Pagkakita ni Dino sa motor na nakaparada sa gilid ng kalye at harapan ng kanilang bahay mismo, alam na nya na nasa malapit lang ang apo nila.
Mamang"ang tawag nya sa asawa,nandito ang apo natin"ang nakangiting turan nya at kitang kita nya kung paano nagliwanag ang mukha nito.
Talaga pero paano mo nalaman"?ang tanong nito kitang hindi siya sigurado kung totoo ba ang sinasabi ng ispuso.
Kilala ko ang motor na ito sa kanya ito dahil may tatak ng initial name nya.ang paliwanag sa asawa.kaya lalong lumawak ang ngiti ng kabiyak dahil sa sinabi nito habang minamadaling buksan ang gate ay hindi rin naman mawalawala ang ngiti nila.
May narinig silang nag uusap sa bahay ng pamangkin na kalapit bahay nila, pero hindi na nila pinansin pa baka yung mga anak lamang nito yun.ilang sandali pa ay nakarinig sila ng kaluskos at yabag papalapit kaya sabay pa silang nalingon.
Amang,Inang"ang nakangiting bati ng apo nila,hindi na mapigilan ng ginang ang imosyon kaya binitiwan nya ang mga hawak na pinamili nila at sinugod ito ng yakap.
Apo ko"ang iyak na sabi nito kaya naman natawa ang binata.
Inang bakit kailangan mo umiyak nandito na ako oh"
habang yakap yakap siya ng abuela na humahagulhol pa sa may balikat nya.
Di mapigilan ng binata ang damdamin sa nakikitang reaction ng Inang nya,di nya kayang tignan ito.
Sorry na Inang,gumaralgal ang boses nya,nagbibikig ang lalamunan nya.Alam nya kasing namiss lang siya sa tagal ng hindi nya pagbisita.
Oh siya sa loob na tayo mag dramahan pati ako naluluha na rin dahil sa inyong mag Inang.Nakangiwi pa ang Ginoo dahil pati siya nadadala narin sa napapanuod nya sa asawa't Apo nila.Aminado din naman siya na, siya rin namiss ang apo nila pero tinatagan ang kanyang loob para huwag maluha.
Dahil sa sinabi ng Amang nya ay hinaplos muna nya ang likod ng Inang nya saka nagsalita.
Inang sa loob na po tayo,duon na po tayo mag usap nangawit paa ko bigat nyo kasi,ang reklamo nya kaya napaangat ng tingin ang ginang.napansin nyang medyo nakayuko ito,parang kuba.
Saka lang nya napagtanto na halos magpakarga na siya dto.Huwag ka nga reklamo diyan bigat mo rin kaya nuon bata ka pero pakarga ka ng pakarga ang ganting banat nya sa apo.
Natawa naman ang asawa sa sinabi nya,palusot ka diyan eh sa bigat mong yan kumpara sa apo mo.Pang aalaska naman ng asawa.
Eh"sa masaya ako mano ba,at bakit ikaw sumasabat hindi ikaw ang kausap ko"pagtataray sa asawa saka siya hinila papasok pagkatapos pulotin ang mga binitiwang pinamili.
Halika na apo hayaan mo na yang matandang yan.kakamot Kamot nalang sa batok na nagpahila sa abuela pero napatigil siya nang maalala ang motor.
Mauna kana Inang ipasok ko pa ang motor baka magasgasan pa duon.
Sige apo,sunod ka kaagad at tulongan mo'ko sa kusina"pagkasabi nun ay tumalikod na at naunang pumasok sa kabahayan.
samantala ang Amang naman nya ay nailing,na nakatingin habang nakangiti.Lumapit siya at sinabing mauna na ang ginoo sa loob ipasok lang nya ang motor,pero nagpresinta ito.
Sige na apo ako na bahala sa motor mo na magpasok, isunod mo nalang itong pinamili namin para maluto na ng Inang mo.
pero""
Sige na kaya ko na rito"pagtataboy niya sa apo.
Sige po Amang"ang pag payag nalang ng binata at inabot ang binibigay nitong nakaplastic na mga pagkaing lulutoin pa.
Lumapit ang abuelo at tinapik sya sa balikat,matangkad kana kasi apo kaya pagpasensyahan mo na Inang mo kung nangalumbitin pa sayo..
Wala yun Amang,biro ko lang po pero talagang bigat na nya ngayon ah"
Ah, kainan kasi ang negosyo nya ngayon kaya siguradong nakuha na sa kakatikim ng niluluto nya yun,sabay tawa.
Nailing nalang din siya sa biro ng abuelo nya at nauna nang pumasok.mapapausad naman ang motor na yun kahit hindi naandar.