1

1458 Words
Krystina’s POV:   Sa gitna ng mahimbing kong tulog ay bigla na lamang akong nagmulat ng aking mga mata ng walang dahilan at sinalubong ng purong kadiliman ng paligid. Malalim akong humugot ng hininga para pakalmahin ang sarili ko nang magsimula akong makaramdam ng panic. Wala sa sariling hinawakan ko ang lalamunan ko nang maramdaman ang panunuyo niyon. Pakiramdam ko ay ilang araw akong hindi uminom ng tubig at tuyong tuyo ang lalamunan ko.    I  looked around to orient myself to the situation pero sa sobrang dilim ay wala akong makita, but I could smell the scent of forest lingering in my senses.    ‘What the hell? Nasaan ako? Anong ginagawa ko dito?’ natatarantang tanong ko sa isip.   ‘Ang huling naaalala ko lang ay ang pagewang-gewang kong lakad at ang nanlalabo kong paningin habang kinakaladkad ang sarili ko para umabot sa kwarto ko bago pa man ako tuluyang  mawalan ng ulirat pagkatapos kong uminom ng ilang bote ng inumin’  I thought to myself while replaying the last moments that I can remember before I passed out.    ‘Pwede ka naman kasi uminom sa kwarto mo, sa baba ka pa talaga’  sagot ng kabilang isip ko. Well tama nga naman iyon. But I chose to drink out of my room dahil mayroon akong bar counter sa unang palapag ng bahay ko. Para naman feel na feel ko talaga uminom.    I sighed and blinked many times, allowing my eyes to adjust in the dark. Napangiti ako nang makita ang mga bituing nasa taas ko na kay gandang umiinggat sa kalangitan. Ganoon na ba katagal akong nag-isolate ng sarili ko sa kwarto at ngayon ko lang napansin na mukhang mas lumapit ang kalangitan?    I raised my hand and attempted to touch a star but as expected ay hangin lang ang nahawakan ko. Mula sa kung saan ay may narinig akong mahinang kaluskos kaya agad akong bumangon mula sa pagkakahiga at nilingon ang direksyon kung saan ko narinig ang ingay. Mula sa hindi kalayuan ay mayroong isang malaking palumpong na gumagalaw. Pinanliit ko ang mga mata ko as if may maitutulong iyon para makita kung anong mayroon doon. Hind iyon sakop ng ilaw na nanggagaling sa buwan so I have to squint my eyes in an attempt to see what lies beyond.    Hindi ako sigurado kung paranoid lang ba ako o nasobrahan sa inom at may naririnig akong mahihinang kaluskos na mula palumpong  but the tingling of my spine says that we have company.  I slowly took a step forward, careful not to make a sound. I was a few more steps away when something jumped out of the bush and made a running noise. Huli ko lang napagtanto  kung ano iyon nang matamaan ng ilaw mula sa buwan ang maliit nitong katawan habang tumatakbo papalayo.    ‘It is a white bunny!’   Wala sa isip na sinundan ko iyon.   ‘Takte, ang liit-liit pero ang bilis tumakbo. Talo pa ang mahaba kong mga bias!’ reklamo ko sa isip. ‘Eh bakit mo naman sinusundan?’ masungit na sagot ng kabilang isip ko. ‘Hindi ko din alam’ kibit balikat na sagot ko.   Tumigil ako sa pagtakbo ng ma-realize ko na parang baliw akong nakikipagdebate sa sarili ko. Sino ba naman kasi ang hindi mababaliw kung magigising ka na lang bigla at wala ka sa sariling higaan mo. Worst, hindi sa mismong bahay mo.    Napasapo ako ng tuhod habang hinahabol ang paghinga ko nang makita ko mula sa gilid ng mga mata ko na may ilog pala doon. Sa gilid niyon ay ang kuneho na umiinom ng tubig.    “Dito lang pala ang punta mo” nakangiting sabi  ko sa kanya kahit hindi naman niya ako maiintindihan. Dahan-dahan akong lumapit to avoid startling the cute bunny pero ako ang nagulat at natigilan nang bigla na lamang itong mangining at sumalampak sa sahig habang ang bibig ay puno ng dugo.    Napasinghap ako nang mapansin ko ang kaninang malinis na tubig ng ilog ay ngayo’y kulay pula na at puno ng mga lumulutang na bangkay ng tao. Nanginginig na napatakip ako ng ilong at bibig dahil sa lakas ng amoy at para pigilan ang sarili kong mapasigaw dahil sa takot.    I am shaking to my bones at parang maiiyak na rin ako sa takot at frustration so I did the sign of the cross, clasped my hands and prayed the Lord's prayer with my eyes closed.     "Our father who art in heaven"   My head immediately snapped to the side when I felt a cold wind brushed against my neck. I clasped my hand tighter when I felt the surrounding started to feel heavier and colder.     " Hallowed be thy Name.  thy kingdom come.   Thy will be done,  On earth, as it is in heaven"   "Elanor"    Nagsimulang bumilis ang t***k ng puso ko kasabay ng pananayo ng balahibo ko sa batok nang may bumulong ng pangalang hindi pamilyar sa akin mula sa mismong likod ko.Ramdam na ramdam ko pa ang malamig na hininga nitong tumama sa tenga ko.    ‘Sino si Elanor?’ nagtatakang tanong ng kabilang parte ng isip ko habang patuloy pa rin ako na nananalangin.    'Oh Lord, protect me from anything that was not sent by you' panalangin ko sa isip habang nilalabanan ang takot na nararamdaman ko.      "Give us this day our daily bread.     And forgive us our trespasses,     As we forgive those who trespass against us"   Tuluyan na akong napaiyak sa takot nang dumoble ang bilang ng bulong na naririnig ko. Halo-halong kasarian ng mga boses ng tao ang naririnig ko. May umiiyak, sumisigaw, nagmumura at humihingi ng tulong. Pero mas nangingibabaw ang boses na paulit-ulit na nagsasabing “Elanor”.   Gusto kong takpan ang tenga ko dahil pakiramdam ko ay mababaliw na ako pero ayokong bumitaw sa pananalangin dahil alam kong temptasyon iyon ng kung ano man ang presensiyang nandito.    Malakas akong napahiyaw nang rumehistro ang lampas butong sakit sa mga palad ko.Pakiramdam ko ay parang may sinaksak na matulis na bagay doon. Nararamdaman ko rin ang pag-agos ng mainit na likido na nanggaling sa pinagmumulan ng sakit.    Napakagat ako ng labi at ininda ang sakit at mas diniinan ang pagkakapikit pagkatapos ay puno ng dedikasyong mas nilakasan ang sariling boses.     "Lead us not into temptation,  But deliver us from evil Amen"   Biglang tumigil ang ingay sa paligid pagkatapos kong mabuo ang panalangin. Nanatili akong nakapikit habang pinapakiramdaman ang paligid. Ilang segundo din ang lumipas at tanging huni na lamang ng kuliglig ang naririnig ko kaya dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata. Agad kong pinakawalan ang hiningang kanina ko pa pinipigilan nang makitang ako lang ang nandito sa gitna ng kawalan.    "Hindi na talaga ako iinom" nanghihinang sabi ko sa sarili at kinurot ang braso ko para magising sa panaginip na ito ngunit natigilan ako ng ilang beses ko nang kinurot ang balat ko pero hindi pa rin ako nagigising. Nagsisimula nang dumugo ang ilalim ng balat ko nang diniin ko ang matulis kong kuko pero wala pa ring nangyayari.    Saglit akong natigilan nang may marinig akong ilang tao na mababa ang boses na kumakanta. Patagal ng patagal ay mas lalo iyong lumalakas. Malalim akong napalunok nang bumilis na naman ang t***k ng puso ko.  Heto na naman ang pamilyar na presensiyang naramdaman ko kanina pero mas mabigat ngayon. Mas nakakatakot at mas nakakapanindig balahibo.    Malakas kong sinuntok ang sarili ko pero imbis na magising ay hilo ang naramdaman ko. Napaupo ako sa maduming lupa at sinapo ang nasaktang pisngi. Nanlalaki ang matang nilibot ko ang tingin sa paligid nang mas lalong lumakas ang tunog ng kanta. Pakiramdam ko ay parang pinapalibutan ako ng ilang taong  pero wala naman akong nakikita.   Nasa ganoon akong posisyon nang may mahagip ang paningin  ko sa kabilang panig ng ilog. Kunot-noong tinutok ko doon ang pansin ko habang sinusuri kung ano ba talaga iyon.    Sa gitna ng makapal at  maliliit na kahoy at damo ay may dalawang matutulis na bagay na umuulbo. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit mukhang maihahantulad ang itsura ng mga iyon sa—   "Sungay?" bulalas ko at hindi makapaniwalang sinuri iyon ng maayos kung tama ba ang nakikita ko.    Tila narinig naman ng kung anong nilalang na nasa harap ko ang sinabi ko at dahan-dahang humawi ang tumatabing dito. Lumantad sa paningin ko ang isang lalaki na sobrang tangkad at pula ang mga mata. Sa tuktok ng noo niya ay nakapatong doon ang malaki at matutulis na bagay na nakita ko kanina.    "Elanor"  Narinig kong sabi nito kahit hindi naman bumuka ang bibig niya.    Hindi ko na napigilan ang tindi at pinaghalong emosyong nararamdaman ko kaya  napasigaw ako sa takot lalong lalo na nang isang kisap lang ng mga mata ko ay nasa mismong harap ko na siya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD