Araw ng pagtatagpo

4274 Words
Nakahiga ngayon ang binata sa kama,medyo late na rin, mabuti nalang at pumayag din ang kanyang ina at Grandparents na tumuloy siya sa kanyang lakad. Duon na rin sila sa highway naghiwalay ng daan ng kanyang kaibigang si Alex.Sa tawag nalang din sila nag usap,dahil nagmamadali na siya. Tinawagan nya ang kaibigan sa manila at sinabihan ito na pupunta siya sa bayan ng mga ito ng mga oras na yun,sinabi nya na siguradong close na ang Municipal inn sa kanilang bayan.Dahil duon ay ito na mismo ang nagoffer sa kanya na open ang bahay ng mga ito.Sinabi nito na maluwang at confortable sa ilong ang kwarto nito. Tinawanan man nya ang kaibigan dahil duon,ngunit pumayag na din siya dahil ito naman talaga ang sadya nya nuong tawagan ito. Total makikitulog at makikiligo lang ang kailangan nya sa bahay ng mga ito.Hindi na siya nag abala na magpalit dahil naligo naman na siya bago bumyahe. Pagkagising nya kinabukasan ay agad siyang nag ayos.Pagbaba nya sa hagdan ay nandon na sa kusina ang nanay ng kanyang kaibigan na si aling tasing. Magandang umaga aunty, ang aga nyo po yata" ang tanong niya sa ginang. Ay oo iho" tinawagan kasi ako ni carlo,na maaga ka raw aalis,baka hindi ka makapag almusal pag ma late ako magising.Buti pala at maaga ako kundi umalis kana hindi pa nakakapagalmusal. Ngumiti siya rito saka nag pasalamat. Hindi kami nga pala kami masyado nagkikita ni carlo nitong mga nakaraang buwan.Busy kasi ako aunty sa Vigan,kaya sa tawag ko lang nakakausap. Pacensya na kung nakaisturbo ako sa inyo"ang paghingi nya dto ng paumanhin. Naku walang anoman yun,ikaw talaga"ang sabi nto.Kaibigan ka naman ng binata ko kaya ayos lang sa akin yun.Huwag mo na iisipin na nakakaisturbo ka. Sige po kung yan ang gusto nyo aunty, salamat ulit"ang magalang parin nyang sagot rito. Kumosta po pala yung pamangkin n'yong ikinasal nuong unang punta ko rito?ang tanong niya. Ah 'hayon nagbabanat ng buto at nagsusunog ng kilay para makabayad sa mga utang nila, katulong nya ang kanyang mga magulang.Sabi ko kasi sa kanila, pwedi namang simple lang ang kasal. pero mapilit sila eh' kaya wala na akong magagawa .Iba rin talaga kasi kapag sa mga lugar na sanay sa mga magagarbong kasalan ang mapapangasawa mo.Kung yung ginastos nila inipon nila idi sana may puhonan sila para sa negosyo"ang mahabang himutok nito. Ganon po talaga aunty hindi pariparihas ang nakasanayan kaya kung duon sila satisfied wala na tayong magagawa. ang sabi nya at saka lumapit sa may hapag kainan at umopo sa upoan na nanduon. "Oo"nga eh,pero sila din ang mahihirapan pagkatapos' kita mo na. Ngayon nahihirapan na siya kasi walang permanenting trabaho.maluho pa ang asawa,kakakasal palang nila eh kung gumastos parang hindi pinaghihirapan ng pamangkin ko. Tahimik lang siya at nakikinig sa mga himutok nito. Aunty, pwede ko siyang tulongan,ang suhestyon nya rito. Huh'Paano iho,may kilala ka ba na peding maghire sa kanya? ang tanong nito na biglang naexcite. Sa Vigan pwede ko siyang ipasok sa hotel bilang staff duon,pero dapat kailangang may tinapos siya kahit short course pwede na. Oo"nagtapos naman siya kahit papaano pero hindi nya magagamit ang natapos.Parang ayaw nya kasing mapalayo sa asawa"ang sabi nito saka umismid na ikinangiti nya. Ah"sandali kailangan mo nga pala makakain muna"ang sabi nito,saka nagmamadali itong kumilos. Mabibilis ang mga kamay kaya nabahala siya baka mapano pa ito. Aunty huwag kayong mataranta mas lalo kayo hindi nakakapag isip ng tamang gagawin nyo nyan ang pagpapaalala nya rito.Hindi na kasi nya mapigilan ang sarili na sawayin ito.Ayos lang naman ako gusto nyo po bang tulongan ko nalang kayo?ang tanong nya. Nako huwag na iho' hayaan mo na, kaya ko naman eh.Nakakahiya lang kasi sa'yo panauhin kita.Pero nakalimutan ko,hintay ka muna saglit iinit natin para mas masarap kainin.Napahilamos ito sa mukha ng hindi nito namamalayan. Hay 'dahil kasi sa kadaldalan ko,kaya pati pagkain mo nakalimutan ko naring ihanda.Nagkakamot pa ito sa ulo. Maaga pa naman,kaya relax lang po kayo,ang pagpapakalma pa niya. Pero parang walang epekto dito ang kanyang sinabi,, Aunty' ayos lang yan"ang pagpapakalma nya rito sa ikalawang pagkakataon ,nagpapasalamat nga ako sa inyo kasi maganda po ang pagtrato nyo sa akin" ang sabi pa nya rito.Natawa siya ng lihim dahil may pagka komik pala ang nanay ng kaibigan,alam nya dahil sa pagkapanic kaya ito ganon.Hindi nya yun inaasahan saka hindi naman nya ito napagtuonan ng pansin dati,dahil tumolong siya kasama ang mga ito nuong unang punta nya sa bahay na ito.Ngunit ang mahalaga para sa kanya ay mabait itong tao. Iho totoo bang anak ka ng isang General?biglang tanong ng ginang kaya naman napatingin siya rito.Kasalukuyan na siyang sumusubo ng pagkain inihain nito sa kanya.Ito naman ay tapos na rin daw magkape. Yan po ba ang dahilan kaya kayo natataranta"?ang seryuso nyang tanong. Aunty ano po bang kwento ni Carlo na yon sa'yo,?Hindi nya mapigilan na batuhin ito ng tanong.Baka kung ano ano na kasi ang kinukwento ng mukong na yun dito,parang tinakot pa ata ang ina nito. Ah iho huwag mo masamain,nasabi lang naman nya na anak ka nga raw ni Gen.Villanueva'ang nahihiya nitong sabi. Hindi ko kasi kayo napagtuonan ng pansin nung unang punta nyo rito. Opo, anak nga ako ni Gen.Villanueva pero kita nyo naman nasa harapan nyo ako ngayon kaya huwag ho kayo mabahala. Hindi ako katulad ng mga napapanuod nyo sa mga news.Hindi ako pariwara at rebellious na anak ng isang opisyal. Cowboy po ako aunty kaya huwag kayo mag alala"ang paliwanag nalang nya rito. Ramdam ko yun anak kaya kahit papano napapasalamat ako. Katulad mo ang nabarkada ng binata ko hindi sa mga halang na kabataan"ang sabi nito. Aalis na nga rin pala ako mamaya aunty,balik na ako ng manila.Baka may ipapadala ka para kay Carlo"? Meron pero maliit lang yun kaya ibibigay ko nalang kapag aalis na tayo. Salamat pala sa pang unawa mo iho,at ingat ka sa byahe mo mamaya ha'? Opo,salamat din po sa pagpapatuloy nyo sa akin dito sa bahay nyo. Walang anuman yun anak,deritso ka lang dto sa bahay,kapag nagagawi ka d'to.Sabihan mo nga nalang ang kaibigan mo kapag pupunta ka rito para maabisuhan ako at maihanda ko ang tutuloyan mong silid. Opo gagawin ko po yan,kapag magawi ulit ako dto" ang sagot nya. Oh siya iho tapusin mo na muna yang almusal mo,maiiwan na muna kita at maghahanda narin ako.Pupunta rin ako sa tindahan ko ngayon dahil monday pala. Okey po sige lang aunty uubusin ko po itong niluto nyo masarap eh"ang sabi nya habang nakatingin dito.. Mabuti at nagustohan mo,dahil yan din ang gustong gustong kainin ng anak ko kapag umuuwi siya"ang sabi nito habang nakangiti sa kanya. Ganun po ba salamat at pinatikim nyo ako nito"sabi nya habang maganang kumakain,buti pa siya' pero ayos lang yan natikman ko naman na hehe.Wala na siyang ipagyayabang kasi natikman kona na. Natawa ito dahil sa sinabi nya,kayo talagang mga bata kayo"ang mahina nitong bigkas saka nagsalita ulit ng sapat para marinig na nya. Ikaw na ang bahala dto ah"pagkasabi nun ay tumalikod na ito at iniwan na siya ng tuloyan sa kusina. Opo aunty huwag kayong mag alala,ako na bahala dto sa pinagkainan ko,ang pahabol nyang sagot rito at ipinagpatuloy na ang naudlot na pagkain. Pagkatapos nya kumain at nalinis ang mga ginamit nila ay mabilis siyang naligo at nagbihis na para sa kanyang byahe mamaya.Magkapanabay silang lumabas sa bahay ng Ginang,paglabas nya ay dumiritso siya sa kanyang motor at pinausad ito palapit dito.Pinaandar nya ito ngunit nakanuetral lang hinayaan nyang uminit muna ang makina.Umangkas siya saka binalingan ang ginang na kasalukuyang hinahalungkat ang laman ng paper bag nitong dala. Saan po banda ang tindahan nyo Aunty? ang tanong nya rito habang pinapanuod ito. Malapit lang sa may iskwelahan,ang sagot nito habang nakayuko parin. Kung madadaanan ko lang din naman pala sumabay na kayo,may aabangan din lang naman ako duo, sa tindahan n'yo muna ako mag standby habang hinihintay ko ang sadya ko dto. Ikaw ang bahala anak,pero kunin mo na ito baka makalimutan ko kapag mamaya ko pa ibigay. Nasaan na ba yun,kanina ko pa hinahalongkat itong letseng paper bag na ito"ang inis nitong himutok sabay lapag sa may simento ang hawak at hinalungkat muli ang loob nito. Napangisi siya dahil sa reaction nito, naalala nya kasi ang kanyang kaibigan.mainitin din ang ulo nito at nagmumura kapag nabubulilyaso ang lakad nila nuon o di kaya ay pumapalpak ang mga plano nito. Samantala sa bahay nilanJazen ay minamadali naman na siya ng ama dahil medyo late siyang nagising. Jazen, bilisan mo anak malelate na tayo oh'ang reklamo ng ama nito.Sumunod ka nalang sa sasakyan pagkatapos mo ang sabi nito sabay alis.Dinig nya ang yabag ng paa nitong papalayo. Opo papa, nandiyan na"ang sagot nya nalang mabibilis ang mga kilos habang nag aayos.tinext nya ang mga kaibigan na papunta na sila at nagreply agad ang mga ito at sinabing nasa classroom na raw nila ang mga ito. Pagkatapos nya ayusin ang lahat ng gamit ay sumunod na siya sa ama pero bago lumabas ng tuloyan sa kanilang bahay ay hinalikan nya muna ang pisngi ng kanyang Mama.bye mah"ang paalam pa nya. Ingat sa pagdadrive kamo sa papa mo hah"ang bilin nito. opo mah"ang sagot nya saka ito iniwan,pagdating sa may sasakyan ay umaandar na ito at nasa manibela ang ama.Sumakay na siya saka sinara ang pintuan,pagkasara nya nyon ay pinausad na ng kanyang ama.Pagdating sa may kalye ay pinatakbo na nito ng katamtamang bilis ang sasakyan. Pagkatapos namang iabot ng ginang ang ipapadala nito para sa kaibigan nya ay iniabot nya rito ang extra nyang helmet.Bago nya hawakan ang manibela, inilagay nya muna sa loob ng kanyang sling bag ang ipinabibigay nito para sa anak nito.Umayos siya ng upo at pinaangkas na ang Ginang. Iho dahan dahan sa pagpapatakbo,baka matumba tayo"ang bilin nito. Huwag kayo mag alala racer ako aunty,ang pagyayabang niya pero idinaan nya sa biro, kahit tanungin nyo si carlo kapag tumawag siya",ang nakangiti niyang dugtong sa sinabi. Oh siya basta dahan dahan lang anak ang hirit pa nito.Hindi natin masasabi kung kailan darating ang aksidente kahit gaano ka pa kagaling.. opo aunty,kapit kayo ng maayos ang sagot nalang nya. Pagdating sa tindahan nito ay ipinarada nya sa bandang gilid ang kanyang motor sa harapan din ng tindahan. Pagkabukas ng ginang sa pintuan ay ikinuha siya ng upuang plastic. Tumolong na rin siya sa pag aayos ng mga lamesa para sa mga gustong magmeryenda.Nang matapos ay bumalik siya sa upuan na inipuan kanina para abangan ang dalaga. Pagkalipas ng twenty minutes na byahe,sa wakas ay nakarating narin sila sa school nya. Tumigil ang sasakyan nila sa may tapat ng waiting shed.Bago lumabas humalik muna siya sa ama,ingat sa pagdadrive papa ang bilin nya rito. Salamat anak,huwag ka magpapagutom'may baon ka kaya kainin mo yan ah". Opo"ang sagot nya saka bumaba,paglabas nya at maisara ang pinto ay umusad na ito ng dahan dahan. Nakatingin siya rito hanggang sa kumaway ang ama at saka pinaharurot na ang kotse nito hanggang sa hindi na nya matanaw pa. Hindi muna siya umalis duon,dahil maaga pa masyado.Ngunit napalingon lingon siya sa mga pwede nyang makita,ramdam nya kasing parang may natingin sa kanya. Sa bandang pinanggalingan nila,ay may natanaw siyang magarang motor na nakahimpil sa tapat ng tindahan ni aling Tasing.Duon din ay nakita nya na may lalaking nakaupo malapit sa motor,alam nyang ito ang may ari kasi nakahelmet pa ito. Kinabahan siya bigla dahil napagtanto nya na parang siya pala ang tinitignan nito,nakaramdam siya ng hiya.Lumingon sya sa kanyang bandang likuran pero wala namang tao,baka kasi nag assumed lang siya. Dahil walang tao maliban sa kanya kaya lumingon ulit siya rito at duon ay kumaway itong muli, sa pagkakataong iyon ay sure na, siya nga talaga ang kinakawayan nito.Duon nya naalala na ngayong araw pala sila magkikita ng kanyang kachat.Kumabog bigla ang kanyang dibdib sa realisasyon na yon,kinabahan man siya pero linabanan nya iyon at tinitigang mabuti ito,ngayon medyo pinatagal na nya. Gusto nya kasing masigurado na ang lalaking iyon na nga ang kakatagpuhin. Kumaway ulit ito nang mapamansin na nakatingin parin siya dto.Maya't maya ay tumayo na ito at nalakad papalapit. Napansin nya na malaking tao ito,alam nya na ring matangkad ito nuon pa man,dahil sa mga selfie nito.pero nakaka overwhelmed ang nasaksihan nya ngayon.Nakatanaw parin siya rito,at sa bandang mga mata nito ang pinagtuonan nya ng pansin,kasi ito lang ang nakikita, lahat natakpan na. Habang papalapit ito ay lumalakas naman ang kabog ng kanyang dibdib,hindi nya alam kung takot ba oh kaba iyon.Nangatog na rin ang kanyang tuhod kaya mabilis siyang humakbang palapit sa may waiting shed para umupo.Pagkaupo ay mabilis nyang hinugot ang kanyang cellphone at tinext ang mga kaibigang kambal.Dahil sa nararamdaman ay hindi nya na namalayan na nakalapit na pala ito sa kanya. Pag angat ni Jazen sa kanyang mukha ay nanlaki ang kanyang mga mata dahil ang lalaking tinatanaw lang kanina ay nasa harap na pala nya.Nang makabawi ay lumingon siya sa ibang direksyon. Nakaramdam kasi siya bigla ng hiya,pakiramdam nya namula pa ang kanyang pisngi.Ang tangkad nito at masasabi mo rin na well built ang katawan nito. Tama siya ng hinala ito nga ang kakatagpuin nya ngayon.Abala ang dalaga sa pagiisip ng pukawin siya ng isang tinig. Hi" Ang bati nito sa baritunong tinig. Alanganin man ay matipid siyang ngumiti dito. Hello" Binati nya ito pabalik habang pinaglalakbay ang tingin sa bandang mukha nito na walang takip,at duon nya napansin ang kulay ng mga mata nito. Para siyang nahepnotismo,ang ganda kasi ng mga ito,pinaghalong kulay gray at saka blue. Napangisi ang binata sa loob ng helmet,alam nyang nagandahan ito sa kanyang mata dahil hindi nito maalis ang titig nito sa kanya.Unti unti nyang tinanggal ang helmet,gusto nya makita nito ang mukha nya ,pagkatanggal nya ay inayos ang kanyang buhok saka ito tinunghayan,nakatingala ito sa kanya dahil nakaupo ito tapos matangkad pa siya.Walan siyang magawa kundi umopo ng squat position. Are you that satisfied to my eyes"?ang panunokso nya. Hindi ito sumagot at nagyuko ng ulo,kaya hindi nya napigilan ang sarili at nahaplos ang ulo nito.Tahimik lang ito at ramdam nyang hindi ito mapakali. Sa wakas ay nagkaharap na rin tayo personally,so kumusta ka na babe'? Ang pagbubukas nya ng usapan,at nakita nya ang pamumula nito,round face ito at may biloy na siyang bumihag sa kanya.Nakangiti niya itong pinagmasdan,at nasisiyahan siya dahil makikita mo talaga ang pagiging inosente nito. N-nice to see you in person as well,ang sagot nito sa kanya.Nautal si Jazen, hindi mahandle ang nararamdamang kaba sa kanyang dibdib,bago ang kahat sa kanya kaya hindi nya alam ang gagawin. hmmm"? Pwede magshake hands muna tayo at magpakilala sa isat isat formally.Ang hiling ng binata dito. Tumango ito at nag angat ulit ng tingin. Masuyo siyang ngumiti dito,that's my baby"ang sabi nya. emm' Ang piki nitong pag upo saka dahan dahan tumayo.Inilahad ang kamay sa kanya,at ngumiti kahit kita mo na naiilang parin ito. Tumayo na rin siya dahil nakatingala na siya dto,habang inaabot ang kamay nito. Nang maglapat ang kanilang kamay ay nakaramdam siya ng parang kuryente na dumaloy sa kanyang kamay,pansin nyang parang pati ito ay nakuryente din base sa biglang pagkislot nito. Baby"did you feel that,ang tanong nya na ikinatango nito at nagyuko ng mukha. It means we are destined to be together,ang sabi nya. Siguro pero hindi pa sa ngayon,sagot nito ngunit hindi sa kanya nakatingin. Okey para mawala ang pagkailang mo, tumingin ka sa akin straight to my eyes babe"ang bilin nya na sinunod nito.Dahil dahan dahan itong nakipag eye to eye sa kanya. Ngumiti siya dito at bahagyang pinisil ang mga palad nito.Maliliit ito na malambot,pinagsalikop niya ang mga kamay nila at nakita nya na saktong sakto sa mga palad nya ang palad nito. Nakita nya na parang kumakalma na rin ito dahil unti unti nang nagliliwanag ang mukha nito.Dont be nervous,i wont eat you mabait ako you see"?ang sabi nya. Ngumiti ito sa kanyanatsaka tumango. Okey'ang maikli nitong sagot sa kanya. Well" I'm Nathaniel Natan,twenty three runnin twenty four.Pagpapakilala nya,but i wont tell you my birthday sabay biro nitong dugtong. hmmp"reaction nito,sabay nguso na ikinangiti nya lalo. Hello"im Jazen Conrad,Seventeen runnin eighteen.graduating this year.hopefully ang nakangiti na nitong sabi. It's nice to finally meet you,hindi na ako magtatago sa kung saan para lang hindi mo ako makita pag bibisitahin kita. Sa bahay ka magpunta kapag gusto mo bumisita sa akin ang sagot nito na ikinatawa nya' Ayos na ba pakiramdam mo hindi ka na takot"? Humagikhik ito sabay tango, na lalong tumunaw sa damdamin nya.Ang ganda ng tawa nito,pinagmasdan nya ito ng maigi.Yung biloy nito,ang pink na labi at may pagka singkit sa gilid na mata nito.Itinatak nya ang mga iyon sa kanyang utak at puso. I feels so good to meet you,i felt joy here ang sabi n'ya habang itinatapat sa kanyang dibdib ang palad nito. Nakakaramdam man ng hiya si Jazen ay hindi nya mapigilan ang sarili.Ramdam nya ang malalakas na pintig ng puso nito. Nabihag naman ang kanyang puso ng mga mata nito,idagdag pa ang hindi nya inaasahan na kagwapuhan nitong taglay.Yung itsura nito sa mga selfies nito ay malayong malayo sa nakikita nya ngayon.Ang mga magaganda itong mga mata,ang matangos na ilong nito ay hindi malaki katulad ng mga nakikita nya sa mga magazines,manipis ang labi nito na parang hindi nasayaran ng sigarilyo,sarap kagatin.Bigla nyang natutop ang labi dahil sa takbo ng kanyang utak,naginit ang kanyang mukha dahil duon. hmmm"i think napunta na sa ibang level ang isip mo", ang bigla nitong sabi na may halong panunokso.Ang sinabi nito ay lalong nagpainit ng kanyang mukha, ramdam nya tuloy na pati rin ang kanyang tainga. My baby is so innocent and shy, yet a bit naughty"im so lucky,ang nasisiyahan nyang bulong dito. Yumoko siya para magpantay ang mukha nila,lagi itong nagiiwas ng tingin kada titigan nya ito kaya hindi na siya nagsalita at umayos ng tayo. Paglipas ng ilang sandali na katahimikan sa pagitan nila ay hindi na nya mapigilang tanungin ito. pwede ba kitang yakapin?,ang tanong niya rito. Bigla naman siyang nahimasmasan,at bumaling sa may gate kaya kita nya na marami na pala ang nakatingin sa kanila. Huh"please huwag dito, duon muna tayo sa banda ruon,ang sabi niya na nakaturo ang daliri sa bandang likuran ng school tumayo siya at hinawakan ito hinila ngunit dahil malaki itong lalaki at hindi agad nakasunod ay napatigil siya kaya nilingon nya ito. Do you feel shy,do you feel embarrassed that im with you,?ang tanong nito habang matiim siya nitong pinagmasdan. Im sorry hindi ako sanay sa atensyon ng iba,mas lalo na sa ganitong sitwasyon"ang mahina nitong paliwanag,halata mo na nahihirapan ito kaya ngumiti ang binata.Naiitindihan nya ang pakiramdam nito. I know babe,ang sabi nya saka siya humakbang at sabay na silang naglakad palayo sa mga studyanteng unti unti naiipon sa tapat ng gate. Medyo matatagalan ako sa manila may aasikasuhin ako duon,pero magtetext naman ako o di kaya ay tatawagan kita kapag may free time ako. Babe"please wait for me okey,? Nakahawak parin siya sa kamay ng dalaga at hinahaplos ito,tinanggal nya ang gloves sa kamay nya.bago siya makipag kamay kanina. Tiningala siya nito,at saka ngumiti ng tipid. Dinig nya itong huminga ng malalim,parang hindi parin ito makapaniwala na nasa harap nito siya. Ngayong nakita mo na ako ng personal ano ang nararamdaman at naiisip mo'?ang tanong nya rito. Diko inisip na tutuhanin mo ang mga sinabi mo nuon.Akala ko libangan mo lang ang pakikipagchat sa akin,ngunit ngayon,natatakot ako"ang sabi nito sabay hinga ng malalim,tanda ng pinipigil nitong imosyon. Alam kong natatakot ka sa kalalabasan nito dahil marami na ang nakakita sa iyo na may kahawak kamay na lalaki.But believe me,im serious about us.Im willing to wait until you graduate from college. So hopefully na hindi mo ako kakalimutan after this. Nang lingunin nya ito ay umi iling ito at biglang yumogyog ang balikat naikinabigla nya. Babe"please dont misinterpret what im telling you right now,ang nataranta nyang sabi.Hinawakan nya ang balikat nito at pinaharap sa kanya.Hilam na ang mukha nito ng luha,yung biloy nito na lumilitaw kada kibot ng maliit nitong bibig,ay mas lalong nagpapainlab sa kanya.Lumambot ang puso nya at nakaramdam siya ng habag para dto. Hinaplos nya ang mukha nito at pinunasan ang mga luha nito ngunit patuloy ang pamamalisbis ng luha sa pisngi nito. Yumoko siya at hinalikan ito sa gilid ng kabi,napamaang ito at napatitig sa kanya at ang hikbi nito ay hindi na mapilan. Hey "babe stop crying,i can't handle a situation like this please"ang malumanay at masuyo nyang pag alo dito.Ngunit embis na huminto ito ay mas lalo itong umiyak.Wala na siyang choice kundi yakapin ito at haplusin ang likod nito. Hussssssh,pagpapatigil nya habang yakap yakap ito ay iniugoy nya katawan nilang dalawa.Hinalikan nya ito sa ulo,at napangiti sya dahil tumingala ito.You're so lovely"ang puri nya dito,nahiya ito at isinubsob ang mukha nito sa kanyang dibdib,kaya napatawa siya ng mahina. Baby,dont make me fall for you even more.Ikaw din baka mahirapan kang kumawala sa akin pag nangyari yun"ang pananakot nya dto. Ikaw kasi,ang sabi nito sabay tampal sa kanyang dibdib,mahina man yun kaya hindi nya pinansin,bagkos ay hinigpitan ang kanyang yakap dito. Wala silang kamalay malay na pinapanuod na pala sila ng mga kapwa nito studyante,kinikilig sila dahil sa nakikita nilang kasweetan ng dalawa. Matagal silang magkayakap habang pinapatahan ang kanyang girlfriend,nang biglang may tumawag dito. Hello" ang sagot nito. hoy bruha hindi mo ba kami ipapakilala diyan sa herodes na yan,ang sabi ni chimmy. Witch saan kayo,?ang tanong nya dto. Nandito lang naman kami nanunuod ng sweet drama kasama ang mga maagang pumasok na kaklase natin kainggit ka daw sabi nila may hot papa ka palang itinatago. Ang lambing at caring pa .ang pang aasar nito. Oo na punta na kayo dito bago siya umalis ang sabi nalang nya saka pinatayan ito ng tawag. Dinig ni Benjick ang usapan ng magkaibigan kaya tinanong nya ito kung ayos lang ba rito na makipagkilala siya sa mga ito. Mga bestfriend ko sila kaya okey lang,saka hindi naman mahirap yun para sayo dba?ang tanong nito kaya tumango siya at ngumiti dito,pinunasan nya ang mukha nito gamit ang manggas ng sweatshirt nya. Okey na ako"ang pigil nito. Huwag ka na umiyak ha" ang sabi naman nya rito,at hinawakan ulit ang kamay nito habang hinihintay ang mga kaibigan ng dalaga na dumating,ilang sandali din ay nanduon na ang tatlong kaibigan nya. Nakipagkamay ang binata at nakipagkilala sa kanilang tatlo. Pagkatapos ay niyakap nyang muli ang dalaga.Gumanti ito ng yakap kaya binitiwan ito at tinanggal ang nakasuot sa kanya na silver gold na kwentas may pendant ito na singsing,at isinuot sa dalaga.Tumingin siya sa mga kaibigan nito bago nagsalita.Saksi kayo kung gaano siya kahalaga sa akin please bantayan nyo siya para sa akin. Tumango ang mga ito kaya ngumiti siya at hinarap ang dalaga,babe im going ..I'll leave you for now but I'll come back to claim you,you're mine and no one owned you except me pagkasabi nyon ay hinalikan ito sa nuo,sa ulo iniangat nya ang mukha nito saka hinalikan ito sa ilong. Kaya ko pang magpigil na hindi makagat ang labi na yan pero humanda ka sa pagbabalik ko.ang banta nito pero kinilig ang tatlo na ikinapula nya,nakakahiya kayo ang asik nya sa mga ito saka naman inirapan ang binata kaya humalakhak ito. Cge pagbutihin nyo ang pag aaral nyo,gusto ko kayong makitang grumaduate na apat pagbalik ko. yes sir,ang magkakapanabay na sabi ng tatlo maliban sa kanya. Well,how about my little babe here,what will you say about what i said. We will sir,ang sabi nya kaya sabay sabay na kurot ang natanggap nya mula sa mga kaibigan. Anong sir ka diyan bruha.ano mo ba siya?,paasik na tanong ni chimmy, Oo nga,sabay namang sang ayon ng dalawa kaya umiwas siya ng tingin. Im her boyfriend officially from now,ang singit ng binata kaya nagsi apairan ng kamay ang mga kaibigan nito.namula siya sa sinabi nito,pero masaya na siya kasi maliwanag pa sa sikat ng araw na sila na talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD