“ANDREI CINCO...ang tikas, ano?” may himig pang-uuyam na sabi ni Hunter. Napatingin si Alpha rito. Tila nanunuot ang uri ng pagkakatingin nito sa kaniya. Marahil ay hindi nito nagustuhan ang pagpapapasok niya sa isang estranghero sa rest house nito. Hindi na lang siya nagkomento sa sinabi ng lalaki. Sa halip ay tumayo siya at isa-isang isinalansan ang mga pinagkainan, kinuha iyon at dinala sa lababo upang hugasan. Kumuha siya ng basahan at pinunasan ang mesa, saka inayos ang pinggan para rito. Nilagyan iyon ng sinangag at scrambled egg. Nakita iyon ni Hunter at saglit itong natigilan. “Oo nga pala, baka tapos ka nang mag-almusal. Kumain ka na ba kila Ross?” Agad niyang inilayo ang tingin sa lalaki matapos itanong iyon. Hindi na niya nakita nang palihim itong napangiti habang napapail

