"I don't understand, Mom." Buntong hininga ni Sir Quir at para bang nawalan nga talaga ng gana at ngayon nga'y pinaglalaruan na lang ang pagkain na nasa hapag. "Hindi mo talaga maiintindihan! Kasi lalaki ka, hijo! Kaming mga babae mabusisi pagdating sa preparation ng kasal. Hindi naman kailangang e-rush." Ngisi ng Mama niya. Inangat ni Sir Quir ang mukha saka sumilip sa akin. Napaiwas naman ako at yumuko bago kumain. Hanggang ngayon, iritado pa rin ako sa pamimilit niya. At dinagdagan pa sa topic na binuksan ng Mama niya. Ngayon, paano ako makakatakas? "Ikaw, hija? What color do you like for your wedding?" Ngiti ng Mama ni Sir Quir. Alangan naman ako no'ng una ngunit nagpatianod din naman. Nakita ko pa kung paanong umekis ang mga braso ni Sir Quir sa tapat ng dibdib niya habang nakikin

