niya na patulan ang babae subalit hindi naman niya kayang manahimik na lang habang iniinsulto siya nito. Kahit isa pa ito sa pangatlo na pinakamataas sa organisasyon nila. “No, ayos lang naman na magpahinga ka muna diyan. Mahirap kasi baka mamaya bigla ka na lang mahimatay sa pagod. For sure, hindi kakayanin ng katawan mo ang pagod na kaya ng katawan namin,” matapang na sagot ni Venus sa kaniya dahilan para mainis si Consti. Bitch! Bulong niya sa sarili habang masamang nakatingin kay Venus. Ilang saglit pa ay muling nagsalita si Venus. “Alhena is on her mission. So, I will replace her to be your Trainer,” nakangiting sambit ni Venus bagay na nakapag-patigil kay Consti. Muling umikot ag mata ni Venus sa loob ng field. Bago siya umiling na animo’y nang-iinsulto. “And I think, this place is too small to training you,” dagdag pa ni Venus bago ito sumenyas sa kung saan. Ilang sandali pa lamang ay biglang dumating ang mga lalaki. “Take her to Arena,” seryoso na utos nito sa mga lalaki bago siya tuluyang lumakad palayo. Hindi alam ni Consti ang gagawin dahil sa sinabi ni Venus. “Wait! What did you say? This is too much!” hindi makapaniwala na sambit ni Consti. Dahil alam niya sa sarili niya na ang Arena ay para lamang sa mga battle fight. At hindi pa siya para doon dahil maaari na mamatay siya kung sakaling malakas ang makalaban niya. Agad namang huminto si Venus bago tumingin sa nagtatakang si Consti. Ngumisi pa ito sa kaniya bago muling nagsalita. “That’s an order from your Capo,” nakangisi na sambit nito bago tuluyang naglakad palayo si Venus. Hindi na nakapagsalita pa si Consti dahil sa sinabi i Venus. Wala siyang laban dito dahil isa ito sa may pinakamataas na posisyon na hindi pwedeng suwayin ng basta-basta. Fuck you, b***h! Walang nagawa si Consti kung hindi ang sumama sa mga lalaki dahil kahit na anong gawin niya ay wala na siyang magagawa. Alam niyang pahihirapan siya ni Venus dahil simula pa lang ay alam na nito na mainit ang dugo nila sa isa’t-isa. Kaya hindi na siya magtataka kung mamaya lang ay mawalan na siya ng buhay dahil sa kagagawan ni Venus. Dahil sa pumirma siya ng kontrata ay hindi niya pwedeng suwayin ang utos nito dahil siguradong mapapahamak siya kapag nagkataon. *** Natatakot man sa maaring sapitin ay hindi nagpakita ng kahinaan si Consti. Hindi man ganoon siya kalakas at kasanay makipaglaban sa loob ng Arena ay hindi naman niya hahayaang matalo na lang ng basta-basta. Isang bagay ang natutuhan niya kay Alhena. Bigla niya iyong naalala bago siya pumasok ng Arena. Pero laking gulat niya nang makita ang mga tao. Hindi iyon gaanong karami pero sapat na para may masabing manonood ang laban nila. Hindi maalis ang kabang nararamdaman niya sa tuwing titingnan niya ang Arena. Hindi ito ang inaasahan niya. Dahil ang pag-hawak ng baril ang pinag-aaralan nila ni Alhena at hindi ang ganitong klaseng labas. Walang kahit na anong armas ang magagamit niya dahil hindi siya handa para dito. Pero mas nagulat siya nang maalala ang rules ng Arena. Nasa gitnang kaliwang parte siya ng Arena. Isa lamang ang ibig sabihin noon. Siya ang defender! Kailangan niyang dumepensa sa atake ng kalaban niya habang palihim itong gagawa ng hakbang para matalo ang kanyang kalaban. Napamura na lamang siya ng mahina habang pilit na pinakikiramdaman ang paligid. Ilang saglit pa nang marinig niya na tumunog ang speaker sa buong Arena. “Benvenuto in LCN Arena. Oggi faremo una bella battaglia dall'unico Caporegime de La Cosa Nostra, insieme al nuovo membro dell'organizzazione. Nell'angolo destro, chi era l'attaccante, Venus! E all'angolo sinistro chi era il difensore, Astra!” Nakakunot ang noo na nakatingin si Constantia dahil hindi niya batid kung ano ang sinabi ng announcer. Pero isa lamang ang alam niya. Siya ang defender at kailangan niyang matalo si Venus na isang attacker. Hindi niya alam kung paano niya magagawa iyon pero kailangan niyang depensahan ang kaniya sarili. Nag-umpisa siyang maghanda, nakita niyang papalabas pa lang si Venus sa kabilang entrance. Nakita niya pa kung paano ito ngumisi sa kaniya. Sari-saring kaba at takot ang nararamdaman niya. Nakabihis si Venus at alam niyang ito ang suot ng babae sa tuwing nakipag laban ito sa Arena. Huminga siya ng malalim bago ito tiningnan ng masama. Ilang saglit lang ay lumakad ito papalapit sa kaniya kaya agad naman siyang naghanda dahil hindi niya mabasa kung ano ang nasa isip ni Venus. “Be ready, b***h! I will make sure that you will regret that you joined in our organization,” nakangising sambit ni Venus bagay na nagbigay nginig sa buong katawan ni Consti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD