PART 2

1722 Words
Malaki ang tiwala ni Sophia kay Hector, hindi lang dahil sa apo ito ni Nana Sabel kundi dahil simula pa lang bata sila ay parang naging kuya niya na ito. Natapos lang ang tingin niya dito bilang kuya nang hindi sinasadyang mahalikan niya ito sa labi noong labing-anim na taon pa lang siya. Aksidente ang lahat pero kakatwang nagkaroon ng ibig sabihin para sa kaniya ang nangyari. Ngunit tila naging masakit para sa kaniya na tila wala lang rito ang nangyari. Simula noon, paminsan-minsan na lang siya sumasama rito hanggang tuluyan na siyang umiwas dito noong nasa kolehiyo na siya. Pumupunta pa rin ito sa bahay nila ngunit madalas siyang mangatwirang busy siya o nagtutulog-tulugan siya kapag nakatunog na nasa bahay ito. Hanggang nagulat na lang siya sa binalita ni Nana Sabel na pagkatapos mismo ng graduation nito’y lilipad na ito para pumuntang States dahil may natanggap daw itong project doon kasama ng ilang kaibigang Engineer. Pagkatapos ng ilang taon ay masaya siyang makita ito pero hindi sa ganitong estado. Hindi sa panahong mahina siya, nagguguluhan at nalulungkot. “Okay ka lang ba, Sophia?” Napapitlag siya nang madinig ang tinig ni Hector. Hindi niya ito nilingon at kumuha ng baso tsaka juice sa loob ng ref. Mabuti na lang at may stock pa siya ng juice at pagkain. Nang makapagsalin ng juice sa baso ay hinarap niya ito, ipinatong ang baso sa ibabaw ng counter malapit kay Hector. “Uminom ka na muna,” bahaw na alok niya dahil ang totoo’y gusto niya na itong umalis. No, gusto niya itong manatili pero hindi niya kayang manatiling nasa paligid niya ang presensiya nito. “You miss them,” he whispered. Hindi siya nagsalita at sa halip ay tumalikod at kunwa’y maghahanda sa pagluluto gayong ang tanging alam niya lang lutuin ay mga pritong pagkain. Simula ng maging mag-isa siya at wala nang nagluluto para sa kaniya ay sinubukan niyang mag-aral magluto, pero madalas bigo siya at nauuwi lang sa wala. Kung minsan man, dahil sayang ang pagkain, pinagtitiisan niyang kainin kahit na hindi naman lasang pagkain, sunog o halos hilaw pa. At nakakalungkot mang isipin, ginagawa niya iyon habang umiiyak at nahahabag sa sarili. “Sophia,” tawag nito sa kaniya. “Salamat sa pagdalaw, Hector, pero okay lang naman ako.” Lumingon siya rito at ipinaskil ang praktisadong ngiti na madalas niyang ipakita sa mga taong dumadalaw nitong mga nakaraang araw upang kumustahin siya. “Hindi pa kita maaalok kumain dahil hindi pa ako nakakaluto at i—“ “I’ll cook,” agaw nito sa mga sasabihin niya. “Hindi na kailangan,” sansala niya rito. Gusto niyang magsisi at sinabi pa iyon. Bakit ba hindi na lang niya diniretsang umalis na lang ito? “I’ll cook for you,” he said firmly and took off his black silk jacket revealing gray shirt and his firm biceps muscles, then put the jacket on the chair. Dahil banat sa trabaho ito simula pa ng bata ay hindi talaga maikakailang ma-muscle at maganda ang pangangatawan nito. Dagling nag-init ang pisngi niya dahil sa realisasyong gusto niya ang muscles nito, hindi lang sa braso pero… ‘Get a grip, Sophia!’ Her mind shouted. “Hindi na kailangan, Hector,” pigil niya dito nang magsimula na itong lumakad patungo sa may ref. Mabilis siyang tumakbo at iniharap ang katawan sa pinto ng ref. “Nakita mo ng okay ako, sa tingin ko’y pwede ka nang umalis,” dagdag niya pa dahil sa kagustuhang paalisin na talaga ito. Tumigil si Hector isang hakbang nito mula sa kaniya o kung siya ang hahakbang ay kakailanganin niya ng dalawang hakbang. Mahahaba ang kalis ni Hector, pero sa tingin niya’y hindi sa kalis lang ni Hector siya dapat kabahan. Dapat siyang kabahan sa buong Hector na nasa harapan niya lalo pa’t pagkatapos niyang sabihing pwede nang umalis ito’y nagsalubong ang kilay nito. “Pinapaalis mo ba ako?” He’s asking the obvious, but even though she didn’t know how to cook, she lied about what she felt, still, she’s not a b***h to tell him ‘isn’t it obvious.’ “You must be tired and you…” She stopped speaking, and then she stared at him, realizing what's happening. “You just didn’t drop by to ask if I’m okay, right?” “Nana Sabel told me to look after you.” He stepped closer and spoke again, “Even she didn’t tell me, I’ll still come and see you.” Napaawang ang labi niya sa sinabi nito, ngunit kaagad rin niyang pinagdikit ang labi nang mapansing lumipat doon ang tingin ni Hector. Wala sa loob na napasandal siya sa ref dahil tila gustong bumigay ng mga binti niya dahil sa paraan nang pagtingin ni Hector sa kaniya. “H-Hindi mo kailangang gawin iyon. H-Hindi na nin—“ “Mag-isa ka lang rito at hindi ligtas iyon. Hindi magandang tingnan na mag-isa ka lang dahil tiyak na—“ “Naka-survive ako ng forty days ng ako lang mag-isa,” sansala niya rito. “No. Everyone's watching your back, but you keep on telling them you’re fine when the truth is your not,” he reared back. This one got her. Everyone in there town was asking if she’s fine, and she knew better that they’re doing it because her parents were a good people. But it’s her parents that were good, not her. “You know, you can’t stay here,” she whispered, backing down. “Sophia, I used to stay here. Your parents let us stay here. I promised, I’ll just stay until you’re fine and we’re sure you’re really fine.” Mariin siyang pumikit at umiling. This wasn’t happening to her. She’s not having this kind of conversation with him. And, unexpectedly it’s happening after two years of not seeing him. With this thought, she opened her eyes and scowled at him. “At sa palagay mo ba’y magandang tingnan na tayong dalawa ang nakatira dito?” sarkastikong tanong niya kay Hector. At huli na nang ma-realize niyang may mali na naman sa sinabi dahil tuluyan nang lumapit si Hector sa kaniya hanggang ilang pulgada na lang ang pagitan nila. Itinukod nito ang magkabilang kamay sa magkabilang gilid niya at bahagyang nagyuko ng ulo upang magkapantay sila ng mukha. This one was new! He never did this before. Then, he spoke in a low, firm yet tender voice. “Years, years ago, Kuya Hector ang tawag mo sa’kin at si Miss Sophia ka para sa’kin pero kahit saan tayo magpunta at kahit sinong makakita sa’tin na magkasama tayo, walang problema sa’yo. Two years ago, I became just Hector to you, but you’re still Miss Sophia to me.” He paused, then dipped his face closer. “Just few minutes ago, I’m just Hector to you and you became just Sophia to me.” He paused again, his eyes now searching something at her face. “Now, if we live here together because I have to make sure you’re safe and fine, and those people around began to be nosy and made you uncomfortable, then let me deal with them like how we deal with them years, years ago.” Hindi niya magawang magsalita. Kinakabahan siya dahil sa sobrang lapit nila sa isa’t-isa at mas kinakabahan siyang magsalita dahil feeling niya’y wala na naman siyang sasabihing maganda at matino. “Sophia, alam kong huli na ang pagdating ko. It’s been forty days since Mam Sanya died, pero nang malaman namin ang nangyari sa negosyo ninyo at ang maaaring mangyari sa bahay ay dito ako kaagad dumiretso pagkababa ko pa lang ng eroplano,” malumanay nitong wika nang hindi siya nagsalita. Now, that’s another big info! Hector coming at her the moment the airplane where he rode landed. Immediately. Not thinking about jetlag, being tired or what. And it’s made her heart somewhat squishy. But, she set aside the thought of her heart being squishy. She looked up at Hector and talked in a low tired voice. “Problema ko iyon, Hector at hindi ninyo kailangang mag-alala.” Umiling-iling ito. “No, nag-aalala si Nana Sabel sa’yo.” Gusto niyang matawa sa sarili dahil sa sakit na bigla na lang nadama sa dibdib nang sabihin nitong nag-aalala si Nana Sabel at hindi na muling nadugtungan pa. Umaasa ba siya na mag-aalala rin ito sa kaniya? “Pakisabi na lang kay Nana Sabel na okay lang ako at magiging maayos ang lahat,” iwas ang tinging tugon niya. “Sophia…” “Please, Hector, umalis ka na. Kaya ko na ang sarili ko at kakayanin ko lahat ng ito.” “Hindi. Kailangan mo ng tulong at gagawin namin ang lahat para makatulong sa kahit anong paraan.” Sinubukan niya itong itulak sabay nang mariing pag-iling. “It was my parents who helped your family and not me.” “Hindi na mahalaga iyon. Hindi ka na iba sa’min at iyon ang mahalaga ngayon,” giit pa rin nito at hindi umaalis sa pagkakatayo sa harap niya. “Sophia, sorry, but this time whether you like it or not, I'm going to stay here.” Magsasalita pa sana siya pero sa isang kisapmata ay hawak na siya nito sa kamay at marahang hinihila patungo sa isa sa mga stool at pina-upo siya roon. “Hector!” angal niya’t akmang tatayo na pero mabilis siya nitong tinaliman ng tingin. “No, you'll sit and I’ll cook,” he said firmly, making her sat at the stool. Laglag ang balikat niyang tumango at pinanood itong gumalaw sa kusina niya. He’s a man but it seems he knew things better that she do, especially in the kitchen. “You’re tired…” she blurted without thinking and just staring at the counter. She felt his eyes on her but she didn’t move, instead she whispered, “Jetlag sucks.” She heard him chuckled and it made her heart squishy, again. “Jetlag’s a history the moment I saw you,” his voice soft and tender. That earned another squishy heart. And, she doubt it if it’s good. Nagluto ito at kumain sila. At sa kauna-unahang pagkakataon simula nang umalis si Nana Sabel, nakakain siya ng masarap na pagkain. This almost made her cry, but she stopped herself from doing so, not on Hector's scrutinizing eyes and her heart being squishy again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD