"Why do you like Sushi?" Agad na tanong ni Sir Quir habang naghuhugas ako ng mga pinagkainan namin, nasa tabi ko siya. Nakasandal sa sink. At nakaharap sa sala. "Masarap lang po... Saka healthy." Ngumisi siya, at sa huli'y natawa ng konti. Na hindi ko naman naiintindihan. Kaya kumunot ang noo ko. "My grandparents were originally came from Japan... Both are Japanese... Kaya nahilig kaming gumawa ng Sushi, lalo na ang bunso naming kapatid. But I don't really like it's taste." Kumunot ang noo ko at napatigil sa paghuhugas ng pinggan. Hindi ko maintindihan kung bakit nahilig sila gumawa no'n gayong di naman pala kumakain si Sir Quir? "Bakit po?" Kumibit siya at tinitigan ang mga bagay na nasa sala. Ipinagpatuloy ko naman ang paghuhugas at pinunasan ang mga plato. "So aside from Sushi..

