"Tamara Montañez?"
Nasa cafeteria si Tamara nang may lumapit sa kanyang babae.
Have I met her before?
Pilit niyang inalala kung sino ang nasa harapan pero wala talaga siyang ideya.
"Wow... ang unfair talaga ng buhay maganda ka na noon mas lalong ka pang gumanda ngayon. Do you still remember me?"
Alinlangang ngumiti siya.
"Pasensya na pero hindi ko maalala ang pangalan mo. But don't get me wrong, I'm usually like this."
"Elementary pa tayo huling nagkita kaya siguro hindi mo na ko matandaan. Ako to si Lia. Ahlia Esthevan. Kata-transfer ko lang dito sa university."
"Ah...I remember. You're our class peace officer." Sa sobrang laki ng pinagbago nito hindi na niya makilala. She's a little tomboy back in elementary but now she is more girly than her.
"So far, ikaw pa lang ang nakikita kong former schoolmate. Puro bagong mukha ang nasa kabilang building."
"Nandito rin si Casen." Itinuro niya ang table kung nasaan ang lalaki.
Sinipat nito ang tinuturo niya.
"Isn't that Monique? Magkakaklase kami no'ng senior high. Let's chat a bit more. Okay lang siguro kung makisangat tayo sa kanila."
Nag-aalinlangan siyang umeksena sa dalawa pero wala na siyang nagawa dahil hinila na siya ng kasama dala-dala ang tray ng pagkain.
"Hey guys, long time no see."
Napatingin si Casen kaya ngumiti lang siya.
"Esthe?"
"Nique?"
Mukhang close na close ang dalawang babae na nagyakapan sa kanyang harapan. She suddenly felt like an outsider.
"I can't believe Casen is a hottie now. Nagji-gym ka ba? Ang laki ng pinagbago ng katawan mo. Wow."
She can't argue with that. Kung dati may baby fats ang kababata ngayon baka abs na ang tinatago nito.
"Nope... puberty hits me hard."
Whoah. Napatawa siya sa confidence. Impluwensya niya ba iyon?
"Kahit si Tamara hindi makapaniwala. 'Di ba Monique parang magic?"
"Anong magic? Sa palagay ko ganoon pa rin naman ang itsura ng isang— ARAY! " Lalo niyang naramdaman na hindi siya belong nang pitikin ni Casen ang ilong ni Monique. Yeah, she was envy of their close relationship.
Sa harap ko talaga?
"Sa palagay ko tama si Monique, wala naman siyang pinagbago," komento niya sabay mapang-asar na humarap sa binata. Hindi niya feel i-compliment ito ngayon.
Pasimpleng binigyan siya ng masamang tingin ng loko habang umiinom ng fruit juice.
"By the way, you two still stick together like glue, nagde-date na ba kayo?"
Biglang nasamid si Casen sa sinabi ni Lia samantalang tumawa lang nang malakas si Monique.
"Kami nagde-date? Yuck! I don’t date my family. At saka sa tingin mo ba magkaka-develop-an kami nito? Para na kaming magkapatid. No way."
Kawawang nilalang.
Napatingin siya sa lalaki.
Hindi niya alam na ganito pala kalala ang sitwasyon nito. Friend-zoned? Nope, family-zoned.
May nagmamahal naman kasi sa 'yo. Tumingin ka lang sa paligid. Bulag ka ba talaga o wala ka lang pakiramdam?
Ano bang nakita nito kay Monique na wala sa kanya? Napasobra ba ang pang-iinis niya o hindi lang talaga nito type ang mga kasingganda niya? Parang tinutusok ang puso niya tuwing makikita itong malungkot dahil sa babae.
"Wala akong kapatid na kamukha mo." Nakatikim ito ng headlock. May part na naiintindihan niya rin si Monique. Sinong magkakagusto sa lalaking hindi marunong manuyo? She pondered why she liked this guy so much. It's not like she isn't surrounded by suitors. Perhaps she was the one who was blind.
"Hindi ka pa rin nanlili—"
"Ahem.. ahem..." Malakas na tumikhim si Casen para i-preno ang bibig ni Ahlia.
Nabaling ang atensyon ni Tamara kay Ahlia.
Whoah… mukhang may alam siya sa inaamag na pagsinta ni Cody. At madaldal pa rin siya kagaya ng dati.
She's enjoying the moment while taking a sip of her iced tea.
"Naalala ko. ‘Di ba may quiz tayo sa Literature after break, Tamara? "
Tumingin sa kanya ang mokong nagpaparamdam na sumang-ayon siya. Ngayon kailangan niya ng back-up para makaalis? Iniisip niya kung tutulungan ito pero dahil nasa mood siya, pagtitripan niya muna.
"Yeah. But we still have ten minutes left. Ano pala 'yong sinasabi mo Lia?"
Ramdam niya ang mahinang pagsipa ni Casen sa kanyang paa.
"Nagtataka lang ako kung bakit—"
"Ah... nagtataka ka ba kung bakit wala pang nililigawan si Casen? Balita ko, he likes this pretty girl but he was too shy to approach her. Right?" Pigil ang pagkunot ng noo na nginitian siya ng kababata.
"Nagkakamali ka diyan. Siya ang naghahabol sa akin.”
Why is he looking at me?
Tinaasan niya ng kilay. Kailan siya naghabol? Sandali siyang napaisip.
Wala naman siyang sinabi pero bakit natatamaan ka Tamara. Haist.
Pinahamak niya lang ang sarili.
She gave Casen a blank stare, as if she had no idea what he was talking about.
“What was that? Bakit wala akong kaalam-alam? You have someone you like?” gulat na tanong ni Monique.
Nasa unahan mo na hindi mo na kailangang hanapin. 'Yan ang gusto niyang sabihin pero pinigilan niya ang sarili dahil isang malaking biro lang naman lahat ng iyon. She shouldn't make too much trouble.
"So he likes someone else.” Napakamot na lang ng ulo si Lia. Mukhang pati ito ay nalinlang niya.
"Don't make a fuss. It’s not a big deal.”
"Aish... wala ka man lang balak sabihin sa mga friends mo? Tamara do you know the girl? Junior or senior? O baka naman classmate niyo?”
"I don't know. Someone is staring intently at me right now." Tinuro niya si Casen na nagpatay malisya nang ibaling nina Lia at Monique ang atensyon rito.
"I'm going. Tapos na ang ten minutes." Tumayo ito sa kinauupuan at nanguna nang umalis.
"Mukhang napikon."
"Mukha nga."
Natawa na lang siya sa reaksyon ng mga kaibigan ng binata.
"Sige guys, balik na rin ako. Bye!” paalam niya at hinabol si Casen.
"Don't you think those two are fishy?"
"What do you mean?"
"Hindi kaya tinutukoy nila ang mga sarili nila. Iba ‘yong atmosphere sa pagitan nilang dalawa. ”
"Naku imposible 'yan. Si Tamara na perfect in all angles magkakagusto sa lokong 'yon—" Biglang nagpause si Monique at napaisip. "Pero nagtataka rin ako sa relasyon nila. Ever since middle school, tuwing uwian hindi sumasama sa galaan si Casen dahil sinusundo niya si Tamara sa kabilang school. He even cried at one time because of her.”
"O my gosh, I might have triggered the girlfriend.” Napatabon ng bibig si Lia.
"May sinasabi ka ba?"
"Don't mind me kinakausap ko lang ang sarili ko."
Sa sobrang bilis maglakad ni Casen sumuko na ang paa ni Tamara na habulin ito. Nasa may hallway na siya nang makita niyang nakatayo at nakahalukipkip ito sa may poste. Nilapitan siya.
"Are you waiting for me?"
"Why did you tell that?"
"Obviously, para tulungan ka. Mukhang nagmamakaawa ka kanina, ganyan ka ba magpasalamat?"
"Pinalaki mo lang lalo ang g**o. Alam mo ba kung gaano kakulit ang mga 'yon? They will pester me all day."
"You can just give them a stoic face. Expert ka do'n, hindi ba? At saka 'wag kang mag-alala. I didn't drop a name.”
Bumalik na uli ito sa paglalakad at hindi na siya pinansin.
Dinadamdam pa rin ba niya ang nangyari kanina?
At least he was bro-zoned while she's treated like an enemy.
Tumabi siya kay Casen at side by side na naglakad.
"Kung gusto mo talaga siya, bakit hindi ka magtapat? Wala pang resulta, natatakot ka na? It's not good to act as a friend when you're developing feelings for her. Kahit sanay na akong nakamungot ka, mas lalo akong natatakot sa mukha mo ngayon. Don't feel down. Cheer up!" Tinapik niya ito sa baraso.
"I'm not feeling down."
"Obvious ka na nagsisinungaling ka pa—" Napahinto siya nang mag-vibrate ang kanyang cellphone. Kinuha niya iyon sa bulsa pero agad ring binalik matapos makita ang caller id.
"Sagutin mo na. Nakatabon ang magkabila kong tainga."
“It’s not a registered number.”
“Stalker?”
“I think I know who it is but never mind. By the way, totoo ba 'yong sinabi mo kanina na may quiz tayo sa Lit.?
"Yep."
"What the— seryoso?"
"Mukha ba akong nagsisinungaling?"
Dali-daling tumakbo si Tamara pabalik ng classroom. She can't afford to lose her scholarship!
Naiwang nakangisi ang nakalokong kababata. Hindi nito inakala na mauuto si Tamara.
"She can be cute sometimes."