Ilang buwan ang lumipas makaraan ang kanilang Foundation Day, akala ni Casen ay makakahinga na siya ng maluwag ang kaso mukhang hanggang pangarap na lang lahat ng iyon nang makita niya ang mga lumuluhang grado. Sa tuwing titingnan niya ang mga numero sa kanyang report card, napapalagok na lang siya ng laway. Malapit ng mangitlog ang kaniyang mga manok.
My mom would definitely cursed at me.
Napahawak na lang siya sa sentido. Mabuti na lang at nasa syodad siya. Malayo sa mapanuring mata ng kaniyang ina. Huwag lang biglang dadalaw ang kapatid niyang amazona kung hindi ay mapuputukan talaga siya.
May hangover pa siya sa mga markang mapupula sa mata kaya hindi pumasok sa kokote niya na may kasunod pa siyang poproblemahin. Midterms. Natulog lang siya pagkagising niya—boom! Malapit na ang examination.
Naghanda siya ng notebook para mag-jote down ng lesson pero matatapos na ang klase wala pa rin kahit isang letra siyang naisusulat. Umiikot na ang kaniyang paningin kakatingin sa white board.
Anong oras ba siya matatapos?
Gusto na niyang umuwi. Wala na kasi silang klaseng kasunod dahil absent ang magtuturo sa last subject ng araw na iyon.
Napahikab na lang si Casen. Ilang minuto pa bang balak mag-overtime ng kanilang professor?
Nagawi ang paningin niya kay Tamara na nasa kabilang hanay ng upuan. Halos puno ang isang pahina ng kwaderno nito ng sulat.
What the— is she a robot or something?
Bukod tanging ito lamang ata ang nakikinig sa kanilang buong klase. But... he kinda envy her motivation.
"Class dismissed."
"Yahoo!"
Nagsigawan na ang lahat nang biglang bumalik si Mr. Lee.
"Long quiz tomorrow."
Napaltan ang ingay ng mga dismayadong mukha.
"Sh*t" Tumingin siya kay Pael.
"Wala akong notes," anito habang sige pa rin ang paglalaro ng games sa cellphone.
Smart bastard
Napailing na lang si Casen. Kung nakakamangha ang kasipagan ni Tamara, nakakamangha naman ang stock knowledge ng kaibigan niyang cyborg.
"Bakit hindi ka manghiram kay Tamara?"
Tiningnan niya lang ito ng masama.
"Speaking of."
May third eye ba siya?
Lumingon siya sa gilid at nakitang papalapit ang dalaga.
"Hi!" bati ni Tamara.
"'Sup, dude," bati naman ni Pael habang babad pa rin sa paglalaro. Magkasundo nga pala ang dalawa dahil parehas abnormal.
"What is Ms. Perfect doing here, greeting some punks?" sarkastikong usal naman niya.
"Are you still angry?"
"Ah... about how much fun you had laughing at my grades yesterday? No, I'm not. I am very blessed being humiliated by the Great Tamara."
"O my pleasure."
Tss...
Bigla niyang naalala ang dating pustahan nila ni Tamara. Nagsimula iyon ng asarin niya ang kababata dahil sa kulelat ito sa klase noong elementarya sila. Imbes na umiyak ay taas-noo pang sinabi nito na balang araw ay magkakabaliktad rin ang mundo nila. At mukha ngang nagkakatotoo na ang lahat. Nakipagpustahan pa siya na kapag dumating ang araw na iyon ay pagsisilbihan niya ang babae. Mabuti na lang at hindi na nito naaalala. Nag-backfire rin sa kanya ang lahat ng sinabi. He felt defeated and he can't accept it.
"If you're still sulking, I can tutor you as an apology. Mukha kasing tulala ka na naman kanina."
Is she observing me or what?
"That's actually what he's going to talk to you about," singit ni Pael.
Hindi siya makapaniwala sa kaibigan. Ayaw siyang turuan kaya tinulak siya sa iba. Mabilis naman siyang maka-pick up, mabilis nga rin lang siyang tamarin. Should he grab this opportunity?
Tiningnan niya si Tamara.
Or maybe not?
They grew a little closer this past few months. Kung dati magkaaway ang turingan nila, ngayon civil na sila sa isa't isa. Nag-aasaran pa rin sila. Ang nagbago lang humaba lalo ang kaniyang pasensiya. She's still annoying as ever.
"May study cafe akong alam, want to go with me?"
Wouldn't it be awkward kung silang dalawa lang? Tumingin siya kay Pael. Himala namang tumigil na ang ungas sa pagse-cellphone.
"Bro, sama ka?"
Tumayo ito at binitbit ang bag.
"No. I have something to do. Take care, you two," anito at iniwan na siya.
"That punk... "
"Atleast your friend can read between the lines."
"What?"
"Nothing. But why do you still feel awkward around me when we know each other for a decade? O baka naman ibang awkwardness ang nararamdaman mo ha?"
Heto na naman ang mga mapanlokong ngiti ng pasaway.
"Maybe I'm scared since you're a psychopath."
Sinuot na niya ang bag. "Let's go."
"I don't want to since I'm a psychopath," bulyaw ni Tamara.
"I'm just kidding."
"Kailan ka pa natutong magbiro?" Inismidan siya ng babae.
Natawa na lang siya at sinundan ito palabas ng classroom.
Pagkarating nila sa cafe. Inilapag na agad ni Tamara ang mga study materials at sinimulan siyang turuan. Ni wala siyang time para sipsipin ang biniling kape. At hindi lang pala ito striktong leader, striktong teacher din. Pansin naman niyang kanina pa umiilaw ang cellphone ng kaniyang guro.
"Huwag kang mag-alala, hindi ako chismoso. Kaya sagutin mo na, kanina pa 'yan tumatawag."
"Don't mind it." Kinuha nito ang cellphone na nakapatong sa lamesa at in-off.
"That might be important."
"Tapos ka na bang magsagot?"
Hinigit nito ang papel na sinusulatan niya.
"This is correct."
Tumingin sa kaniya si Tamara.
"But this is wrong," anito at may binilugan sa papel. "Wrong calculation. How many times did I teach you already and you still didn't get it."
"Ah..." Kinuha niya ang papel, itinaas iyon at sinuri ang sagot. "It's because I'm not a calculator."
"Human mind is the creator of calculator; thus, we are smarter than a calculator. Is your mind less than a calculator?"
Yabang. He curled his lip in a sneer. Madali naman siyang matuto pagdating sa ibang subject pero kapag numero ang pag-uusapan parang gusto na lang niyang kumain. Uminom siya ng kape bago sagutin si Tamara.
"Yes, Ma'am. Aayusin ko na ang pagsasagot," wika niya at dinampot ulit ang ballpen.
"Mali rin itong number three. Basahin at intindihin mong mabuti 'yong situation at tanong."
"Okay. Naintindihan ko, Lieutenant."
Nahihilo na siya kakabasa sa mga salitang annuity, mutual fund, stocks, bonds, investment at marami pang iba. Bakit ba Business Administration ang kinuha niyang kurso?
He was somehow envious of her since she appears to be passionate about her craft while he seems to be unmotivated. He easily gave up on photography and now he's lost in track.
"Kung hindi mo mamasamain, puwede bang magtanong?"
"Masama."
"Okay. Don't ask me questions, either," kalmadong sabi nito at bumalik na sa pagbabasa ng libro.
"Ano bang itatanong mo?"
"I'm not curious anymore."
"I'll give you one free chance to ask." Isinara nito ang aklat at ibinaling ang atensyon sa kaniya.
"Bakit hindi ka nag-enrol sa fine arts or kung ano pa mang course ang may kinalaman sa photography? It's unlike you. You're such a booby in this course."
Wow. Sapol na sapol. Nalaglag na lang ang panga ni Casen sa walang filter na bunganga ni Tamara. Parang lumakas ang determinasyon niyang makasama sa listahan ng dean's lister ngayong taon.
"You're a straight shooter who tells it like it is. And I didn't completely abandon photography. I still do it as a side hobby. It's just useless to take a course you want when your future is already decided."
"So, what's with the sullen expression on your face? You seem rebellious. Anyway, good luck. At least, kapag naka-graduate ka may business kang mamanahin. It's good to be rich."
She speaks as if they are in a completely different world. Her family is even wealthier than his.
"Wala ka bang balak bumalik... may mga taong nag-aalala sa 'yo. Your dad and brother. They are always asking about you. Even my family."
Alam niyang hindi siya dapat mangialam. But she is too stubborn for her own good. Mas pipiliin pa nitong mag-isa kaysa humingi ng tulong sa iba. Kasing tigas ng bakal ang ulo at paniniwala nito.
"I don't entertain questions. Sorry."
"You are so interested in my life, but you never tell me about yours."
Bata pa lang sila ganito na ang ugali ni Tamara. Pakiramdam niya kahit kailan ay hindi siya naging parte ng buhay nito. Magkasama sila pero laging may pader na nakaharang sa pagitan nila. Ang tanging libangan ng hunghang ay ang pagtripan siya.
"Are you sulking?"
And another thing. She always treated his words as though they were a joke.
"Never mind." Ibinalik na lang niya ang pansin sa pagsasagot.
"Wala naman akong babalikang pamilya sa lugar na iyon. Kahit na magka-away kami ni Aria, siya lang ang tinuturing kong kadugo. I still respect her as an elderly so I'm not totally alone. She's in U.S. together with her boyfriend. I'm happy for her and Kuya Shone, although, my not so related brother is too good for her. Sila na ang pamilya ko ngayon. Pinili kong tumayo sa sariling kong paa dahil kaya ko. Don't be worried, I'm okay."
"You're so full of yourself. Worried...my foot."
Umangat ito ng kaunti sa inuupuan at walang konsiderasyon na nag-drawing ng hugis puso sa kaniyang papel.
"What the—"
Tiningnan niya ng masama ang babae na bumalik sa pagbabasa na parang walang kalokohang ginawa.
I should just concentrate on my studies.
Tinupi niya ang parte ng papel na may drawing at tinuon na ang atensyon sa pag-aaral.