“Hmmmm…”
Marahang umikot ang baso ng alak sa kamay ng matandang Moretti.
“May kondisyon akong ilalatag sa’yo… Jeon.”
Tahimik ang buong bulwagan.
Kahit ang mga nasa balcony ay tila mas lumapit upang makinig.
“Maari bang magpakilala kang nobyo ng aking anak… sa darating na malaking pagtitipon.”
Isang mabigat na pause.
“At kapalit noon,” dugtong niya, “sasabihin namin sa’yo ang lahat ng gusto mong malaman tungkol sa mga kalaban mo.”
Hindi gumalaw si Jeon.
Hindi siya nagulat sa mukha.
Pero sa loob—
alam niyang hindi ito simpleng pabor.
Ito ay political alignment.
Si Lucia ay hindi agad nagsalita.
Ngunit ang tingin niya kay Jeon ay waring nanunukat.
“Engagement announcement,” dagdag ng matandang Moretti. “Temporary. Public appearance lamang.”
“Symbolism,” mahinang sabi ni Lucia.
“Protection,” dugtong ng matanda. “Kapag nakita ng buong Milan na nasa ilalim ka ng pangalan ng Moretti… magdadalawang-isip ang Valente at Rossi.”
Tahimik.
Pero may mas malalim pa.
Hindi lang proteksyon ang kapalit.
Ito ay paglalagay kay Jeon sa gitna ng lumang pamilya.
Isang pagmamarka.
“Hindi ako props at palagay nyo ba kailangan ko ng proteksyon?,” malamig na sagot ni Jeon sa wakas.
Bahagyang ngumiti ang matanda.
“Hindi ka rin namin pipiliin kung props ka lang.”
Tumayo si Lucia.
Lumapit siya sa mesa.
“Hindi ito romantikong kasunduan,” diretsong sabi niya kay Jeon. “Ito ay strategic alignment.”
Nagtagpo ang kanilang mga mata.
“At kapag natapos ang pagtitipon?” tanong ni Jeon.
“Pwede mong putulin,” sagot ng matanda. “Kung gugustuhin mo.”
Ngunit alam ni Jeon—
walang “madaling putulin” sa ganitong mundo.
Kapag naitali ang pangalan mo sa isang lumang pamilya—
Kung papasok siya bilang nobyo—
makakakuha siya ng access.
Sa inner circle.
Sa impormasyon.
Sa lumang mapa ng kapangyarihan.
Pero kapalit—
ang pangalan niya ay magiging bahagi ng kanilang laro.
Luminga siya kay Lucia.
“Gusto mo ba ito?” diretso niyang tanong sa dalaga.
Hindi ito sumagot agad.
“Hindi ito tungkol sa gusto,” sagot nito sa wakas. “Ito ay tungkol sa kung sino ang mas makikinabang.”
“Sigurado ba kayong ako ang makikinabang… o kayo?”
May bahid ng sarkasmo ang boses ni Jeon, pero kontrolado pa rin.
Tahimik ang bulwagan.
Ang mga matang nakamasid mula sa itaas ay tila mas lalong tumalim.
“Alam n’yong,” dugtong niya, “kakasal ko lang.”
Isang maikling pause.
“Imposibleng hindi n’yo nalaman ’yon.”
Bahagyang nag-angat ng baso ang matandang Moretti.
“Of course we know.”
Walang pagtatanggi.
Walang pag-arte.
Si Lucia ang sumagot.
“Spain,” malamig niyang sabi. “Private ceremony. Limited media exposure. Strategic, hindi romantiko.”
Hindi nagbago ang ekspresyon ni Jeon.
“Kaya mas lalong nakakatawa ang alok ninyo,” sagot niya. “Ano ito? Koleksyon?”
Bahagyang gumalaw ang panga ng matandang Moretti—hindi sa galit, kundi sa interes.
“Ang kasal mo,” sabi nito, “ay hindi nakatali sa Italy.”
“Ang apelyido namin,” dugtong niya, “ay nakatali sa buong hilaga.”
Tahimik.
Lucia’s eyes never left Jeon.
“Hindi namin hinihingi ang kasal,” sabi niya. “Public alignment lang.”
“Image,” dagdag ng matanda. “Hindi papel.”
Bahagyang ngumiti si Jeon.
“Sa mundong ’to,” malamig niyang sagot, “ang image ang mas delikado kaysa papel.”
“Kung papayag ako,” mababa ang boses niya ngayon, “hindi ako magiging dekorasyon sa tabi ng anak ninyo.”
Tinitigan niya ang matanda.
“At hindi rin ako papayag na gamitin bilang panangga habang kayo’y nananatiling malinis.”
Walang emosyon ang mukha ni Moretti.
“Maglatag ka ng kondisyon,” sabi nito sa wakas.
“Kung tutuusin,” malamig ang boses ni Jeon, pero hindi niya tinaasan, “hindi ko kailangan ng proteksyon n’yo.”
“Hilaga lang ang meron kayo,” dugtong niya. “Nagtanong ba kayo kung ano ang sakop ko?”
Walang pagmamayabang sa tono.
Katotohanan lang.
“Hindi ako pumunta rito para maghanap ng panangga.”
Isang hakbang pasulong.
“Pumunta ako rito dahil gusto kong malaman kung sino ’yung taong kating-kati na patayin ako.”
Ang matandang Moretti ay hindi agad nagsalita.
Si Lucia—
bahagyang tumingkayad ang baba, parang mas lalong naging interesado.
“Magandang dahilan,” saad ng matanda sa wakas.
“Pero maling lugar para maghanap ng sagot kung akala mo kami ang may hawak ng kutsilyo.”
“Hindi ko sinabing kayo,” malamig na sagot ni Jeon.
“Pero alam n’yo at may idea kayo kung sino.”
Tahimik.
Isang manipis na ngiti ang sumilay sa labi ni Lucia.
“May pangalan ka na ba sa isip?” tanong niya.
“May galaw,” sagot ni Jeon. “Pero hindi ko pa nakikita ang kamay.”
Nagkatinginan ang mag-ama.
Hindi panic.
Hindi pagkabigla.
Kundi pagkilala.
“Kung hinahabol ka,” mababang sabi ni Moretti, “hindi lang iyon personal.”
“May gustong alisin ang variable sa equation.”
“Anong equation?” malamig na tanong ni Jeon.
“Ang bagong balanse,” sagot ni Lucia..
“Kapag nawala ka,” dugtong niya, “mas magiging simple ang digmaan sa pagitan nina Valente at Rossi.”
“Pero may isang grupo,” dagdag ng matanda, “na hindi interesado sa simpleng digmaan.”
Bahagyang tumalim ang mata ni Jeon.
“Sabihin n’yo ang pangalan.”
Hindi agad sumagot ang matanda.
Sa halip, marahang inilapag ang baso.
“May lumang konseho sa Italy,” sabi niya. “Hindi sila nagpapakita. Hindi sila lumalabas sa balita.”
“Pero sila ang pumipili kung sino ang lalakas.”
“Consiglio Nero.”
Tahimik ang buong hall.
Kahit ang mga nasa balcony ay tila nanahimik lalo.
“Hindi sila direktang kumikilos,” dagdag ni Lucia. “Gumagamit sila ng mga ambisyosong tulad nina Valente at Rossi.”
“Kapag may bagong puwersang dumating…” tumingin siya kay Jeon, “sinusubok nila.”
Ang pag-atake sa ospital.
Ang sabay na galaw.
Ang masyadong maayos na timing.
Hindi na ito simpleng rivalry.
“Kung tama ang hinala mo,” mababa ang boses ni Moretti, “hindi ka lang target dahil sa teritoryo.”
“Target ka dahil binabago mo ang balanse.”
Tahimik si Jeon.
Walang takot sa mukha niya.
Pero mas naging malinaw ang direksyon.
“Kung totoo ang sinasabi ninyo,” malamig niyang sagot, “hindi ninyo ako kailangan bilang nobyo.”
Saglit siyang tumingin kay Lucia.
“Kailangan ninyo akong buhay.”
natahimik sila.
At sa unang pagkakataon—
ang alok ng Moretti ay hindi na mukhang manipulative.
Mukha itong positioning laban sa mas malaki pang anino.
Tahimik ang buong bulwagan nang magsalita si Jeon.
“Papayag ako sa gusto mo, Ginoong Moretti.”
Walang emosyon ang mukha niya.
“Hindi dahil kailangan ko kayo.”
Isang mabagal na hakbang pasulong.
“Kundi dahil baliktad ang sitwasyon.”
Nagkatinginan ang mag ama.
“Kapag inilaro ninyo ang pangalan ko sa media sa buong mundo,” dugtong niya, “maaari ninyo akong itaas… pero maaari rin ninyo akong sirain.”
Bahagyang siyang tumigil.
“At hindi ako sanay na may ibang humahawak sa narrative ko.”
Tahimik ang matandang Moretti.
Si Lucia—hindi inaalis ang tingin sa kanya.
“Kaya siguraduhin n’yo lang,” malamig na dagdag ni Jeon, “na may mapapala ako.”
Isang maikling pause.
“Dahil kung wala…”
Dahan-dahan niyang ibinaling ang tingin sa buong hall.
“…ang kalahati ng hilaga ng Italy na sakop ninyo ay magiging abo rin.”
Walang sigaw.
Walang pagtaas ng boses.
Mas delikado ang tono—kalma.
“Hindi lingid sa inyo,” dugtong niya, “na magaling akong maglaro ng apoy.”
Tahimik.
Walang gumalaw.
Walang nag-react nang marahas.
Ang matandang Moretti ay bahagyang ngumiti.
Hindi insultado.
Hindi galit.
Parang mas lalo pang naging interesado.
“Magandang babala,” sabi niya nang mababa. “At nararapat lamang.”
Si Lucia ang sumagot sa pagkakataong iyon.
“Kung susunugin mo ang hilaga,” sabi niya, “masusunog din ang mga ruta mo.”
Direktang sagot.
Direktang hamon.
Bahagyang ngumiti si Jeon.
“Kung aabot tayo roon,” sagot niya, “ibig sabihin nabigo ang kasunduan.”
Tahimik ang ilang segundo.
Pagkatapos—
tumayo ang matandang Moretti.
“Magkakaroon ng pagtitipon sa loob ng tatlong gabi,” anunsyo niya. “Media. Mga lumang pamilya. Mga banyagang investors.”
Tumingin siya kay Jeon.
“Sa gabing iyon, ikaw ay ipakikilala bilang pinili ng aking anak.”
Hindi niya sinabing “nobyo.”
Pinili.
Isang salitang may bigat.
“Kapalit,” dagdag niya, “ibibigay namin sa’yo ang pangalan na hinahanap mo.”
“Tapos na ang usapang ito.”
Tumayo si Jeon nang hindi nagmamadali.
Walang galit sa kilos.
Walang pagmamadali sa hakbang.
“Ako’y aalis na.”
Tahimik ang buong hall.
Bago siya tuluyang lumingon, bahagya siyang huminto.
“Hmmm… correction.”
Dahan-dahan siyang bumaling pabalik kay Moretti.
“Hindi n’yo pala masusunog ang mga ruta ko.”
Isang manipis na ngiti ang sumilay sa labi niya.
“Dahil ang mga tauhan ko ang bahala sa inyo.”
Tahimik.
Hindi iyon sigaw ng pagbabanta.
Isa iyong simpleng katotohanan.
“Mag-iingat kayo,” dagdag niya.
“Baka matupok lahat ng utusan ninyo… at tustado na bago pa makarating sa inyo ang mga ito''
Nagtagpo ang kanilang mga mata ni Lucia.
Walang takot sa kanya.
Walang pag-atras.
Isang pantay na presensya laban sa lumang pangalan.
“Adios.”