I woke up in the middle of the night and realized na naliligo na pala ako sa sarili kong pawis.
Mariin akong napapikit at hinilot ang sentido ko. I’ve been having the same dream over and over again for days already and every time ay palala ng palala ang nakikita ko sa panaginip ko. This time I dreamed of the moon turning red and the sky rained of blood.There were dead bodies scattered everywhere and as usual ay naririnig ko ang iba’t-ibang boses na tinatawag akong ‘Elanor’.
Nanghihinang nahiga ulit ako habang pinapakalma ang sarili ko. Ilang gabi na akong laging puyat because I'm having a hard time feeling sleepy once I wake up in the middle of the night because of a nightmare.
I sighed and decided to get myself a glass of water nang nakaramdam ako ng panunuyo ng lalamunan. Nakakapagtaka na wala akong iniwang isang baso ng tubig sa tabi ng kama ko which I usually do as part of my routine before I go to bed. Pinagkibitbalikat ko na lamang iyon. Darkness welcomed me as soon as I opened the door leading to the hallway. I was about to take a step when I felt the familiar tingling sensation that I always get whenever I am in my dream.
My senses heightened habang pinapakiramdaman ko ang paligid. I had the strong urge to run when I saw something from the corner of my eyes pero parang napako ako sa kinatatayuan ko at hindi ko maigalaw ang mga paa ko. My heart immediately started to race as breathing started to feel difficult for me. I’m having a panic attack!
“Elanor” I gasped and stood up straight when a cold wind brushed the back of my neck na ikinatayo ng balahibo ko doon.
“This is just a dream. This is just a dream. This is just a dream” paulit-ulit na sabi ko sa sarili. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at sa nanginginig kong daliri ay kinurot ko ang sarili para magising ako mula sa nakakatakot na panaginip na ito.
Habol ang hiningang nagmulat ako ng mga mata at bumangon mula sa pagkakahiga habang sapo ang dibdib. I looked around and I am back on top of my bed.
‘Grabe a dream inside a dream’
I did some deep breathing exercises to calm myself down dahil nanginginig pa rin ang mga kamay ko nang may bumulong sa tenga ko.
“Elanor” nanlalaki ang matang napatingin ako sa gilid ko kung saan nagmula ang boses at nakaharap ko ang babaeng sobrang putla ang itsura na deretso ang tingin sakin. Parang tinulos ako sa kinuupuan ko dahil sa pinaghalong takot at gulat na nararamdaman ko habang nakatingin sa walang buhay niyang mga mata. Sinubukan kong ibuka ang bibig ko para sumigaw pero hindi ko maramdaman ang katawan ko o kahit gumawa manlang ng ingay.
Hindi bumuka ang bibig ng babae pero may narinig akong boses sa isip ko na nagsabing “Takbo”. Bago pa man tuluyang rumehistro sa isip ko kung ano ang sinabi niya ay biglang mula sa likod ng babae ay lumabas ang isang napalaking nilalang na pulang-pula ang mga mata at may sungay sa ulo na mabilis ang galaw papunta sa direksyon ko.
“MAMA!” malakas na sigaw ko at walang lingon-likod na tumakbo papunta sa pinto para sana tumakas pero may malamig na kamay ang biglang humawak sa paa ko saktong pag-apak ko sa sahig dahilan para madapa ako. Nahihintakutang nilingon ko ang kamay na nakahawak sa paa ko pero laking gulat ko nang sunod-sunod na sumulpot ang ilang pares ng kamay mula sa ilalim ng kama ko at hinila ako papunta sa kadiliman.
“Elanor” tila nahihirapang sabi ng iba’t ibang boses na magkasabay na nagsalita ang narinig ko mula sa ilalim ng kama.
“MAMA! TULONG! TULONG!” I screamed on the top of my lungs and dug my fingers on the floor para labanan ang kung anumang humihila sa akin pero masyado iyong malakas. Mangiyak ngiyak at desperadong niyakap ko ang unang bagay na nahawakan ko at umaasang kahit papaano ay matulungan ako niyon, pero kalahati ng katawan ko ay nasa ilalim na ng kama. Bago pa man ako tuluyang sakupin ng kadiliman ay narinig ko ang boses ni Mama na tinatawag ako.
“KRYSTINA!” Muntik na akong tumakbo mula sa pagkakahinga dahil sa pinaghalong takot at kilabot na nararamdaman ko dulot ng panaginip ko nang mahigpit akong niyakap ni Mama.
“Shh. Nak it’s just a dream. It’s just a dream” Pagpapakalma niya sa akin while caressing my back dahil nanginginig ako sa takot.
“Oh gosh” nanghihinang usal ko at napaupo sa kama.
Natigilan ako sa akmang pagyakap kay Mama nang naalala ko na naman ang panaginip kong nagising ako sa isa pang panaginip. Mabilis akong kumawala mula sa pagkakahawak ni Mama at napaatras sa sulok ng kama “Am I dreaming?” nahihintakutang tanong ko habang nililibot ang paningin sa paligid.
“No-” Mama was about to reach out to me nang mahina ko iyong tinampal dulot ng gulat. Mukhang hindi naman iyon inaasahan ni Mama kaya maging siya ay natigilan sa ginawa ko.
“I-im sorry” agad na sabi ko nang na-realize kung ano ang ginawa ko. Imbis na magalit ay malungkot na nginitian lamang ako ni Mama at inabot ang isang baso ng tubig na nakapatong sa tabi ng kama ko.
“Here. Drink this” Maliit akong ngumiti kay Mama at inabot gamit ang nanginginig kong kamay ang baso ng tubig. My forehead formed a knot after I took a small sip of water and a metallic taste filled my tastebuds.
“Ma-” Agad kong nabitawan ang hawak kong baso nang makita ang pulang likidong laman niyon. It spilled all over the sheets of my bed.
“Elanor”
Diana’s POV (Krystina’s Mother):
Napabalikwas ako mula sa mahimbing kong tulog nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Krystina mula sa kwarto niya.
“Jusko” kinakabahang sambit ko at inabot ang unang bagay na nahagip ko at dinala iyon.
Hindi ko mapigilang mapatanda ng krus nang mas lalong lumakas ang sigaw na naririnig ko habang palapit ako sa kwarto ni Krystine. Ilang senaryo agad ang pumasok sa utak ko pero hindi ko pinansin iyon. Tumayo ako saglit sa labas ng pinto niya para pakiramdaman kung may ibang tao ba ang nasa loob ng kwarto niya pero wala naman akong naririnig na ibang tunog maliban sa malakas at tila nasasaktan niyang pagsigaw.
“Krystina?” Agad kong nabitawan ang hawak ko at napatakip ng bibig nang tuluyan kong mabuksan ang pinto at nakita si Krystina na nakaliyad sa kama niya habang malikot na gumagalaw. Dali-dali ko siyang dinaluhan at ginising.
“Nak. Anak gising!” Ilang beses na tawag ko sa kanya pero ayaw niyang magising. Hindi ko maiwasang masaktan at matakot para sa anak ko dahil sa nakikita kong sitwasyon niya ngayon. Punong-puno ng pawis ang katawan niya habang sunod-sunod ang pag-iling ng ulo. I sobbed when I saw her eyeballs moving from left to right at an accelerated speed. Minsan ay napapatirik pa ang mga iyon.
“Krystina!” malakas na sigaw ko sa mismong tenga niya. Sa wakas ay bigla siyang nagmulat ng mga mata at tiningnan ako. Agad na bumakas sa pawisan niyang mukha ang takot at pagkataranta.
“Kry-”
Natigilan ako nang bigla niyang hinampas ang kamay ko nang akma ko siyang abutin. Nahihintakutang lumayo siya sa akin papunta sa pinakadulo ng kama habang nanginginig sa takot.
“Wag kang lumapit” Nanlalaki ang mga matang sabi niya habang iniikot ang paningin sa paligid.
Jusko ano nang nangyayari sa anak ko?’ isip ko habang mangiyak-ngiyak na napatakip na lamang ng bibig habang nakatingin sa anak kong dinuduyan ang sarili habang malikot ang matang nililibot ng tingin ang paligid.