CHAPTER 1

1248 Words
The Devil in a Black Suit Hindi siya dapat tinitingnan. Iyon ang unang babala. Sa gitna ng engrandeng bulwagan—punô ng mga taong may pekeng ngiti at mamahaling alak—siya lang ang hindi nakikisama. Nakatayo sa lilim, suot ang itim na suit na mas mukhang tagahatol kaysa kasuotan. Tahimik. Matatag. Mapanganib. Si jeon luke Devereaux. Ang pangalan pa lang niya ay sapat na para tumahimik ang isang silid. Mafia boss. Arms dealer. Criminal na hindi kailanman nadawit sa kulungan—hindi dahil inosente siya, kundi dahil walang sapat na lakas ng loob ang batas para hawakan siya. Sabi nila, kapag may namatay sa lungsod nang walang bakas, pangalan niya ang unang ibinubulong. Kapag may negosyong biglang bumagsak, anino niya ang huling nakita. At kapag may babaeng pumasok sa mundo niya… bihira itong makalabas na buo. Dapat ay tumakbo ang sinuman. Pero sa halip, nakipagtitigan si angelic Angeles saknya. Ang mga mata niyang—madilim, malamig, at walang awa—ay dumapo sa dalaga na parang bala. Hindi iyon tingin ng paghanga. Hindi rin pagnanasa. Isa iyong pagmamarka. Sa isang kisapmata, alam ng dalaga tapos na ang tahimik nitong buhay. Lumapit siya nang hindi nagmamadali, bawat hakbang ay may dalang banta. Tumigil ang binata sa harap nito , sapat na lapit para maramdaman ng dalaga ang init ng kanyang katawan at ang panganib na kasama nito. “Alam mo ba kung sino ako?” tanong niya sa dalaga , mababa ang tinig—walang emosyon, pero puno ng babala. Tumango naman ito bilang tugon . Lahat ay alam kung sino siya. “Kung gano’n,” bahagyang yumuko ito skanya , tinapik ang baba nya para pilitin ang dalagang tumingin sa kanya, “alam mo ring maling-mali ang titig mo sa akin.”banta pa nito Doon sana ng dalaga tinapos. Doon nya sana iniligtas ang sarili nya. Ngunit imbes na umatras, sinabi nya ang katagang tuluyang nagselyo sa kapalaran nya. “Hindi ako natatakot.”saad ni angelic. Hindi siya ngumiti. Mas masahol pa—natawa siya nang marahan. “Lahat ng nagsabi niyan,” bulong niya, “ay akin na ngayon.”banta ng binata At sa gabing iyon, sa unang sandaling nagkrus ang mundo nila, hindi nya pa alam na ang lalaking kinatatakutan ng lahat… ay siya ring lalaking papakasalan nya. Hindi na nya muling nakita ang lalaki nang gabing iyon. Pero nararamdaman ng dalaga ang presensya nito. Parang multo ang presensya niya—nasa bawat sulok ng bulwagan, sa bawat titig ng mga lalaking biglang umiwas, sa bawat babaeng biglang tumahimik nang dumaan ang dalaga . May mali. May nagbago. At ito ang dahilan. Sa kabilang dulo ng silid, sa likod ng makapal na usok ng sigarilyo at alak, pinagmamasdan lang Siya ng binata Hindi siya gumagalaw. Hindi siya lumalapit. Ngunit ang mga mata niya—nakasunod sa bawat hakbang nito bawat paghinga ng dalaga , bawat sandaling sinusubukan nyang magkunwaring normal ang lahat. Hindi iyon pagnanasa. Hindi rin paghanga. Pag-aangkin iyon. “Boss,” bulong ng isa sa kanyang tauhan, “gusto mo bang kunin na namin?” Umiling siya. Mabagal. Deliberado. “Huwag,” malamig niyang sagot. “Hindi pa.” May mga babaeng dumaan sa buhay niya—mga model, politiko, asawa ng kaaway. Lahat sila ay madaling basagin. Madaling paluhurin. Ngunit ang dalaga parang may kakaiba saknya , hindi ito lumapit. Hindi ito nagmakaawa. Hindi rin ito umiwas. At iyon ang kasalanan nito. madaling araw matapos ang pagtitipon, habang papasok ang dalaga sa sasakyan, may naramdaman itong kakaiba. Tahimik ang paligid—masyadong tahimik. Biglang bumukas ang pinto sa likuran. Nandoon siya. Walang baril. Walang galit. Ngunit mas nakakatakot ang katahimikan niya. “Akala mo ba tapos na ‘yon?” tanong niya, mababa ang tinig. Hindi sumagot ang dalaga . Hindi dahil matapang sya—kundi dahil alam nyang wala nang saysay. “Simula nang hindi ka umiwas,” dugtong ni jeon “ikaw na ang iniisip ko.” Lumapit siya, sapat na lapit para maramdaman ito ng dalaga. ngunit hindi niya ito hinawakan. Hindi niya kailangan. “Hindi kita kukunin sa pamamagitan ng dahas,” bulong niya sa tenga ni angelic. “Mas gusto kong kusang-loob kang manatili.” Umatras siya, isinara ang pinto ng sasakyan na para bang wala lang nangyari. Ngunit bago tuluyang umalis, iniwan niya ang huling babala—o pangako. “Mag-ingat ka,” sabi niya. “Kapag nagsimula akong ma-obsess… hindi ako humihinto.” At doon naunawaan ang mas masahol na katotohanan. Hindi siya nito hinahabol. Pinagpapasyahan ng binata kung kailan niya aangkinin ang dalaga . Kinabukasan, nagising ang dalaga na may kakaibang pakiramdam—parang may nakamasid kahit wala namang tao. Tahimik ang apartment nito, ngunit ang katahimikan ay mabigat, parang may matang hindi nya nakikita ngunit ramdam nya. At doon nya napansin ang una. Ang kotse sa ibaba ng gusali. Itim. Walang plaka sa harap. Nakatigil lang. Hindi gumagalaw. Pinilit ni angelic na huwag mag-isip. Pinilit nyang kumbinsihin ang sarili nya na nagkataon lang. Pero pagsapit ng hapon, naroon pa rin iyon. At nang lumabas sya para pumasok sa trabaho—sumunod ito. Hindi sya hinabol. Hindi sya tinakot. Sinundan lang. Parang paalala na alam niya kung nasaan ang dalaga . Parang tanong na wala syang lakas ng loob sagutin. Sa loob ng café kung saan si angelic nagtatrabaho, biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Tumahimik ang ingay ng mga kutsara at tasa. Isa-isang tumingala ang mga tao—hindi saknya , kundi sa lalaking kakapasok lang. Hindi na nya kailangang lumingon. Alam nyang siya iyon. Umupo siya sa mesa sa sulok, eksaktong posisyon kung saan kita niya ang buong lugar—lalo na ang dalaga. Isang tango lang ang ibinigay niya sa may-ari ng café. Hindi na umorder. Hindi na nagsalita. Ngunit maya-maya, may inilapag na kape sa harap niya. Perpekto. Eksakto sa gusto niya. “Hindi pa naman siya nagsasabi ng order,” bulong ng kasamahan ni angelic. Ngumiti lang ang may-ari. Nanginginig ang kamay. “Hindi na kailangan.” Nanginginig din ang kamay ni angelic na sagot nya. Sa bawat galaw nya—sa pagbuhos ng kape, sa pag-abot ng sukli—nararamdaman nya ang titig nito sknya. Hindi lang sa palagi sya tinitingnan. Mas masahol pa roon. Alam niyang nandoon lang si angelic. Nang matapos ang shift ng dalaga , may sobre sa locker nito. Walang pangalan. Walang sulat-kamay. Isang card lang sa loob. Tonight. Don’t be late. At isang address. Doon nya napagtantong mali ang iniisip nya noon. Hindi niya ito binibigyan ng pagpipilian. Hindi siya humihingi ng oras ng dalaga. Kinukuha niya ito. Pagsapit ng gabi, nakatayo sya sa harap ng gusaling mas mukhang kuta kaysa bahay. Dalawang armadong lalaki ang nagbukas ng pinto bago pa sya makapag-isip na umatras. Nasa loob siya. Nakatayo sa harap ng bintana, likod ang nakaharap sa dalaga pagpasok nya. “Akala mo ba tapos na ako sa panonood?” tanong niya nang hindi lumilingon. Nanlamig ang batok ni angelic. “Simula nang sabihin mong hindi ka natatakot,” dugtong niya, “ginawa kitang problema ko.” Humarap siya Kay angelic Walang galit sa mga mata niya. Walang init. Pag-angkin lang. “Hindi kita gagalawin,” sabi niya. “Hangga’t hindi mo naiintindihan.” “naiintindihan ang alin?” tanong ni angelic, halos pabulong. Naikiling niya ang ulo, parang sinusuri ang isang bagay na matagal na niyang pinagdesisyunan. “Na kapag pinili kita,” sagot niya, “wala nang kahit sino ang makakakuha sa’yo—kahit ang sarili mo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD