PRISON WITHOUT BARS 1

1864 Words
"Kuya, nagugutom ako." Naalimpungatan ako mula sa antok nang marinig na magsalita ang bata na kasama namin. Hindi makapaniwalang nilingon ko silang dalawa na nagbubulungan. 'Nagtatagalog sila? Ibig sabihin ay Pilipino sila?' "Pasensya na, pero wala talaga akong pagkain dito," malungkot na sagot naman ng isang batang lalaki. My eyes teared up while looking at them. Namumutla na silang dalawa at ang labi nila ay nagbabalat na. There is an evident dehydration on their faces. Pinigilan ng mas batang lalaki ang iyak niya at yumuko habang ang kuya naman niya ay niyakap na lamang ang kapatid. Biglang nagtaas ng tingin ang mas nakakatandang kapatid kaya nagsalubong ang tingin namin. I forced a smile at him tsaka maingat na lumapit sa kanila not to startle them. "Pilipino kayo?" The kid's eyes widened nang marinig ang biglang pagtagalog ko. He then looked at the old man na ngayon ay nakatingin na rin sa amin. "Mukhang Pilipino pala tayong lahat dito," mahinang sabi ng matanda at malungkot na ngumiti sa akin. Gusto ko sanang tanungin sila kung paano sila napadpad dito but as a psychologist ay nagdadalawang isip ako. They might still be experiencing a trauma from what happened and that conversation is still sensitive. 'They all probably are tourist who went here to enjoy but ended up being captured like me.' "Ano ang pangalan mo ineng?" "Ako po pala si Krystina Vera," pakilala ko sa sarili ko at nginitian ang dalawang bata na inosenteng nakating lang sa akin. "Ikinagagalak kong makilala ka, Krystina. Pero sana hindi sa ganitong sitwasyon," pabirong sabi ng matanda. "Ako naman si Danilo at eto naman si Paolo at Philip. Magkapatid silang dalawa. Mas matanda ngalang ng isang taon si Philip," pakilala ng matanda sa sarili at sa dalawang bata na kasama namin. "Paano ka napadpad dito?" natigilan ako sa sunod na sinabi ni Lolo Danilo. "Po?" "Kung hindi mo mamasamain ang tanong ko, gusto ko lang sanang malaman kung paano ka napadpad dito. Nagtataka lang ako dahil malayo naman ang lugar na ito sa Pilipinas. Isa ka bang turista?" puno ng kuryosidad na tanong nito. "Opo eh. Pumunta lang kasi ako dito dahil meron akong convention na pupuntahan. Isa po kasi akong Psychologist. Gagala lang naman po sana ako ngayong araw nang bigla na lang dukutin ang bata na nasa tabi ko sa mismong labas ng hotel kung nasaan ako. Sinubukan kong tulungan ang bata pero huli ko lang napagtanto na kasabwat pala nila iyon," salaysay ko sa kung ano ang nangyari sa akin. I suddenly remembered Elijah. 'Ano na kaya ang nangyari sa kaniya? Is he even looking for me? o baka pinabayaan na niya ako at nauna nang umuwi sa Pilipinas?' Sadness filled my heart knowing that he might have abandoned me but I decided to shrug it off. Unang-una sa lahat ay hindi niya ako responsibilidad kaya hindi ako dapat na malungkot kung inabandona niya ako. We were acquaintance but I wouldn't expect him to risk his life for me. Mariin napapalatak si Lolo Danilo sa kwento ko. "Mga wala talaga silang hiya. Pati ang inosenteng bata ay tinuruan pa nila ng kalokohan nila!" mahihimigan ang galit sa boses nito. I can't help but look at the two kids beside me. "Kayo po? paano kayo napadpad dito?" mahianang tanong ko. Malalim na napabuntong hininga si Lolo Danila at nag-iba ng posisyon. Agad akong tumayo nang mapansin ko na nahihirapan siyang igalaw ang isa niyang paa. "Tulungan ko na po kayo, Lo." I offered and immediately helped him to move. "Nako! Salamat, Krystina! Pagpasensyahan mo na ang hindi na tayo bumabata. Matigas na ang mga buto-buto ko," nakangiti nitong sabi. Bigla ko tuloy naalala ang Lolo at Lola ko sa Mother's side. I am their favorite granddaughter kaya naman spoiled ako sa kanila noong nabubuhay pa sila. I never got the chance to meet my grandparents on my father's side though. "Bakit Lo? ilan na ho ba ang edad ninyo?" "82," malakas na tumawa si Lolo Danila nang bigla akong napamulagat nang marinig kung ilan na ang edad niya. "Ano?! baka pinagbibiro niyo ako Lolo ah?" hindi makapaniwalang bulalas ko. "Oo nga! bakit? hindi ba halata?" natatawang tanong nito. "Hindi! Akala ko nga po ay fifty pa lang kayo eh!" pabirong sabi ko. But he really does look younger than his age. Akala ko nga kanina ay 60 pa lang eh. "Nako! Binola pa ako!" aliw na aliw na sabi niya at mahina pang pinalo ang braso ko. Malapad ang ngiting umupo ako sa pagitan ni Lolo Danilo at ng dalawang bata. "Paano ka po napadpad dito, Lolo?" takang tanong ko. Mabuti naman ay nagkausap na kami dahil papaano ay gumaan ang loob ko sa kanila ng kaunti. Lolo Danilo let out a heavy sigh before answering. "Nasa Pilipinas ako noon. Ang hirap na nga ng buhay namin dahil kapos kami sa pera, dumagdag pa ang mga problema na dumating sa buhay namin." Panimula nito. THIRD PERSON'S POINT OF VIEW "Tay," napatayo nang wala sa oras si Lolo Danilo nang mamataan ang anak na si Leonor naglalakad papasok ng bahay. Itsura pa lang nito ay alam na niya na may hindi magandang nangyari dito. "Oh, Anak? anong nangyari? bakit ganiyan ang mukha mo?" nag-aalalang tanong nito at sinalubong ang anak. Nagpakawala ng malalim na hininga at anak niya at pilit na ngumiti. "Tay, pasensya na po pero wala na po akong trabaho ngayon. Hayaan niyo po, susbukan kong maghanap kaagad." Mahihimigan ang lungkot sa boses nito kahit na pilit lamang nitong pinapatatag ang boses. Hinila ni Lolo Danilo ang anak payakap. Alam niyang pagod na pagod na ito mula sa trabaho tapos ito pa ang balita na dumating dito ngayong araw. Ito lamang ang tanging anak niya at meron na itong pamilya pero ni isang beses ay hindi siya nito pinabayaan. Ilang minuto na nagyakap ang mag-ama bago sila naghiwalay. "Magpahinga ka muna, anak. Kailangan mo iyan," malumanay na sabi niya. "Opo. Ikaw rin po, Tay." malungkot na sinundan na lamang ng tingin ni Lolo Danilo ang anak niya na bagsak ang balikat habang papasok sa bahay nila. Kinabukasan ay maagang nagising si Lolo Danilo. Agad siyang lumabas ng bahay at nagsimulang maglinis ng paligid. Ito ang kaniyang sikreto para mapanatili na malusog ang kaniyang pangangatawan. Sinasabayan niya iyon ng pagkain ng mga masustansyang pagkain at pag-inom ng maraming tubig. Pagkatapos niyang magwalis sa labas lamang ng bahay nila ay pumasok na siya sa loob para maligo. Habang naghahanap ng damit na susuotin niya ay bigla niyang natagpuan ang isang bagay na pinakaiingat-ingatan niya. Isa iyong passbook mula sa isang sikat na bangko sa Pilipinas. Binuklat niya iyon at napangiti nang makita ang halaga ng laman ng bangko na pinaghirapan nilang pag-ipunan ng yumao niyang asawa. Kahit na mahirap lang sila ay nagpursigi silang mag-ipon na mag-asawa. Kahit wala man silang lupa na ipapamana sa anak nila ay meron naman siyang ibibigay na pera dito. Naghihintay na lamang siya ng tamang pagkakataon na ibigay iyon sa anak niya. At mukhang dumating na nga ang panahon na hinihintay niya. Nanubig ang mga mata ni Lolo Danilo nang makita niya ang larawan na nakaipit sa pagitan ng passbook. Kuha iyon sa kasal ng anak nila sa city hall. Bakas sa mukha nilang lahat ang saya. Iyon ang unang pagkakataon na nagsuot sila ng mamahaling damit ng asawa niya. "Sana makasama na kita," mahinang bulong ni Lolo Danilo sa sarili at hinimas ang mukha ng asawa niya sa larawan. Halos sampung taon na rin simula nang nauna ang asawa niya sa kaniya. Ang asawa niya ang una at panghuling babae na minahal niya sa tanang buhay niya. Malalim na napabuntong hininga si Lolo Danilo at dinala sa dibdib niya ang larawan. "Kennen! Ano ba naman itong kalat mo ah? diba palagi kong sinasabi sa iyo na ayusin mo ang pinanggalingan mo? ah?!" napabalik sa kasalukuyan si Lolo Danilo nang marinig ang malakas na iyak ng apo niya. Agad niyang tinago ang passbook sa pinaglalagyan nito at uugod-ugod na mabilis na lumabas ng kwarto niya. Napasinghap siya nang makita niya na hawak ng asawa ng anak niya na si Jasmin ang belt at akmang ipapalo iyon sa apo niya. "Itigil mo iyan!" malakas na sabi niya. Agad naman na natigilan si Jasmin at napatirik ang mata nang makita ang ama ng asawa niya. "Lolo!" mangiyak-ngiyak na sabi ng apo niya na agad na tumakbo payakap sa kaniya. Mahigpit niya itong niyakap at pinatahan. "Hindi mo ba alam kung anong pinangagawa ng batang iyan? ilang beses ko nang pinagsabihan na ayusin niya ang kalat niya sa tuwing pagkatapos niya ng laro! walong taon na siya pero hanggang ngayon ay hindi pa rin marunong mag-ayos ng kalat niya?!" galit na galit na sabi ni Jasmin at dinuro pa ang anak. "Halika dito!" mariing saabi nito. Mas lalong humigpit ang pagkakayakap ni Kennen kay Lolo Danilo habang nagmamakaawa na huwag siyang ibigay sa ina niya. Pilit na kinalma ni Lolo Danilo ang sarili kahit nakakaramdam na siya ng galit kay Jasmin. Mabait itong babae noong una nilang makilala pero patagal ng patagal ay lumabas ang totoo nitong ugali. Isa itong salbahe at mapanakit sa anak. Pati nga siya at nang nabubuhay niyang asawa dati ay pinadaanan nito ng ugali niya. "Ano ba, Jasmin. Hindi mo dapat saktan ang anak mo. Pwede mo naman siyang pagsabihan," kalmadong sabi niya at pilit na inaalis ang hawak ni Jasmin kay Kennen na pumapalahaw na sa iyak dala ng mahigpit na pagkakahawak dito ng ina. Malakas na dumaing si Kennen nang bumaon ang kamay ni Jasmin sa braso nito. "Anong nangyayari dito?" kunot-noong tanong ni Leonor na kakapasok lang ng bahay nila. Ang pagtataka sa mukha nito ay napalitan ng galit nang makita nito ang posisyon nila. Tumagal ang tingin nito sa kamay ni Kennen na bakas ang sugat mula sa kuko ni Jasmin. Pabulong na napamura si Jasmin at napipilitang bitawan si Kennen. "Pwede ba tayong mag-usap?" kalmadong tanong ni Leonor sa asawa pero bakas ang pagtitimpi sa boses niya. Walang salitang nauna nang pumasok si Jasmin sa loob ng kwarto. Agad naman na sumunod si Leonor. "Halika Kenne, pasyal tayo," yaya ni Lolo Danilo sa apo. Bago pa man ito makapagsalita ay agad na niya itong hinila palabas dahil nagsisimula na ang sigawan ng mag-asawa. "Ano ba ang problema mo, Jasmin? Ilang beses ko na sinabi sa iyo na hindi mo naman kailangang saktan si Kennen kung may ginawa siyang mali?" kalmadong tanong ni Leonor sa asawa. "Eh ang tatay mo? anong problema niyan? bakit pasok ng pasok!" "Hindi iyan ang pinag-uusapan natin, Jasmin," galit na bulyaw ni Leonor sa asawa. "Eh totoo naman eh! Sawsaw iyang tatay mo-" Hindi na narinig ni Lolo Danilo ang sunod na sinabi ni Jasmin nang magsalita si Kennen. "Huwag mo po akong iwan, Lolo." malungkot na sabi ng apo niya. Nakangiting nilingon ni Lolo Danilo ang apo at tinuyo ang luha nito. "Hinding-hindi kita iiwan, Kennen. Gagawin ko ang lahat para mapasaya ka at lumaking nakukuha ang gusto mo sa abot ng makakaya ko dahil gusto kong maranasan mo ang mga bagay na hindi ko naranasan at hindi naibigay sa ama mo," naluluhang sabi ni Lolo Danilo at niyakap ang apo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD