CHAPTER 11: 'I like you as a human being'

1322 Words
"Tol, punta lang akong convenience store," paalam ni Clyde at umalis na. Nasa hall si Casen ng mga oras na iyon. Doon kasi idadaos ang pageant kung saan kasali si Monique. Mag-aasingko na ng hapon pero hindi pa rin nagsisimula ang palabas. Pumipikit na ang kaniyang mata sa pagod kung kayat napagpasyahan muna niyang umiglip pero hindi pa man lamang nakaka-isang minutong pikit ang kaniyang mga mata nang may magsalita sa tabi niya. "Excuse me, Mr. Handsome, may nakaupo ba dito sa tabi mo? Can I sit here?" Kahit hindi niya imulat ang mga mata sa boses pa lang ay kilala na niya kung sino ang istorbong bubwit. "No," mariing tanggi niya habang pikit pa rin. "So you're going to treat me like this after you asked me a favor. That's so wrong." Sinunod pa rin naman nito ang sarili at umupo sa tabi niya. Para saan pang nagtanong ito. "At saka si Monique ang nag-imbita sa 'kin. May angal ka ba? No wonder crush mo siya. She's so friendly. Paano kayo naging magkaibigan? Hindi ako makapaniwala," may pag-iling ng ulong usal nito. There she goes again. Paano ba nito nalaman na may lihim na pagtingin siya kay Monique? She just saw her once when they were in middle school. Does she have sixth sense? "Nagpapatawa ka ba? Sa sobrang haba ng pasensiya at pang-unawa ko sa mga nilalang na katulad niyo puwede na kong patayuan ng rebulto. Kaya isa 'yang malaking fake news." Tiningnan lang siya nito na parang manghang mangha. Inilayo pa ang mukha para tawanan siya. "And this is why I like you." Bigla siyang napamulat. Napasukan ba ng hangin ang tainga niya at kung ano anong naririnig niya? Is she teasing me again? "What did you say? You like me?" he cheekily asked. Alam naman niyang pinagtitripan lang siya ng babae, gusto niya lang subukan ang katapangan nito . Humarap sa kaniya si Tamara. "Yeah. I like you as a human being. Sa sobrang kabaitan mo, hinahangaan kita bilang tao," palusot nito. Clearly, her eyes are lying. He tried hard to suppressed his grin. "Okay. But I hate you as a human being. Just so you know." "I believed haters are confused admirers. Nakaka-touch naman na lagi akong nasa puso mo. Keep it up." Baka nakasuntok na siya ng isa kung hindi lang ito babae. Humalukipkip siya at ipinagpatuloy ang naudlot na pagtulog. "Tumahimik ka na nga lang kung uupo ka diyan. Sumasakit ang ulo ko sa 'yo." "Gusto mo ba ng pampa-good vibes? Gusto mong makita ang picture ni Monique? I bet hindi mo pa siya nakikita simula kanina." Itinutok nito ang cellphone sa kaniyang mukha. Nakakasilaw ang screen nito kaya tinapik niya iyon. Pagkamulat niya tumambad sa kaniya ang isang litrato. Pakiramdam niya ay puputok ang kaniyang bunbunan sa pagka-isip bata nito. One word to describe her—crazy. She's crazy. Wala ng gamot sa kabaliwan nito. Si Tamara lang ang kilala niyang may tuktok na nangongolekta ng litrato ng iba. What's worst, mga hindi makataong litrato. Pinagsisihan na niya na na-scam siya ni Monique. I shouldn't have asked her for help. Tinawanan pa siya nito. Nakakatakot talaga. "Na-surprise ka ba? Ang cute kaya ng picture mo. Sorry kung na-hopia ka, sa cellphone ni Monique kami nag-picture." Punong-puno na talaga siya sa isang 'to. Ibinaling niya ang katawan paharap kay Tamara. Tumingin ng masama at nag-warm up ng mga daliri. "O, bawal ang pikon," anito at lumayo ng kaunti. "Come here," walang narinig niyang sabi. Pipitikin niya sana ang noo nito nang biglang may kung anong bumagsak sa may likuran niya. Sabay silang napatingin ni Tamara. "Hi," bati ng kaharap niyang pasaway. Pasalamat ito at may dumating na kuwago. Tinadyakan niya si Clyde para mabalik sa sarili. Mukhang na-estatwa kasi ang hunghang pagkakita sa idol nito. "Aray—" giit nito at napahawak sa nasaktang binti. "Tumutulo na 'yang kinakain mo" Kinuha ni Casen ang mga inuming hinulog nito. "Hi, Miss Tamara. Pasensiya ka na dito sa kaibigan ko. Medyo brutal," Umupo sa katabi niya si Clyde. Sumilip naman si Tamara. "Okay ka lang?" Kung makangiti ito kay Tamara parang manyak na ngayon lang nakakita ng babae. Itinulak niya ang mukha ng kaibigan niyang malapit na niyang itakwil. "Okay lang ang isang 'to. Sanay 'yan." Umaangal na hinampas siya ni Clyde. Natigilan naman sila ng may magsalita sa stage. "I guess it's starting," wika ni Tamara. "Miss Tamara, pasensiya ka na vanilla ice cream lang ng nabili ko." Kinuha ni Casen ang ice cream bago ibigay ni Clyde. "You don't like vanilla ice cream, do you?" aniya sabay subo niyon. Hinalungkat niya ang plastic bag at ibinigay sa kaaway ang bottled ice tea. Ngumiti ito ng mapait. "Stop making that face." He understands why she is acting this way, yet he is unable to help her because no words will be able to comfort her. Inilayo nito ang mukha sa kaniya at ininom ang iced tea. She doesn't say it but he knows she's still hurting inside. Bakit naman kasi sa lahat ng bibilhin ni Clyde, vanilla flavor pa? She used to like it before since her mom bought it a lot when she's still alive. Her dad whom she doesn't see often also bought her that ice cream flavor once on her birthday. But it all turned into bad memories when his father ruined their family and her mom died in an accident. Nagsimula na ang pageant kaya natutok na rin ang paningin nila rito. Pero kahit nakatingin si Casen sa stage hindi niya maiwasang pumasok sa isip ang imahe ni Tamara kanina. Pasimpleng tiningnan niya ang babae para siguraduhin kung ayos ito. Naninibago kasi siya na natahimik ang madaldal niyang kababata. "Yahoo!" bigla siyang naulian ng sumigaw si Clyde at napaharap si Tamara sa kaniya kaya nagtagpo ang kanilang mga mata. Pahamak ka talaga Clyde. Patay malisyang ibinalik niya ang tingin sa unahan. "Fourth placer si Monique ka-aanounce lang. Makakalibre tayo ng dinner. Yahoo!!" "She won?" gulat na sabi niya. Ganoon ba siya kawala sa sarili at hindi niya namalayan na nag-aanunsyo na pala ng mga nanalo? Isa sa mga pangarap ni Monique na makasali sa ganitong patimpalak kaya masaya siya para sa kaibigan. "Sinasabi ko naman sayong mananalo siya 'tol". "Yeah." tuwang-tuwa na nakipag-apir si Clyde kay Casen. Lampas alas-otso na ng gabi natapos ang palabas, pagkatapos na pagkatapos ay pinuntahan agad nila si Monique. "Congrats nadaya mo ang judges," ginulo g**o niya ang buhok ng babae. Malakas na tadyak lang naman ang napala niya. "Saan niyo gustong kumain?" "Siyempre do'n sa pinakamahal since beauty queen na ang pinakamaganda naming kaibigan," biro ni Clyde "Ang oa mo fourth placer lang ako. Sige ikaw na ang magbayad since nanalo ang maganda mong kaibigan." "Ikaw naman 'di ka na mabiro." Napansin ni Monique si Tamara. Lumapit ito at hinawakan ang magkabilang kamay ni Tamara. "It's all thanks to my beautiful mentor. Kung hindi dahil sa advice ng mentor ko, hindi ako mananalo. Thank you very much." "No worries. I only gave you tips, it's all your hard work. Congratulations." "Mag-cecelebrate kami sa resto after magligpit rito. I will really be greatful if makakasama ka." "I would love to. But I have to decline since I have to get up early tomorrow. I'm really sorry." "Okay. Wala akong magagawa kung may lakad ka bukas. Maybe next time." Tumingin sa suot na orasan si Tamara. "Guys, I think I got to go. Enjoy kayo sa celebration." Tumingin ito sa kaniya at bumulong. "Una na ko." He wanted to wave but it was too cheesy so he looks like he's shooing her. Hanggang sa mawala na ang babae sa tanaw niya. Napatingin siya sa labas. Okay lang kaya siyang mag-isa? Ilang beses siyang nagpaikot-ikot. Nang sa wakas ay nakapagdesisyon siya ay agad niyang kinuha ang gamit at dali-daling tumakbo palabas. "Hoy, Casen saan ka pupunta?" sigaw ni Monique. "You two go ahead. I'll follow after checking on someone."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD