Tuloyan na ngang nakalimutan ng dalaga ang kanyang tawagan,kaya pati ang pagchat sa binata ay hindi na nagawa pang muli.
Kumakain na sila kasama ang kanyang magulang,late breakfast na yun kasi tinapos nila mga gawain bago sila nagdesisyon na dumulog na sa hapag kainan.Total linggo yun at wala naman silang pupuntahan na iba pa.
Anak diba malapit na exam nyo,"ang tanong ng kanyang ina.
Opo mama,ilang linggo nalang ang gugugolin sa pagrereview,tipid nyang sagot dto.
Pag igihan mo anak para naman mataas ang iyong makukuhang grades,kahit wala kang parangal na matatanggap ang mahalaga pasado ka.
Baka sakaling may sponsour para sa scholar program tayong mahahanap.
Maraming nag ooffer diyan maghanap lang tayo.Para naman may katuwang kami ng mama mo at hindi masyadong mahirapan kapag nagkolehiyo kana,"mahabang paliwanag ng kanyang papa.
Huwag ho kayong mag alala papa,ginagawa ko po ang best ko para makapasa sa mga subjects ko.
Pipilitin ko rin na abutin ang standard na grades ng bawat scholar na nakukuha o hihigitan ko pa.
Pacensya kana anak ha,alam mo naman ang sahod namin ay sapat lamang sa mga binabayaran natin.May ibabayad man kami pero mas mainam parin na makuha ka bilang scholar para hindi kami masyadong mabigatan sa mga gagastusin natin.
Nauunawaan ko kayo mama,papa sa ibig nyong sabihin"ang sagot nya sa mga ito.
Ngumiti ang mama nya at tumayo para yakapin siya,hinaplos nito ang buhok nya.
Ngumiti din ang ama nya at hinaplos din ang ulo nya,ang sarap sa pakiramdam nya ang tagpong iyon.
Nag uumapaw ang kaligayahan nya dahil kahit kunting bagay ay napapasaya ang kanyang mga magulang.
Kaya naman ipinangako nya sa sariling gagawin ang lahat para pumasa.
Salamat sa pang unawa mo anak,mahal ka namin yan ang lagi mong tatatandaan"ang sabi ng kanyang ama.
Mahal ko din po kayo" ang sagot nya sa mga ito.
Mapunta nga pala tayo sa kukunin mong kurso,ano ang naiibigan mong maging?Tanong ito ng kanyang ina,natahimik siya at napaisip.
Wala ka bang naisip anak"? umiling siya para sabihin na wala siyang maisip sa ngayon.
Saka nalang po yan papa, mama pagkatapos nalang ng graduation namin saka ko iisipin yan. Baka kasi kapag madaliin at hindi ko iisipin muna, ay masasayang lang ang effort kapag sa huli dko rin magustuhan.
Sabagay tama ka anak,mahirap nga naman.Nakakahiya sa mga sponsor na kukuha sayo, lalo kung magpalitpalit ka ng kurso mo.Mas mawawalan Karin ng konsentrasyon sa iyong pag aaral kung paiba iba ang kukunin mo kurso.
Opo mama,kaya after nalang po para mapakiramdaman ko ng maayos ang sarili ko kung ano ba talaga ang gusto kong maging.
oh siya,tapusin na natin ang pagkain natin lumamig na ang sabi ng ama nya.Kaya naman napatawa silang tatlo dahil nakalimutan na nga nila ang pagkain na nasa harapan nila.Umayos na sila ng upo at tinapos ang kanilang pagkain.