Kanina pa ako nandito sa loob ng van without any idea kung saan kami pupunta o kung ano ang gagawin sa akin. Patagal ng patagal ay mas lalo akong nahihintakutan sa kung ano ang mangyayari sa akin. Ang dami nang pumapasok sa isip ko na pilit ko lang isinasantabi.
Matigas akong lumunok at pinakiramdaman ang mga tao sa paligid ko. Basing from what I heard from their conversation kanina ay mukhang hindi sila mga inchik. They are of another nationality. Kanina maingay sila at mukhang nagsasaya pero ngayon ay tahimik lang sila. Both my hands are tied up on my back at may piring rin ako sa mga mata ko kaya wala akong makita.
'They probably are asleep!' Napaayos ako ng upo nang makarinig ako ng tunog na may humihilik sa kaliwa ko. Pinakiramdaman ko ang sa kanan ay may narinig rin doon na natutulog. Ginamit ko ang oportunidad na iyon para subukuang pakawalan ang kamay kong nakatali sa likod pero masyadong mahigpit ang pagkakatali sa akin. Ramdam ko na nga ang pamamaga ng balat ko kung saan nakalagay ang tali.
"Don't even try it," I was stoned when I hears someone whispered beside me. He chuckled when he saw my reaction.
"You sneaky little b***h, you think you can get out of here?" mahina nitong sabi. Nanayo ang balahibo ko sa batok when he started to caress my cheek. "Come to think of it, you have a beautiful face. If you are lucky enough our boss will like you." He pulled my head closer to him at nagsalita sa mismong tenga ko.
"He will make a feast out of you and feed you to his dogs!" marahas na sabi niya sabay malademonyong tawa.
Pakiramdam ko ang bumaligtad ang sikmura ko sa sinabi niya, dagdag pa ang hininga niya na sobrang baho. Pwede nang ihaintulad sa imburnal ang amoy ng hininga niya. The man kept laughing and pat my back harshly habang ako naman ay parang matatae sa kaba.
This is the first time I felt this kind of feeling. That moment when you feel like you are cornered with no escape. Pakiramdam ko ay para akong nilulunod na walang may umaabot na kamay para tulungan ako. Kahit malamig sa loob ng van ay pinagpawisan ako ng malala na sinamahan pa ng panginginig ng mga tuhod ko.
Hindi na ako muling pinansin ng lalaki. I heard a soft music playing beside me so I presume na nagsimula itong maglaro sa cellphone niya. Hindi ko alam kung ilang minuto pa ang lumipas nang biglang tumigil ang sasakyan. I heard the door opened and someone grabbed me. Lihim akong napadaing nang marahas ako nitong hinila palabas ng sasakyan nang wala manlang ingat. Muntik pa tuloy akong mangudngod dahil hindi ko makita ang daanan.
Hila-hila lang ako nila papunta sa kung saan. I can only hear the men talking to each other and laughed. I presumed that we were going somewhere dahil nagsimulang humina ang boses nila habang naglalakad kami palayo. The happy voices and laughing sound of those men were replaced by soft screaming and crying of combination of men, women and child. Mahina lang iyon nung una pero mas lalo iyong lumakas hanggang sa wala na akong marinig na iba maliban na lang sa malakas na iyak at pagmamakaawa.
"Please! Please let me go! Let us go!"
"We'll do anything that you want!"
"I will pay you!"
"Please spare me! I still have a family!"
My eyes teared up while hearing their plea. Kahit ako ay gusto kong sumama na magmakaawa sa kanila. Natatakot ako sa buhay ko, Natatakot ako isipin na baka hindi ko na muling makita ang pamilya ko. All those times I fought for my happiness and freedom from my trauma and life will only lead me to this. Tanginang buhay talaga 'to.
Bigla kaming tumigil and the cover of my eyes were removed. I slowly opened my eyes pero agad rin akong napamulagat nang makita ang paligid. It's an old abandoned prison cell at sa loob ng selda ay punong-puno ng mga taong sugatan. Ang iba ay nangangayat na at halatang walang kain habang ang ilang mga babae naman ay punit-punit na ang mga damit.
I clenched my teeth at umiwas ng tingin. I don't even want to know nor imagine what they went through.
Tinignan ko ang mga lalaking halatang mga pasimuno ng ganitong pangayayari. I can't even see their faces because they are all wearing a mask.
"You!" napatingin ako sa isang lalaki na dinuduro ako. "Here!" napatingin ako sa selda na tintuturo niya at nakita na may isang matanda at dalawang bata doon. "FASTER!" galit na bulyaw ng lalaki nang hindi kaagad ako gumalaw mula sa kinatatayuan ko.
'You should cooperate with them, Krystina. If you really want to live then you have to cooperate.' I reminded myself.
Napipilitang naglakad na ako papunta sa kung saan ang tinuro sa akin ng lalaki. He immediately locked the door behind me as soon as I entered the cell. Tinignan ko sila isa-isa hoping if there is someone I could talk to pero agad silang umiwas ng tingin. Obviously, not wanting to talk to me.
Malalim akong napabuntong hininga at umupo na lang sa bakanteng pwesto sa sahig. Hindi pa masyadong nag-sink in sa akin ang sitwasyon na kinalalagyan ko. I don't even have any idea why they are doing this to us. I hugged my legs and silently listened to all of their cries. Nakakatakot. Nakakatindig balahibo.
Malakas akong napaigtad nang bigla na lamang akong nakarinig ng malakas na tunog kasabay ng pagkatumba ng isang lalaki na dumadaan sa harap ko na biktima rin kagaya ko. Kahit sa tv ko lang iyon narinig pero alam ko na tunog iyon ng putok ng baril. People screamed even more habang ako naman ay nangingig nang makita ang lalaki na nakahilata sa tabi ko habang dilat na dilat ang mata. Mukhang hindi pa yata nag-register sa kaniya na nabaril siya. The man looked around while trying to understand what is happening, then slowly gasped when the his gunshot wound hit him. He started to pant, trying to catch his breathe. The pool of his blood in on his back, I am sure as hell that his lungs are damaged.
"SILENCE!" malakas na sigaw ng isang lalaki na sinundan pa ng isang putok ng baril at isang tao na naman ang natumba.
I want to run pero wala akong kawala. Ni gumalaw nga ay hindi ko dala ng gulat sa katawan ko. I can't believe that this is all happening right in front of me. "SILENCE!" sigaw ng isang lalaki. I saw a big man entered the place. He is tall and have a bulky body. His arms and face are fully covered with tattoo. Kagaya ng ibang mga lalaki ay hindi ko rin makita ang mukha niya dahil may suot rin siyang maskara, but I can tell this his position is high dahil may nakasunod sa likod niya na tila mga tauhan niya.
Nilibot niya ang tingin niya sa kaninang maingay na paligid, ngayon ay pati tunog ng hininga ay wala kang maririnig. Everyone is afraid of their lives. "You all should stop screaming and beg to be released. There is no way out for you here!" the man said and laughed. Sinabayan naman siya ng tawa ng mga kasama niya pati na rin ng mga lalaki na nagbabantay sa amin.
"So if I were you, stop praying to your god for salvation. Because this is your hell." Napalingon ako nang makarinig akong ng mahinang hikbi. Tila nabasag ang puso ko nang nakita ko ang isang batang lalaki na tahimik na umiiyak. Halata ang takot sa mukha niya habang ang kasama naman niyang bata which I guess is his brother dahil magkamukha sila ay pilit siyang pinapatahimik.
Before I could even stop myself ay nalapitan ko na ang bata at tinakpan ang magkabilang tenga niya. Tumigil siya sa pag-iyak at takang sinilip ako. Mahina akong umiling sa kaniya at mas lalong diniin ang kamay ko sa magkabilang tenga niya. Tahimik na itong humikbi habang yakap ng kapatid.
The man said a lot of terrifying things na pinili ko na lang hindi makinig. If I wanted to be positive that I can leave this place then I don't need what he is saying. Ilang minuto pa siyang nagsalita hanggang sa tuluyan na rin siyang lumabas kasama ang mga tauhan nila pagkatapos nilang ipasok ang mga bagong tao na dinukot nila.
Tsaka ko lang binitawan ang pagkakatakip sa tenga ng bata sa tabi ko na hanggang ngayon ay nanginginig pa rin. Tinignan ko isa-isa ang mga kasama ko sa selda na tahimik lang na nakatulala. Mukhang matagal na yata silang nandito.
The old man looks like he is in his late 60's. Maputi na ang buhok nito at halatang hirap na rin na tumayo. 'Paano siya napunta rito? hindi ba siya binantayan ng mga anak niya? apo?' I can't help but ask myself. I can't imagine if the same thing would happen to my Mom. Masisiraan siguro ako ng bait.
Napunta ang tingin ko sa lalaking ngayon ay malamig nang nakabulagta sa harap ko. I shivered when I realized that his eyes are still open and staring directly into me. His expression shows his fear bago ito tuluyang sumakabilang buhay. His blood that pooled around his body started to dry.
I can't help but think that this man in front of me, is the same man who went up from bed earlier this morning and thought of doing his job or spend a time for himself. He is someone who is the same as me who never imagined that this day would turn out this way. Ang kaibahan lang ay hindi niya alam na ito na ang huling araw niya.
'He must have full of regrets.'
Muling bumukas ang pinto at pumasok ang ilang mga lalaki na may dala na malaking bag at balde ng tubig na may mop. Walang ingat nilang nilagay ang lalaki sa loob ng bag at nilinisan ang dugo nito na naglakat, ganoon din sa isa pang tao na binawian rin ng buhay para lang mapatahimik ang lahat ng mga tao. And I know that people are not watching because they are guilty.
The men finished cleaning up the floor and dragged the body without even the slightest care at lumabas na ng pinto and locked. Nanghihinang tumayo ako at hinimas ang malamig na bakal ng presinto. Kahit nalinis na nila ay meron pa ring natirang bakas ng dugo because blood cannot fully be cleaned. It will always stain.
'Is this what they call living hell?' Akala ko mga demonyo lang ang masasama. But I guess people's greed and intentions are the root of evil.