12

1692 Words
Sinasadya kong iligaw ang mga mata sa ibang bagay... Ayaw ko ngang dumapo 'to kay Sir Quir! Alam ko tutuksuhin lang ako no'n. Alam ko rin na tatawanan niya lang ako... Nakakatawa naman talaga ang nangyari sa akin. Bakit kasi nangyari 'yon? Sakto ba sa nararamdaman ng isang babae ang gano'ng bagay... O ako lang? Napailing na lang ako at inayos ang mga gamit. Nilagay ko na rin sa ilalim ng table ang mga papeles na kakailanganin bukas. Alas singko... At walang overtime. Makakauwi ako ng mas maaga. Yon nga lang mukhang may balak si Sir Quir na isabay ako sa pag-uwi niya. Gusto ko sanang umiling kung hindi niya lang hawak ang siko ko. Na para bang inaalalayan ako. "Ihahatid na kita... Mahirap na." Sabi niya. Ni hindi ko kayang tumingala sa kanya, sa ngayon hindi ko pa kayang makipagtitigan sa mga mata niya. Nauunahan ako ng hiya... At disappointment na rin para sa sarili. Hindi naman lingid sa kaalaman ko ang paglingon ng ilang empleyado na naabutan namin sa Lobby. Marahil humahagilap ng chismis kaya alam ko, sa bawat galaw namin ay para bang pinag-aaralan nila. Kaso... Sa sitwasyon ko ngayon, wala na akong pakialam do'n. Ilang minuto lang ay dumating na ang sariling sasakyan. Binuksan niya muna ang nasa harapan, pinaupo ako at umikot para maupo na rin sa driver's seat. Ilang minuto pa ay nasa highway na kami. Traffic kaya sobra-sobrang inip ang nararamdaman ko. At hindi na rin ako mapakali, sa naiisip pa lang na nasa iisang space lang kami... Kinakabahan na kaagad ako. "What do you usually do on weekends, Dani?" Biglang tanong niya sa pagitan ng katahimikan at sa mahabang traffic. Naiilang na mas lalo ko pang iniyuko ang sarili. Paninindigan ko ang hindi pagtitig sa kanya... Siguro bukas pwede na. Wag muna ngayon, kasi parang bago pa ang lahat ng nangyari kanina. "G-groceries, sleep, eat and watch. Ganoon lang po Sir." Hindi ko alam kung ano ang naging reaksyon niya ngunit, agad niya na itong dinugtungan. "May lakad ako sa Sunday. Isasama kita..." Ni hindi man lang niya ako tinanong kung sasama ba ako o hindi. Basta lang itong nagdesisyon... Ayon sa kagustuhan niya. Hindi ko nga alam kung papayag ako o hindi kung sakaling nagtanong nga talaga siya... Nag-aalangan ako, kasi pag magkasama kami ni Sir Quir... May iba nang ibig sabihin. May iba nang patutunguhan. "S-sa Sunday? Baka po kasi may lakad ako." "You can cancel it, right? I asked you first." Nakagat ko na lang ang pang-ibabang labi... Nag-iisip nang malalim. Sasama ba ako o hindi? Paano kung ibang lakad pala ang ibig sabihin ni Sir Quir? Magiging okay lang ba? "Anyway, you have the whole week. Wala naman tayong gagawin maliban sa Golf Course na dadaluhan ko. You can watch while I play." Napaisip ako... Manonood lang ba talaga ako? Narinig ko ang tawa niya na siyang ikinalingon ko. Yong sinabi ko na hindi titingin kay Sir Quir, ay nabali ng ilang minuto pa lang. Kasi naman... Ba't siya natatawa. "You're scared..." Sabi niya, na ang tawa ay napalitan ng ngisi. Umiling naman ako... Pakiramdam ko nag-iinit ang dalawa kong tenga sa sinasabi niya. Guilty. Hindi ko na maipagkakaila 'yon. "Dani... Just give me this one and I'll prove to you that I am not that scary. Alam ko... Na hindi dapat, kaso nangyari na. Hindi naman kita pababayaan." Sabi niya. Hindi ko alam kung bakit na sa halip na mag-alangan sa mga sinabi niya... Parang biglang napaniwala niya ako sa mga salita niya. Sa loob ng apat na buwan, kita ko naman kung paano siya magtrabaho. Pinag-aralan ko rin kung ano ang mga lumalabas sa bibig niya, at sa huli napagtatanto ko na true to his words nga talaga siya. Hindi nang-iiwan sa ere, nagbibigay ng kung ano ang ipinangako niya. Sa trabaho pa nga lang ganoon na siya... Paano pa kaya pagdating sa personal life niya? Posible kaya? Posible nga ata. Hindi niya ako pababayaan... Magkaiba ang nararamdaman sa pag-aalaga. No assurance pa rin. "I'll ask you again before this week ends, Dani... Mag-ingat ka." Sabi niya habang sumisilip sa itaas ng building. Napalingon din naman ako do'n, sa unit ni Kuya Alex. Sa ngayon, hindi ko siya pwedeng ayain sa itaas. Pag ginawa ko... Alam ko na may iba ng ibig sabihin. Babae pa rin naman ako... At sa mga nangyari, napagtanto ko na masyado na palang lumalawak ang isipan ko. Naiintindihan ko na ang pinagkaibahan ng simpleng gesture ng isang lalaki at sa mga ginagawa nito na may iba pang ibig sabihin. Maaga akong nagising kinabukasan, maaga rin akong nakarating sa office kahit na tumagal ako sa traffic. Mas naunahan ko pa si Sir Quir na ilang minuto pa bago dumating. Nakapolo'ng gray lang ito ngayon, saka pantalon. Na siyang ipinagtataka ko. Sa tinagal-tagal ko dito, ngayon ko lang siya nakitang nakaganito nang pumasok. Hindi ko nga alam kung may lakad siya o ano maliban sa mga meetings na kailangan niyang puntahan mamaya. "Ah, Dannah..." Tawag niya sa totoo kong pangalan. Mas lalo tuloy nangunot ang noo ko habang papalapit sa mesa niya. Ni wala ng mga papeles do'n. All clear ang ibabaw ng mesa niya. Na siyang dumagdag sa pagkakalito ko. "I forgot to tell you last night... I have... Actually, we have an out of town business conference in Davao. Starting today." Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Ni wala nga akong dalang damit maliban sa sout ko ngayon! Pagkatapos sasabihan niya akong may conference sa Davao, effective and starting today?! Mapaglarong ngisi naman ang ipinakita niya sa akin. Natatawa siguro sa gulat ng rumehistro sa mukha ko. Paano ba naman kasi... Bakit ngayon niya lang sinabi?! Inalala ko lahat ng mga schedule niya na nilagay ko sa planner... Wala do'n tong sinasabi niyang Conference. "It's time." Sabi niya sabay tayo pagkatapos silipin ang relos sa bisig. "Let's go, Dani." Umiiling na aya niya bago nagpatiuna sa pintuan. Nagmamadali ko namang dinampot ang planner saka cellphone at naglakad ng mabilis kasunod ng likod niyang ewan... Kung bakit ikinalunok ko. Para ngang inaantok ako habang nakatitig sa malapad niyang likod. Hindi lang kasi malapad... Sadyang agaw pansin din ang bumabakat na masel do'n. Halatang alaga sa ehersisyo... "Dani..." Lahad niya ng kamay nang inilapag kami sa rooftop ng kanyang lift. Maingay... Dahil sa chopper na nasa harapin namin. Tumahip ng sobrang malakas ang puso ko no'ng nakita na sa chopper kami sasakay. Nanginginig ang kamay ko sa kaba. At alam niya. Kasi talagang alam ko na nanlalamig ang mga palad ko sa nerbyos. "You're safe, Dani. No need to be scared of." Ngisi niya sabay lapit pa niya sa katawan ko patungo at pasandig sa katawan niya. Nasa likod kami no'ng nag-umpisa nang umangat ang chopper. Napaupo ako sa takot. Narinig ko naman ang tawa ni Sir Quir, na idinantay ang mukha sa gilid ng leeg ko. Pakiramdam ko inaamoy niya ako. Pakiramdam ko, paglalaruan na naman ako ng isang 'to. "It's okay, Dani." Ewan, kung totoo ba talagang hinalikan niya ang leeg ko. Kasi may naramdaman akong malamig na bagay na dumantay sa balat ko. Parang hangin... At kaya hindi ako sigurado... Kasi ganoon nga. Nakapikit lang ako the whole time habang hawak ng mahigpit ang kamay ni Sir Quir. Nawala lahat ng hiya ko sa mga nangyari sa'min. Pakiramdam ko mahuhulog ako kapag binitawan ang kamay niya. Ninerbyos ako sa hangin na nasa labas, at sa ingay ng chopper. Pakiramdam ko mahuhulog na ako ng tuluyan. "Dan..." Tapik niya sa pisngi ko. Napadilat naman ako at nakita ang liwanag sa paligid. Maraming building sa unahan, at kahit sa gilid ko ay marami pa rin. Halatang inilapag na kami ng chopper. Parang bibigay ang tuhod ko sa pangangatog noon. Inalalayan naman ako ni Sir Quir na halatang natatawa sa sitwasyon ko. "I booked you a room... Baka nga magkaharapan lang ang mga rooms natin. I'll ask Joseph about my sched here in Davao. Sa ngayon... Magpahinga ka muna. Mukhang namumutla ka na talaga." Iling niya. Nahihiyang tinitigan ko na lang ang repleksyon sa elevator. Mukha ngang hihimatayin na ako sa kaba. Hanggang ngayon malakas pa rin ang pintig ng puso ko sa nerbyos. "I was right." Ngisi niya ng makita na magkaharapan nga talaga kami ng rooms. Umiling na lang ako at binuksan ang pintuan ng pansamantalang silid ko habang nasa Davao. "S-sir..." Gulat na isinangga ko ang mga braso kay Sir Quir. Pagkalingon ko, naabutan ko siyang nakasunod pala sa akin. Natawa naman siya at ibinaba ang mga braso ko bago pinasadahan ng mga mata ang nasa paligid. Ito lang siguro ang talagang dahilan niya kung bakit sumunod pa siya sa akin. "Rest for a while, Dani... Baka mamayang hapon pa ang umpisa ng conference." Sabi niya bago ako nilingon. Ngumisi ito, saka tinitigan ang mga mata ko nang mariin. Para namang matutunaw ako sa klasi ng mga titig niya. "Dani... Kaugali mo ang kapatid ko. Talaga bang 22 ka na?" Sumimangot ako na siyang ikinatawa niya. Mas inilapit naman niya ang mukha, sabay laro niya sa ilong ko gamit ng dulo ng ilong niya. Nalaglag ang panga ko sa ginagawa niya. "Sweet peanut... Don't I deserve a kiss?" Ni hindi pa nga ako umiiling ay dinukwang niya na kaagad ang labi ko at hinalikan ng madiin. Sabay kagat sa pang-ibaba at sipsip doon na muntik ko na nang ikabuwal sa bigla. Tumawa siya sa tapat ng mukha ko pagkatapos humiwalay, bangong-bango ako sa hininga niya... Na hindi man lang ata napanis kahit ilang oras na ang lumipas simula no'ng nagtoothbrush siya panigurado. "Sleep well, Dani..." Ngisi niya ulit bago umalis. Tulala naman ako sa pintuan na pinaglabasan niya. Ha?! Talaga bang Business Conference ang ipinunta namin dito? Paano kung higit pa pala do'n ang nasa isipan ni Sir Quir? Bibigay ba ako o bibigay? Nanghina tuloy ako at naupo na lang sa kama. Hanggang sa may kumatok. "Ma'am, delivery po." Ngiti noong nag-abot ng maraming bag. Sa pagsilip ko palang, alam ko na kung bakit pastel color ang mga nando'n. Damit pangbabae... Pinaghandaan nga talaga... Sa dami ng paper bags na nasa ibabaw ng kama ko. Mukhang matatagalan ata kami dito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD