13

1684 Words
Hindi ko naman sinunod ang utos ni Sir Quir, mas pinili ko na ayusin ang mga damit na idiniliver sa akin. Nilagay ko sa closet na nando'n. Napangiwi nga lang ako no'ng nakita ang mga underwears. Sakto sa sukat ko. Sino kaya ang bumili nito? Alangan namang si Sir Quir? E magkasama kami? Ay ewan... Ang mahalaga, habang nandito ako ay may maisusuot ako. Ala onse nang may kumatok muli sa aking silid. Si Sir Quir, nakasout na nang pormal. Pinasadahan ko rin ng tingin ang damit. "You look decent, Dani." Ngiti niya. Tumango na lang ako at kinuha ang mga gamit. Sumunod sa kanya kahit di ko alam kung saan at ano ang gagawin namin. Kakain lang pala, sa ibaba ng hotel. Pinapili din ako ni Sir Quir ng pagkain. Nag-uumpisa na kaming kumain nang napansin ko na may pumapasok na mga ibang lahi. Tulad ni Sir Quir, nakapormal din ang mga 'to. Sa isang iglap, naging crowded ang restaurant. Mag-uumpisa na siguro kaya biglang dumami ang mga tao. "Dani, eat." Utos niya nang ilang minuto na ako tumigil. Tumango lang ako at muling sumubo. Umakyat din naman kami pagkatapos. Nagbihis ulit ako at pumili sa mga binili para sa akin. Nakaayos na ako... At muling lumabas para datnan si Sir Quir na kakalabas lang din sa silid niya. Napansin ko na marami na ring naglalakad galing sa mga silid na nandito, halatang ito rin ang dahilan kung bakit naging abala ang lahat. Naging crowded. Bumaba kaming muli, ngunit sa ngayon sa conference room ang destinasyon. May nag-aantay na mga tao sa labas, kinompirma muna ang pagkakakilanlan namin bago kami hinayaang pumasok sa loob. Marami na ring tao, sa tingin ko nga malaking business conference itong mangyayari. Yong iba, halatang hindi pinoy. May iba namang nalahian na lang tulad ni Sir Quir. Sa pormal nang pagtitipon, at sa mga taong nakasout nang nagmamahalang Americana... Pakiramdam ko ako lang ang naiiba do'n. Mabuti na lang talaga at nandiyan si Sir Quir, na kahit papa'no hindi naman ako iniiwan. Pag may nakakakilala sa kanya, kinakausap niya lang sandali bago ako nililingon at inaaya na naman sa ibang upuan. Alas dos ng pormal nang nag-umpisa ang conference. Nilabas ko naman ang cellphone at binunot ang stick nito para sa pagsusulat. Tinitigan naman ako ni Sir Quir, na alam kong nagpipigil ng ngiti. Ewan... Na sa halip mahiya, ay napangiti na lang din ako. Sadyang nakakahawa ang mga pagpipigil ni Sir Quir... Kahit itong simpleng ngiti niya lang. Siguro kasi... Habang nakikilala ko si Sir Quir, mas lalo akong nagiging komportable... Wag nga lang sa parte kung saan naaalala ko ang pisikal na ginawa namin. Alas cuatro nang ibinigay ang merienda para sa lahat. Dalawang oras makalipas ng inilapag sa mga mesa ang pagkain ng mga dumalo. Inaantok na rin ako habang nakikinig. Ngunit kitang-kita ko naman kung gaano kaseryoso si Sir Quir na nakatuon ang boung atensyon sa tapat---- sa speaker, at sa pabago-bagong nagsasalita sa make-stage na yon. Halatang interesadong-interesado siya sa mga natutunan. Ako? Mas interesado pa yata ako sa nakikita kong mumunting reaksyon sa mukha ni Sir Quir... Ewan. Mas gumagwapo pa pala ito pag seryoso. "Yes, Dani?" Ngisi niya nang lumingon sa akin. Napaubo naman ako, na siyang ikinatigil ng lahat. Nahihiyang humingi ako nang paumanhin. Narinig ko kung paanong umaalpas ang mumunting tawa sa mga labi ni Sir Quir. Tinawanan ako! Nakakahiya... Alas otso nang natapos ang conference. Napapikit na lamang ako nang mariin bago isinalba ang mga notes na ginawa ko. Inaantok na rin ako sa tagal ng event. Ganito pala ka-boring ang buhay ng isang negosyante? Ganito rin kaya ang nararamdaman nina Kuya Allan, Kuya Joel at Mama? Sa tingin ko mas boring pa ang ginagawa nina Mama kesa sa Boss ko. Atleast, dito... May ilang nagsasalita. At minsan interesting din naman ang mga sinasabi. O sadyang wala lang talaga akong amor pagdating sa Philippines Sculpture. "Where do you want to eat? Or what do you want for dinner?" Tanong ni Sir Quir nang naglalakad na kami palabas ng Conference. Nilingon ko siya na medyo nagtataka... Busog pa ako. Kakakain lang namin, at hindi pa nag-aapat na oras simula no'ng kumain kami para sa Dinner. Gutom pa ba siya? Parang... Kasi di naman niya gaanong ginalaw ang pagkain niya dahil nga seryoso siyang nakikinig sa sinasabi ng mga speakers. Kawawa naman ang Boss ko. "Ikaw po Sir? Anong gusto niyong kainin?" Nag-aalalang tanong ko. Bumaba ang mukha niya para titigan ako. Hindi ako sigurado kung ngisi o ngiti iyong ipinakita niya sa akin. Nangunot na lang ang noo ko sa pagtataka. "Dannah Batumbakal... Who do you think I want to eat?" Ngisi niya. Nalaglag naman ang panga ko. "Ho?! Ba't niyo naman po ako tinatanong?" Nagtatakang tanong ko. Humalakhak siya sa tinanong ko. Napailing na lang ako at nanigas ang panga sa kaba... W-who? Ako ba? Alam ko na may iba pang ibig sabihin ang tanong niyang yon... Kaso ayaw ko namang patulan at baka sa kung saan pa mapunta. Alam ko ang tumatakbo sa isipan niya. Alam ko rin kung paano siya maglaro. Parang siya kasi ang naging daan ko para mamulat sa mundo... Sa kamunduhan. Na may ibang ibig sabihin. "I'm really hungry right now, Dani. Should we eat somewhere else?" Tumango na lang ako kahit na hindi nakatingala sa kanya. Kinakabahan ako... Sa sinabi niya. Lumipat kami sa kabilang kalsada at naghanap ng restaurant na tanaw pa rin ang hotel. Nag-order na rin si Sir Quir ng mga kakainin niya. Ako nama'y vegetable salad, at isang baso ng Avocado Juice. Nakita ko kung paano siya umiling habang tinitingnan ang mga inorder ko na nasa tapat ko na ngayon. Ngumiti na lang ako at sinimulan na ang sumubo. Siya nama'y tahimik lang na kumakain. Halatang nagutom sa ginawa niya kanina. Paano ba naman kasi, halos lahat ng atensyon niya ay nakatutok lang sa mga nagsasalita. Alas nuebe ng kami ay bumalik sa hotel. Inaantok na talaga ako... Maaga pa naman, pero dahil siguro sa conference kanina kaya inaantok na kaagad ako. "Dan..." Tawag ni Sir Quir, habang bumubukas ang elevator sa saktong floor. "Do you watch movie?" "Ah, depende po sa genre." Sagot ko na medyo nagtataka. Para saan ba 'tong tanong niya? "How about historical? Romance? Or you prefer comedy?" "Historical..." Weird nang sagot ko, dahil nga hindi naman ako mahilig sa history. Ni ayaw ko nga sa negosyo nina Mama. "Ah, comedy po." Bawi ko. Ngumisi siya sabay hila sa palapulsuhan ko. Papunta sa... "Wait po, S-sir!" Gulat na pigil ko sa gusto niyang mangyari. B-bakit naman niya ako hinihila patungo sa room niya? Ano namang gagawin namin do'n? Manonood? Tulad ng mga tanong niya... Manonood ba kami ng movie? Manonood lang ba talaga? Pero bakit sa room niya? Ngumisi siya at tinulak ang pintuan. Desidido talagang hilahin ako sa loob ng silid niya. "S-sir... Inaantok na po ako!" Binitawan niya naman ako na muntik ko nang ikinabuwal. Naging maagap naman siya. "That wasn't intentional... My bad, Dani. Let's just watch. No kinky business." Napalingon ako sa sariling silid. No kinky business? Sigurado ba iyan? Huli na yata para umangal pa kung hila-hila na ako ni Sir Quir papasok sa silid niya. Pinaupo niya lang ako sa sofa bago siya umalis at inilawan ang boung silid. Mas malawak ang silid niya kumpara sa akin... Syempre, siya ang Boss... Previlege niya iyon. May sarili rin siyang telebisyon, ba meron naman ako, pero sa tingin ko mas advance itong nasa kanya. May DVD player din sa ibaba... Na may mga nakaayos na pwede naming panoorin. Lumapit siya do'n at namili ng mga panonoorin. Manonood lang naman di'ba? No kinky business. Tulad ng sinabi niya. Isinalang niya ang napili bago kinuha ang remote at tumabi sa akin. Medyo nanigas naman ako sa nerbyos. Saka na siguro ako maniniwala kung nasa kalahati na at wala pang nangyayari. "Dan..." Tawag niya. Hindi ako lumingon, ngunit tumugon ako sa pamamagitan ng mumunting tunog mula sa lalamunan. "Dani..." Tawag niya ulit. Doon na ako napalingon, si Sir Quir. Seryosong nakatitig sa akin habang nakadantay ang siko sa likod ng sofa. "Did you like..." Pabitin na tanong niya. Lumakas naman ang pintig ng puso ko sa kaba. Ano bang itatanong niya? Bakit naman masyadong pabitin? "Tell me honestly, did you like what we did inside my car when we were in that Bar?" Napasinghap ako sa klasi ng tanong niya. What is this all about? Napaisip ako... Alam ko naman ang sagot. Kaso nag-aalangan ako kung magsasabi ba ng totoo o hindi. Pakiramdam ko iba ang patutunguhan nito. "No need to rush your answer." Ngiti niya sabay lingon sa Tv. Tahimik naman akong pinagmamasdan siya. Kahit kinakabahan, malakas pa rin ang loob ko na pag-aralan siya. "Dan... I think----" buntong hininga niya nang lumingon sa akin. Malalim na ang titigan naming dalawa, walang sumusuko, walang umiiwas. Parang may inaarok kaming pareho. "I'm breaking my promise. No kinky business, right?" Sabi niya. Sabay lapit niya sa akin. Napalunok na lang ako lalo na no'ng dumantay sa tapat ng tiyan ko ang malapad niyang kamay. Ramdam ko ang bigat. Ngunit mas ramdam ko ang init ng palad niya. Napapalunok na nga ako ng ilang ulit. Pwede ko siyang pigilan, pero mas pinili kong hintayin ang gagawin niya. "You can say no..." Sabi niya. Bumaba ang mga mata ko sa kamay niyang nasa tiyan ko, na unti-unti nang nagbubukas ng mga butones na nando'n. "Dani, say no if you don't want to." Lapit pa niya lalo. Natahimik naman ako, napapalunok habang tinititigan ng mabuti ang kamay niyang nagbubukas na nang butones... Malapit sa dibdib ko. Hindi ako nakakilos... Sabi ko ayaw ko, kasi hindi dapat. Kaso... Sa tanong niya kanina, parang natauhan ako. Ayaw ko. Pero itong katawan ko. Parang nag-aapoy. Nanghihina. "Dani..." Tawag niya ulit. Napalingon naman ako sa kanya, napasinghap at napaatras ako no'ng sobrang lapit ng mukha niya sa akin. At huli na para umatras pa lalo kung malagkit niyang sinusungkit-sungkit ang labi ko. Mababaw, hanggang sa lumalim. Napapikit na lang ako sa antok. Habang sinusundan kung paano siya humalik. I'm so dead...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD