Tamara had just exited the school grounds when she became aware that someone was observing her from behind. She was a little scared because it was dark and no one was around.
Tumigil siya sa paglalakad at ramdam niyang tumigil din ang tao sa likuran niya. Handa na siyang kumaripas ng takbo nang higitin nito ang manggas ng kaniyang damit.
Why this sh*t—
Kinabahan siya tipong gusto na niyang mapasigaw sa takot pero pinili niyang magpakatatag. No one can help her but herself. Mabuti na lang at nag-enroll siya dati sa taekwondo class. Tinapakan niya ang sapatos ng lapastangan.
"Aishhh— puwede bang lumingon ka muna bago ka maghinala."
Handa na sana niyang hampasin ito sa ulo nang natigilan siya nang makinig ang pamilyar na boses.
Nilingon niya ang lalaki at imbes na makampante ay mas nanaig sa kaniya ang inis. Tinadyakan niya ang loko-loko.
"Aray! Nakakadalwa ka na."
"Kulang pa 'yan. Aatakihin ako sa puso ng dahil sa 'yo." Napahawak sa dibdib si Tamara habang sinisermonan si Casen. "Don't surprised me like that. I almost beat you to death."
"Sorry." Nag-peace sign si Casen.
"But why are you here?" Humalukipkip siya at tiningnan ito nang may pagdududa.
"Just passing by... then I saw you."
Sa tingin ba nito ay maniniwala siya. Nanalo ang pinakamamahal nitong kaibigan pero heto ito at nasa harapan niya. She thought he was celebrating with them, is the sun rising from the west?
Napangiti siya. Tumalab na ba ang kaniyang karisma sa kababata niyang may pusong bato? Nakakataba ng puso na may nag-aalala sa kaniyang isang Casen Odell Ybarra.
"Okay. Sabi mo eh," Pinili na lang niyang makisakay sa palusot ng binata. Umurong siya palikod at sumabay kay Casen sa paglalakad.
"Hindi ba may celebration kayo?"
"I'm giving them space. Nakakasawa rin minsang maging third wheel."
"So she likes him?"
Natahimik bigla si Casen.
"Yeah. Aren't you going to laugh at me for being pathetic?"
"No. Been there, done that."
Manhid noon, manhid hanggang ngayon. 'Yan lang ang masasabi ni Tamara habang pinagmamasdan ang nagulat na expression ni Casen. Siya na ba dapat ang manligaw para malaman nito ang nararamdaman niya? He's always been the apple of her eyes. But he never looked at her that way. She even had no idea if he considered her a friend. Pero kahit na madalas silang magbangayan, alam niya somewhere in his heart he cares for her. At iyon lang sapat na sa kaniya.
"Nagulat din ako at hindi makapaniwala. Taob ang kagandahan ko sa pagiging clueless niya. I think I'm uselessly pretty. What's the use of this face if he's blind?"
May halong pagpaparinig na ang mga lintaya niya kaso nganga pa rin. Hirap i-summon ng katapangan kung hahantong rin lang naman sa biro ang usapan nila.
"I kinda understand whoever he is. He must have a screw loose if he likes you."
"Wow..." Pumalakpak na lang siya sa sobrang kabaitan nito. Puwede nang patayuan ng rebulto. Rebulto na may sungay.
"Hindi mo naman ako kailangan ihatid. You should have spent your time with your friends not with someone you hate."
"Sino ba 'yong muntikan ng manakit ng inosenteng tao dahil sa takot? Sa susunod sa taxi ka na sumakay kung ayaw mong mapahamak ng tuluyan. Payo lang bilang isang mabuting mamamayan."
Natawa siya sa "isang mabuting mamamayan" nito. Tsundere? Bakit kaya hindi na lang nito sabihing nag-aalala ito sa kaniya dahil gabi na at mag-isa siya.
"Sige na. Hindi na lang ako makikipagtalo kahit na ikaw 'yong parang kriminal kanina na nagtatago sa likod. It's so nice to breath some fresh air. Ginagabayan ata ako ng mga bituin sa langit. Tingnan mo, nagkukumpulan sila." Tumuro siya sa taas.
"Frustrated rin ba kayo sa love life kong hindi maglayag? Pakisabi naman kay shooting star baka puwedeng tuparin niya ang wish kong huwag na siyang maging bulag," sigaw niya.
Sinamaan naman siya ng tingin ng katabi.
"Wala ka bang kaibigan kaya pati celestial bodies kinakausap mo? Nagkamali pala ako hindi pala dapat ikaw ang mag-ingat, sila pala dapat. And stop shouting. You're disturbing the neighborhood."
"I have friends. Aren't we friends?"
"Who said we're friends..."
"Then what are we?"
Hindi agad ito nakasagot.
"You just broke your promise to my mom."
"You're the one who broke it. I didn't."
She became speechless. Nagpatuloy lang ito sa paglalakad habang siya ay natigilan. It was something she didn't expect from him.
"What was that?" tanong niya sabay habol dito.
"Never mind."
"Aish..."
Nginusuan niya lang si Casen pero nalihis rin agad ang kaniyang inis nang may nadaanan silang convenience store. Bigla siyang nagutom.
"Let's go there."
"What—"
"Sa 7/11."
"No."
"Please."
Wala na itong nagawa kung hindi ang magpakaladkad sa kaniya. Sino ba naman ang hindi susuko sa ka-cute-an niya? Napilitan na lang itong sumama paloob.
"I thought you hate ice cream," wika ni Casen habang nagtatanggal ng balat ng ice cream ni Tamara.
"I never said I hate it," sagot naman ni Tamara.
"Weirdo. Hindi ka ba nilalamig?"
"Nope."
Humarap ito sa kaniya. Hinubad ang jacket at ipinatong sa kaniya.
"Sa kapirasong damit na yan hindi ka nilalamig? Ikaw ba si Elsa ng Frozen?"
Kikiligin ba siya o tatawa? Iba rin talaga ang sense of humor ng kaniyang minamahal na kababata. Paano ba naman siya makakaiwas sa pana ni kupido kung ganito kasweet ang taong nsa harap niya? Masyado siyang pinapaasa siya ng tadhana. Mayroon kayang future ang inaamag niyang pagsinta?
"You know, you make me swoon in one minute then dump me the next. Are you a player?"
He just stared at her confused.
"You're indeed a player. A certified player," batos niya habang naglalakad ng pabaliktad.
"May poste sa likod mo. Baka kapag nauntog ka lumuwag na naman ang turnilyo mo sa utak."
"Sana minsan baguhin mo rin 'yong construction of lines mo, no? Sweet na sana sumablay pa," Umiwas siya sa poste. Muntikan pa siyang mabukulan.
"But aren't you cold? Sakitin ka pa naman."
"Sino bang uhugin sa 'ting dalawa?"
"You are."
"Mali ka ata nang naalala."
"I think I should teach you how to utter some nice words."
"No thanks. I don't take class from an abnormal being."
In two different ways talaga siya kung manakit. Why do I even like this guy? Am I really crazy?