Pagkatapos nilang magpahinga ng ilang sandali ay sinabi na nyang kakain sila.Ipinag handa sila ng kanyang ina kasama ang kanilang kawaksi,ang abuelo't abuela naman n'ya ay abala sa panunuod sa may sala nila.Maaga silang umuwi dahil nga aalis na naman siya,alam kasi ng mga ito na matatagalan ulit siya bago makaumuwi duon.
Anak hindi ba pweding ipagpabukas mo nalang, saka ka nalang aalis ng maaga rito"?ang sabi at pakiusap ng ina.Inilalagay na nito sa lamesa ang kanilang pagkain,gumaralgal pa kunti ang boses,ramdam mo na pinipigil nito ang sarili na huwag umiyak.
Mamaya na nalang tayo mag usap mah,kakain na muna kami"ang maikli nyang tugon sa sinabi ng ina.Sumandok na siya ng kanin at ulam nya,kain na tayo dude"sininyasan nya ang kaibigan na kumain na rin.Tahimik lang silang dalawa habang kumakain,ipaalala ko nga pala ang deal natin."
Okey,just tell me"ang sagot nito habang nginu nguya ang pagkain na laman pa ng bibig,inilapag nito saglit ang kutsara't tinidor at tumingin sa kanya.
Well,napag isip isip ko total nakapunta ka na rito kahit once a week dadaan ka dito, para naman may ibang mukha silang makita.
Yun lang ba akala ko pati si baby beautiful babantayan ko" ang panunokso nito.
Don't even try to think that brat!" ang nakakunot nuo nya sagot dito.
Look at your face dude" ang kantyaw pa nito,habang natatawa sa kanya.
Shut up" kumain ka nalang diyan,basta gawin mo nalang ang sinabi ko sa'yo.
Oo na pikon ka naman agad,kj nito"ang nakanguso nitong bulong.Samantala sa may likuran nila aliw na aliw ang ina ng binata dahil nakikita nya ang pagiging close ng mga ito.
Pansin ko na very close kayo"komento nito,huwag kayo mag aaway ha'?ang Dina mapigilang bilin sa mga ito.
Nak's aunty malayong mangyari yun,bata palang kami magkasangga na kami nitong binata n'yo.Di nyo lang alam parang padir ito kung ihahalintulad sa isang bagay. Pwede mo siya masandalan kapag pagod kana kaya bakit ko sasayangin ang isang kayamanan ko?.Mag isa lang siya at the best pa na kaibigan tita. Kaya nga stick ako sa kanya kahit mapikon man ito na palaging mangyari ang bulong nito sa huling sinabi,di ba dude"? ang tanong nito na nakatingin sa kanya, napangisi pa saka siya kinindatan.
Ang drama mo' kumain ka nalang kaya, tapos na ako oh'!nangangalahati ka palang , baka gusto mo dto matulog ngayong gabi'?ang pambubuska nya rito.
Ikaw talaga,akala ko nahinto ka lang yun pala tapos kana, hintayin mo ko tatapusin ko lang ito kakahiya sa mama mo.
Natawa ng mahina ang kanyang ina sa palitan nila ng pangungusap.Samantalang nangingiti rin sa gilid ang kanilang kawaksi.
Kumain ka lang diyan pero dahan dahan lang hanggat gusto mo, may tutulogan ka naman dto eh"ang sabi pa nya.
Huwag ka ngang ganyan Benj--emm Nathaniel,ang sabi nito napatakip ito sa bibig dahil muntikan nang mamali ang tawag sa pangalan ng kaibigan.
Ha"?anong tinawag mo sa kanya balong ang tanong ng ina na nakapag ilocano ng wala sa oras,
balong"?
Tita ano po yun"ang tanong naman ng kaibigan.
Ngayon tapos na rin itong kumain,binilisan talaga dahil baka tutohanin ng kaibigan n'ya na patulogin siya duon mahirap na".Hindi nito maintindihan ang "balong"na sinabi ng babae,dahil laking manila sila ay hindi nito alam.
Maliban sa binata dahil umuuwi parin siya dito nuon pa man, mga dalawang beses sa isang buwan nuon kaya nakakaintin siya ng native language ng kanyang mga ninuno.
Iho"ang sa ibang lengwahe iyon,sagot ng ina "balong" lang kapag sa ilocano o hindi kaya ay barok".
Nagthumbs up siya para sa kaibigan, nagtagumpay kasi ito na ilihis ang usapan na muntikan na nyang ikakabisto.
Kininditan lang siya at saka umismid sa kanya.
Mah total pumayag na itong mukong na ito,habang wala ako siya muna makikita nyo dto.
Tumingin bigla sa kanya na parang magpoprotesta pero pinanlakihan nya ito ng mata,nakuha nito ang gusto nya kaya tumingin sa kanyang ina, nasa may likuran parin nila.
Oo nga aunty, "kaya dont worry tatao ho ako rito every time na may free ako.
Uuwi parin ako dto paminsan minsan,ang dugtong namang sabi nya.
Anak aasahan ko mga sinabi nyo"ang pagtatapos nito sa usapan nila.
punta na muna kayo sa sala magpaalam ka muna sa Amang at Inang mo.Ang pagtataboy nito sa kanila,kaya naman tumayo na silang dalawa.
Salamat aunty masarap luto nyo,ang puri ng kaibigan sa kanyang ina.
Salamat pero hindi ako ang gumawa lahat nyan,kasama ko si nanay Ising.
Tumingin naman si Benjick sa kawaksi at saka ngumiti rito.Salamat nanay,huwag kayo magsasawa dto ah'asahan ko narito parin kayo pag balik ko ang bilin nya rito.
Aba" sa bait n'yong yan,bakit pa ako aalis eh parehas lang din sa bayan ang sasahurin ko rito sa inyo,may mabait at gwapo pa akong amo.Ang sagot nito,ngumiti nalang siya at napailing sa papuri nito.
Nanay diba magkamukha silang dalawa female version lang nitong kaibigan ko itong si tita--?
Maargie"!!sabay sabay pa nilang sabi saka sila napahangikhik dahil sa pagsasabay sabay nilang tatlo na sumagot dito. Dahil sa nabuksang topic ay naupo silang muli.
Mayamaya ay napapitik sa hangin ang kaibigan.Nilingon nya ito at duon nya nalaman na nakatitig sa kanyang ina, kaya kinalabit nya ito at pinagtaasan ng kilay.Ngumiti ito at nagsalita,binigyan siya ng" what look."
Tita Margie" ang tawag nito pagkatapos sya tignan ng ganon,hindi nya ito maunawaan,nagtataka siya dto.
Okey, ngayon sure na ako na nakita na kita minsan.Kaya familiar ka pagkakita ko palang sa'yo kanina"ang biglang pagbubukas nito sa topic na yon.
Saan mo naman ako nakita? ang tanong ng kanyang ina,na parang naging enterasado na sa sasabihin ng kanyang kaibigan.
Sa file ng kababata ko ,isa itong Detective"ang deritsong sagot nito at kita nila sa mukha ng babae ang pagbabago ng eksyon nito. Pagkabahala ang makikita mo sa mukha nito ngayon. Pagkarinig kasi nito sa huling salita ng kaibigan ay parang natakot.Tumingin ito sa ibang direksyon at ayaw silang tignan.
Mah?".
Ang tawag nya dito namutla kasi bigla,at parang hindi na alam ang gagawin.Nang akmang kukunin nito ang mga pinagkainan nila ay sabay na nilang pinigilan ng kaibigan sa kamay nito. Ramdam nila ang panginginig nito.
Anong meron sa file na yun dude "? seryuso nyang tanong sa kaibigan at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ng ina nuong tangkain nitong hilain ito.
Don't try to escape,"matalim nya itong binalingan at seryuso siyang nagsalita. Sit, lets settle this matter once and for all,huwag na huwag kang maglilihim kung gusto mo pang magpapakita ako sa'yo after I left"banta nya rito kaya napayuko ang ina at saka tumango na parang mabait na bata.
Dahil sa nasaksihan ay napagtanto naman ng kawaksi na hindi talaga galit ang binata sa ina nito, kundi gusto lang nitong paghirapan ng ina nito na mapalapit rito.Dahil kita nya at dinig nya kung paano ito maging concern sa ina hindi nga lang halata.Lagi kasi nagsusumbong ang anak ng mag asawang amo na napakalamig daw ng pakikitungo ng anak nito rito.
Ngayon isang pagkakamali ng babai na isipin yun.Saka normal lang yun kung medyo malayo ang loob sa kanya dahil binata na ito at may sarili naring pagpapasya,sa tagal ba naman ng kanilang paghihiwalay.Pero kita ng dalawa nyang mata,hindi ito nangimi na hawakan ang kamay ng ina.
Now tell us what happen"ang mauturidad na utos ng binata sa ina.Namangha ang kaibigan sa pakikitungo niya sa ina dahil nanlaki ang mata.
Hindi nya pinansin ang reaction ng kaibigan pero inubserbahan nya ang ina sa tabi nya.pinaupo nya kasi ito at kusa namang umusad ng upo ang kaibigan.
Back then,after I left you here with my parents,sumama ako sa lalaking nangako na bibigyan ako ng magandang kinabukasan.Pero diko alam na gagawin nya akong mistress nya.Isinasama nya rin ako sa mga lugar na pupuntahan niya tulad ng pasugalan at iba pa, ayaw nya rin na pakialaman ko ang mga emportanteng papeles nya.
Wala akong kaalam alam sa mga illegal nyang gawain,hanggang sa isang araw naraid ang pasugalan nito at ako ang ginawa nilang pain duon ko narealize na sa masamang tao pala ako nasama.Hinuli ako ng mga Utoridad ngunit hindi ako nagtagal duon sa selda, napatunayan kasi na biktima din ako ngunit hinuli din ako ng mga tauhan ng lalaking yun at ibinalik sa kanya, duon na rin nagbago ang trato nya, tapos nalaman din ng asawa nito na may mistress siya kaya yun.Ginawa nila akong alila at wala akong magawa"nangilid ang luha nito,pero kumurap kurap ito saka pinagpatuloy ang pagkukwento.
Hanggang sa hindi nalang ito nakauwi at nalaman namin na timbog na pala sa kamay ng mga NBI. Dahil din sa shipment ng illegal of fire arms na galing sa ibang bansa. Hindi rin ako nakaalis agad dahil ikinulong ako ng asawa nito saka ako pinakawalan nang pansin na mahina na ako.Nakulong din naman ito dahil idinimanda siya ng asawa ng isang katrabaho nya dahil sa maling relasyon nito sa asawa ng una at lumaban narin ako nuong iasangkot ako kaya nakauwi ako rito dahil tinulongan ako ng mga kasama ko na nakakaalam sa sitwasyon ko.Duon ko rin nalaman na mga tauhan daw ng isang Gen.Villanueva ang mga humuli sa lalaking yun.ang mahaba nitong kwento hindi sila nagsalita habang nagkukwento ito at nakinig lang. Nang makarinig siya ng kaluskos at hikbi sa likod nila.
Mamang/Inang"! ang magkapanabay nilang tawag.Napalingon kasi sila at duon ay nakatayo ito kasama ang kanilang kawaksi. Umalis pala ito at tinawag ang matandang babae para marinig nito ang side ng anak.
Iyan ba ang dahilan kaya hindi ka na nakabalik pa sa amin ng matagal na panahon at yan din ba ang dahilan kaya subrang payat mo na?".Ang lumuhula nitong tanong.
Mamang hindi naman na po importante yun hindi ba, dahil nandito na ako"? ang tanong ng anak at napaiyak na rin.
Dahil sa awa sa babaing nagsilang sa kanya ay nayakap nya ito ng wala sa sarili.Napasinghap ang lahat dahil pati siya napaluha.Hindi nya pala kayang makita ito na umiyak sa harapan nya.Akala nya hindi siya maawa rito ngunit pagkatapos ng kwento at napagdaanan nito ay lumambot ang kanyang puso para sa ina.
Pati na rin tuloy si Alex ay hindi na mapigilan ang maawa sa ina ng kanyang kaibigan, all these years ay inisip ng kaibigan na inabandona siya pero hindi pala.