Dumating ang araw ng pagtitipon.
Hindi ito ordinaryong party.
Ito ay deklarasyon.
Sa loob ng silid, tahimik na naghanda si Jeon.
Isang itim na tailored suit. Mas pormal kaysa dati. Mas kalkulado ang dating. Walang labis na detalye—pero bawat hiwa ng tela ay eksaktong akma sa kanya.
Hindi siya mukhang fiancé.
Mukha siyang pwersang pupunta para kunin ang entablado.Nang matapos syang mag ayos ay nagtungo
sya Sa kabilang bahagi ng estate,nasa makeshift operations room kasi si Aleric.
Naka wheelchair pa rin, may benda ang sugat—pero ang mga mata niya ay malinaw at matalim.
Tatlong laptop ang bukas sa harap niya.
“CCTV layout ng palazzo secured,” sabi niya habang mabilis ang daliri sa keyboard.
Bukod sa pagiging high-class assassin—
isa rin siyang mahusay na hacker.
“May dalawang independent network ang Via della Scala,” dagdag niya. “Public-facing feed at private internal loop.”
Tahimik na nakatayo si Jeon sa likuran niya.
“Control mo ba?” tanong niya.
“Hindi pa,” sagot ni Aleric. “Pero kaya ko silang i-blind spot sa loob ng tatlumpung segundo kung kailangan.”
Nag-zoom in ang screen sa blueprint ng palazzo.
Grand hall. Balcony corridors. Service exits. Rooftop access.
“May hidden camera sa chandelier,” dagdag ni Aleric. “Hindi ito para sa security.”
“Tungkol saan?” malamig na tanong ni Jeon.
“Observation.”
Tahimik ang silid.
“May nanonood na hindi lang Moretti,” sabi ni Aleric.
Consiglio.
O iba pa.
“Good,” sagot ni Jeon.
Bahagyang napalingon si Aleric.
“Good?”
“Mas maraming mata,” malamig na sagot ni Jeon, “mas maraming makakakita.”
Isang manipis na ngiti ang sumilay kay Aleric.
“Kung may mangyaring mali,” sabi niya, “pwede kong i-loop ang footage. Pwede kitang gawing multo sa loob ng dalawang minuto.”
“Hindi ko kailangan magtago,” sagot ni Jeon.
“Alam ko,” sagot ni Aleric. “Pero mas maganda kung may option.”
Tahimik ang sandali.
“Isang buwan,” paalala ni Aleric.
Tumango si Jeon.
“Pero teka, Jeon…”
Hindi inaalis ni Aleric ang tingin sa monitor.
“Hindi ka ba muna tatawag sa asawa mo?”
“Makikita at mapapanood niya sa TV ang pagtitipon. Malalaman niyang may fiancée ka rito.”
Bahagyang lumingon si Jeon.
“Kahit palabas lang ’yon.”saad ni aleric.
Isang mahabang katahimikan ang bumalot sa silid.
Sa screen, umiikot ang CCTV layout ng Via della Scala.
Sa salamin ng bintana, nakikita ang repleksyon ni Jeon—malamig, kontrolado.
“ sabi ko nga Alam niya kung anong klaseng mundo ang pinasok niya,” sagot niya sa wakas.
Mababa. Walang emosyon.
“pero Hindi ibig sabihin no’n na hindi siya masasaktan at isa pa Hindi sya kusang pumasok sa Mundo natin Ikaw Ang gumawa noon saknya,” tugon ni Aleric.
Hindi agad sumagot si Jeon.
Sa loob ng ilang segundo—
parang may bahagyang pag-igting sa kanyang panga.
“Ang kasal na ’yon,” sabi niya nang dahan-dahan, “ay kasunduan sa pagitan naming dalawa.”
“Hindi pangako.”
natahimik si Aleric.
“Pero tao pa rin siya.”
Isang malamig na tingin ang ibinalik ni Jeon.
“Mas delikado kung tatawag ako.”
Napakunot ang noo ni Aleric.
“Bakit?”
“Kapag tumawag ako,” sagot ni Jeon, “magiging emosyonal ang usapan at baka matrace lang ng mga kalaban.”pagdadahilan nya.
Isang maikling pause.
“At wala akong puwang para doon ngayon.”
“Mas ligtas siya kapag wala siyang alam,” dagdag niya.
“Mas ligtas siya kapag mukhang wala siyang kinalaman sa Italy.”
Naintindihan ni Aleric.
“Hindi ito tungkol sa damdamin,” malamig na pagtatapos ni Jeon.
“Strategic silence.”.
Alam niyang hindi iyon buong katotohanan—
pero hindi rin siya pipilit.
Sa labas,nagsisimula nang paandarin ng mga tauhan ang sasakyan.
Oras na.
“Kung sakaling tumawag siya?” tanong ni Aleric.
Hindi nag-atubili si Jeon.
“Sabihin mong nasa meeting ako.”
Walang ngiti.
“Talaga? Nasa meeting ka?”
Napailing si Aleric habang nakatingin sa monitor.
“Makikita ka nga niyang may kasamang babae sa TV. At ipakikilala pa kayo sa madla bilang mag-fiancé.”
Bahagya siyang tumingin kay Jeon.
“Sinong niloloko mo?”
Ang mga ilaw ng screen ay tumatama sa malamig na mukha ni Jeon.
“Hindi ko siya niloloko,” sagot niya sa wakas.
Mababa. Kontrolado.
“Pinoprotektahan ko siya.”
Napabuntong-hininga si Aleric.
“Sa ganitong paraan?”
Lumapit si Jeon sa mesa at pinatay ang isang screen.
“Kapag nakita ng mundo na may bagong koneksyon ako rito sa Italy,” paliwanag niya, “ang atensyon ay mapupunta sa Moretti.”
“Hindi sa Spain.”
Isang maikling katahimikan.
“Mas mabuti nang magalit siya,” dugtong niya, “kaysa maging target.”
Tahimik si Aleric.
“Pero kapag nasaktan siya…?”
Sandaling tumigil ang galaw ni Jeon.
Isang segundo lang.
Pagkatapos ay bumalik ang malamig na anyo.
“Hindi man ito ang buhay na pinili niya,” sagot niya.
“Pero pinili niyang manatili.”
Mas mabigat na ang hangin ngayon.
“Jeon,” sabi ni Aleric nang mas seryoso, “hindi lahat kayang i-justify ang mga gusto mong strategy"
Tahimik.
“Sa mundong ’to,” sagot ni Jeon, “lahat kailangang i-justify ng strategy.”
Bago siya sumakay, humarap siya sa mga pangunahing tauhan niya.
“Hindi n’yo na kailangang sumama sa’kin sa loob.”
Nagkatinginan ang ilan.
“Boss—”
“Dating gawi,” putol niya.
“Maging alerto lang kayo. Manatili sa perimeter.”
Tumingin siya sa team leader.
“Hintayin n’yo ang utos ko. O ni Aleric.”
Isang pause.
“Walang gagalaw.”
Diretso. Walang emosyon.
“Kapag may aberya?” tanong ng isa.
“Standby.”
“Kapag may barilan?”
“Observe.”
Tahimik ang mga tauhan.
Alam nila ang ibig sabihin nito.
Si Jeon ay papasok mag-isa.
Hindi bilang target.
Kundi bilang bitag.
“Kung may mangyaring hindi ayon sa plano,” dagdag niya, “ang priority ay data. Hindi putok.”
Malinaw.
Hindi ito simpleng security detail.
Ito ay intelligence gathering night.
Sumakay siya sa gitnang sasakyan.
Habang umaandar ang convoy papuntang Milan—
nakasandal siya sa upuan, tahimik.
Sa kabilang linya, naka-earpiece siya kay Aleric.
“Live feed monitoring active,” sabi ng kaibigan niya mula sa estate.
“Signal stable. May tatlong external IP na nag-aaccess sa internal camera system.”
“Tag them,” malamig na sagot ni Jeon.
“Already tracing.”
Sa labas ng bintana, unti-unting lumalapit ang mga ilaw ng lungsod.
Pagdating ng convoy sa magarbong pagtitipon, muling hinarang ang mga sasakyan.
Mas mahigpit ang seguridad kaysa dati.
Metal barriers. Armed private security. Discreet earpieces. Snipers sa rooftop—hindi halata sa karaniwang mata, pero malinaw kay Jeon.
Isa-isang chineck ang mga plaka.
“Invitation code?” tanong ng head of security.
Hindi na nagsalita si Jeon.
Ibinaba lang niya ang salamin.
Sa sandaling makita ang mukha niya—
nagbago ang tono.
“Clear. Let them pass.”
Hindi naging mahirap para sa kanya.
Dahil ngayong gabi—
hindi siya outsider.
Hindi rin siya target.
Isa siyang inaasahang pangalan.
Bumukas ang malalaking bakal na gate.
Sa loob—
isang engrandeng courtyard na puno ng mamahaling sasakyan.
Rolls. Bentleys. Armored SUVs na disguised bilang luxury transport.
Halata mong ang lahat ng dumalo ay tunay na makapangyarihan.
Mga politiko.
Mga negosyante.
Mga diplomat.
At ang mga hindi kailanman magpapakilala sa tunay nilang negosyo.
Legal man o ilegal ang galaw—
lahat sila may impluwensya.
Pagbaba ni Jeon ng sasakyan—
agad bumaling ang ilang ulo.
Hindi pa siya inaanunsyo.
Pero kilala siya.
“Visual confirmed,” boses ni Aleric sa earpiece niya.
“May dalawang kilalang associate ni Rossi sa west balcony.”
“Noted,” malamig na tugon ni Jeon.
“Media positioning sa main entrance. Lucia is inside. Waiting.”
Huminga siya nang mabagal.
Hindi para kumalma.
Kundi para kontrolin ang tempo.
Sa tuktok ng hagdanan ng palazzo—
nakatayo si Lucia.
Isang eleganteng puting gown ngayong gabi.
Hindi para magmukhang inosente—
kundi para maging sentro.
Ang mga ilaw ng camera ay nagsimulang kumislap.
Flash.
Flash.
Flash.
Ngunit bago pa siya tuluyang umakyat—
isang maikling sandali ng katahimikan ang bumalot sa pagitan nila.
Hindi pa sila mag-fiancé.
Hindi pa inaanunsyo.
Pero sa mga matang nakatingin—
nagsisimula na ang kwento.
“At this moment,” mahina ang sabi ni Aleric sa comms, “lahat ng mata ay nasa inyo.”
Bahagyang gumalaw ang panga ni Jeon.
“Good.”
Dahan-dahan siyang umakyat ng hagdan.
Hindi nagmamadali.
Hindi rin nagpapakita ng pagmamayabang.
Isang presensya lang—
na hindi maaaring balewalain.
At ngayong gabi—
ang Italy ay manonood.
Pero sa likod ng mga ngiti at camera—
may mga aninong naghihintay ng pagkakataon.
“Be careful, Jeon.”
Mahina ngunit malinaw ang boses ni Aleric sa earpiece.
“Nasa paligid si Valente… at si Rossi.”
Isang segundo.
“At pati na rin ang ama ni Jude Samaniego.”
Bahagyang tumigas ang panga ni Jeon.
“Wow,” dugtong ni Aleric, may bahid ng seryosong biro, “napapalibutan ka yata ng mga kalaban ngayon, bro.”
Hindi bumagal ang hakbang ni Jeon paakyat ng hagdan.
Hindi rin nagbago ang ekspresyon niya.
“Good,” malamig niyang tugon.
“Mas madali silang bilangin kapag nasa iisang silid.”
Sa west balcony, nakita niya si Valente.
Nakasandal, may hawak na champagne, ngunit ang mga mata ay nakatutok sa kanya.
Sa kabilang bahagi, si Rossi—kausap ang dalawang negosyanteng tila walang ideya sa tunay na galaw ng gabing ito.
At sa mas malalim na bahagi ng hall—
isang lalaking mas matanda.
Mas tahimik.
Mas mapanuri.
Ang ama ni Jude Samaniego.
Hindi siya ngumiti.
Hindi rin siya lumapit.
Pero malinaw—
nandito siya hindi para mag-celebrate.
Kundi para manood.
“Thermal read normal,” bulong ni Aleric. “Pero may tatlong armadong tao sa paligid ni Valente.”
“Expected,” sagot ni Jeon.
Sa tuktok ng hagdan, lumapit si Lucia.
Sa unang pagkakataon ngayong gabi—
magkatabi sila.
Sa harap ng camera.
Sa harap ng mga kalaban.
“Handa ka?” mahina niyang tanong, hindi ngumiti.
“Hinding-hindi ako pumapasok nang hindi handa,” sagot ni Jeon.
Sa ibaba, nagsimulang magbulungan ang mga tao.
Nakita nilang magkatabi ang Moretti heiress at ang lalaking pinaguusapan sa buong Europe.