CHAPTER 22

1683 Words
Muling may kumatok sa pintuan. Tatlong mabilis na katok. Agad na naging alerto ang mga tauhan ni Jeon. Dalawang kamay ang kusang napunta sa loob ng coat. Isa ang lumapit sa side wall kung saan may hidden camera feed. “Check,” malamig na utos ni Jeon. Sinilip sa monitor. Isang staff ng hotel. Maayos ang uniporme. May ID. Nangingimi ang ekspresyon. Maingat na binuksan ang pinto—hindi tuluyang nakalantad ang loob. “Signore Devereaux,” magalang na sabi ng staff, bahagyang yumuko. “Nagsisimula na po ang meeting. Nasa conference floor na ang mga bisita.” Tahimik ang hallway. Walang kahina-hinalang galaw. Tumango si Jeon. “Five minutes,” sagot niya. “Opo, sir.” Isinara ang pinto. Tahimik ang penthouse. Nag-ayos ng cuff si Jeon, muling bumalik ang pormal at kontroladong anyo. “Positions,” utos niya. “Snipers in place.” “Exit routes clear.” “Guest list verified.” Humakbang siya palabas ng suite. Habang papunta sa elevator, mabagal ang lakad niya—hindi nagmamadali, hindi rin alanganin. Sa conference floor, naghihintay ang mga negosyanteng may malinis na ngiti at maruruming koneksyon. Sa Italy, hindi baril ang unang ginagamit. Ngiti muna. Kasunduan muna. Pagkakamali ng iba ang hinihintay. Bumukas ang elevator. Sa loob, nadatnan niya ang sampu. Hindi lima. kundi Sampu. Agad napansin iyon ng mga tauhan ni Jeon. Hindi iyon ang nasa listahan. Limang upuan ang naka-prepare sa mesa. Ngunit may lima pang lalaki ang nakatayo sa likod—tila mga “assistant” o bodyguard, ngunit masyadong pormal ang tindig. Masyadong tahimik. Isang red flag. Tahimik na umikot ang tingin ni Jeon sa buong silid. Hindi siya huminto sa pinto. Hindi siya nagpakita ng gulat. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa gitna ng mesa. “Hindi ito ang napagkasunduan,” malamig niyang sabi habang inaayos ang cuff ng suit niya. Isang lalaking Italyano ang bahagyang ngumiti. “Sa Milan,” sagot nito, “mas mabuti nang may dagdag na saksi.” Tahimik ang silid. Sa labas ng bintana, nakaabang ang sniper ng grupo ni Jeon—nakikita ang galaw sa loob. “Ang dagdag,” mababa ang boses ni Jeon, “ay kadalasang nagiging problema.” Isa sa mga nakatayong lalaki ang bahagyang gumalaw—maliit lang, pero sapat para mapansin ng security team ni Jeon. “Relax,” sabi ng Serbian na nasa kanan. “Business lang.” “Business,” ulit ni Jeon. Dahan-dahan siyang umupo sa head chair—hindi nagtanong kung sino ang lider. Inangkin niya ang posisyon nang walang pahintulot. “Kung sampu kayo,” dugtong niya, “siguraduhin n’yong may sampung dahilan kung bakit ako makikinig.” Tahimik ang hangin. Ang isa sa dulo—ang tahimik na lalaki kanina—bahagyang nag-angat ng tingin. “May proposal kami,” sabi nito sa fluent English. “Hindi ako basta interesado sa proposal.” Malamig ang boses ni Jeon habang nakaupo sa head chair, ang mga daliri ay marahang nakapatong sa mesa. “Bigyan n’yo ng patutunguhan ang negosyong ’to.” Tahimik ang silid. Walang ngumiti. Walang agad nagsalita. Ang lalaking nasa gitna—ang tila nagsisilbing tagapagsalita—bahagyang sumandal. “Direct to the point,” sabi nito. “Maganda.” “Wala akong oras para sa paikot-ikot,” sagot ni Jeon. “May armas ako. May ruta ako. May kapital ako. Ano ang meron kayo na hindi ko kayang kunin?” Sandaling katahimikan. Ang Serbian ang unang nagsalita. “Access.” “Access saan?” malamig na tanong ni Jeon. “Sa Mediterranean route. Mas mabilis. Mas tahimik. Mas kaunti ang inspection.” Bahagyang kumunot ang noo ng isa sa tauhan ni Jeon—alam nilang malaking bagay iyon. “Kapag pumayag ka,” dugtong ng Italyano, “hindi ka na dadaan sa third-party middlemen. Direkta sa source.” Direkta. Mas malaki ang kita. Mas mabilis ang galaw. Ngunit mas malaki rin ang risk. “Kapag tumanggi ako?” tanong ni Jeon. Tahimik ang silid. Ang tahimik na lalaki sa dulo ang sumagot. “Mananatiling bukas ang ruta… pero hindi para sa’yo.” Tahimik ang silid nang magsalita si Jeon. “Ano ang kapalit?” Diretso. Walang emosyon. Walang paligoy. Nagkatinginan ang sampu. Ang Italyanong nasa gitna ang unang ngumiti—mabagal, parang inaasahan ang tanong na iyon. “Influence,” sagot nito. “Specific,” malamig na putol ni Jeon. Ang tahimik na lalaki sa dulo ang muling nagsalita. “Kapag nakuha mo ang Mediterranean route, lalawak ang impluwensya mo sa southern ports. Pero kapalit—” Saglit itong tumigil. “—iiwas ka sa Rome.” Tahimik ang hangin. “Rome?” ulit ni Jeon. “Hindi ka gagalaw doon. Hindi ka makikialam sa mga galaw doon. Hindi ka magtatayo ng bagong alliance doon.” “Nagpapatawa ba kayo?” Mababa ang boses ni Jeon. Hindi siya sumigaw. Hindi siya tumayo. Mas delikado iyon. “Halos lahat sa Rome ay nasasakupan ko na.” Tahimik ang silid. Hindi ito pagyayabang. Ito ay pahayag ng katotohanan. Ang ilan sa sampu ay bahagyang nagkatinginan. Ang Italyanong nasa gitna ay unti-unting nawalan ng ngiti. “Kung iniisip n’yong kaya n’yong limitahan ang galaw ko sa Rome,” dugtong ni Jeon, “baka kayo ang hindi updated.” Dahan-dahan niyang inilapag ang isang folder sa mesa. Financial trails. Shipment routes. Mga pangalan. “Tatlo sa inyo,” sabi niya nang hindi tumitingin sa papel, “may indirect partnership sa mga port na kontrolado ko.” Tahimik. Ang Serbian ay bahagyang napasandal. “At dalawa,” dagdag niya, “may utang sa mga tao ko sa Naples.” Hindi sila umimik. “Kung tutuusin,” malamig na sabi ni Jeon habang nakaupo sa dulo ng mesa, “wala naman akong mapapala sa inyo.” Tahimik ang silid. Walang gumagalaw. “Kaya kong wasakin at simutin kung ano ang meron kayo ngayon.” Iyon ay kalkulasyon. Ang Italyanong kanina’y may ngiti ay tuluyang nawalan ng kumpiyansa. “Mr. Devereaux,” maingat nitong sabi, “hindi kami nandito para makipagdigma.” “Hindi rin ako,” sagot ni Jeon. “Pero huwag n’yong ipakita sa akin ang barahang wala naman pala kayong lakas hawakan.” Lumakad siya nang mabagal sa gilid ng mesa. “Ang Mediterranean route?” dagdag niya. “Kayang-kaya kong makuha iyon sa ibang paraan.” Tumigil siya sa likod ng upuan ng Serbian. “Ang kailangan n’yo ay proteksyon sa galaw ko. Hindi ako ang may kailangan.” Tahimik. Ang tahimik na lalaki sa dulo ang unang bumigay. “Fine,” sabi nito. “We adjust the terms.” Nagkatinginan ang iba. “No interference clause—removed,” dugtong nito. “Rome is yours to move in… provided we get distribution priority.” Bahagyang tumaas ang kilay ni Jeon. Ngayon sila ang nag-a-adjust. “Profit split?” tanong niya. “Sixty-forty,” sagot ng Italyano. “Sa’yo ang sixty.”“See?” Bahagyang ngumiti si Jeon—hindi mainit, hindi palakaibigan. “Madali naman pala kayo kausap.” Tahimik ang ilan sa sampu. May ilan ang bahagyang napabuntong-hininga, tila relieved na hindi nauwi sa putukan ang usapan. Pero hindi pa tapos si Jeon. “But wait…” Unti-unti siyang naglakad sa likod ng mga upuan nila. “Sino dito ang kaalyansa ng Jude na ’yon?” Biglang bumigat ang hangin. Walang agad sumagot. May isang Italyanong bahagyang napalunok. Ang Serbian ay nanatiling tuwid ang likod. Ang tahimik na lalaki sa dulo—walang reaksyon. “Alam n’yo,” malamig na dugtong ni Jeon, “hindi ako nagtatanong para sa drama.” Huminto siya sa likod ng isang lalaki—French national, base sa file na hawak niya kanina. “Kapag nalaman kong may naglalaro ng doble,” patuloy niya, “hindi ko sisirain ang negosyo ninyo.” Bahagya siyang yumuko, bumulong sa tenga ng lalaki. “Uubusin ko.” Tumuwid siya. “Ngayon,” sabi niya habang ibinabalik ang tingin sa lahat, “bigyan n’yo ako ng dahilan para magtiwala.” Tahimik ang silid. Pagkatapos ng ilang segundo, ang Serbian ang unang nagsalita. “Walang direktang alliance kay Jude dito.” “Indirect?” tanong ni Jeon. Isang maikling tinginan ang naganap sa pagitan ng dalawa sa kanila. At doon— isang maliit na pagkakamali. Isang segundo ng pag-aalinlangan. Sapat na para mapansin ni Jeon. Dahan-dahan siyang napangiti. “Ah.” Tumigil siya sa harap ng tahimik na lalaki sa dulo. “Ikaw.” Hindi iyon tanong. “Gaano kalalim ang ugnayan mo sa pamilya niya?” “P-pinsan ko siya… sa mother side.” Bahagyang nanginginig ang boses ng lalaki, pero pinilit niyang panatilihing kalmado ang tindig. “Pero hindi kami malapit.” Tahimik ang silid. Walang gumalaw. Dahan-dahang umikot si Jeon sa harap niya. “Pinsan,” ulit niya, parang tinatasa ang bigat ng salita. “Hindi kami magkasundo,” dagdag ng lalaki. “Matagal na. I keep business separate.” “Separate?” malamig na tanong ni Jeon. “Sa mundong ’to?” Hindi sumagot ang lalaki. Alam niyang mahina ang depensang iyon. Lumapit si Jeon hanggang halos magkalapit na ang mukha nila. “Kapag may problema ako sa kanya,” mababa ang boses niya, “inaasahan kong hindi mo ipapasa ang impormasyon ko sa family dinner.” May ilang sa mesa ang bahagyang napahigpit ang hawak sa baso. “Hindi,” agad na sagot ng lalaki. “Wala akong pakialam sa personal niyang digmaan. Negosyo ang habol ko.” Tahimik si Jeon. Sinuri niya ang mukha nito—hindi lang ang salita, kundi ang mata. Ang paghinga. Ang galaw ng balikat. “Kung may tumawag sa ’yo mula sa panig niya,” tanong ni Jeon, “kanino ka papanig?” Sandaling katahimikan. “Sa pera,” sagot ng lalaki sa wakas. Bahagyang ngumiti si Jeon.“Honest answer.” Tumuwid siya. “Sa mundo natin,” dagdag niya, “mas gusto ko ang taong tapat sa pagiging makasarili kaysa sa taong nagpapanggap na loyal.” Bahagyang bumalik ang hangin sa silid. “Kung pinsan mo siya,” dugtong ni Jeon, “mas mabuti.” Nagkatinginan ang ilan. “Dahil ikaw ang magiging tulay.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD