MAAGANG nagtungo ng bayan si Patrick kinabukasan. Namili siya ng mga prutas, gulay at isda na maaaring mailuto ni Alpha. Kahapon ng umaga ay nagsabi itong pupunta ng bayan kaya nag-abot siya rito ng pambili ng pagkain, pero umulan nang malakas kaya hindi nito nagawang umalis. At dahil pupunta naman siya ng bangko ay minabuti na niyang dumaan sa palengke. Pauwi na sana siya nang maisipan niyang dumaan sa tindahan ng karne. Huminto sa isang nagtitinda ng longanisang bawang at nagtanong ng presyo niyon. Wala naman talaga siyang alam sa pamimili dahil karaniwan na ay si Ross, kung hindi man si Mang Ben ang gumagawa niyon sa kaniya, pero alam niyang iba na ang situwasyon ngayon. Ross can no longer do those things for him, like what she used to do. Siguradong hindi iyon magugustuhan ng kaniyang

