TINAPOS ni Alpha ang tawag matapos ang halos isang oras na pakikipag-usap sa pamilya nito. Tuwang-tuwa ang mommy niya at halos ay mapaiyak nang marinig ang boses niya. Nakapagtatakang tahimik naman ang daddy niya at dalawa niyang kapatid. Ni hindi tinanong ng mga ito kung nasaan si Hunter. Siya na ang nagkusang nagkuwento ng situwasyon nila at sinabi sa mga itong nasa maayos naman silang kalagayan. Ang sabi ng Kuya Marlon niya ay tumawag na rin daw sa mga ito si Hunter kinabukasan rin ng araw na itinakas siya nito. Sinabi nitong kasal na sila at huwag mag-alala dahil maayos naman siya. Sinabi rin daw ng lalaki na tatawag na lang siya kapag okay na ang cellphone niya kaya inaasahan na nito ang pagtawag niyang iyon. Itinanong niya sa kapatid kung humingi ba man lang ng pasensiya ang ‘asawa

