"Alam mo Dani, parang gusto kitang sabunutan if only you're not pregnant." Inis na sabi ni Mama. Napahinga na ako ng malalim pagkatapos na magpahinga sa tinutuluyan ni Mama. Inihatid naman kami ni Sir Quir, at minsan pa nga pareho pa kami ni Mama na kinukulit nito... Tungkol pa rin sa kasal. Na pareho rin naming iniilingan. "Inunahan mo pa ang mga Kuya mo." Iling niya. "S-sorry Ma..." Guilty, kinakain na ako ng konsensya ko sa resulta ng mga ginagawa ko noon. Kailangan kong harapin 'to... Kahit na anong mangyari. "Your sorry won't solved anything, Dandan. Hindi ko nga lubos maisip na magagawa mo na ngayong makipagsex. Dios ko! Never kong naisip na gagawin mo nga! I thought your first will be on you 30th birthday. Naloloka ako Dandan." Irap nito sa hangin at sinapo pa ang noo. Naguguil

