Ngayon na araw ng lingo nakatuka kay Jazen ang paglalaba sa mga damit nilang narumihan nila sa nagdaang mga araw.Samantala sa pagluluto naman nga agahan nila ang hinarap ng kanyang mama.Ang AMA nyang abala sa mga dokomentong binabasa ay napermi naman sa kanilang sala.kanya kanya sila ng pinagkakaabalahan sa araw na ito.Kasalukoyan siyang nakatayo sa may washing nang tumunog ang tawagan nya,alam nyang text lang yun dahil magkaiba ang huni ng tawag sa message lang.
Nakalapag lang sa may istante ng washing area nila,dahil nadala nya ito nung dinala nya ang mga maruruming damit at duon nilagay ang gamit.Inabot nya ito at binasa hanggang sa mapangiti , hindi ang mga kaibigan nya kundi ang chatmate nya. Binabati lang naman siya ng good morning at blessed sunday na ang dulo ng mensahe ay may sticker na imo kiss.Inaamin nyang nadadala siya sa pagiging korni ng kachat,pero alam nya na isa ito sa dahilan kaya nya ito unti unting nagugustohan.
Nagreply siya sa binata at binati din ng magandang umaga saka pinag iingat sa mga lakad nito.
Ngunit may balak ata ang luko na makipagchat ng mas matagal.
Ang bilis kung magreply sa mga text nya,hanggang sa nakahalata ata dahil nag message ito ng nagpangiwi sa kanya.
Baby,are you busy right now"?ang tanong nito kaya naman wala siyang nagawa kung di umamin nalang dto.
Sorry Nathan,ako kasi nakatuka sa paglalaba ngayon kaya d kita mahaharap ng maayos"ang paliwanag nya.
Nagreply agad ito ng sad emoji,saka may kasumod na mensahe.
Baby ko,gusto mo tulongan kita para hindi kana mapagod"?ayaw ko pa naman napapagod ka ang sabi nito.
hindi nya napigilan ang mapahagikhik dahil alam nyang impossible ang gusto nito.Nakatutok ang konsentrasyon nya sa tawagan ng biglang nagsalita ang kanyang ina na subrang nagpagulat sa kanya.Hindi nya ito namalayan na nakalapit na pala sa kanya.
Mama"! ginulat nyo naman ako masyado,reklamo nya dto na ikinatawa ng mama nya.May nobyo kana ba kaya mukhang kilig na kilig ka sa nabasa mo?
nananantya ang ipinukol nitong tingin.
Dahil ayaw nyang malaman nito ang totoong dahilan kaya sinabi nalang nya na ang mga baliw nyang kaibigan at mukhang naniwala naman ang ina.
Buti at hindi mo ibinato yang tawagan mo dahil sa gulat,ang nakangiting biro ng mama nya.
Nakanguso nya itong sinagot,idi bilhan nyo ako ng bago kapag nasira.
Nako" akala mo naman madali lang yang sinasabi mo, paghirapan mo muna bago ka mabigyan ng kapalit kung sakaling nasira mo yan"ang sagot naman nito.
Alam ko naman po na hindi ko basta basta yun makukuha,kaya nga hinawakan ko ng mabuti mahirap na.
Tumawa ang mama nya,mabuti at alam mo "siya pagkatapos mo dto pasok kana sa kusina at nang makakain na tayo ha.
Pagkasabi nun sa kanya ay tumalikod na.
Opo,mama"sunod na ako mamaya,ang sagot nya saka inilapag ulit ang telepono nya baka tuloyan nang mahulog,siya rin ang kawawa.Alam ni Jazen na hindi maganda ang maglihim pero ayaw nya namang madissapoint ang mga ito sa kanya.Nagbuga nalang siya ng hanging at tinapos ang naudlot na gawain.kaya pati ang kachat nya hindi na rin naalala.
Samantala inip ang naramdaman ni Nathaniel dahil hindi na siya nareplayan pa ng nobya, may tampo mang naramdaman pero binaliwala nalang nya ito.Baka nga abala na ito sa gawaing binanggit as kanya.Bibyahe naman siya after lunch kaya intindihin nalang nya ito,napangiti nalang ulit siya dahil naalala nyang makikita na naman nya ito ng personal sa monday.
I missed you baby,ang di mapigilang sambit ng binata.pinulot nya ulit ang cellphone at pinagsawa ang mata sa mga stolen shots nya sa dalagang kinahuhumalingan.