Ang black sheep na anak

1210 Words
Naging masaya ang mga araw na pananatili nya duon,kahit papano iniimbita narin siya ng mga anak ni aling seleen.Ang pamangkin ng kanyang Inang Marie.Sinasama siya sa mga lakad ng mga ito,minsan pati motor narin nya sinasakyan nila kung may kalayuan ang pupuntahan nila para mamasyal. Pinapakisamahan nya ang mga ito pero pagdating na pagdating sa bahay ay walang kahit na sino ang pweding dumisturbo sa kanya. Kapag naglock na siya ng kanyang kwarto,alam na ng Amang at Inang nya na confidential ang gagawin nya. Lumipas ang mga araw at huling araw na nya iyon aalis na siya ulit kinabukasan ng hapon. Babalik na siya sa seryusong mundo ng business na ginagalawan nya.Walang idea ang Amang at Inang nya sa negosyo nya. Ang alam nila ay nagtatrabaho lang siya sa isang hotel pero hindi alam ng mga ito na siya mismo ang may ari nito. Nasa sala silang tatlo at nanunuod ng news sa mga oras na yun, matapos nyang magkulong sa silid nya maghapon ay sinamaan ang mga ito sa sala.Naghahanda narin naman na ang nag iisang kawaksi nila na binabayaran nila ng kanyang daddy ayaw na sana nya tumulong ito kaso mapilit ang kanyang ama para daw hindi na mahirapan ang mga ito. Nakapukos sila sa balita na kadalasan political issue naman,mga kabaluktotan ng ibang nanunungkolan,mga kurakot na huli na nga magdidiny parin at kukuha ng abogado na mukhang pera.Dahil sa ngitngit naisatinig nya tuloy ang kanyang planong pag aaral ulit,ngunit gagawin nya ito para sa kanyang negosyo. Apo,balak mo bang mag aral ulit at pagiging abogado kamo?"ang manghang tanong ng Inang nya. Inang plano palang diko alam kung itutuloy ko"ang sagot nya dto na di pa rin inaalis ang tingin sa Television. Nalaing ka barok,(matalino ka iho ) kaya alam namin na kayang kaya mo yan"sabat ng Amang nya. Salamat Amang" Ibubuka sana ni Dino ang bibig para sagutin siya ng bulabogin sila ng mahinang kalampag sa may gate.Katapat ng bintana ang kinaruruonan ng gate kaya dinig na dinig nila ito, Ako na Amang,nagkusa siya na siya ang mag bubukas ng gate,at tumayo mula sa pagkakaupo sa tabi ng abuela.Naglakad siya palabas ng pintuan, Hindi pa man siya nakakalapit ay nagsalita na siya. sino sila,? Wala siyang marinig na sagot kaya inulit nyang tinanong ang nasa labas.Nangunot ang nuo nya dahil ayaw magsalita ang tao sa harap ng gate,kaya hindi na kinausap at tumalikod.Hindi nya alam pero parang kumakabog ang dibdib nya, hahakbang na sana siya para pumasok uli ng magsalita ito na kitulos nya sa kayang kinatatayuan. Ako ito si Margie,a-anak ikaw na ba yan?" ang tanong ng nasa labas,nanigas siya at hindi makagalaw nanuyo ang lalamunan nya ay para siyang hindi makahinga.Naninikip ang kanyang dibdib at hindi rin nya namalayan na natawag nya rin ang abuelo at sa tuno na parang nahihirapang huminga. Dahil nga katapat ng sala ang gate,ay dinig nila ang parang panaghoy ng apo nila.Nagtaka pa kasi sila dahil ilang minuto na ang lumipas pero wala pa silang marinig na buksan manlang nito ang gate,may narinig silang kausap nito pero mahina ang boses. Sabay pa silang napatayo dahil naalarma sila,baka may nangyari sa labas na hindi nila alam. Lumabas sila para tignan ang apo at nanlaki ang mata ng ginang dahil sa itsura ng binatang apo nila,tumakbo siya para saklolohan ito. Apo ko,anong nagyayari sa sayo"?ang may pag aalalang tanong ng ginang sa binata,ngunit hindi ito nagsasalita nakadilat lang ang mata at natuon lang sa may gate ang tingin, ang isang kamay naman ay nakahawak sa dibdib pero para itong istatwa.Kita sa mukha ang subrang pagkabigla. Nakahawak siya sa kanyang dibdib at pinipilit huminga.Ang paglapit ng kanyang grandparents ay hindi narin narinig dahil parang pati utak nya hindi na rin nagfafunction.Naramdaman nya ang bahagyang paghilot sa kanyang likod ay pagbayo sa kanyang dibdib, maya maya ay may malamig na dumampi sa may mukha nya, saka lang unti unti nabalik sa normal ang hwesyo ng kanyang katawan.Para siyang naglakad ng milya ang layo dahil pagkatapos mabalik sa normal ang kondisyon ng kanyang katawan ay nanghihina na siyang napaupo. Kaso, bago pa sumayad sa lupa ang katawan niya ay nasalo siya ng Kanyang Amang. Mamang ipasok mo na natin itong apo mo nanghihina ang katawan"ang tawag pansin nito sa asawa na nakatingin sa may gate. Lumapit itong tahimik at tinulongan nilang alalayan ang binata papasok. tumabi ang ginang sa apo para Hilotin ang likod nito at mga binti para bumuti ang pakiramdam, samantala lumabas ang ginoo para tignan ang dahilan para magkaganon ang apo nila.Ngayon lang nangyari sa binata ito parang nanakawan ng enerhiya ang apo nila,natakot pa sila dahil duon. Sa labas ng gate ay aware si Margie na may nangyayari sa binata.Alam niya wala na siyang karapatan pa dito ngunit nakaramdam siya ng kaba dahil base sa naririnig nya parang nanigas ang anak niya,nakakahiya man na tawagin nya itong anak,ramdam nya hindi na siya nararapat pang tawagin itong anak pagkatapos ng lahat lahat,ngunit hindi nya mapigilan.Hindi siya mapakali sa labas dahil hindi pa binubuksan ang gate,ilang saglit lang ay narinig nya ang Ama na kinakausap ang kanyang Ina,sa tagal ng panahon na nawala siya ngayon nya naramdaman na namiss nya ang mga ito. Tahimik ang paligid,at tahimik din siyang umiiyak sa labas ng gate.Nananalangin din na sana papasukin siya ng mga magulang gusto na nyang magbago at babawi siya sa mga ito. Napatigil siya sa pag iyak at minadali na pinunasan ang kanyang luha dahil narinig niya ang pagbukas ng lock ng gate sa loob hanggang sa buksan at iluwa ng seryusong mukha ng Ama ang gate na bakal. Tumigas ang itsura ng kanyang mukha ng mapag sino ang taong dahilan kung bakit nagkapanic attack ang apo.Seryuso nita itong tinitigan,iginala ang tingin sa mga Bitbit nitong gamit at pansin nya na parang magtatagal ito dahil marami ang bagahe nito. Anya ar aramidem ditoy"? (anong ginagawa mo rito)walang imosyon na tanong sa anak. Napansin nya sosyal itong tignan pero parang payat,para itong tumakas. Napayuko si Margie sa klase ng tingin na pinupukol mg ama nya,parang inuobserbahan siya. Nag angat siya ng tingin at mangiyak ngiyak itong tinawag.Papang"ang mahina at garalgal na tawag dito. Nakita nya itong nag iwas ng tingin at pagbabago ng ekspresyon ng mukha. Nanikip ang dibdib ni Dino dahil aminado siya na namiss nya rin ang kanyang anak, sino bang magulang ang hindi mangulila lalo pat mag isang anak lang ito.Parang sasabog ang kanyang dibdib dahil pinipigil nya ang umiyak. Papasukin mo yan at duon mo nalang kausapin gabi na,bibigyan ko lang ng pag kain ang apo mo.Sa silid nalang daw nya siya kakain,ang mahabang litanya ng ginang sa asawa.Hindi nila alam na kanina pa pala ito nakatayo sa may tago. Nakita nya ang pagpipigil ng asawa na huwag maiyak kaya nagsalita na siya.Anak parin nila ito kahit papano naawa parin sila, kita sa itsura nito na hindi maganda ang naging buhay nito sa mga nakalipas na taon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD