CHAPTER 10: 'Indirect Kiss'

1070 Words
"Wow.. ang ganda no'ng babae. Kasali kaya siya sa maglalaro mamaya? Akala ko puro amazona ang mga volleyball players natin." Abala si Casen sa pagbubura ng mga pictures sa camera kaya hinayaan na lang niyang magsalitang mag-isa ang kasama. Malamang si Tamara ang tinutukoy nito. Nasa court sila ngayon. Tradisyon na tuwing foundation day ang magkaroon ng friendly match sa pagitan ng kanilang team at team ng ibang university. Sila ng kanyang partner ang na-assign na mag-feature ng sports competition. Nagulat siya na kasali si Tamara sa mga maglalaro. Balita niya kasi ay nag-quit na ito bilang atleta noong nakaraang taon. He guess she would rather play in the field than compete in a pageant. "Magsisimula na ang first match. Bro, saan ko ise-set up ang camera?" Teka baguhan ba siya? Matagal ng 'di umaattend ng meeting si Casen kaya hindi pamilyar sa kanya ang mga ka-miyembro. Mukhang freshman ata ang nadispatsya sa kanya. Isinuot niya ang kamerang hawak at bumaba sa hagdan-hagdang upuan. "Ako ang bahala sayo first year. Mukhang kasasali mo lang sa pub, welcome to the club." Damang dama niya ang pagiging sophomore. Pinakita niya kung paano ang tamang pag-set up ng gamit. Mukhang ABCom ang course ng kanyang junior kaya ito ang pinasama sa kaniya. Inaayos niya ang angle ng camera nang hindi sinasadyang makuha sa video si Tamara. "Bro, okay na ba?” Nang walang marinig na sagot mula sa kausap ay napakamot na lang ng ulo ang kasama ni Casen. Sa seryoso niyang mukha at pagkakakunot ng noo, mapagkakamalan siyang may kaaway. "Isn't she uncomfortable?" Hindi sa malaswang tingnan ang suot ni Tamara masyado lang pinagpala ang babae at ang katotohanang iyon ay isang bagay na hindi lalabas sa kanyang bibig. "Kaya pala 'di mo ko naririnig, pinapanuod mo pala si Miss beautiful.” Tinapik niya sa baraso ang ugok. "Tama na ang satsat ikaw na ang bahala sa broadcast. Taga-picture lang ako." "Okay, bro. Salamat." Namangha si Kio sa pagiging cool ng kanyang senior na nag-thumbs up lang at umalis na. Ilang minuto lang ay nagsimula na rin ang laban. Hindi maitatanggi ni Casen na magaling na setter si Tamara at dahil parehas may ibubuga ang dalawang kupunan ay nalibang na siyang manuod. "Yes!" bukod sa napalakas ang boses niya ay napataas rin ang kanyang kamay. Normal lang matuwa dahil nakapuntos ang pambato nila pero ang tingin ng kanyang kalapit hindi nakakatuwa. Agad niyang ibinalik ang sarili sa pagkuha ng litrato. Inia-adjust niya ang lens ng camera nang mapansin niya na bini-video-han ng lalaki sa kanyang unahan si Tamara. Nasa baba sila kaya malapit sila sa kinaroroonan ng mga manlalaro. Laking gulat na lang niya ng ilang beses nitong i-zoom ang video. Pigil ang galit niyang inakbayan ang naligaw na bubwit. "Dude itigil mo ang kalokohang 'yan, kung ayaw mong i-report kita." Hindi ito kumibo. Nang ibinaba nito ang kamay ay doon na ito naglakas loob takasan siya pero malas na lang ng hunghang at naabutan niya. "'Di pa ko tapos magsalita. Huwag kang bastos.” Kinandado niya sa sakal ang ungas palabas ng court. "Bro, nagandahan lang ako sa babae. Lalaki ka rin kaya alam mo na 'yon.” This piece of s**t. Lalo niyang diniinan ang pagkakasakal dito. “Akin na, bago ka masaktan,” banta niya at inilahad ang kamay. Ibinigay naman nito ang cellphone. Pagkabukas niya ng gallery, nagtangis ang kanyang bagang sa mga nakita at walang pasabing binura lahat ng laman nitong mga pictures. Natakot ang lapastangan sa nandidilim niyang tingin kaya napakamot na lang sa ulo. Tiningnan niya ang ID ng ungas. “First year?” ‘di makapaniwalang bulalas niya. “Bagong salta ka pa lang, gusto mo na agad ma-kick out. Mukhang hindi mo kilala ‘yong taong bini-video-han mo. Maghanda ka ng magbasa ng bibliya. Sa disciplinary office mo na lang bisitahin ang iphone mo,” aniya at hinila ang ID nito. “Saka ID mo.” “Bro, baka naman puwede nating pag-usapan.” “Pasensya na. Mahirap akong kausap,” Nakatalikod na ikinaway niya ang kapit na ID rito at pumasok na sa loob ng court. Nakarinig na lang siya ng malutong na mura. Huh, talagang nagmura pa. Makikita niya ang hinahanap niya. Nang ibinalik niya ang pansin sa laro ay agad na nahagip ng kanyang tingin si Tamara. Nakangiti ito na wala man lang kaalam-alam sa nangyari. "What a fool…” Bago pa siya walang ma-submit na mga litrato ay nagpatuloy na siya sa kaniyang trabaho. ********** "1,2,3 say cheese" Matapos ang laro nang umagang iyon ay naging official photographer si Casen ng team ni Tamara. Nanalo kasi ang mga ito kaya nagpakuha ng commemorative photo. Itinaas niya ang kamay at nagbigay ng 'okay' signal. Pagkatapos ay ipinatingin rito ang mga kinuhang litrato. "Nice. Ang ganda ko dito ah. Maraming salamat poging photographer.” Napangiwi na lang siya. Hindi alam kung paano bibigyang reaksyon ang sinabi ng captain ng volleyball team. “Pakisabi sa gagawa ng article, ito ‘yong ilagay na picture, okay? Baka magmukha akong haggard sa front page,” dagdag pa nito. Nagsitawanan naman ang mga kasamahan. Nag-thumbs up lang siya bilang pagsang-ayon at bumalik na sila sa kani-kanilang gawain. Nagliligpit siya ng mga kagamitan nang lumapit sa kaniya si Tamara. “Hey, poging photographer.” Sinulyapan niya lang ito saglit. “O?” aniya habang abala sa pag-aayos. “Hindi mo man lang ako iko-congrats.” “Congrats,” bati niya without feelings. Sarkastikong pumalakpak ito. “Thank you. That was the most sincere congratulation I ever heard.” “Welcome.” “Libreng patubig ba ‘to para sa mga players?” Napatingin siya. Kinuha nito ‘yong water bottle na natira sa lamesa. “Can I have this? Made-dehydrate na ko sa sobrang init.” Inagaw niya iyon kay Tamara. Hindi na selyado ang bote, malay ba niya kung sino ang uminom do'n. Binuksan niya ang bag at iniabot rito ang baong tumbler. “Alam mo ba na kapag uminom ako diyan, maghahalo ang mga laway natin. And that’s what you called ‘indirect kiss’," loko-lokong sabi nito. “Then give it back.” “Just kidding.” Tatawa-tawang binuksan nito ang takip at uminom. Sinauli naman agad sa kaniya pagkatapos lumaklak. “Here. Ingatan mo may kiss mark ko ‘yan.” “You can have it. I’m sensitive to germs.” “Aish… you’re really good at ruining the mood.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD