NANG matapos magbihis si Alpha ay bumaba siya para magluto ng pananghalian. Wala na si Hunter at marahil ay nagpunta na sa presinto o sa mechanic shop na pinagdalhan ng sasakyan nito. Naghihiwa na siya ng sibuyas at bawang para sa gisadong gulay nang may magpa-tao po sa pinto. “Kayo po ba si Ate Alpha?” tanong ng isang dalagita. Mahaba ang buhok nitong nakalugay na lampas-balikat. “Hi! Yes, ako nga.” Ngumiti siya rito at humakbang naman itong papasok. “Nautusan ako ni Tatay na dalhin ito. May dumating kasing bisita kaya hindi pa siya makapunta eh bilin ni Kuya na kailangan mo raw po ito.” Ipinatong nito sa mesa ang isang puting tila card. It was a sim card. Napakunot ang noo niya. Kaya pala hindi niya magawang tawagan kanina ang mga magulang ay wala pala iyong sim. Kung may wifi sana

