PART 1
Sophia watched the droplets of rain that kept on falling from her cold, black umbrella. She continued on watching as the droplets fell on the sticky mud and turned into brownish color, leaving the trace of transparent and pure color of the rain.
‘Pure… Everything was pure before things became tinted.’
She looked up, letting her black umbrella pressed on her right shoulder as she stared at the rain. “It’s raining again,” she murmured to no one but herself. “Why does it always rain when things like this happened?”
She bit her lower lip and began to walk. Her shiny black flat shoes before was a history as the streak of mud kissed it. Her every step was heavy, so heavy it almost brought her to her knees, but she couldn’t let that happen. She couldn’t let anyone see her in such states. She had it rough; she stumbled and learned to stand when no one was there to help her.
Now, she’s going to do the same.
She halted near the group of people wearing black. Black dresses, black suits, black shoes and black umbrella. Everything was black.
‘Why black? Why they don’t wear white? Is it because death is a tinted realization? Or is it because they know that she’s now totally in a pit—lonely and all by herself.’
“Sophia, it is your turn to say goodbye,” Sophia’s auntie told her softly.
Without looking at her auntie, she walked towards the white coffin slowly being hauled to the ground. She just stared blankly at the coffin until they began to put dirt on it. She threw the white flower and dirt also covered the flower.
‘Goodbye, Mama. I love you. Please, tell Papa, I love him.’ She couldn’t speak but her mind was shouting for her.
Seconds passed, minutes passed until it became an hour. Sophia felt someone touched her shoulder and her auntie spoke.
“Sophia, it’s time to go.”
Sophia nodded, gave the fresh, sticky, muddy grave one last look and turned to her heels.
‘Bye, Mama…’ Her mind whispered again and this time it synced in her heavy and broken heart.
*****
“Sophia, hija, dinala ko na ang pagkain mo.” Mula sa pagkakatayo ni Sophia sa malaki at malapad na bintana na tila katulad noong panahon pa ng mga Hapon, hinarap niya si Nana Sabel, ang mayordoma at matagal ng kasambahay ng bahay nila.
“Salamat, Nana,” may pilit na ngiti sa labing aniya.
Lumambot ang mukha nito kasabay nang pagsilay ng lungkot sa mga mata niya. “Nalulungkot ako sa nangyari, Sophia, ngunit tandaan mong buhay ka pa at maaari ka pang magpatuloy. Marami ka pang pwedeng gawin.”
Huminga siya nang malalim at sumandal sa hamba ng bintana. “Alam ko po, Nana. Pinilit kong kayanin noong nawala si Papa, kailangan kong piliting kayaning wala na rin si Mama.” Itinuon niya ang tingin sa marmol na sahig, ngunit ang isip niya ay nasa malayo. “Mama’s happy now. I’m glad she can now rest in peace. She always missed Papa and cried a lot. She’s happy now.” She kept on talking as if telling Nana it’s a good thing when the truth was; it’s more like self-assurance.
Yeah, she’s happy now, leaving her daughter lonely and alone.
She felt Nana moved. “Binabantayan ka ng Mama’t Papa mo sa langit,” ani Nana bago niya naramdaman ang yakap nito.
Ipinikit niya ang mga mata at hinayaang yakapin siya ni Nana. Simula nang nawala ang Papa niya five years ago, tila gumuho ang mundo niya. Ngayong wala na rin ang Mama niya, hindi na niya alam kung ano pang dapat maramdaman. Si Nana na ang palaging kasama niya noong nawala ang papa niya at abala ang mama niya sa paggagamot ng sugatang puso nito dahil sa pagkawala ni papa. Ngunit ngayong wala na rin ang mama niya at aalis na rin si Nana, hindi niya alam kung paano pa siya magpapatuloy.
“Pwede akong manatili, Sophia,” bulong ni Nana habang yakap siya nito.
Gusto niyang umuo pero magiging makasarili siya kapag ginawa niya ang bagay na iyon kaya marahang umiling siya at humiwalay kay Nana, tinitigan niya ito at pilit pinasigla ang tinig na nagsalita. “Hindi na po kailangan. Kagaya ng dati, kakayanin ko po ang lahat ng ito.”
May pag-aalinlangan sa mukha ni Nana pero desidido na siya. Isa pa, mag-isa na siya at hindi na niya kailangan ng kasambahay. Bukod doon, hindi na niya kaya pang pasahurin pa ito. Matagal na itong nagsilbi sa pamilya niya at ngayong matanda na ito ay panahon na para makasama nito ang sariling pamilya.
“Nana, magiging maayos ang lahat,” aniya nang hindi ito nagsasalita.
“Gusto kitang tulungan, Sophia. Naging mabuti sa’kin ang mga magulang mo at hindi ka na rin iba sa akin. Sa tulong nila’y nakapagtapos ang mga anak ko’t ngayon ay may malalaki na akong apo. Sila rin ang tumulong nang maagang mabuntis si Nora at sa tulong nila’y maaayos ang buhay ng nga anak at apo ko.” Ginagap ni Nana ang kamay niya. “Hayaan mo akong tulungan ka, Sophia.”
“Matagal mo na akong tinutulungan, Nana. Oras na para bumalik ka sa pamilya mo,” masuyong aniya at pinisil ang kumukulubot ng kamay nito. Matanda na ito pero nanatili itong nasa tabi nila.
“Aalis ako pero hayaan mong sa huling pagkakataon ay tulungan kita,” makahulugang ani ni Nana at mas pinili na lang niyang manahimik.
Susulitin niya ang oras na kasama pa ito ay may nakakasama pa sa buhay. Oras na umalis ito’y mag-iisa na naman siya.
*****
Forty days had slowly passed. At first, she thought everything’s going to be fine, she knew it wasn’t to be that easy, but she never thought it’s going to be that hard.
Pinagmasdan ni Sophia ang abogado na sumakay ng sasakyan nito at umalis. Wala na ang mga magulang niya, wala na rin si Nana at ngayon, unti-unti na ring nagbabagsakan ang negosyo nila. Mali. She totally lost their business. They had a shoe store and it’s not just a simple shoe store. It’s a*****e where they made personalized shoe for rich families in their small town. Magagaling ang mga manggagawa nila at hindi sila basta gumagawa ng mga sapatos, tinitiyak nilang matibay at de-kalidad ito. Her father was a good shoemaker and her mother was a good designer, a perfect combination. A combination she didn’t get.
Nagsimulang bumagsak ang negosyo nila nang nawala ang papa niya. She’s still 15 years old then at wala pa siyang alam sa negosyo nila. Wala rin siyang alam sa paggawa ng mga sapatos dahil simula pa lang ay wala naman siyang hilig sa paggawa ng sapatos. She liked to wear nice and beautiful shoes but didn’t have any idea how to made one. At marahil, noong mga panahong nawala ang papa niya’y tila nawala na rin ng halaga kay mama ang negosyo dahil wala na siyang maggawa ngayon kundi ang hayaang ipasara ang negosyo, at ipagbili ito upang mabayaran ang mga pagkakautang na pasahod sa mga manggagawa at iba pang pagkaka-utang nila.
Napansin na niya iyon noong nagkokolehiyo pa lang siya pero isang malaking pagkakamaling naniwala siya sa ina na maayos lang ang lahat. Ngayong graduate na siya ng kolehiyo at maaaring maghanap ng sariling trabaho para mabuhay, masakit pa rin sa kaniyang ang negosyong itinayo at pinaghirapan ng mga magulang ay wala na.
And to make things worst, ang nag-iisang bahay nila, ang tahanan kung saan tumira sina mama at papa niya, ang tahanan kung saan siya lumaki at ang nag-iisang alaala ng mga magulang niya ay nanganganib na mailit. Nawala na ang negosyo, pero hindi niya gustong pati ang bahay ay mawala.
Nanghihinang napaupo si Sophia sa sahig, nakasandal ang likod sa paanan ng sofa, ang binti’y nasa harap ng dibdib at ang noo’y nakasubsob sa dalawang tuhod.
Nawawalan na siya ng pag-asa.
Sa mga oras na ito ay wala siyang alam na malalapitan. Hindi siya matutulungan ng auntie niya dahil umalis na ito ng bansa pagkalibing sa mama niya. She just showed up to take her play as her mom’s sister. She’d been sweet to her, but Sophia knew her better.
And now, she’s curling like a ball, sulking, crying, mending her shattered heart, thinking she’d to set aside her shattered heart and just continued on living. But, it wasn’t easy. Life was taking her sweet time breaking her in every ways it could.
*****
Nagising si Sophia sa maingat pero sunod-sunod na katok sa pinto. Nananakit ang katawang tumayo siya mula sa pagkakahiga sa sahig. Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya sa kinauupuan kanina nang makaalis ang abogado.
Tumingin siya sa orasan at napapikit siya nang mariin nang makitang mahigit alas-sais na ng gabi. Bumalik ang isip niya sa reyalidad nang madinig muli ang mga katok at sa pagkakataong ito’y tila desperado na ang kumakatok. Inayos niya ang sarili, huminga nang malalim at nagtungo sa pinto para buksan iyon. Binuksan niya ang pinto pero ginawa niya ito habang nakakabit pa ang chain lock. Mag-isa na lang siya at kailangan niyang maging maingat sa bawat kilos at bawat papatuluyin niya sa bahay.
“Magandang gabi, Mam Sophia.”
Napakurap siya nang mapagmasdan ang taong nasa likod ng pinto. Gulat, kaba at may pagtatakang inalis niya ang chain lock upang mapagbuksan ito nang tuluyan.
“Hector, anong ginagawa mo rito?” may pagtatakang tanong niya sa lalaking siya pa lang kumakatok sa pinto.
Hindi ito kaagad sumagot at sa halip ay pinasadahan siya nang tingin. Lumambot ang ekspresyon ng mukha nito, tumigil ang mga mata sa mukha niya at kaagad rumehistro ang lungkot sa mga mata nito. Lungkot at hindi awa. Kung tiningnan siya nito na para bang isa siyang nakakaawang nilalang ay pagsasarhan talaga niya ito.
“Hector,” aniya ulit nang hindi ito sumagot. Kailangan niya ring malaman kung bakit ito nagpunta sa bahay niya sa ganoong oras. Hindi ito nagpunta sa libing ng mama niya, hindi dahil sa inaasahan niyang pupunta ito, ngunit hindi niya rin inaasahang pagkatapos ng apatnapung araw pagkamatay ng mama niya’y mapagbubuksan niya ito ng pinto.
“I’m sorry, kababalik ko lang galing States kaya hindi ako nakapunta sa libing ni Ma’am Sanya,” apologetic na wika nito at alam niyang hindi ito nagsisinungaling. Ilang beses sinabi ni Nana Sabel na gustong-gusto nitong umuwi pero hindi ito pwedeng umuwi dahil tinatapos nito ang isang project doon.
Umiling siya at matipid na ngumiti. “No, it’s fine. Don’t worry about it, Hector. Anyway, nice to see you again,” she said gently, and she’s being honest to him.
“I’m happy to see you again, Ma’am Sophia,” his eyes grew tender as he stared at her.
Her heart ached the moment those words flew on his mouth. And therewere two kinds of ache; ache that he’s happy to see her and another kind of ache cause she’s still Mam Sophia to him.
“Drop the Ma’am, just Sophia. After all,” she paused and looked away at him, “I have nothing now, and you’re not working here anymore, nor Nana Sabel.” Hindi niya maiwasang hindi mahiya dito.
Apo ni Nana Sabel si Hector sa panganay nitong anak na si Ate Nora. Maaga itong nabuntis noong dalaga pa. Wala pa siya noon sa mundo at halos kakakasal lang ng mama’t papa niya nang tinulungan nila sina Nana Sabel at Ate Nora hanggang maipanganak si Hector. Mas matanda ito ng halos tatlong taon sa kaniya at paminsan-minsan ay dumadalaw sa bahay nila para tulungan si Nana Sabel noong malaki-laki na ito.
Ngayon, hindi na lang ito basta katu-katulong ni Nana Sabel at ng mama niya, isa na itong ganap na Engineer at siya nang tumutulong sa ina at kay Nana Sabel. World really knew how to make things upside down.
“Sophia…” he murmured, making my head turned to him and there he was, looking at his shoes while murmuring her name. This one seemed odd but bizarrely adorable.
“D-Did you come just to say I’m sorry?” she asked. She actually didn’t know what to do with the fact that Hector came and see her again after almost two years.
“Yes and no,” he immediately answered. “But, will you let me in first? If it’s fine with you,” his voice sounded unsure.
Sophia blinked at him and immediately steps aside. “Oh, I’m sorry. Sorry about my manners,” she said as she gaped at him. “Really sorry,” she added.
His lips twitched and she didsn’t need to admit that it’s cute, cause it’s really cute. “It’s fine. You, talking to me is a big thing for me.”
She looked at him and found out that he’s looking at her; his eyes were still tender while it’s on her, roaming, searching, looking, and it’s making her uneasy.
“Pumasok ka na,” wika niya at tinalikuran na ito. “Maupo ka muna at ikukuha kita ng maiinom.” Hindi na niya hinintay pa itong sumagot at sa halip ay pumasok na siya sa kusina. Nanghihinang napahawak siya sa counter at napakapit roon nang mariin.