“Anong ibig n’yong sabihin, boss?”
Nakatayo ang isa niyang tauhan sa harap ng mesa, halatang naguguluhan.
“Pakakasalan n’yo pa rin siya sa harap ng altar?”
Sandaling katahimikan.
“Bakit… nagbago yata ang isip n’yo?”
Hindi agad sumagot si Jeon.
Nakatayo siya sa harap ng bintana, nakatanaw sa malayong lungsod. Ang liwanag ng araw ay tumatama sa gilid ng mukha niya, pero kalahati pa rin nito ay nasa anino.
“Legal na,” malamig niyang sagot. “May kontrata na.”
“Opo, boss. Pero simbahan?” dugtong ng tauhan. “Hindi n’yo kailangan iyon.”
Hindi nga niya kailangan.
Ang simbahan ay simbolo ng pangako.
Ng pag-ibig.
Ng paninindigan sa harap ng iba.
Hindi siya naniniwala roon.
“Hindi ito tungkol sa kailangan,” mababa niyang sabi.
Tumahimik ang tauhan, naghihintay ng paliwanag.
Sa wakas, lumingon si Jeon.
“Kung dadalhin niya ang pangalan ko,” dagdag niya, “hindi ko siya itatago sa anino.”
Bahagyang nagulat ang tauhan.
“Pero boss… hindi n’yo gustong mag-engrandeng kasal. Ayaw n’yo sa altar.”“Gusto ko lang ng magandang palabas.”
Malamig ang boses ni Jeon, nakatalikod pa rin sa tauhan.
“Para sa ating mga kaaway.”
Dahan-dahan siyang lumingon, tumalim ang mga mata.
“Lalo na sa taong pilit inaangkin ang matagal nang akin.”
Tahimik ang silid.
Naintindihan ng tauhan kung sino ang tinutukoy.
Jude.
“Boss… ibig n’yong sabihin, public ceremony?” tanong nito.
“Hindi naman sobrang engrande,” sagot ni Jeon. “Pero sapat para makarating sa tamang tainga.”
Isang simbolo.
Isang mensahe.
Isang deklarasyon.
Hindi lang kasal.
Kundi babala.“Kapag tumayo siya sa altar sa ilalim ng pangalan ko,” dugtong ni Jeon, “wala nang makakapag-angkin sa kanya nang hindi hinahamon ang buong pangalan natin.”
Hindi iyon tungkol sa pag-ibig.
Hindi pa.
Iyon ay pagpapakita ng pagmamay-ari sa harap ng mundo—sa paraang legal at hindi maitatanggi.
“Hindi ito para sa media,” dagdag niya. “Para ito sa underground.”
Ang simbahan ay hindi na simbolo ng kabutihan.
Kundi entablado ng kapangyarihan.
Hindi niya rin gustong maalala ng babaeng iyon ang kasal nila bilang isang tahimik na papel lang sa mesa.
Kahit halimaw siya—
hindi niya kayang burahin nang tuluyan ang pangarap na minsan niyang nakita sa mata nito.
“Simulan mo ang paghahanda,” utos niya.
“Opo, boss.”
Wala pa ring alam si Angelic sa plano ni Jeon.
Para sa kanya, tapos na ang lahat sa isang pirma.
Wala nang altar.
Wala nang seremonya.
Wala nang pangarap na puting bestida.
Sa kanyang isip, iyon na ang katapusan ng anumang ilusyon ng kasal.
Sa ibaba ng villa, tahimik siyang naglalakad sa hardin. Walang bantay na masyadong malapit—pero alam niyang may mga matang nakamasid mula sa malayo.
Hindi siya nagtatanong.
Hindi siya umaasa.
Samantala, sa loob ng opisina, malinaw ang utos ni Jeon.
Isang simbahan.
Tahimik pero maayos.
At siguradong may makaririnig sa underground.
Hindi ito para sa pag-ibig.
Ito ay isang malaking palabas.
Isang mensahe kay Jude.
Isang deklarasyon na ang babaeng minsang inangkin nito—
ay ngayon nakatayo sa ilalim ng pangalan ni Jeon sa harap ng altar.
Hindi dahil banal siya.
Kundi dahil mas malakas ang simbolo ng altar kaysa sa simpleng kontrata.
“Siguraduhin mong may makarating na balita sa tamang tainga,” malamig na bilin niya sa tauhan.
“Opo, boss.”
Nakarating naman agad kay Nana Isabel ang plano.
Hindi man siya kasama sa usapan sa opisina, mabilis nakarating sknya ang balita. At bilang taong halos nagpalaki kay Jeon, hindi niya kailangang marinig nang direkta para malaman kung may mabigat na desisyong ginawa ang alaga niya.
Agad niya itong hinanap.
Natagpuan niya si Jeon sa sala, nakatayo sa tabi ng malaking bintana, tahimik na nakatanaw.
“Iho,” mahinahon niyang tawag.
Lumingon si Jeon. “Nana.”
“Totoo ba?” diretso niyang tanong. “Pakakasalan mo ang babae sa simbahan?”
Tahimik.
“Akala ko ba hindi mo siya nobya?” dagdag niya, bahagyang nakataas ang kilay ngunit hindi galit ang tono—nag-aalala lamang.
“Bakit kailangan mo siyang pakasalan,” marahang tanong ni Nana Isabel, “kung wala namang pag-ibig sa pagitan ninyo?”
Tahimik ang sala.
Ang tanong ay hindi akusasyon.
Hindi rin panghihimasok.
Isa lamang itong tanong ng taong nagmamalasakit.
Huminga nang mabagal si Jeon.
“Nana…” malamig ngunit kontrolado ang boses niya. “Hayaan n’yo na ang desisyon ko. Ako na ang bahala.”
“Matagal na kitang hinayaan, iho,” sagot ng matanda. “Mula bata ka pa.”
Lumapit siya ng kaunti.
“Pero ang kasal ay hindi baril na puwedeng itutok sa kaaway. Buhay iyon ng dalawang tao.”
Hindi agad sumagot si Jeon.
“Hindi n’yo na po mababago ang isip ko,” malamig ngunit kontrolado ang boses ni Jeon.
“Planado na ang lahat.”
Tahimik ang sala.
Hindi sumagot agad si Nana Isabel. Tinitigan lang niya ang alaga niya—hindi bilang mafia boss, kundi bilang batang minsang takot at sugatan.
“Ganun ba,” marahan niyang sabi.
''opo''at tumalikod na si jeon sa matanda.wala ng makakapigil sa gusto nyang mangyari.
Pagkatapos mag-usap ni Jeon at Nana Isabel, hindi na siya nag-atubili.
Diretso siyang umakyat sa itaas.
Huminto siya sandali sa harap ng pinto ng silid ng dalaga.
Tatlong mahinang katok.
“Pumasok ka,” narinig niyang sagot mula sa loob.
Binuksan niya ang pinto.
Nakaupo si Angelic sa may bintana, nakatanaw sa labas—gaya ng madalas nitong gawin.
“May kailangan tayong pag-usapan,” sabi ni Jeon.
Hindi siya agad lumingon. “Tungkol saan?”
“Sa kasal.”
Doon siya dahan-dahang humarap.
“Akala ko tapos na ’yon,” malamig ngunit kalmadong sagot niya. “May pirma na.”
“Hindi pa.”
Tahimik ang silid.
“Magkakaroon ng seremonya,” diretso niyang sabi. “Sa simbahan.”
Hindi agad nagsalita si Angelic.
Parang inabot ng ilang segundo bago tumimo ang mga salita.
“Simbahan?” ulit niya.
“Oo.”
“Akala ko ba hindi ka naniniwala doon,” tanong niya, walang emosyon sa boses—pero malinaw ang pagdududa.
“Hindi ito tungkol sa paniniwala,” sagot ni Jeon.
“Jeon…”
Mas mahina ang boses ni Angelic ngayon, pero mas mabigat.
“Alam mo ang kasal ay sagrado.”
“Hindi ako banal,” malamig niyang sagot.
“Hindi mo kailangang maging banal,” balik niya. “Pero kailangan mong maging totoo.”
“Hindi ito tungkol sa pagiging sagrado at totoo.”
Malamig ang boses ni Jeon, pero hindi galit.
“Kasal na tayo sa papel, ’di ba?”
natahimik si Angelic.
“Ibinibigay ko lang sa’yo ang karapatan na malaman ng buong mundo na ako ay asawa mo na.”
Hindi “akin ka.”
Hindi “pagmamay-ari.”
''Kundi ako ay asawa mo.'
Bahagyang kumunot ang noo ni Angelic.
“Karapatan?” ulit niya.
“Oo,” sagot niya. “Hindi kita itatago sa anino. Hindi kita gagawing lihim. Kung dala mo ang pangalan ko, dadalhin mo iyon sa liwanag.”
“Liwanag?” tanong niya. “O spotlight?”
Hindi siya umatras.
“Kung mensahe man ito,” dugtong ni Jeon, “ito ay Para sa lahat.”
Lumapit siya ng isang hakbang.
“Hindi kita kinuha para itago. Kung kasal tayo, dapat malinaw iyon.”
natawa ng pagak si angelic hindi pa pala ito natatapos sa Iisang pirma.dapat na ba syang matuwa dahil mararanasan pa rin nya ang makasal sa simbahan.?
''anyway Hindi ko hinhingi ang opinion mo''saad ni jeon sa malamig na boses.
''sinasabi ko ito upang Ikaw ay maghanda''dugtong pa nito.wala na syang nagawa kundi tumahimik tama naman ito Wala syang magagawa dahil kasal na sila sa papel,ano pa bang inaarte nya..Ang nais lang naman nito ay pormal syang ipakilala sa Mundo nito
Magiging Mrs. Devereaux sa harap ng mundo.
Hindi sa likod ng pinto.
..kailan ba matatapos ang kanyang pagdurusa yun ang tanong nya sa kanyang isipan.