CHAPTER 33

1856 Words
Tahimik ang kalsada pabalik sa Como. Walang sumunod. Walang kahina-hinalang sasakyan sa likuran. Matiwasay na nakarating si Jeon sa estate. Pagbukas ng gate, agad siyang sinalubong ng isa sa kanyang tauhan. “Clear ang perimeter, boss. Walang unusual movement.” Tumango siya. “Si Aleric?” “Nagising kanina. Stable na po. Hinihintay kayo.” Hindi na nag-aksaya ng oras si Jeon. Diretso siyang nagtungo sa east wing. Sa loob ng silid, nakaupo si Aleric sa kama, may bagong benda ang sugat, ngunit mas malinaw na ang mga mata. “Buhay ka pa,” unang sabi ni Aleric nang makita siya. “Disappointed?” malamig na sagot ni Jeon. Bahagyang ngumiti si Aleric. “Anong nangyari?” Lumapit si Jeon at tumayo malapit sa bintana. “Gusto nila akong ipakilala bilang nobyo ni Lucia.” Tahimik si Aleric ilang segundo. “Moretti move,” mahina niyang sabi. “Public shield. Political alignment.” “Kapag tinanggap ko,” dugtong ni Jeon, “makakakuha ako ng pangalan.” “Kapag tumanggi ka?” “Magiging variable ako.” Tahimik ang silid. “At ano ang ginawa mo?” tanong ni Aleric. “Pumayag ako,” diretso niyang sagot. Bahagyang natawa si Aleric. “Of course you did.” “Hindi para sa kanila,” dagdag ni Jeon. “Para sa impormasyon.” Lumalim ang tingin ni Aleric. “May nabanggit ba silang bago?” “Consiglio Nero.” Tumahimik si Aleric. Mas seryoso na ngayon ang ekspresyon niya. “Kung totoo ’yan… mas malalim na ang galaw.” “Hindi lang Valente at Rossi,” malamig na sagot ni Jeon. “May mas lumang kamay.” Saglit na katahimikan. “Magiging maingay ang susunod na tatlong gabi,” sabi ni jeon. “Hayaan mong maingay sanay tayo Dyan,” sagot ni aleric Tumingin siya sa lawa sa labas ng bintana. “Kapag masyadong maraming mata ang nakatingin… mas madaling makita kung sino ang kumikilos sa dilim.”dagdag pa ni aleric. Tahimik ang silid. Dalawang lalaking sanay sa digmaan. Pero ngayon— hindi na ito simpleng barilan. Ito ay reputasyon. Media. Lumang pamilya. At isang engagement na hindi romantiko— kundi deklarasyon. “Magpahinga ka,” sabi ni Jeon kay Aleric. “Sa susunod na galaw… kailangan kitang malinaw ang isip.” Tahimik ang silid. Tanging mahinang tunog ng hangin mula sa lawa ang maririnig. “Isang buwan lang,” malamig na sabi ni Jeon habang nakatanaw sa dilim sa labas ng bintana. “Iyon lang ang nais kong pananatili dito.” Napatingin si Aleric sa kanya. “Isang buwan?” tanong niya. “Upang matapos lahat ng transaksyon natin,” dugtong ni Jeon. “Arms routes. Northern logistics,high class party drugs, Financial pressure kay Valente. At kung totoo ang Consiglio Nero—lalabas sila sa loob ng tatlumpung araw.”Paano ang asawa mo?” Mahina ang tanong ni Aleric, pero direkta. “Makikita niya sa balita ang paglabas ninyo ni Lucia bilang couple.” Tahimik ang silid. Hindi agad sumagot si Jeon. Nakatayo siya sa tabi ng bintana, ang anino niya humahalo sa dilim ng lawa. “Hindi mahalaga ang nararamdaman niya,” malamig niyang sagot sa wakas. Walang pag-aalinlangan. Walang emosyon. Ang tono niya ay hindi galit—kundi desisyon. “Ang problema rito ang mas mahalaga.” Tahimik si Aleric. Alam niyang hindi simpleng kasal ang nasa Spain. May dahilan kung bakit iyon nangyari. May dahilan kung bakit hindi ito romantiko. “Masyado kang detached,” sabi ni Aleric. “Detached ang kailangan,” sagot ni Jeon. Isang mahabang katahimikan ang bumalot sa silid. Pagkatapos— bahagyang tumigas ang panga ni Jeon. “May kutob ako,” mababa ang boses niya ngayon, mas personal. “Andito ang pumatay sa mga magulang ko.” Tahimik. Ang hangin sa silid ay tila naging mas mabigat. “O kung wala man ang taong ’yon,” dugtong niya, “sigurado akong may galamay.” Ngayon malinaw na. Hindi lang ito negosyo. Hindi lang ito power balance. Ito ay mas luma. Mas personal. Ang pagpasok niya sa Italy— hindi aksidente. “Consiglio Nero,” mahina ang sabi ni Aleric. “Kung sila ang may hawak noon…” “Hindi ko kailangan ang haka-haka,” putol ni Jeon. “Kailangan ko ng pangalan.” Lumapit siya sa mesa at inilapag ang telepono. Isang buwan. Hindi lang para sa transaksyon. Hindi lang para sa pagdurog kina Valente at Rossi. Kundi para hukayin ang nakaraan. “At kung totoo ang kutob mo?” tanong ni Aleric. Hindi nag-atubili si Jeon. “Walang lungsod ang makakapigil sa akin.” “Kung ginagamit ako ng mga Moretti sa maling paraan…” Mababa ang boses ni Jeon. Hindi galit. Hindi emosyonal. Mas delikado. “…para silang naghukay ng sarili nilang libingan.” Tahimik ang silid. Alam ni Aleric ang tono na iyon. Iyon ang tono bago may mabura. “Alam mo ’yan, Aleric,” dugtong ni Jeon. Hindi ito tanong. Isang paalala. Bahagyang napasandal si Aleric sa unan. “Alam ko,” sagot niya. “At alam din nila kung sino ka.” “Sigurado ka?” malamig na tugon ni Jeon. “Ang mga lumang pamilya,” dagdag niya, “sanay gumamit ng mga bagong pangalan bilang shield. Public alignment. Media play. Strategic fiancé.” Tumahimik siya sandali. “Pero hindi ako shield.” Nagtagpo ang kanilang mga mata. “Hindi ako pawn.” Tahimik. “Kung gagamitin nila ang pangalan mo para linisin ang sarili nilang galaw…” sabi ni Aleric. “…hindi sila makakaabot sa susunod na taglamig.” Bahagyang ngumiti si Jeon. Walang saya. Walang yabang. Isang manipis na pagkilala sa katotohanan. “Hindi ko kailangan sirain ang buong hilaga,” sabi niya nang dahan-dahan. “Isang halimbawa lang.” Isang pangalan. Isang ruta. Isang public scandal. Sapat na iyon para mabiyak ang isang lumang pamilya. Ngunit saglit siyang tumahimik. “Pero hindi sila ganoon ka-tanga,” dagdag niya. “Ang alok nila ay may kapalit na impormasyon.” “Ang tanong,” sabi ni Aleric, “ibibigay ba nila ang totoong pangalan… o pain lang iyon?” Tahimik ang gabi sa labas. “Kung pain,” sagot ni Jeon, “mas malala para sa kanila.” Dahil kapag naglaro sila ng maling baraha— hindi lang reputasyon ang mawawala. Kundi impluwensya. Legacy. At sa mundong ginagalawan nila— mas mahalaga ang pangalan kaysa buhay. “Isang buwan,” mahina niyang ulit. “Sa loob ng isang buwan, malalaman natin kung kakampi sila… o hukay.” Tahimik ang malawak na study ng palazzo. Makapal ang kurtina. Mahina ang ilaw. Ang lungsod ng Milan ay tila malayo sa loob ng silid na iyon. Nakaupo ang matandang Moretti sa likod ng lumang mesa, hawak ang baso ng alak. “Gusto ko ang batang Devereaux na ’yon,” mababa niyang sabi. Nakatayo si Lucia sa tabi ng bintana, nakatanaw sa courtyard kung saan umalis si Jeon kanina. “Wala siyang pag-aalinlangan,” dugtong ng matanda. “Kitang-kita ko ang apoy sa mga mata niya.” Tahimik si Lucia. “Hindi siya natakot,” patuloy ng ama. “Hindi siya yumuko. At hindi siya nagmadali.” Isang mahinang ngiti ang sumilay sa labi ng matanda. “Ganyan ang mga lalaking binabago ang mapa.” Luminga si Lucia sa kanya. “O sinisira ito,” malamig niyang tugon. Bahagyang tumawa ang matanda. “Pareho.” Tahimik ang ilang segundo. “Naniniwala ka ba sa sinabi niya?” tanong ni Lucia. “Na hindi niya kailangan ang proteksyon natin?” “Hindi niya nga kailangan,” sagot ng matanda agad. “Pero kailangan niya ang impormasyon.” Isang pause. “At kailangan natin ang apoy niya.” Nagtagpo ang kanilang mga mata. “Ang Consiglio Nero,” dugtong ng matanda, mas mababa na ang tono, “ay hindi pa handang harapin ang isang tulad niya.” Tahimik si Lucia. “Kung totoo ang hinala niya tungkol sa pagkamatay ng mga magulang niya…” Hindi niya tinapos ang pangungusap. “Mas lalo siyang magiging mapanganib,” sagot ng matanda. Tahimik ang silid. “Ginagamit ba natin siya?” tanong ni Lucia nang diretso. Hindi agad sumagot ang matanda. Sa halip, tumingin siya sa apoy ng fireplace. “Hindi.” Isang maikling pause. “Pinapapili natin siya.” “Sa pagitan natin… at ng mga nasa dilim.” Lumalim ang tingin ni Lucia. “Kung malalaman niyang may koneksyon ang ilang lumang pangalan sa pagkamatay ng mga magulang niya—” “—hindi niya tayo susunugin,” putol ng matanda. “Bakit?” tanong ni Lucia. Dahan-dahang tumingin ang matanda sa kanya. “Dahil hindi tayo ang nagbigay ng utos noon.” Tahimik. “Pero alam natin kung sino,” dagdag niya. Mas naging seryoso ang mukha ni Lucia. “Sigurado ka ba na handa siyang marinig iyon?” Bahagyang ngumiti ang matanda. “Hindi.” Isang maikling katahimikan. “Pero handa siyang pumatay para rito.”sabi ng matanda. “Lucia.” Mas mababa ang boses ng matandang Moretti ngayon. Mas personal. Mas direkta. “Gusto kong kunin mo ang loob ni Jeon.” Hindi gumalaw si Lucia. “Akitin mo kung kinakailangan,” dugtong ng ama. “Kasál man siya… alam nating hindi pag-ibig ang nag-udyok sa kanya para gawin iyon.” Nanatiling nakatayo si Lucia. . Dahan-dahan siyang humarap sa ama. “Ginagamit mo ba ako bilang pain?” diretso niyang tanong. Hindi agad sumagot ang matanda. “Hindi,” sagot niya sa wakas. “Ginagamit natin ang sitwasyon.” “Magkaiba ’yon,” malamig na tugon ni Lucia. Lumapit ang matanda sa fireplace. “Ang batang iyon,” sabi niya, “ay hindi madaling lapitan. Hindi siya sumusunod sa emosyon.” “Pero hindi rin siya bato.”saad ng matanda. “May sugat siya,” dugtong ng matanda. “At ang sugat ang pinakamabilis na daan papasok.” Bahagyang tumalim ang tingin ni Lucia. “Hindi ako magiging instrumento,” sabi niya. “Hindi kita hinihingan ng pagyuko,” sagot ng matanda. “Hinihingan kita ng impluwensya.” Isang mabigat na katahimikan. “Kapag nakuha mo ang loob niya,” dagdag ng ama, “hindi natin siya kailangang kontrolin.” “Magiging kusang kakampi.” Lumakad si Lucia papalapit sa mesa. “Alam mo kung ano ang problema?” tanong niya. “Hindi siya lalaki na nahuhulog sa bitag.”tugon niya sa ama. “At kung sakaling mahulog… hindi ako sigurado kung sino ang masusunog.” Sandaling natahimik ang matanda. Pagkatapos ay ngumiti. “May tiwala ako sa’yo.” “May tiwala rin naman ako sa sarili ko,” sagot ni Lucia. Nagtagpo ang kanilang mga mata. Hindi ito simpleng utos ng ama sa anak. Ito ay pagtatalaga sa kanya bilang pangunahing manlalaro sa mas malaking laro. “Gawin mo kung paano mo gusto,” sabi ng matanda sa wakas. “Basta makuha mo ang tiwala niya.” Tumalikod si Lucia at naglakad palabas ng study. Sa hallway, sandali siyang huminto. Jeon luke Devereaux. Hindi siya romantic target. Hindi siya simpleng pawn. Isa siyang apoy. At ang problema sa apoy— kapag masyado kang lumapit, maaaring ikaw ang unang matupok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD