PART 3

1594 Words
Papasok pa lang si Sophia sa kusina para magluto ng agahan ay amoy niya na kaagad ang mabangong aroma nang ginigisang bawang at sibuyas. Awtomatikong napangiti siya kasabay nang pagkalam ng tiyan. Gustong-gusto niya ang amoy ng bawang at sibuyas kapag ginigisa. It’s the scent of home. It’s the scent she used to smell when Nana Sabel was around, or when she’s nagging her mother to teach her to cook while her father was there drinking coffee, smiling at her. But, that’s all a was and she’s all alone now. She dismissed the thought before it totally engulf her and make her cry. Kailangan niyang magluto na, kumain at maghanda para maghanap ng trabaho. Malapit nang maubos ang laman ng bank account niya at hindi magandang senyales kapag naubos iyon ng wala pa rin siyang trabaho. Nang makapasok siya ng kusina ay tuluyang lumipad lahat ng isipin niya at natuon kay Hector na nakasuot ng asul na t-shirt, walking short, at puting tsinelas na pambahay. Nakatalikod ito sa kaniya at nakaharap sa stove habang may hinahalo sa kawali. Hindi nagtagal ay pumailanlang sa hangin ang pamilyar na masarap na amoy. It’s been a long time since the last time she’d smell that scent. “Hey, morning, Sophie,” Hector greeted her with a wide warm smile on his lips. She blinked and gaped at him. Bakit ba niya nakalimutang dito natulog si Hector at kahit labag sa loob ay wala na siyang naggawa kundi hayaang matulog ito lalo’t gabi na? “Maghanda ka na’t ako ng bahala rito,” nakangiti pang wika nito at muling tumalikod sa kaniya para tingnan ang niluluto. Nanatili siyang nakatayo at nakatulala sa binata. Hindi ma-process ng utak niya ang nangyayari. Napilitang pumayag siya kagabi na sa bahay na ito matulog pero hindi ibig sabihin noon ay pumayag na rin siyang dito na ito tumira. Hindi ito pwedeng manatili sa bahay niya. “Sophie…” His sweet tender voice caught her attention and she glanced at him. “M-Morning…” she said or more likely she whispered and this earned a grin from him. “You want coffee?” he asked. “Or you gonna get ready first?” She tilted her head at him, not understanding what he’s saying. “What?” He didn’t answer; instead he turned off the stove and walked towards her. Tumigil ito sa harap niya. “I saw your written routine pinned there,” he started and pointed her fridge. “Maghahanap ka ng trabaho ngayon, magpapasa ng mga resume at bago umuwi ay mag-go-grocery. Leave the grocery to me and focus on the rest. ” Nanatili siyang nakatitig rito. Nakukuha niya ang ibig sabihin nito pero hindi magawang tanggapin ng utak niya ang sinasabi nito. What’s happening right now was too much. “Sophie…” he called. Isa pa iyon, he’s calling her Sophie and unfortunately it’s making her heart squishy again. No, not just that. Hector’s telling her to get ready while he cooks. Hector’s asking if she wanted coffee. Hector’s telling her that she could go on finding job while he did the grocery. And all of these, he’s doing it as if it’s part of his daily routine with her, making her heart super squishy. “W-Why?” Bago pa niya napigilan ang sarili ay naibulong niya ang salitang iyon. “Sophie y—“ “It’s Sophia!” He grinned. “Whatever. Anyway, coffee first or you gonna get ready first?” “Stop doing this, Hector,” she told him. “Dito na ako titira, Sophia, at sa ayaw mo man o sa gusto mo, gagawin ko ito. Kung gusto mo rin, I’ll pay you para pinakarenta ko na.” “Wala kang babayaran sa’kin dahil aalis ka na mamaya,” mariing aniya. Ayaw niyang maging tariray o mukhang walang utang na loob pero buhay niya at problema niya ang gusto nitong pakialaman. At hindi siya papayag na masali pa ito sa mga dalahin niya. “Kahit anong sabihin mo, dito ako titigil hanggang maging maayos ang lahat," parang walang naririnig na anito. “Maayos ang lahat, Hector!” maagap niyang ani. “Alam mong hindi, Sophia, at alam nating kailangan mo ng tulong. Bakit ba hindi mo kami hayaang tulungan ka?” Umiling-iling siya at nilagpasan ito. Naiinis siya rito pero mas higit ay sa sarili. Padabog siyang kumuha ng baso at ng tubig bago uminom. Pilit niyang pinakalma ang sarili dahil alam niya sa sarili niyang gusto lang nitong tumulong pero hindi, hindi niya kayang tanggapin ang sinasabi nitong tulong. Kailangan niyang kayanin ang lahat na mag-isa. Kailangan niyang masanay na mag-isa. “Ayaw kong makipag-away sa’yo, Sophia.” Mariin siyang pumikit habang mahigpit na hawak ang baso. Palaging unang nagpapakumbaba si Hector sa kaniya noon. Kahit pa nga siya ang may kasalanan ay ito ang unang magso-sorry. Kung gaano ka-importante at kalapit sa kaniya si Nana Sabel ay ganoon rin ito. “Kung ayaw mo talagang dito ako tumira, kukuha na lang ako ng malapit na apartment dito. But, to tell you, I’ll do anything to make sure you’re okay. I’ll gonna watch your back no matter what.” Those were his last words before she felt him walked away quietly. She opened her eyes and saw that she’s all alone, again, inside the big classy yet cold kitchen. Yeah, it’s cold. And that’s Hector. He’s nice, kind and a good man. No doubt about it. Sina Nana Sabel at Ate Nora ang nagpalaki rito at mabubuti silang tao. Mabubuti rin namang tao ang mga magulang niya at isa rin si Nana sa nagpalaki sa kaniya, ngunit bakit ganito siya? Bakit ba hirap na hirap siyang tanggapin ang tulong nina Nana Sabel? Bakit ba kasi nawala na si Papa ay sumunod pa si Mama? Bakit ba nila siya iniwang mag-isa? Binitawan niya ang baso at katulad kahapon ay naupo sa sahig at habang yakap ang dalawang binti ay isinubsob ang mukha sa ibabaw ng sariling tuhod. Dinig niya ang mahinang ingay mula sa labas ng kusina. Ibinaba ni Hector kagabi ang ilang gamit mula sa sariling kotse at marahil naghahanda na itong umalis ngayon. Ang sama niya! Nagluto ito para sa kanila at hindi man lang niya hinayaang kumain man lang ito bago siya nag-tantrums. “Psh. Kapag hindi ka pa naligo ay tatanghaliin ka.” Nag-angat siya ng mukha. Nakaupo na rin si Hector malapit sa kaniya habang nakasandal sa gilid ng counter. May maliit na ngiti ito sa labi habang ang mga mata’y masuyong nakatingin sa kaniya. “Gusto ng mga kompaniya na maaga at presentable ang mga empleyado nila. Ihahanda ko na ang pagkain mo habang nagbibihis ka, kumain ka, mag-relax at mag-focus. Aalis rin ako mamaya,” malumanay na ani Hector. Tiningnan niya ito. “Hindi ka galit?” Ngumiti ito. “Nope. Alam kong nahihirapan ka sa mga nangyayari kaya ka nagkakaganiyan. So, it’s fine and I’m not mad.” Nanatili siyang nakatitig rito. Kagabi ay hindi niya masiyadong napagmasdan ito pero ngayong maliwanag at malaya niyang napagmamasdan ang mukha nito, feeling niya’y napakatagal ng dalawang taon dahil sa laki ng ipinagbago nito. “Come on.” Napapitlag siya ng bigla siyang hawakan ni Hector sa magkabilang braso at iginaya palabas ng kusina. “Go and get ready,” pagtataboy nito sa kaniya. Wala na siyang naggawa kundi umakyat para maligo at magbihis habang naghahanda ito ng agahan nila. ***** Madalas marinig ni Sophia mula sa mga classmate niya dati na mahirap maghanap ng trabaho ngunit hindi niya alintana iyon dahil sa negosyo nila. Ngayon, napatunayan niyang hindi biro pala talaga ang maghanap ng trabaho. Maraming nagsasabi na tatawagan na lang siya o bumalik na lang siya pero alam niyang hindi totoo iyon, dahil pagkatapos nilang makitang fresh graduate at malamang wala pa siyang kahit anong experience ay kaagad nagbabago ang ekspresyon nila. Kaya heto siya, laglag ang balikat at nanghihina sa pagod at gutom. Skyflakes lang at tubig ang kinain niya ng lunch dahil kailangan niyang magtipid. Baka hindi umabot ang budget niya hanggang makahanap siya ng trabaho. Binuksan niya ang pinto ng bahay at pumasok sa loob. Gaya ng madalas niyang datnan ay tahimik, malamig, at malungkot ang bahay kapag dumarating siya. Mabuti na lang at maaga pa kaya hindi pa dumidilim. Nanghihinang ibinagsak niya ang pagal na katawan sa malambot na sofa. Tumingin siya sa kawalan at bago pa niya mapansin ay nag-uunahan na naman ang mga luha sa magkabilang mga mata niya. Pinanghihinaan na siya nang loob, nalulungkot, nawawalan nang pag-asa at hindi na niya alam ang gagawin. She curled herself like a ball and cried against one of the throw pillows. Hindi niya pinansin ang pagkalam ng sikmura niya at nagpatuloy sa tahimik na pag-iyak. Tahimik ang buong bahay at dahil sabi ni Hector ay aalis rin ito, alam niyang babalik na naman siya sa luto niyang hindi ata pantao. Gusto niya muling matikman ang luto nito nito at marinig ang boses nito. Gusto niya muling may makausap o kahit kaaway man lang. Nakakabaliw ang kalungkutan at katahimikan ng paligid. Namaluktot siya at patuloy na umiyak. Iiyak niya lang ito ngayon, mamaya hanggang sa masanay na siya sa sakit. Alam niyang hindi na mawawala ang sakit sa dibdib niya and worse, baka magaya siya sa ina na pagkatapos ng ilang taon ay bumigay din at hindi na kinaya ang lungkot. Pero, hindi gaya ng mama niya, gagawin niya ito nang nag-iisa. Hindi niya gagawin ang ginawa nito. Hindi niya hahayaang panoorin siya ng ibang taong mamatay sa lungkot. Gaya nang ginawa niya sa'kin. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD