TATLONG araw na mula nang huling nakita ni Alpha si Hunter at nag-aalala na siya rito. Paano nito natitiis na hindi siya makita sa loob ng ilang araw? Paano nito nagagawang hindi man lamang siya puntahan o pakibalitaan man lamang matapos ang huling gabing pag-uusap nila nito? Sumuko na kaya ito? Marahil ay naisip nitong hindi pala ito handang sumugal sa situwasyong kinakaharap nila. Na naduwag na itong harapin ang papa niya at siguro ay sumuko na ito. Unti-unti ay may bumabangong hinanakit sa dibdib niya patungkol dito. Nang nagdaang gabi ay nag-text siya sa ama na gagabihin dahil may meeting sila sa eskuwelahan pero ang totoo ay pinuntahan niya ang nobyo sa Eezy Point. Nalungkot siya nang malamang hindi na ito nagbalik doon mula nang gabing sumugod ang kanyang ama sa lugar. Sinubukan niy

