Nang dumiretso ako sa opisina bago ang flight kinagabihan, nakita ko ang kunot sa noo ni Sir Quir habang naghihintay sa Lobby ng gusali. Parang galit. At mukhang galit nga talaga kasi iniignora niya ang mga empleyadong nagpapaalam sa kanya. Bakit kaya masama ang timpla ng isang 'to? "You're here..." Salaysay niya sa obvious na pagdating ko. Napalunok ako, galit ba 'to sa akin? Bakit naman? Anong ginawa ko? "Give me your phone." Alangan ako no'ng una, baka kasi makita niya ang mga schedule na ginawa ko para sa baby ko. Hindi pa naman ako mahilig gumawa ng password sa phone. Medyo hassle. "I asked the Condo unit's guard, and he said hindi ka raw umuwi sa buong gabi simula no'ng umuwi ka kahapon. So tell me, where were you?" Tanong niya sa pagitan ng pagpindot at pagyuko sa phone ko. N

