CHAPTER 15: 'Dude, welcome to the club'

1314 Words
Nagmamadaling pumunta si Casen sa library matapos ang huling klase. Malapit na ang kanilang pagsusulit kaya naisipan niyang magsipag. Sigurado siyang naiinip na ang kaniyang tutor sa paghihintay. Nanggaling pa kasi siya sa publication para magsubmit ng documentation. "Hey, traitor!" Napatigil siya sa paglalakad nang marinig ang boses ni Monique. "Wazzup." "Saan ka pupunta ha? Bakit parang ang busy mo ngayon? May hindi ka ba sinasabi sa ‘min?" May kahina-hinala sa mga ngiti nito at kung ano man iyon ay hindi maganda ang kutob niya. "Kailangan ko bang i-report sa inyo kapag pupunta akong library?" "Totoo ba ‘yan? O baka naman may date kayo ng girlfriend mo?” Girlfriend? Hindi niya masundan ang sinasabi ng kaibigan. "Hindi ko alam kung saan mo narinig 'yan pero isa lang ang masasabi ko fake news ang source mo." “Nakakapagtaka lang kasi na hindi ka sumasama sa mga lakad namin ngayon. Kahit no’ng birthday ni Clyde sumaglit ka lang. So, ano sa tingin mo ang iisipin namin?” "Ah." Tiningnan niya si Monique. "You don't like it?" "What are you saying?" "Hindi ba nga dapat pasalamatan mo pa ‘ko? I’m doing you a favor.” Nang ma-gets nito ay sinuntok siya sa balikat. "You dummy. Alam mo namang manhid pa sa bato ang lalaking 'yon. Hindi na 'ko umaasa sa kanya." Lies. Magkaiba ang sinasabi ng mga mata nito sa tinatakbo ng bibig. Tumahimik na lang si Casen dahil baka matamaan lang siya sa sariling komento. Ayaw niyang ma-double kill. "May mandatory meeting tayo sa photography club. Quota ka na kay Pres kapag hindi ka nagpakita." "Mandatory rin 'yong exam. Nag-aagaw buhay ang grado ko kay Mr. Lim. Alam ko namang napakabait mong kaibigan, Monique. Ikaw na ang bahala. Thank you in advance." "Gosh.. user! Anong nangyari sayo? Ba’t ang sipag mong mag-aral ngayon ha? Inspired?" “Nope. I realized I was far too intelligent to be a loser. So I’m working a little harder.” Maging siya ay hindi na rin kilala ang sarili. Niyakap na niya ang pagiging dakilang tamad pero kapag tinitingnan niya si Tamara parang naiinsulto ang kaniyang pride. Lumalabas ang kaniyang competitive side. Marahil ay ayaw niya lang magpatalo rito. Isang taon na siyang huli sa karera nilang dalawa. Nakakamangha na may mabuti rin pala itong impluwensya. He didn’t expect that. “Good for you. Pero um-attend ka pa rin dahil ako ang pag-iinitan. Tungkol ang meeting sa exhibit kaya kailan nandoon ang lahat.” “Ipadala ko na lang ‘yong standee ko. Tell them, I’m always in their heart. Hindi na kailan ng face to face attendance. See you.” "What the hell, Casen" Nakatalikod na kumaway siya at iniwan na si Monique. Pagkapasok niya sa loob ng library agad nahagip ng kanyang radar ang presensya ni Tamara. Nasa 'di kalayuan ang babae at — Jace Elezear? Lumiit ang kanyang mata sa pagsipat ng kausap nito. Akala ko ba may meeting? Anong klase siyang vice president? Pumuwesto siya sa table sa unahan ng dalawa. Nakatalikod siya sa mga ito kaya malabong makita siya. Hindi sa interesado siyang pakinggan ang pag-uusap ng mga ito wala na lang ibang upuan. "If you need help, I'm always here. Pwede mo akong abusuhin Tamara." Nakakasuka na naririnig niya ang kakornihang iyon. Parang gusto niyang tumawa nang malakas at bigyan ito ng masigagong palakpakan. "Whoaa.. Mr. Eleazar when did you learn to talk smooth? I'm impressed.” "Well, I'm learning to impress you." Napahigpit ang kapit niya sa librong hawak. "Ah... " Sandaling nabalutan ng katahimikan ang paligid habang siya ay patuloy lang sa pagiging tsismoso este pagiging mabait na estudyante. "Well thank you. You're such a good friend.” Parang biglang nagdiwang ang maliliit na demonyo sa kaibuturan ng utak ni Casen. Wala namang exciting sa textbook na binabasa niya pero biglang lumiwanag ang kanyang mukha. Marahil bitter lang siya kaya ayaw niyang may makikitang masaya sa paligid. "Am I just a friend? " "Not so close friend?" Kung kanina natatawa siya sa mga ninja tactics ng lover boy na kasamahan, ngayon parang gusto niyang tapikin ito sa likod at sabihing 'Dude, welcome to the club.’ "Mukhang marami pa akong kakaining bigas para maitaas ang status ko sa puso mo." "May pupuntahan ka pa 'di bang meeting? Bye, Jace" "But I still want to talk to you. Tinataboy mo na ba ako?" "Oh, no. Concern lang ako baka ma-late ka." "Okay. I give up. By the way, may gagawin ka ba this coming break?” “Working… maybe?” “My mom is finding a tutor for my sister again. You’ve been her tutor last year so I’m thinking if you want to do it again?” “Ah…” Sandaling nag-isip si Tamara. That sly guy. He’s obviously just wanted to see her. Lame. “I wanted to but I already signed up for another part-time job. I’m sorry.” “It’s okay. Pero kung magbago ang isip mo, you can always call me.” “Yup. Thanks.” “See you tomorrow.” Itinabon ni Casen ang libro sa mukha nang marinig ang tunog ng pag-ipod ng upuan. Pagkalampas nito ay agad niyang ibinalik ang sarili sa kunwaring pagbabasa. Pero hindi rin siya nakapagconcentrate dahil sa masamang aura na nanggagaling sa likuran. Nabisto na ba siya? Daig pa niya ang tinitira ng missiles. "Nandito ka na pala. Why didn't you tell me? " Namalayan na lang niyang katabi na ang dalaga. Umupo si Tamara sa silya sa kanyang kaliwa at dinampot ang ilang papel sa lamesa. "I woudn't dare interrupt your date." “Date?” May malaking question mark sa mukha nito na parang takang-taka kung saan niya hinuha iyon. “Hinihintay ko ‘yong mabait kong estudyante. Napadaan lang si Jace. At paano mo naman nasabi 'yan, nakinig ka ba sa usapan namin? " "Don't flirt in the library next time para hindi kayo nakakaistorbo ng mga inosenteng taong nag-aaral.” "Teka nga—" May sumilay na namang mapanganib na ngiti sa mga labi nito na tila gumugulo sa nananahimik niyang buhay. "Nagseselos ka ba?" "Why would I get jealous when you're not my girlfriend?” "Then do you want to be my boyfriend?" Umurong ang mga dila niya. Ano bang naisipan niya at sinabi iyon? "Wala akong balak magkaroon ng abnormal na girlfriend." "Tss.. ang hirap mo talagang ligawan." Humalumbaba si Tamara at tumingin sa kanya. She's leading him on again when he doesn't even know if she is being serious. That's making him more frustrated. Itinuon na lang niya ang atensyon sa mga numero na nakasulat sa notebook. Ngayon pa lang nahihilo na siya. "By the way, nasaang part na tayo sa lesson?” Tiningnan ni Tamara ang notebook niya. “This is a piece of cake. Simple calculation.” He has no say to that and just gave her a straight face. His pride has been shattered to the point of no return. I shouldn't hang out with smart a*s*s. Madali naman siyang matuto. Wala siyang problema sa ibang subject, pero pagdating sa Math, dumudugo ng utak niya. "Salamat na lang. Hindi ko na kailangan ng tulong." Tumalikod siya kay Tamara at sinolo ang pagso-solve. “Are you sulking?” Pinagtawanan pa siya. “There’s a shortcut to solve it kaya ko nasabing madali. Let me teach you,” panunuyo nito. Kung tutuusin wala siya sa posisyong tumanggi at isa pa ayaw na niyang humaba ang usapan. Humarap siya kay Tamara at hindi na nagpakipot. “I’m sorry for being insensitive. May bad blood nga pala kayo ng Math.” “Magsimula na lang tayo,” pagod at suko nang sabi ni Casen. “Wow... it's so surprising you can talk without your grumpy face.” "It's because you're always making me angry." "Why? I always talk politely and nice." Nagbigayan lang sila ng sarkastikong ngiti sa isa't isa at nag-umpisa na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD