BAGAMAN matagal ang biyahe ay maaga nilang narating ang party na sinasabi ng kapatid at taliwas sa naisip niyang party sa probinsiya, ang isang iyon ay napakagarbo. At inakala pa naman niyang remote ang lugar na iyon at hindi karangyaan ang magiging party. Malaki talaga ang nagagawa ng salapi. Tiyak na capital letter M ang gastos doon. Napangiti siya sa sarili. Kahit sa isip ay naroon ang impluwensiya ng bestfriend niyang si Yuri; nagiging kuwela na rin siya. Pagdating sa gate ay ipinakita nilang magkapatid sa receptionist ang kanilang invitation at matapos iyon ay nakapasok na sila. Hindi magkamayaw sa dami ang mga taong naroon, maging bisita man o tagapagsilbi. Nakamamangha ang mga nakikita niya. Ang masaganang hapag ay nakapalibot sa kabuuan ng bulwagan. Nakahain ang iba’t-ibang pagk

