Pagkatapos ng tagpong iyon
masamang balita ang narinig ni jeon sa kanyang mga tauhan.
Hindi siya sumigaw.
Hindi rin siya nagwala.
Mas masahol ang nangyari.
Nakatayo si Jeon Luke Devereaux sa gitna ng opisina—isang silid na puno ng salamin, bakal, at katahimikan. Sa mesa niya nakalatag ang mga dokumento: kontrata, lagda ng ama nito, pulang tatak ng sindikatong matagal na niyang kalaban.
At isang pangalan ang tumatak sa kanyang utak.
Ilang segundo siyang hindi gumalaw. Parang pinipigilan ang sariling paghinga. Ang mundo ay huminto sa pagitan ng dalawang t***k ng puso—doon nabuo ang galit na hindi kailanman sisigaw.
“Ulitin mo,” malamig niyang utos.
“Boss… ipinasa siya bilang bayad,” nanginginig na sagot ng tauhan. “Direktang ibinenta sa kampo ni Jude...”
Hindi na natapos ang pangalan.
Isang basag na tunog ang pumuno sa silid. Ang salamin sa dingding ay nabiyak sa isang suntok. Walang sigaw. Walang mura. Tanging kontroladong poot na mas nakakatakot kaysa anumang baril.
“Hindi nila siya puwedeng galawin,” mahinang sabi niya—pero ang boses ay parang bakal na hinihila sa bato.
“Sa akin siya.”
May mga utang na binabayaran ng pera.
May mga utang na binabayaran ng dugo.
Ngunit ang ginawa ng ama nito—ang ipagbili ang babaeng pinili niya—ay hindi utang. Isa iyong kasalanang walang kapatawaran.
“Alam ba ng ama nya?” tanong ni jeon.
“Opo.”
Tumango siya. Isang galaw na tila walang bigat, ngunit may kasamang hatol.
“Kung gano’n,” sabi niya, “nawala na ang karapatan niyang tawaging ama ang sarili niya.”
Lumapit siya sa mesa, kinuha ang telepono, at nag-dial ng numerong bihirang gamitin. Sa kabilang linya, may lalaking agad tumahimik.
“Simulan n’yo,” utos niya. “I-freeze ang lahat ng ruta nila. Isara ang pantalan. Putulin ang suplay.”
“Boss,” may naglakas-loob na magsalita, “kapag ginawa natin ‘to—”
“Huwag n’yo akong paalalahanan ng presyo,” putol niya.
“Alam ko ang halaga ng digmaan.”
Huminto siya sa harap ng bintana. Sa ibaba, kumikislap ang lungsod—walang alam na may sindikatong mabubura sa mapa bago sumikat ang araw.
“Buhay pa ba siya?” tanong niya, halos pabulong.
“Opo. Binabantayan. Hindi pa nila—”
“Hindi nila gagalawin,” ulit niya.
Dahil ang sinumang gagalaw ay hindi na aabot sa bukas.
Sa isip niya, malinaw ang larawan: ang babaeng tahimik na matapang, ang mga mata niyang hindi umiwas kahit alam ang panganib. At ang sandaling iyon—ang sandaling pinili niya.
“Hinintay ko siyang dumating sa akin,” bulong niya sa sarili.
“Pero ngayon… ako na ang pupunta sa impiyerno para sa kanya.”
At sa sandaling iyon, nagsimula ang galaw ng mundo.
Mga tawag. Mga utos. Mga pangalan na binura. Mga alyansang gumuho. Sa bawat hakbang, mas umiigting ang galit—hindi galit ng isang kriminal, kundi galit ng lalaking inaagawan ng pag-aari.
“Dalhin n’yo sa akin ang lider nila,” malamig niyang sabi.
“Buhay—kung posible. Patay—kung kailangan.”
Huminga siya nang malalim, saka ibinulong ang pangakong walang saksi.
“Ang babaeng binenta ng sarili nyang ama,” wika niya,
“ay babalik sa akin.”
“At ang mundong pinagmulan nito,” dagdag niya,Bumukas ang pinto ng silid nang walang babala.
Dalawang lalaki ang pumasok, kaladkad ang isang matandang lalaking halos hindi na makatayo. Gusot ang damit, nanginginig ang tuhod, at ang mga mata—punô ng takot na matagal nang hinihintay ang hatol.
Ang ama ng dalaga.
Hindi agad lumingon si jeon. Nakatayo pa rin siya sa harap ng mesa, nakasandal ang mga kamao, parang pinipigilan ang sariling sumabog.
“Boss,” sabi ng isa sa mga tauhan, “siya na po.”
Tumango siya. Isang galaw lang—sapat para umatras ang lahat.
Nang humarap siya, walang galit sa mukha niya. Walang init.
Mas masahol pa roon—walang kahit anong emosyon.
“Alam mo ba kung bakit ka nandito?” tanong niya, kalmado ang tinig.
Lumulunok ang lalaki. “D-dahil sa utang ko…”
“Hindi,” putol niya. Lumapit siya, dahan-dahan, bawat hakbang ay parang oras na binubura.
“Nandito ka dahil nagbenta ka ng bagay na hindi sa’yo.”
Napaupo ang ama sa sahig. “Wala akong choice! Kung hindi ko ginawa—”
“May choice ka,” malamig niyang sagot. “Palagi.”
Lumuhod si jeon sa harap niya, magkapantay ang mga mata nila. Hindi iyon awa.
Babala iyon.
“Pera ang inutang mo,” dugtong niya.
“Pero tao ang ipinambayad mo.”
Nanginginig ang boses ng lalaki. “Anak ko siya…”
Tumitig si jeon sa kanya—doon lamang sumilay ang galit. Hindi sumabog.
Tumagos.
“Kung anak mo siya,” wika niya, “dapat ikaw ang handang mamatay para sa kanya—hindi siya ang ibinibigay sa kaaway at gawing pambayad.”
Tumahimik ang silid. Walang umimik. Kahit ang hangin ay tila natakot gumalaw.
“Alam mo ba kung sino ang pinagbayaran mo?” tanong niya.
Tumango ang lalaki, umiiyak. “Alam ko…”
“Alam mo ring hahawakan siya. Sisirain siya. Gagamitin siya na parang basura.”
Tahimik ang ama. Dahil alam niyang totoo.
Tumayo si jeon at humarap sa mga tauhan.
“Ilabas n’yo siya.”
Nanlaki ang mata ng lalaki. “P-please—!”
Huminto si jeon, hindi lumilingon.
“Hindi pa tapos ang hatol,” sabi niya. “Pero magsisimula na kaya naghintay ka lang.”
Sa isang iglap, hinila palabas ang ama. Ang mga sigaw nito ay hindi niya pinansin. Dahil sa isip niya, iisa lang ang larawan—
ang babaeng ipinangbayad.
“At makinig kayo,” dagdag niya sa mga tauhan, malamig at tiyak.
“Hindi ko siya ililigtas dahil gusto ko.”
Huminga siya nang malalim.
“Ililigtas ko siya,” wika niya,
“dahil akin siya—at walang sinuman ang puwedeng magbenta o gawing pambayad ang aking minarkahan.”
At sa sandaling iyon, ang ama ay hindi na isang ama.
Isa na lamang siyang paunang bayad sa digmaang magsisimula.
“at hindi na muling babangon.”ang galit nya ay sukdulan...