Hindi nagtagal—
bumukas ang pangunahing pintuan sa itaas ng hagdan.
Lumabas ang matandang Moretti.
Kasama ang kanyang asawa.
Isang eleganteng babae na may tahimik ngunit matatag na presensya—hindi nakita ni Jeon noon sa unang pagbisita niya.
Ngayon malinaw—
hindi lang ito political gathering.
Anniversary pala ng mag-asawa ngayong gabi.
Dalawang dekada ng kapangyarihan.
Dalawang dekada ng impluwensya.
Nagsimulang magbigay ng speech ang matandang Moretti.
“Tonight,” malalim ang boses niya, “hindi lang namin ipinagdiriwang ang aming pagsasama…nagpapasalamat din kami sainyong pagdalo at walang sawang suporta.”
Hawak niya ang kamay ng asawa.''at isa narin ang pagpapatuloy ng aming legacy.”
Tahimik ang buong hall.
Mga camera nakatutok.
Mga mata nakamasid.
Di kalaunan—
pinakilala niya ang magmamana ng kanilang mga negosyo.
“Ang aming anak… Lucia Moretti.”
Masigabong palakpakan.
Bahagyang yumuko si Lucia.
Elegante. Kontrolado.
Pagkatapos—
isang pause.
Mas naging tahimik ang paligid.
“At ngayong gabi,” dagdag ng matanda, “nais din naming ipakilala ang lalaking pinili ng aking anak.”
Narinig ni Jeon ang mahinang paghinga sa earpiece.
“Here we go,” bulong ni Aleric.
“Jeon luke Devereaux.”
May bahagyang bulungan sa hall.
May mga mukha na nag-iba ang ekspresyon.
Valente — bahagyang ngumisi.
Rossi — tumigas ang panga.
Ama ni Jude — hindi kumurap.
Habang sila’y bumaba sa gitna—
todo lingkis si Lucia sa braso ni Jeon.
Natural ang kilos niya.
Hindi halatang scripted.
Todo alalay naman si Jeon sa bewang ng dalaga.
Firm.
Controlled.
Hindi sobra.
Sapat para magmukhang totoo.
Sa harap ng kamera—
mukha silang power couple.
Isang pagsasanib ng hilaga at ng banyagang impluwensya.
“Congratulations!” sigaw ng ilan.
Flash.
Flash.
Flash.
“Body language convincing huh,” bulong ni Aleric. “Media buying it.”
Ngunit sa ilalim ng ngiti—
pareho silang alerto.
Mula sa west balcony—
hindi inaalis ni Valente ang tingin.
Sa gilid ng hall—
may isang lalaking bahagyang umatras at tila may ipinadala sa kanyang telepono.
“Unknown signal spike,” sabi ni Aleric. “May outgoing encrypted transmission.”
“Tag it,” malamig na sagot ni Jeon habang nakangiti sa camera.
Si Lucia ay bahagyang sumandal sa kanya, parang mas lalong masaya.
“Ngumiti ka pa,” mahina niyang bulong nang hindi gumagalaw ang labi.
“Nanunuod sila.”
Bahagyang ngumiti si Jeon.
Matapos ang opisyal na pagpapakilala, nagsimula na ang malayang pakikisalamuha.
Champagne.
Polite laughter.
Handshake na may nakatagong kalkulasyon.
Nasa gitna sina Lucia at Jeon, tinatanggap ang pagbati ng mga negosyante—legal man o hindi ang pinagmulan ng yaman.
At hindi nagtagal—
lumapit ang dalawang aninong hindi dapat mawala sa gabing ito.
Valente.
Rossi.
Parehong may ngiti.
Parehong walang sincerity.
“Congratulations,” sabi ni Valente, tinaas ang baso.
Ngunit si Rossi ang unang nagsalita, nakatingin kay Lucia.
“Ang galing pumili ng ama mo, Lucia ah.”
May bahid ng panunuya.
Pagkatapos ay tumingin kay Jeon.
“Ipinagpalit mo ’ko sa kalaban pa.”
Bahagyang nagulat si Jeon—
hindi sa selos na tono—
kundi sa pagtagni-tagni ng impormasyon.
Ah.
May dating koneksyon.
May lumang alok.
May tinanggihang alliance.
Natawa siya.
Isang maikling, kontroladong tawa.
“Oooppss,” sabi niya, bahagyang tinaas ang kamay na parang nagpapatahimik.
“Sorry.”
Tumingin siya kay Rossi nang diretso.
“Lalo ka yatang nagalit sa’kin.”
Lumalim ang tingin ni Rossi.
“Easy, boy,” dugtong ni Jeon, mababa ang boses pero malinaw.
“Hindi tayo dito magtutuos.”
Isang sandaling katahimikan.
Mas lalo pang dumilim ang mga mata ni Valente.
“Remember,” dagdag ni Jeon habang hawak pa rin ang bewang ni Lucia, “may kasalanan kayo sa’kin.”
Bahagya siyang ngumiti.
“Hindi ko pa nasisingil.”
Tahimik ang paligid nila.
Ngunit ang ilang malalapit ay napansin ang pagbabago sa tono.
Sa earpiece—
“Heart rates elevated sa paligid ninyo,” bulong ni Aleric. “Rossi’s right hand moving closer. Armed.”
Si Lucia ay bahagyang sumiksik pa kay Jeon.
Hindi takot.
Kundi alignment.
“Boys,” malamig niyang sabi, “anniversary ng mga magulang ko. Baka gusto n’yong magpanggap kahit isang gabi?”
Bahagyang ngumisi si Valente.
“Enjoy the spotlight,” sabi niya.
“Hindi ito permanente.”
“Rossi, stop it.”
Malamig ngunit matatag ang boses ni Lucia. Hindi siya sumigaw—pero sapat para marinig ng mga nasa malapit.
“Kasalanan mo naman kung bakit tayo naghiwalay,” dugtong niya, diretso ang tingin. “Kung hindi ka nakipagsiping sa secretary mo, edi sana tayo pa rin.”
Nag-iba ang timpla ng paligid.
May ilang napalingon.
May ilang nagkunwaring abala sa champagne.
Kumunot ang noo ni Valente—hindi siya natutuwa sa personal na eksenang ito.
“I said it was a fling,” sagot ni Rossi, bahagyang inis. “Wala lang ’yon, Lucia.”
“Wala lang?” malamig ang tugon ng dalaga.
Isang hakbang palapit si Rossi.
“Andito na ’to. Engaged na ko kay Jeon.”
Tumigil siya sandali.
Ngumisi.
“Ah talaga? Balita ko kasal na siya sa iba.”
Isang manipis na katahimikan ang bumalot sa grupo.
May dalawang negosyanteng nasa likod nila na tila mas naging interesado sa usapan.
Sa earpiece—
“Jeon,” babala ni Aleric, “audio pick-up spike. Media crew malapit sa 3 o’clock ninyo.”
Hindi nagbago ang ekspresyon ni Jeon.
Hindi rin niya inalis ang kamay sa bewang ni Lucia.
Sa halip—
bahagya siyang ngumiti.
“Impressive,” sabi niya nang kalmado.
“Mahilig ka talaga sa tsismis.”
Lumipat ang tingin niya kay Rossi.
“Pero kung updated ka sana… alam mong ang mga kasal sa mundong ’to ay hindi lahat pareho ang kahulugan.”
Tahimik si Rossi.
“Business,” dugtong ni Jeon.
“Hindi romance.”
Bahagyang tumalim ang mata ng huli.
“Sigurado ka?” hamon ni Rossi.
Mas lalo pang lumapit si Jeon—hindi agresibo, pero sapat para ma-claim ang espasyo.
“Sigurado akong hindi na ikaw ang usapan,” sagot niya.
Isang sandaling tensyon.
Si Lucia ay hindi umatras.
Sa halip, mas lalo siyang kumapit sa braso ni Jeon.
“Sakit naman nun, Lucia.”
Bahagyang ngumiti si Valente pero halatang may laman ang tono.
“Parang wala tayong pinagsamahan.”
Isang hakbang palapit.
“At parang hindi mo kami kaalyado noon.”
Sumabat siya bago pa makasagot si Rossi.
“Apelyido na lang talaga tawag mo sa amin… hindi na pangalan namin.”
Tahimik ang paligid.
Mas personal na ang usapan.
Mas mapanganib.
Si Lucia ay hindi nagbago ang postura.
Tumaas lang nang bahagya ang baba niya.
“Ang alyansa,” malamig niyang sagot, “ay hindi permanenteng kasunduan.”
Diretso ang tingin niya kay Valente.
“Lalo na kung ang respeto ay hindi kayang panatilihin.”
Bahagyang natahimik si Rossi.
“Ah, respeto?” may halong tawa sa boses niya.
“Sa mundong ginagalawan natin?”
Hindi pa rin kumikilos si Jeon.
Pero ang kamay niya sa bewang ni Lucia ay bahagyang humigpit.
Claiming..
Hindi pagmamay-ari—kundi posisyon.
“Kung may pinagsamahan man tayo,” dugtong ni Lucia, “hindi iyon dahilan para manatili sa maling panig.”
Mas lalong tumalim ang tingin ni Valente.
“Maling panig?” ulit niya.
“Ang ibig mong sabihin… kami ang mali?”
Sumingit si Jeon, kalmado.
“Ang mali,” sabi niya nang dahan-dahan, “ay ang pag-aakalang pagmamay-ari ninyo ang desisyon niya.”
Tahimik.
Ramdam ang tensyon sa malapit na mga bisita.
“Hindi ito high school rivalry,” dagdag ni Jeon.
“Kung may nasaktan dito… hindi na iyon problema ng Moretti.”
Lumapit si Valente nang bahagya.
“Alam mo ba kung gaano ka kabago sa Italy?” mahina niyang sabi kay Jeon.
“Alam mo ba kung gaano na kami katagal dito?”
Bahagyang ngumiti si Jeon.
“Ang tagal sa isang lugar,” sagot niya, “hindi garantiya ng pagmamay-ari.”
Isang maikling katahimikan.
Sa earpiece—
“Heat level rising,” bulong ni Aleric. “Dalawang bodyguard ni Valente nag-adjust ng stance.”
Si Lucia ay bahagyang humarap kay Jeon.
“Hayaan mo na,” mahina niyang sabi—pero sapat para marinig ng dalawa.
Isang malinaw na dismissal.
At iyon ang mas masakit.
“Enjoy the engagement,” malamig na sabi ni Rossi sa wakas.
“Pero tandaan mo…”
Tumingin siya kay Jeon.
“Hindi lahat ng apoy ay kaya mong kontrolin.”
Bahagyang ngumiti si Jeon.
“Hindi ko kontrolado ang apoy.”
Isang pause.
“dahil Ako mismo ang apoy.”
Bago tuluyang tumalikod ang dalawa—
huminto si Valente.
Dahan-dahan siyang lumingon.
“Ako nga pala si Bart Valente,” sabi niya, bahagyang tinaas ang baso.
“At siya si Lorenzo Rossi.”
Ngumisi si Rossi.
“Hindi kasi kami naipakilala nang maayos sa’yo ng fiancée mo.”
Tahimik ang paligid.
Ang ilang bisita ay kunwaring abala, pero halatang nakikinig.
“Ingatan mo ang babaeng ’yan,” dugtong ni Valente, ang tono ay parang payo—pero may lason.
“Sapul siya sa pagpili.”
Lumapit nang kaunti si Rossi, sapat para marinig ni Jeon ang susunod na salita.
“At siya nga pala…”
Isang manipis na ngiti.
“Hindi pa tayo tapos maglaro.”
Sandaling katahimikan.
“Nag-uumpisa pa lang kami.”
Tahimik si Jeon.
Walang galit sa mukha.
Walang reaksyon sa pagbabanta.
Sa halip—
bahagya siyang ngumiti.
“Magandang simula,” sagot niya nang kalmado.
“Akala ko kasi matagal na kayong tapos.”
Isang maikling pause.
“Next time,” dugtong niya, “siguraduhin n’yong mas malinaw ang galaw ninyo.”
Lumipat ang tingin niya kay Valente.
“Halata masyado.”
Saglit na tumigas ang panga ni Rossi.
Ngunit wala silang magagawa.
Hindi dito.
Hindi sa gitna ng media.
Tumalikod sila sa wakas.
Habang naglalakad palayo—
ang hangin sa paligid nina Jeon at Lucia ay mas naging mabigat.
Sa earpiece—
“Jeon,” mahina ang boses ni Aleric.
“Confirmed. Yung encrypted transmission kanina? Papunta sa private number registered sa Samaniego Group.”
Ang ama ni Jude.
Tahimik si Jeon.
Mas lumawak ang ngiti niya—pero malamig.
“Copy,” sagot niya.